"Mahal kong Prinsesa."
Hindi na kailangan pang lumingon si Cielo upang tingnan kung sino ang kanyang nasa likuran. Unang-una, isa lang naman ang nagpupumilit na tawagin siya ng ganoon. Pangalawa, kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Pangatlo, pamilyar na siya sa pabango na gamit ni Byron.
Kasalukuyan siyang namimili sa isang grocery store upang lagyan ng laman ang kanyang cupboard na paubos na ang laman. Naisipan niyang dumiretso roon bago siya umuwi galing sa trabaho. Hindi niya pa rin pinapansin si Byron dahil iniisip niya kung paano niya aabutin ang isang bundle ng tissue na nasa pinakamataas na estante. Wala naman siyang makitang empleyado ng grocery store na maari niyang hingan ng tulong.
Walang kahirap-hirap na inabot ni Byron ang kanyang pinupuntiryang bundle ng tissue. Napalunok siya nang maramdaman ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Nag-init ang kanyang mga pisngi at nanlamig naman ang kanyang mga palad. Nang lingunin naman siya ni Byron ay inilapit pa nito ng husto ang sarili nitong mukha sa kanya.
"Kapag kasi kailangan mo ng tulong, sabihin mo." anito sa kanya at kusa na lang niyang inilayo ang kanyang mukha. Ramdam na ramdam din niya ang pagdampi ng mainit nitong hininga. Tumikhim siya at kaagad na pinagsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Bakit kailangan muna na sobrang lapit ng mukha mo sa akin? Lumayo ka nga." Hindi naman niya magawang umatras dahil nasa likuran niya ang kanyang shopping cart. Sa halip na lumayo ay mas lumapit pa ang bwisit na lalaki at siya na lang ang bumaling sa ibang direksyon. Nang matapos nitong ilagay ang hawak na tissue sa cart ay noon lang ito lumayo sa kanya. Siya naman ay nakahinga ng maluwag ngunit mabilis pa rin ang tibok ng kanyang dibdib.
"Bakit ba kung nasaan ako, nandoon ka rin? Stalker ka ba?" paangil niyang tanong dito sabay tulak sa kanyang shopping cart upang lumipat sa kabilang section. Sinabayan siya nito sa paglalakad at napansin niyang may bitbit naman itong shopping basket.
"You just happened to be present everywhere I go." He looked at her and walked backwards. "I think it's fate." Then, he smiled. That killer smile that always brings shivers down her spine. Napakurap siya ng ilang beses para bumalik ang huwisyo niya at nagtagumpay naman siya.
"Fate, my ass." she said and rolled her eyes. Nilagpasan niya ito ngunit maya-maya lamang ay naramdaman niya ang pagpalupot ng mga braso nito sa kanyang baywang. Pilit siyang kumawala at panay ang lingon niya sa magkabilang panig ng lugar kung nasaan sila ngayon sapagkat baka kung ano ang isipin ng ibang taong makakakita sa kanila. Hinampas niya ang braso nito at alam niyang malakas ang pagkakahampas niya sapagkat naramdaman niya ang pamamanhid ng knayng palad. Pero wala pa ring epekto iyon kay Byron.
"Byron, hindi ka na nakakatawa. I swear, mababali ang spinal cord mo kapag bumagsak ka sa sahig." banta niya. Handa na siyang i-shoulder throw ang binata ngunit lumapit ang bibig nito sa kanyang tainga atsaka bumulong.
"Mamaya mo na isipin kung paano mo ako isa-salvage. Sa ngayon, maniwala ka sa akin na para sayo 'to." Noon niya napansin na hindi naman talaga siya niyayakap ni Byron. 'Di napahiya ka sa sarili mo? anang isang tinig sa kanyang isip. Itinali nito sa kanyang baywang ang suot-suot nitong jacket kanina. "Kailangan mo 'to."
Nang matapos ang binata sa ginagawa ay kusang dumapo ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Parang alam na niya ang ibig nitong sabihin.
"Kaya pala mainit na naman ang ulo mo." sabi pa nito sa kanya.
"Kanina pa ba 'to?" wala sa sarili niyang tanong. Nahihiya siya sapagkat ito pa ang nakakita sa kanya na mayroon siyang tagos. Kapag minamalas ka nga naman.
"I don't know. I don't menstruate, you know." Namula ang kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Minabuti na lang niyang huwag ng magsalita. Ito na ang nagtulak sa shopping cart niya at inilagay na lang nito ang sariling basket sa loob niyon. Hindi niya maiwasang hangaan ang pagiging gentleman nito. Pero alam niyang kahit naman kanino siguro mangyari iyon ay ganoon pa rin ang gagawin ni Byron. He has such a good heart and that's why a lot of people like him. He's nice to everyone, he open doors for women and not just the pretty ones, he always offer his genuine smile to all. Iyon ang ilan lang sa kanyang napansin sa loob ng ilang taon na pagkakakilala nila. Kung hindi lang sana nito ginagawang biro ang lahat ng bagay baka sakaling maari siyang… Stop, damn it, Cielo. Don't go there. Don't even go there, aniya sa sarili. She has to clear her thoughts. Baka mabaliw na siya sa kakaisip ng kung anu-ano.
"May kulang pa ba sa mga bibilhin mo?" Napukaw ni Byron ang kanyang atensyon nang tanungin siya nito.
"H-ha?"
"Ang sabi ko, ang ganda-ganda mo." nakangiting saad nito.
"Thank you?" Parang lumilipad ang utak niya dahil hindi siya makasagot ng maayos. Alam din niyang niloloko lang siya nito base sa pagkakangiti nito sa kanya. Tumawa lang si Byron at bahagyang pinisil ang pisngi niya.
"Halika nga, pumila na tayo para makakain na rin tayo pagkatapos. Halatang nalipasan ka na ng gutom, eh." Inakbayan siya nito at gamit lang ang isa nitong kamay ay tinulak nito ang shopping cart at pumila na. Napalundag pa siya nang bigla na lang may sumulpot sa gilid niya.
"Aha! Anong ibig sabihin nito?" Si Brittany ang nakita niya at kasama nito si Dionne.
"Huwag ka ngang maingay, Tanying." suway ni Byron sa kapatid nito. "Baka basta na lang may dumampot sa'yo at itapon ka sa labas." Brittany just snorted and didn't say anything to her brother. Si Dionne naman ang binalingan ng binata. "'Wag kang masyadong dumikit sa kapatid ko, Dionne, baka mahawa ka sa pagiging weird niya."
Tumawa lang si Dionne bago sumagot. "No choice lang talaga ako. Wala pa kasi si Ryan sa bahay, eh." Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan ni Byron na kasintahan naman nito.
"Ah, oo nga pala. Nakita ko siya kanina sa mall, may kasamang iba." panunukso ni Byron sa dalaga at kitang-kita ni Cielo na muntikan ng malaglag ang panga nito. Siniko niya ang binata at napasubsob naman ito sa balikat niya.
"Don't mind him. Wala lang talagang magawang matino sa buhay ang lalaking 'to." aniya sa dalaga at tumango lang ito.
"Kung hindi ko lang alam na patay na patay sa akin si Ryan baka naniwala na ako." nakangiting wika nito at palihim niya ulit kinurot sa tagiliran ang mapang-asar na lalaki. He hissed and stayed quiet.
"Eh, ano naman ang gagawin mo kung sakali man na totoo 'yon?" tanong naman ni Brittany kay Dionne.
"Simple lang, palalayasin ko siya sa bahay."
"Baka nakakalimutan mong bahay ni Ryan 'yon?"
"Ay, oo nga pala 'no? Sige, babalatan ko na lang siya ng buhay." Minsan nang nabanggit sa kanya ni Byron na sa bahay na ni Ryan nakatira si Dionne. Wala naman kaso iyon sa magulang ng dalaga at alam niyang nagpaplano na rin ang dalawa na magpakasal. "Ikaw, Cielo? Anong gagawin mo kung may nakita mong may ibang kasama si Byron?" baling nito sa kanya. Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang kanyang naramdaman sa tanong nitong iyon.
"Malabong mangyari 'yan." sagot ni Byron.
"Hindi ka kasama sa usapan, Kuya." sabad naman ni Britanny.
"Wala." matipid niyang sagot. Natahimik ang tatlo at naramdaman niya na gumaan ang braso ni Byron na nakaakbay sa kanya. Tatlong pares ng mata ang matiim na nakatingin sa kanya. Minabuti niyang ang dalawang dalaga na lang ang salubungin niya ng tingin kaysa sa binata.
"Wala?" pag-uulit ni Dionne sa kanyang sagot. Umiling siya ng marahan at nagtataka siya kung bakit ganoon na lang kaapektado ang mga ito sa sinagot niyang iyon.
"Bakit wala?" tanong ni Brittany sa kanya.
"Hindi ko naman kasi boyfriend ang kuya mo." aniya sabay kibit-balikat.
"Ah, hindi pa? Eh, bakit nakaakbay na si kuya sayo?" wika nito at itinuro pa ang kanyang balikat kung saan nakapatong ang braso ni Byron.
Inalis niya iyon at dumistansya pa sa binata. "Oh, 'yan. Okay na?" nakangiting saad niya at umiling lang si Brittany bago sila tinalikuran.
"Ewan, mas weird kayong dalawa kaysa sa akin." Narinig pa niyang sabi nito at si Dionne naman ay napakamot lang ng ulo bago sinundan ang kapatid ni Byron.
"Anong problema ng kapatid mong 'yon?" tanong niya kay Byron pero sa likuran ni Brittany siya nakatingin.
"Malaki. Huwag mo na lang pansinin iyon."
"Sabi mo, eh."
Naging tahimik lang sila ni Byron at hindi siya sanay sa pagiging tahimik nito. Naninibago siya pero hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kaya hinayaan na lang niyang manahimik ang binata. At hindi ba dapat niyang ipagpasalamat ang pananahimik nito dahil iyon naman talaga ang gusto niya? Weh, di nga? Napasimangot na lang siya nang may munting tinig na naman na kumontra sa kanya.
"WHAT the—"
Hindi na nagawa pang ituloy ni Cielo ang kanyang sasabihin nang maramdaman ang pagpitik ng kanyang sentido mula sa biglaang pagkagising dahil sa 'katok' na naririnig niya. Kung katok ngang matatawag iyon ay hindi niya alam. Kung sino man ang makakarinig niyon ay aakalain mong gusto na nilang gibain ang pintuan ng bahay. She tried to regain her sanity and composure as she closed her eyes for a while. Handa na siyang bugahan ng apoy ang 'sinumang' iyon nang buksan niya ang pintuan. Nakalimutan niya ang lahat ng masamang balak na mayroon siya nang makitang ang tatlong-taong anak na babae ng kanyang panganay na kapatid ang kumakatok. Kasama nito ang asawa ng kuya niya. Napalitan ng ngiti ang pagkakunot ng kanyang noo. Kaagad siyang tumingkayad at nginitian ang kanyang munting bisita.
"Hello, little monster." aniya sabay halik sa pisngi nito.
"Tita Ganda!" Kaagad namang yumakap sa kanya si Anastasia at gumanti ng halik.
"Pasok, Ate." yaya niya sa kanyang hipag. Nauna na itong pumasok at kinarga naman niya ang kanyang pamangkin na may bitbit pang barbie doll at naka Mini-Mouse na backpack.
"Maka-monster ka naman sa anak ko, akala—" Tumigil ito sa pagsasalita at tiningnan siya nito ng nakasalubong ang kilay, mula ulo hanggang paa at pabalik.
"Nakatulog ka na naman sa sofa, 'no? Ni hindi mo rin nagawang ilagay sa kusina ang mga pinamili mo." anito sabay turo sa ilang plastic bags na nasa sahig. Pagkatapos nila ni Byron sa supermarket kahapon ay nagyaya pa itong kumain sila ng hapunan. And same as usual, kahit ilang beses siyang tumanggi ay hindi naman siya nito pinakinggan. Ang ending? Ayun, kumain din sila sa Steamin' House.
"Masyado mo naman yatang pinapagod ang sarili mo sa trabaho? Umuwi ka na lang kaya sa amin?" Napakamot na lang ng ulo si Cielo nang marinig ang litanya ng Ate Veronica niya. Alam na niya ang kahihinatnan ng usapan nilang iyon— ang kanyang paninirahan na mag-isa.
Nasanay na rin siya sa sermon nito dahil hindi naman na bago sa kanya ang isyu nito at ng kanyang ina. Pareho ang sinasabi ng mga ito sa kanya, na mas makakabuti raw kung may kasama siya sa bahay. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin siya ng mga ito na umalis na sa kanyang inuupahang apartment. Binitawan niya si Stacy at hinayaang maglaro habang nilapitan at niyakap ang kanyang hipag.
"Ikaw talaga, Ate, para ka talagang si Mama. Hindi pa rin kayo sumusuko. Na-miss mo ba ako?" aniya sabay yakap dito.
"Ewan ko sa'yo. Hmp!" anito sabay bagsak sa dala nitong malaking bag. Noon lang niya naalala kung bakit pala nadalaw ang dalawa sa kanya. Nawala sa isip niya na nandoon ang hipag niya upang ihatid si Stacy doon. Pinakiusapan siya nitong bantayan niya sa loob ng isang linggo ang kanyang pamangkin sapagkat nasa ospital ang lola ng bata. Nag-iisang anak lang ang Ate Veronica niya kaya naman walang ibang mag-aasikaso sa nanay nito. Pumayag naman siya dahil alam niyang wala naman itong ibang mahihingan ng tulong. Ang kanyang kuya naman kasi ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Middle East. Mabuti na lang at pinayagan siyang mag-leave sa trabaho.
"Dito ka ba magla-lunch, Ate? Para makapamalengke ako."
"Hindi pwede. Magba-biyahe pa ako." sagot nito at lumapit sa anak na naglalaro. "Stacy, behave ka lang, ha? Susunduin ka rin ni Mommy next week." paalam nito sa anak sabay halik. Tumango lang ang bata at binalikan ang ginagawang pagsuklay sa buhok ng manyika nito. Tumayo na rin siya upang ihatid ito palabas.
"Ingat ka, Ate." aniya rito sabay yakap.
"Thank you talaga, Cielo." Gumanti rin ito ng yakap. "Sagutin mo na kasi si Byron para naman may mag-alaga na sayo. Para hindi na rin kami masyadong mag-alala na nag-iisa ka lang dito." panunukso nito sa kanya pagkatapos. Hindi naman kasi iyon ang unang pagkakataon na pumunta ang mga ito sa lugar na iyon. At dahil nga may likas na kakulitan at kakapalan ng mukha si Byron ay nakilala rin ito ng kanyang hipag. Hindi rin kaila rito ang 'panliligaw daw' ni Byron sa kanya.
"Gusto mo ba akong matuyuan ng dugo, Ate?" sagot niya rito habang nanlaki ang mga mata. "Atsaka hindi naman nga nanliligaw ang timawang 'yon." Tumawa lang ito ng malakas atsaka na nagpaalam. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay ng tricycle. Napailing siya sa mga sinabi nito. Akma na niyang isasara ang gate nang makita niyang papalapit si Byron.
"Narinig ko yata ang pangalan ko?" bungad nito sa kanya. Ngiting-ngiti ito habang may dala-dalang tupperware.
"Akala mo lang iyon." mataray niyang sagot sa binata. Hindi na niya naituloy ang balak na pagsasara sa gate dahil pumasok na ito sa bakuran niya.
"Napadalaw yata si Ate Veronica?"
"Akala mo lang din iyon."
"Number one fan daw siya ng love team natin, 'di ba?"
"In your dreams."
"O baka nga siya pa yung presidente ng fans club natin."
"Get out of my sight."
"Good morning din, Prinsesa." nakangiti pa ring sabi nito sabay abot sa dala nitong tupperware sa kanya. "Para pala sa'yo 'to at bagong luto 'yan. May kasamang pagmamah—"
"Tito Doc Pogi!"
Kaagad naman siyang iniwan nito nang makita ang kanyang pamangkin. Inilagay nito sa kamay niya ang dala-dala nitong tupperware.
"Anong gagawin ko rito?" tanong niya sa binata.
"Titigan mo lang kung gusto mo. O kaya kahit na kung anong gusto mong gawin, susuportahan na lang kita." Nilapitan nito si Stacy na nasa harap ng pintuan. "Aba, nandito pala ang aking munting prinsesa." Napahinto siya sa pagpasok sa loob ng bahay nang marinig ang sinabing iyon ni Byron. Napalingon siya sa binata at nakita niyang kalung-kalong na nito ang kanyang pamangkin. Lumapit ito sa kanya matapos itong kargahin ang kanyang pamangkin. Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi at hindi siya nakagalaw nang makita na naman niya ang mapang-akit nitong ngiti. "Huwag ka ng magselos. Pamangkin mo naman si Stacy, eh. Atsaka 'wag kang mag-alala, ikaw ang one and only ko." dagdag pa ni Byron sabay kindat.
She just rolled her eyes and walked away. "Whatever." Duh? Bakit naman siya magseselos sa pamangkin niya? Nabigla lang talaga siya. Tama, iyon lang 'yon, aniya sa sarili.
"Kailangan ko lang ng connections, you know."
"Connections?" pag-uulit niya sa sinabi nito. Narinig niya ang yabag ng binata na nakasunod sa kanya.
"Yep. Para lalo akong lumakas sayo." Sumunod ito sa kusina kung saan siya pumunta. "Hindi ba, Stacy? Tutulungan mo ako kay Tita Ganda, 'di ba?" anito sa karga-karga nitong bata.
"Yes, Tito Doc Pogi." sagot naman ng butihing bata.
"'Yan din ang gusto ko sayo, Stacy bukod sa sinusuportahan mo ako, eh, napaka-honest mo pang bata. Hindi ka marunong magsinungaling." Siya naman ang binalingan nito pagkatapos. "Narinig mo 'yon? Pogi raw ako." Iniabot niya rito ang dalang tupperware pagkatapos isalin ang dala nitong pagkain.
"Yeah right. Kunin mo na ito dahil marami pa akong gagawin. Nakita mo naman may alaga pa ako." Kinuha naman nito ang tupperware at ipinasa sa kanya si Stacy. Ganoon na talaga nagsisimula ang Sabado at Linggo ng umaga niya, palagi itong may dalang pagkain na para raw sa kanya. Noong una ay pilit niya iyong tinatanggihan ngunit nang minsang makasalubong niya ang ina ng binata sa palengke ay tinanong siya nito kung masarap daw ba ang pagkaing niluluto. Noon niya nalaman na hindi naman pala si Byron ang nagluluto niyon kaya naman hindi na niya nagawang muling tanggihan ang pagkain na binibigay nito sa kanya. Nahihiya kasi siya sa pinapakitang kabaitan ng ina nito.
"Pero gwapo raw ako sabi ni Stacy." pangungulit pa rin nito.
"Oo na, sige na." pagsuko na lang niya. Itinulak na niya ito palabas ng kusina.
"'Edi, umamin ka rin." nakangising sabi nito. "Pero pwede bang sabay na tayong mag-almusal dito?" hirit pa ng binata.
"No."
"Sabi ko nga."