Sinambilat ni Jemaikha ang braso ng lalaki. "Halika nga dito."
"Chotto!" awat ng lalaki sa kanya. "Doko de watashi o tsurete ikimasu ka?" Saan daw niya ito dadalhin.
"Doko ni iku no?" tanong niya kung saan ito pupunta. Tumigil sila sa harap ng Mcdonald's kung saan may lilim.
"University." At itinuro nito ang dokumento na may logo ng University of the Philippines. Exchange student pala ito mula sa University of Tokyo. Ipinaliwanag nito na sa mga bata ito nagtanong kung saan ang sakayan ng jeep papasok sa UP. Humingi daw ng pagkain ang isa at binigyan naman nito. Ugali daw kasi nito na magdala ng pagkain lalo na't nakita nito sa internet na maraming mga batang nagugutom sa Pilipinas.
Di alam ni Jemaikha kung matutuwa sa pagiging mabait ng lalaki o babatukan ito sa pagiging gullible. "E malamang hihingan ka nga ng pera ng mga iyon. Akala mayaman ka at madaling mauto. Sabagay mayaman ka nga at uto-uto. Di ka dapat iniiwan mag-isa dito. Maraming manggagantso dito sa Manila tapos mukhang inosente ka pa. Mananakawan at maloloko ka lang dito. O ang masama baka saktan ka pa. Di ka ba binigyan ng warning bago ka pumunta ng Pilipinas kung paano mag-ingat sa mga tao dito?"
"Wakaranai!" anitong di daw siya maintindihan. "Slow-u. Slow-u." Bagalan daw niya.
Sa sobrang frustration ng dalaga, tuloy-tuloy lang pala siya sa pagsasalita ng Tagalog. Kahit bagalan niya ang sinabi, wala rin itong maiintindihan. Nang subukan niyang I-translate dito ang sasabihin, naisip niyang hahaba lang ang usapan. Kailangan lang naman ng lalaki ng tulong na makasakay sa jeep at makarating sa UP. Pero kung nasa loob na ito ng campus at hirap pa rin ito na mag-Tagalog o mag-English man lang, baka mapag-trip-an pa ito. Hindi pa rin ito ligtas.
"Jeepney station this way," sabi niya at itinuro ang eskinita sa pagitan ng dalawang gusali. Kailangan na nitong maging pamilyar sa ibang salita kaya di na siya nag-Nihonggo. Lumapit sila sa mesa kung saan magbabayad sila ng pamasahe. "Seven pesos." At naglabas ang dalaga ng isang limang piso at dalawang piso. "Manong, isa po."
Akmang magbabayad siya nang pigilan ng lalaki. "No. Watashi ga haraimasu." Ito na raw ang magbabayad. At naglabas ito ng limang daang piso para ibayad sa kahero.
Umiling ang lalaking tumatanggap ng bayad. "No. No change. Only small bills and coins." At ipinakita ang isang daang piso at iba pang mas mababang perang papel.
Kumunot ang noo ni Hiro at tumingin sa kanya. "Goumen nasai," hinging paumanhin nito. At ipinakita ang wallet nito na puro tig-iisang libo at tiglilimang daan ang laman.
Parang aatakihin siya sa puso nang makita kung gaano karami ang dala nitong pera. "Inangkupo! Itago mo iyan. Huwag mong ilabas." Itinupi niya ang wallet nito. "Keep it. Hide it. I will pay," utos niya na itago nito at naglabas ng barya na pambayad. Pansin pa rin niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Di siguro ito sanay nang ililibre pero di naman ito tumutol.
"Domo arigatou," pasasalamat nito at yumukod nang bigyan sila ng pitsa ng kahero.
"Doko ni ikimasu? (Where are you going?)" tanong niya kung saan ito pupunta nang sumakay sa unahan ng jeep.
"Office of International Linkages," anito sa matigas na boses.
"Watashi wa anata o soko ni tsurete ikimasu. (I will take you there)," aniyang dadalhin ito doon.
"Hontou nii?" tanong nito kung totoo at namilog ang mga mata. "^ Natsu no jugyō ya dēto wa arimasu ka? (Do you have summer classes or a date?)"
Nagkibit-balikat ang dalaga. Nilinaw niya na wala siyang summer classes. Date sa eskwelahan? Di naman siya ganoon klaseng estudyante. Pero nakakatuksong sabihin dito na ito na ang ka-date niya.
Ngumiti siya. "Summer class or date-o?" tanong ulit nito sa kanya. Napapitlag ang dalaga. Sinabi dito na may titingnan siyang announcement at pwede naman niyang tingnan mamaya. "Boyfriend?"
Umiling siya. "Wala. Crush mo siguro ako kaya ka tanong nang tanong."
"Nani?" tanong nito kung ano.
"Look! That is the UP Oblation," sa halip ay sabi niya at itinuro ang simbolo ng UP.
"Ah! UP Obration," anang binata at tumango-tango.
"Quezon Hall is there." Itinuro niya ang gusali sa likod ng Oblation. "To stop, you say para."
"Para?" tanong nito.
"Manong, para po," sabi niya.
"Manong, para po," gaya ng lalaki sa kanya. Manghang-mangha si Hiro nang tumigi ang jeep at bumaba sila. "Sugoii! Para po! Arigatou, manong!" Nagpasalamat pa ito sa driver.
Di mapigilang ngumiti ni Jemaikha habang kasabay itong naglalakad. Pinagtitinginan ito ng ibang estudyante dahil guwapo naman talaga ito. And there was something about his easy stride that was fascinating. Parang namamasyal lang ito. May nakasalubong silang isang grupo ng mga estudyante at narinig nila ang hagikgikan ng mga ito. "Hawig ni Dao Ming Xi," tukoy sa sikat na karakter sa Meteor Garden.
"Mas kahawig niya si Rukawa," sabi naman ng bading at pasimple pang nag-cheer gaya ng cheer sa anime na Slamdunk "Rukawa! Rukawa! L-O-V-E Rukawa!"
"This is the office for international students," sabi niya nang nasa labas na sila ng opisina.
Yumukod ang lalaki. "Arigatou gozaimasu! Matta nee." Matapos magpasalamat, sasabihin lang nito na "See you again.". Ibig sabihin itinataboy siya nito?
Napansin niya ang ibang mga estudyante na tumitingin nang may interes dito. Di yata niya mapagkakatiwalaan na iwang mag-isa ang lalaki.
Disiplinado ang mga Hapon at mapagkakatiwalaan. Naaalala pa niya ang kwento ng professor niya na nag-aral sa Japan. Naiwan nito ang bag na may lamang wallet, laptop at cellphone sa isang classroom dahil nagkaroon ng emergency nang isugod sa ospital ang kaklase. Pagbalik daw nito ay naroon pa rin ang gamit nito at walang katinag-tinag at walang nagkainteres man lang.
. Baka akala ni Hiro ay ganoon din katitino ang mga tao sa Pilipinas kaya kampante ito katulad kanina nang pagkulumpunan ito ng mga batang kalye. Baka sa iba pa ito magtanong kapag iniwan niya at iligaw lang ng mapagsamantala. Kundi man ito nakawan, baka mapikot ito o magahasa. Konsensiya pa niya.
"Watashi wa kyō anata no gaido ni naru koto ga dekimasu. (I can be your guide today.)" Nagprisinta siya na guide nito. "I will show you around the campus. Okay?" Hinawakawan niya ang braso nito. "Ikkemassho! Let's go!"