Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 53 - Just You and I

Chapter 53 - Just You and I

Shanaia Aira's Point of View

HULING gabi na namin ni Gelo sa Tagaytay. Pansin ko parang malungkot sya. Kanina pa sya walang kibo nung kumakain kami ng dinner. Bukas ng umaga ay babalik na kami ng Metro then kinabukasan nun back to Med School na ako at siya naman ay may conference with the big bosses ng movie production para sa gagawin nyang movie. This time sya ang lead actor at yung magiging leading lady nya ay ipapakilala pa lang sa kanya sa mismong conference nila. Medyo kabado si Gelo dahil ito ang first lead role nya since he came back.

" Bhi bakit parang malungkot ka kanina pang dinner? Hindi ka ba nasarapan sa niluto ko kanina?" tanong ko nung nakahiga na kami para matulog.

" Kailan ba ako hindi nasarapan sa niluto mo? Nalulungkot lang ako kasi hindi na naman kita madalas makakasama. Para ngang ayoko ng bumalik ng Metro, dito na lang kaya tayo. " sabi nya na syang ikinagulat ko.

" Bhi seryoso? Paano ang contract mo sa network at sa movies? Makakasuhan ka bhi ng breach of contract. "

Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

" Yun nga eh, five years ang contract ko sa kanila tapos ikaw naman mga five years pa din bago ka matapos sa Med school. Parang ang tagal baby, gusto ko ng makasal sayo. "

" Naiinip ka na bhi? Tara pakasal na tayo." biro ko. Seryoso nya akong tiningnan saka biglang bumangon. Hinila nya ako patayo mula sa kama.

" Hoy anong gagawin mo? "

" Magpapakasal! "

" Seryoso? Now na? Binibiro lang naman kita bhi! "

" Huwag mo akong binibiro dahil tototohanin ko talaga. Kilala ko yung mayor dito, kaya kahit nakapantulog tayo papakasalan kita." seryoso talaga sya habang hila-hila ako. Jusko day mahirap talagang magbiro sa taong ito. Desidido. Kahit na panay ang piglas ko hindi nya binibitawan ang kamay ko.

Nakalabas kami ng bahay at naisarado nya rin ito ng isang kamay lang ang gamit. Ayaw nya kasing bitawan ang kamay ko. Sumakay kami ng kotse at nagmaneho sya papunta sa bahay ni mayor na hindi binibitiwan ang kamay ko.

" Bhi hindi ka talaga nagbibiro? Magpapakasal tayo ng nakaganito lang?" tanong ko sabay tingin sa mga suot namin. Naka-white t-shirt sya at pajama na kulay gray tapos ako ternong cotton pajamas na kulay pink na may print pa ni hello kitty. Jusko ang epic! If ever, ngayon lang ako makakasaksi ng kasal na pantulog ang suot.

" Baby saka mo na isipin ang isusuot natin kapag church wedding na natin. But for now, kahit ganito lang, ang importante tayong dalawa."

" Bhi wala tayong dalang requirements, ni hindi tayo nagdala ng pera. Paano yung bayad kay mayor? Ano ka ba naman kasi, maisip mo gusto mo gawin agad-agad." reklamo ko. Hindi sya kumibo sa halip binuksan yung dashboard at may nilabas syang envelope saka inabot sa akin.

" Ano to? " nagtataka kong tanong.

" Open it! " utos nya na sinunod ko naman. Namamangha akong napatingin sa kanya ng makita ko ang laman ng envelope.

" P-paano at k-kailan mo ito bhi inayos?" tanong ko na medyo nag stutter pa.

" Matagal na baby. Bago ka nag-graduate ng college. You see, desidido na talaga ako na pakasalan ka, anytime. Ayaw mo ba?"

" Gusto bhi. Gustong - gusto kaya lang may contract ka pa di ba? at hindi pa ako tapos sa Med school? Tapos hindi pa tayo nagsabi sa mga kapamilya natin. "

" Tayo lang munang dalawa baby. Secret muna. Gusto ko lang mawala na yung pangamba natin dun sa premonition nung lola. I don't wanna loose you at alam ko na natatakot ka rin. Kakausapin ko si mayor na huwag ilabas to para walang kumalat sa media. Ayoko rin naman na madawit ka sa intriga at bad publicity. Gusto kong protektahan ka sa mga taong mahilig gumawa ng tsismis at intriga. Kaya itatago muna natin ito, sa ating dalawa na lang muna.Maliwanag ba baby? "

" Oo bhi. Naiintindihan ko. Hindi ko ine-expect na ganito ka ka-seryoso. Imagine naayos mo tong mga requirements ng wala akong nalalaman. Ang galing mo bhi! " turan ko habang iniisa-isa ang mga papers na hawak ko. Certified true copy ng birth certificate namin na issued ng PSA , baptismal certificate, pati ID pictures meron din, kaya pala hinahanap ko yung ID pictures ko, kinuha nya pala. May application form for marriage license at may Cenomar din. Hindi ko alam kung paano nya nagawa lahat ito. Ang galing lang talaga.

" Seryoso naman talaga ako sayo. The moment I laid my eyes on you noong mga bata pa tayo, alam ko na ikaw na yung ihaharap ko sa altar balang araw." natawa ako sa sinabi nya. Iniisip ko kasi na sobrang chaka ko noong bata kami tapos ang gwapo nya, paano nya ako nagustuhan?

" Ang chaka ko kaya noong bata pa tayo tapos naisip mo na ako ang gusto mong pakasalan? Kung noon mo sinabi yan bhi, matatawa talaga ako sayo." naiiling pa ako habang sinasabi ko sa kanya yon.

" Ang hard mo sa sarili mo. Ikaw kaya yung pinaka cute na bata na nakita ko noong araw na yon. At habang nakikita kitang nagdadalaga, lalo akong nagkakagusto sayo. " parang nangangarap pa na wika nya. Naalala ko yung araw na yon na sinabi nya, 12'th birthday ni ate Shane yon at 8 years old lang ako nun siya naman mga eleven.

" Naku bhi wag mo na nga akong bolahin dyan."

" Hindi kita binobola. You don't know how beautiful you are. Inside and out. Come on, we're here. Mukhang gising pa naman si mayor. " untag nya.

Inalalayan nya akong bumaba sa kotse. Hawak kamay kaming lumapit sa guard na nakabantay sa gate.

" Boss good evening. Nandyan ba si Mayor? " tanong nya sa guard na naka-duty. Mukhang hindi nya nakilala si Gelo dahil medyo madilim sa part na yun kung saan kami nakatayo.

" May appointment po ba kayo sir? " tanong nung guard.

" Wala eh. Pero pakisabi nandito si Gelo Montero." sagot nya na ikinagulat naman nung guard.

" Gelo Montero? yung artista po. Naku sir sandali lang at itatawag ko kay Mayor. " excited na turan ni manong guard.

Natatawa kaming nagkatinginan ni Gelo. Madalas talagang may advantage ang pagiging artista.

" Opo mayor. Si Gelo Montero nga po yung artista. Okay po mayor. " dinig naming usapan ni manong guard at mayor.

" Boss pasok na po kayo. Pababa na si mayor." sabi ni manong guard.

" Sige po kuya. Salamat po." wika ni Gelo at muli akong hinawakan sa kamay para makapasok na kami sa loob ng bahay.

" Bhi ang laki ng bahay ni mayor. Paano mo sya nakilala?"

" Through ninong Brix. Pamangkin nya si mayor. "

" Oh, kaya pala."

" Kaya pala ano? " tanong nya.

" Kaya pala ang lakas ng loob mo na dalhin ako dito in this hour of night. At take note, nakapantulog pa tayo nyan ah. Kilala naman pala. Iba rin eh no? Bangis! "

" Hahaha. Ikaw talaga baby. Basta para sayo gagawin ko kahit ano. "

" Oo na nga po. Bilib nga ako sayo. Kaya sobrang mahal kita bhi. "

" Ehem! " nakarinig kami ng pagtikhim kaya napalingon kami ni Gelo.

" Ah mayor good evening! " pagbati ni Gelo sa mayor. Nagulat ako ng makita ko ang itsura ni mayor, hindi sya mukhang mayor kundi heartthrob sa movie. Mga nasa early thirties ang age nya at kamukha nya si yorme Isko Moreno.

" At ano naman ang ginagawa ng isang sikat na Gelo Montero sa aking abang tahanan?" pabirong tanong ni mayor.

" Magpapakasal mayor. Ito nga pala ang fiancee ko, si Aira."

" Hello! nice meeting you beautiful lady. Mayor Timothy Arguelles at your service. " nakipag shake hands si mayor sa akin.

" Shanaia Aira Gallardo po sir. Nice meeting you too mayor Timothy Arguelles. "

" Gallardo? Are you related to congressman Adrian Gallardo? " tanong nya.

" Yes po mayor. Daddy ko po sya. "

" Oh I see. Anyway, bakit ora-orada naman ang pagpunta nyo dito? Magpapakasal ba kamo, ha Gelo? Seryoso? "

" Seryoso nga mayor. But I want to keep it secret. Yung tayong tatlo lang ang nakaka-alam. "

" Sabi mo fiancee mo sya. Meaning engaged na kayo? So bakit magpapakasal pa kayo ng lihim? I'm sure napag-usapan na yan kasama ang family nyo, kung kailan ang exact date. " tanong ni mayor.

" Kasi mayor nag-aaral pa sya sa med school kaya medyo matatagalan pa ang church wedding namin. Gusto ko ng makasal kami ngayon para siguradong akin na sya. "

" Very Gelo Montero. Sigurista. Since malakas ka sa akin, sige ikakasal ko kayo. May dala ba kayong requirements? "

" Ako pa ba mayor? I was born ready. " turan ni Gelo sabay abot kay mayor nung envelope. Tiningnan ni mayor bawat isa at napatango-tango, tanda ng ayos lahat ng dala namin.

" Talagang ready ka nga, ayos lahat eh. Tara kayo dito sa study room ko. " untag ni mayor sa amin, sumunod naman kami ni Gelo sa kanya.

Mabilis na isinagawa ang seremonyas ng kasal. Para akong lutang dahil hindi ko talaga ine-expect na mangyayari ito ngayon. Kanina lang nagbibiruan kami ni Gelo, akalain ko bang mauuwi pala sa totoo.

Halos 30 minutes lang ang itinagal ng seremonyas. May mga pina-fill up pa sa amin si mayor pagkatapos.

" Salamat mayor. Yung usapan natin ha? Walang makakaalam." sabi ni Gelo.

" Walang makakaalam. Ako na mismo ang magpapa-register nito para safe." pangako pa ni mayor.

" O paano hindi na kami magtatagal. Pasensya na sa abala. Pwede mo ng ituloy ang tulog mo." muling turan ni Gelo na natatawa pa.

" Oo na. Pero for the record, kayo lang ang ikinasal ko na naka-pantulog. hahaha. diretso honeymoon na yan." nagngisian pa silang dalawa.

Awtomatikong nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni mayor. Oo nga kasal na kami. Hindi malayong mangyari nga yung sinasabi nya.

Jusko loleng! Ang Bataan sasakupin na ng China.. huhu.. patay tayo dyan!