Chapter 43 - Chapter 3

"MARAMING salamat sa pagtuturo sa anak ko, day. Hindi na mahiyain si Filwar ko ba. Di na siya nabu-bully. Panigurado makakahabol na siya sa lessons sa school. Pag binully pa nila ang anak ko, babanatan ko na silang mga lintik sila. Pati tuloy ako napapa-English-English na rin. Nakakadugo ng ilong," anang si Madam Grace na ina ni Filwar na may accent ng Cebuano. "Ay naku! Doon naman sa Jordan hanggang-hanga siya sa English ko. Dito lang naman mapangmata ang mga tao."

Ginabi na siya dahil ayaw pa siyang pakawalan ni Filwar. Matapos maghapunan ay nagyaya pa itong manood ng paboritong Disney program sa TV room. Nakaunan ito sa kandungan niya habang sila naman ng nanay nito ay nagkukwentuhan.

"Hayaan na po ninyo ang mga iyon, Madam. Wala naman pong mataas na wika o dialekto sa iba. Ang mahalaga nagkakaintindihan ang mga tao. Kung magaling ka ngang mag-English o Tagalog pero nang-aapi ka naman ng kapwa mo, di rin po tama."

"Tama ka diyan. Hindi iyan ang basehan ng pagkatao pero salamat pa rin dahil sa iyo nakakaya ko nang makipagsabayan ng English sa sosyal kong neighborhood. Amigas ko na sila." Sinilip nito si Filwar. "Nakatulog na pala siya."

Kinintalan niya ng halik ang noo ng bata. "Uuwi na rin po ako."

"Sige. Si Diday na ang bahala sa kanya." Nang paalis na siya ay pinabaunan pa siya ng pagkanin ni Madam Grace. "Iuwi mo na sa pamilya mo, day. Magugustuhan iyan ng kapatid mo lalo na 'yung cake. Ako ang nag-bake niyan."

"Salamat po, Madam."

Inabutan siya nito ng sobre. "Heto. Bonus mo iyan."

Sinilip niya iyon at nagulat nang makita ang sampung limandaang pisong papel na laman niyon. "Madam, sobra naman po ito."

"Maliit na bagay lang iyan. Kailangan mo iyan para sa inyo ng kapatid mo. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Bata ka pa pero masikap ka na sa buhay. Malayo ang mararating mo, day. Kaya mag-aral ka hangga't may pagkakataon."

Niyakap niya ang babae. "Maraming salamat, Madam."

"Huwag kang mag-alala. Kapag may kakilala akong nangangailangan ng tutor, ikaw ang ire-refer ko. Malay mo ako naman maging estudyante mo."

"Aasahan ko iyan, Madam."

Magaan ang hakbang niyang pumasok ng elevator. Nasa thirtieth floor siya galing. Nanlalamig siya habang hinihintay na umakyat ang elevator. Hindi talaga siya sanay na sumasakay ng elevator. Napapraning siya na baka makulong siya doon kapag nasira ang elevator pero di naman niya kayang takbuhin pababa ang fire exit mula thirtieth floor. Kaya lakasan na lang ng loob at dasal ang ginagawa niya.

Nang bumukas ay walang laman iyon. Pumasok siya at akmang pipindutin ang close door button nang may pumasok din. Nanigas ang buong katawan niya nang makitang si Yamashita Treasure ang kasama niya. But this time, wala ang masungit na girlfriend.

Ngumiti ito sa kanya at ito ang pumindot sa close door button pati na rin sa ground floor button. Ngingiti din sana siya nang maalala ang pamamahiya sa kanya ng girlfriend nitong parang laging aagawan ng lalaki.

"Hi!" bati nito at bahagyang yumukod. Pero mas "Hai!" ang dinig niya dahil sa Japanese accent.

Maasim lang siyang ngumiti at itinuwid ulit ang tingin sa harap ng elevator para i-discourage ang lalaki na kausapin siya. Baka mamaya ay mulagatan na naman siya ng girlfriend nitong Himalayas Mountain Range ang level ng dibdib. Mas mabuti nang umiwas.

"Sumimasen..." Nilingon niya ito nang marinig niya ang "excuse me" nito nang biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw.

Tumili si Jemaikha. Nang makita niya ang elevator ay naka-stock ang up marquee nito na nasa taas. Ibig sabihin ay umaakyat pa rin iyon. Nasa pagitan pa sila ng dalawang floor.

Pinindot niya ang down button. "Bumukas ka. Bumukas ka." Nag-panic siya nang di iyon gumana. "No! No! No! Ayoko dito. Tulong!" Kinalabog niya ang pinto

Lumapit ang lalaki at hinawakan ang balikat niya. "Daijoubu desu." Sinasabi nito na magiging okay lang ang lahat.

"Daijobou ja nai! (I'm not okay)" konta niya dito. "Mamamatay na tayo dito! Paano magiging okay?" Kumunot ang noo ng lalaki. Marahil ay hindi siya nito maintindihan. "Watashitachi wa koko de shinudarou." (We will die here!)

"Watashitachi wa koko de shinu koto wa arimasen." (We won't die here), pagpapakalma ng lalaki sa kanya. Di daw sila mamamatay doon.

Pinindot nito ang emergency button. Hindi niya iyon napansin kanina dahil sa sobrang pagkataranta niya. Ngumiti ito sa kanya na parang balewala lang ang pagka-trap nila sa elevator. "Watashitachi wa daijōbudesu. Mentenansu tantōsha ga shūsei shimasu." (We will be fine. The maintenance people will fix it.) Ayos lang daw sila. Dadating daw ang maintenance para ayusin ang elevator.

Sumandal si Jemaikha sa dingding ang elevator at dali-daling inilabas ang cellphone sa body bag niya. "Okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang ako. Makakauwi pa ako nang buhay." Nangininig siyang nag-text sa kanila pero laking dismaya niya nang makitang di iyon nag-send dahil walang signal. Nanlalambot siyang dumausdos sa metal na pader ng elevator. "Walang signal dito. I am doomed. I am really doomed. Kawawa naman ang kapatid ko. May sakit na nga si Tatay tapos mawawala pa ako. "

Nilingon niya ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya na parang naaawa sa kanya. Pero parang walang kakaba-kaba dito. "Ikaw? Di ka ba natatakot na mamamatay tayo? Watashitachi wa koko de shinudeshou. Anata wa osorete imasen ka?" ulit niya sa Nihongo.

"I-In my country…" marahan nitong sabi na parang hirap mag-English.

"Daijoubu yo. Watashi wa nihongo o hanasu koto ga dekimasu. (It's okay. I can speak Japanese.)" Sinabi niya na ayos lang. Marunong siyang mag-Nihongo.

Ipinaliwanag nito na sa Japan ay sanay ang mga ito na maghanda sa oras ng sakuna. At ang unang rule daw ay huwag mag-panic.

"Naku! Sa Pilipinas walang training-training dito. Abala kami sa pang-araw-araw naming buhay. Happy-happy basta maganda ang panahon. Parang si Tipaklong lang. Kapag oras ng sakuna, nagkakanda-leche-leche na. Good for your country," aniya sa salitang Hapon at nag-thumbs up. "Kita mo. Di na nga tayo masasagip dito sa elevator. Bagal talaga. Mauubos na oxygen dito pero wala pa ring aksyon."

Naiyak na naman siya. Kahit anong kwento niya para ma-distract siya sa kalagayan niya ay di pa rin maaalis sa kanya ang lungkot at takot na maaga siyang mawawala sa mundo.

Umusod ang lalaki palapit sa kanya. Kinabig nito ang ulo pahilig sa balikat nito at bumulong sa kanya. "Saigono kissu wa yabako no flavor gashita. Nigakute setsunai kaori."