Chapter 41 - Chapter 1

"Filwar, your English improved a lot. Very good. Your teachers and classmates will be impressed, I am sure."

Niyakap ni Jemaikha ang sampung taong batang halos isang taon din niyang tinuruan. Nasa pool area sila at nagsu-swimming. Iyon ang huling araw niya bilang English and Filipino tutor nito. Isang negosyanteng Jordanian ang ama nito at isang Filipina na maybahay ang ina.

Una niyang nakita si Filwar nang umiiyak ito kasama ang yaya sa isang mall. Katatapos lang niya noon na mag-apply sa isang English tutorial company para sa mga Koreano at Hapon pero wala pa ring sagot ang mga ito. Nang tanungin niya ay nalaman niyang Arabic lang at Cebuano ang alam nitong sabihin dahil taga-Cebu ang ina nito na di ito naturuan mag-Tagalog. Dahil doon ay tinukso at na-bully ito sa paaralan. Ayaw na rin nitong pumasok. Namomoroblema siya kung saan kukuha ng papasukan. Nang dumating ang ina ng bata na di Madam Grace at nakita na na-comfort niya si Filwar ay saka niya inalok ang serbisyo niya. Nagtiwala naman ito sa kanya at nagkasundo sila. Malaki ang improvement ng bata hanggang umabot ng isang taon ang pagtuturo niya sa bata.

"Salamat po, Teacher Jem. I hope I will have more friends now. I won't be treated like an alien. Hindi na nila ako ii-snob."

Hinaplos niya ang buhok nito. "You are a bright kid. Gusto ko na mag-aral kang mabuti."

"Pwede na po ba akong mag-boyfriend?" tanong ng batang babae.

"Boyfriend? You are just ten," aniya at natawa. "Sino ang crush mo?"

Ngumuso ito sa direksyon ng kabilang bahagi ng pool at humagikgik. Isang lalaki na matangkad at maput. Nakasuot ito ng swimming shorts at naka-white sando. Parang nagwa-warm up pa lang ito sa poolside. Sa palagay niya ay di nalalayo ang edad ng lalaki sa kanya.

Pero naintindihan niya bakit kinikilig ang estudyante niya. He had almond eyes, cute nose and thin lips. May kahabaan ang buhok nito na naka-pusod sa likod. Guwapo nga ang lalaki. Kung di pa sinabi sa akin na lalaki siya, akala ko babae. Mas maganda pa sa akin.

And she was drawn to him. Di niya maalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman siya ang tipo ng babae na basta-basta nagkakagusto sa guwapo. Abnormal nga siya dahil kahit mga sikat na artista ay di niya pinapansin. Pero pagdating sa lalaking ito, parang may magnet na nagpapagkit sa mga mata niya dito.

Napatili siya nang tumilamsik ang tubig sa kanya dahil sa paghampas ni Diday, ang yaya ni Filwar. Nakauklo ito sa may gilid ng pool at di nila kasamang naligo. "Akin si Yamashita Treasure. Ako unang nakakita sa kanya nang lumipat noong isang araw. Bata ka pa."

"Di ka naman niya kinakausap. He said "Hi" to me at nag-high five pa po kami. He likes me," katwiran naman ni Filwar.

"Natural bata ka. Gusto ka ng lahat. Doon ka na lang kay George na anak ng ambassador. Blue eyes pa iyon. Bagay kayo." Kinawayan ni Diday ang isang batang lalaki na may asul ang mata at blonde ang buhok. "George, play-play with Filwar. Come on, vamonos! Everybody let's go." Magaang itinulak ni Diday ang alaga. "Sige na. Puntahan mo na si George." Napilitan namang sumunod si Filwar dito.

"Pati ba naman bata..."

"Akin lang si Yamashita Treasure." Kumaway si Diday sa lalaki. "Hoy! Moshi-moshi anone! Nandito ako, umiibig sa iyo."

Naisubsob na lang ni Jemaikha ang mukha sa gutter ng pool. Ayaw niyang madamay sa eksena ni Diday. "Diyan ka muna. Langoy lang ako doon."

Ie-enjoy na ng dalaga ang huling araw ng pagtatrabaho doon. Third year college na siya na kumukuha ng Linguistics sa University of the Philippines. Sa Asian language siya naka-focus. Madugo at masakit sa ulo pero gusto niya ang kursong iyon. Mahalaga kasi ang komunikasyon at malaki ang naitutulong para tawirin ang iba't ibang kultura at lahi. Iyon din ang gusto ng tatay niya na kunin niyang kurso. Dating nagtrabaho sa Japan ang tatay niya ay inuwian pa siya ng bala ng original na anime na gusto niya kaya na-fascinate siya sa lengguwahe ng mga Hapon.

Nagpatuloy siya sa paglangoy pero nagulat siya nang biglang bumangga ang ulo niya sa matigas na bagay. Napasinghap siya at dali-daling umahon.

"Ow! Goumen nasai!" bulalas ng lalaki. Nang iangat niya ang tingin ay si Yamashita Treasure ang nasa harap niya.

"Hi!" nausal na lang niya habang nakatigagal dito. Mas guwapo nga ito sa malapitan.