"Cielo, boyfriend mo?"
Iyon ang tanong na bungad ni Sabrina sa kanya. Sinulyapan niya ang kanyang dating kaklase at kaibigan na si Tony. Nagkita sila sa isang mall nang hindi inaasahan. Nagkakumustahan at nagkayayaan na kumain. Dinala na lang niya ito sa Steamin' House dahil alam niyang doon sila makakapagkwentuhan ng mas maayos. Natawa na lang silang dalawa ni Tony at ito na rin ang sumagot.
"Hindi yata matatanggap ni Cielo 'yan." nakangiting sagot nito sabay lahad ng kamay kay Sabrina. "I'm Tony. Anthony Diaz." Bago pa sumayad ang kamay ni Sab ay may pumigil na rito. Si Drew iyon na bagong dating din at madilim ang ekspresyon ng mukha.
"Taba, ako ang asikasuhin mo." ani Drew na hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Hawak pa rin ni Drew ang isang kamay ni Sab. Ngiting alanganin ang ibinigay ni Sab sa kanila sabay palo sa braso ni Drew.
"Pasensya na kayo, ha? 'Nung magsabog ng good manners and right conduct ang Diyos, nasa kweba ang lalaking ito." Lalong dumilim ang eskpresyon ni Drew sa tinurang iyon ni Sabrina.
"Bakit ka humihingi ng 'Sorry'?" masungit na tanong ni Drew kay Sabrina, pinanlakihan lang ito ng mata ng huli upang patigilin. Hinila na ni Drew si Sabrina papasok sa kitchen.
"Mukhang ayaw yata sa akin ng mga tao rito, Cielo." nakangiting baling sa kanya ni Tony. Nakonsensya naman siya sa narinig at natakot na baka na-offend ito. Hihingi na sana siya ng paumanhin nang bigla na lang may nagsulputan sa likuran nila at nagsalita.
"Oo nga. Buti alam mo."
"Mabuti naman at nahalata mo."
"Akala ko kailangan pang i-spell sayo, eh."
"Kailangan pa ba namin na sabihin sa iyo 'yon?"
Napalingon siya sa mga nagsalita at nakita niya na nakapila sa likuran nila ni Tony ang mga kaibigan ni Byron. Nagtataka siya sa inaasal ng mga ito sapagkat alam naman niya na hindi ugali ng mga ito na kumuha ng atensyon ng ibang tao. Nilingon naman siya ng apat na damuhong lalaki. Si Francis ang unang nagsalita.
"Hi, Cielo. Nandiyan ka pala." Tumingin din ito kay Tony na nakatingin na rin pala sa mga bagong dating. "At may kasama ka."
"Napalakas yata ang usapan namin." ani Ryan.
"Oo nga. Huwag kang mag-alala si Martin naman ang pinag-uusapan namin," ani Ice sabay akbay sa nananahimik na si Martin. Tiningnan naman niya si Martin na blangko lang ang mukha at hindi na bago iyon sa lahat ng nakakakilala rito.
"I'm not worried at all." sagot niya kahit na alam niyang nagpapatay-malisya lamang ang mga ito. Alam na niya ang galawan ng mga binatang ito. Sapat na ang ilang taon na pamamalagi niya roon upang maintindihan ang nais gawin ng mga damuhong ito.
"Good. Now, can you place your order? Kanina pa kasi kami naghihintay dito." masungit na sabi ni Martin. Nagkibit-balikat na lang siya at humarap muli sa counter upang ibigay na ang kanilang order. Pagkatapos niyon ay umupo na sila ni Tony sa bakanteng pwesto habang bitbit ang isang tray na naglalaman ng kanilang pagkain.
Sinundan niya ng tingin ang apat na lalaki. Hindi niya mapigilan ang magbigay ng kahulugan sa mga kilos ng mga ito. At ang mas malala pa umupo pa sa likuran nila ni Tony ang apat na para bang nananadya. Hindi niya alam kung ano ang ikinuwento ni Byron sa mga kaibigan nito pero base sa ginagawa ng mga kaibigan nito ay nasisiguro niya na siya ang mali at ito ang tama.
"Hindi man lang nakonsensya."
"Oo nga. Walang puso."
"Walang konsensya. Walang puso."
"Redundant na tayo."
"Sino bang walang konsensya at puso?" Nakita niya ang paglapit ni Hershey sa grupo at paghatid sa mga kapeng in-order ng mga ito. Kasunod nito si Drew na nanggaling sa kitchen na may dala pang sandwich.
"Si Ice." narinig niyang sagot ni Francis. Humagikgik pa ang mga hinayupak na lalaki.
"Bakit ako?"
"Sinong na ngang pinag-uusapan natin kanina?" tanong naman ni Ryan.
"Ako." sagot ni Martin.
"All of them are good looking, kaya lang mukhang mga may sayad." ani Tony sa kanya. Hindi niya mapigilan na hindi matawa sa sinabi nitong iyon. Sa pananamit, kilos at pananalita ng kaibigan niya ay hindi mo akalaing mayroon itong pusong-dalaga. Tony's a gay man. Iilan lamang ang nakakaalam niyon at dahil isa siya sa mga matalik nitong kaibigan ay sinabi iyon sa kanya ni Tony. Sa katunayan ay naging crush pa nito ang isa sa tatlong kuya niya.
"Dinala kita rito hindi para mag-sightseeing." aniya rito sabay kagat ng Clubhouse sandwich.
"Hindi ko mapigilan. Gwapo naman kasi talaga ang mga Fafa rito. Naghahanap ka ba ng roommate? Doon na lang ako sa apartment mo titira." sabi nito sa kanya atsaka pinunasan ang mayonnaise na nasa gilid ng kanyang labi.
"How romantic."
Nanigas ang kanyang likod nang marinig ang boses na iyon ni Byron at dumaan pa ito sa harapan nila. Ilang araw na siyang hindi kinakausap nito. Kahit magkasalubong sila ay tila hindi siya nakikita nito. Siya naman ay ganoon din ang ginagawa. Anong akala nito? Siya ang maghahabol? Pagkatapos siya nitong halikan at iwan ay hahabulin niya ito? Nunca! Napalitan ng inis ang kung anumang nararamdaman niya para sa binata.
Alam niyang hindi naman nito kayang panindigan ang mga sinabi at ginawa nito. Sa pag-iignora lamang nito sa kanya ay napatunayan na niya iyon. Kahit na hinahanap-hanap niya ang pangungulit at presensya nito ay hinding-hindi niya iyon aaminin kahit na kanino. Isinusumpa niyang walang makakakalam.
Isa pa iyon sa dahilan ng ngitngit niya. Bakit ba kasi ang dami nitong ginawa na nakasanayan na niya? Hindi tuloy siya mapakali sa tuwing nakakaramdam siya ng lungkot sa tuwing naiisip niya si Byron. Ang hindi niya rin talaga maintindihan ay kung bakit ito pa ang galit sa kanya? Ang lakas ng loob nitong mag-inarte samantalang ito naman ang gumawa ng problema sa pagitan nilang dalawa. Badtrip! Bakit ba niya iniisip ito samantalang ang matagal na niyang inaasam na pagtigil nito sa paggambala ng kanyang mundo ay nakamit na niya? Nabulunan siya dahil sa sobrang ngitngit niya. Asar talaga!
"Okay ka lang, darling?" Inabutan siya ng isang basong tubig ni Tony at panay pa ang hagod nito sa kanyang likuran. Tumango lang siya at hindi pa siya nakakahuma ay muli na naman siyang nasamid sa kanyang iniinom nang makita niya ang paglapit ng dalawang kutong lupa na nanggisa sa kanya noong nakaraang araw.
"'Di ba po ikaw 'yung girlfriend ni Doc Pogi?"
"Bakit hindi po siya 'yung kasama ninyo?"
Kapag sinuswerte ka nga naman, aniya sa sarili. She cleared her throat and mind before answering their questions. "Hindi ko boyfriend si Doc Po-- Byron. Yeah, si Doc Byron." Nagkatinginan ang kambal at matamang pinagmasdan siya pagkatapos.
"Sabi po ni Doc, love niya po kayo."
"Opo, narinig ko rin po."
Kanya-kanya ng reaksyon ang mga tao sa paligid niya dahil sa sinabing iyon ng magkapatid. May umubo, sumipol, tumikhim at pumalakpak. Panira ng love life ang mga kuting na 'to. Natigilan siya dahil sa kanyang naisip. Anong love life? Wala kang love life!, pagtatama niya sa sarili.
"Look, Jack and Jill--"
"Jam at Jim po." sabay na wika ng dalawa.
Mga atribida. "Okay, ahm, kids, 'yung sinabi ni Doc Byron, biro lang niya iyon. Huwag kayong maniwala. Understand?"
Hindi niya alam kung totoong naiintindihan siya ng mga paslit pero tumango lang ang mga ito at walang imik na umalis. Alam niyang narinig ni Byron at ng mga kaibigan nito ang sinabi niyang iyon pero wala siyang pakialam. Ipinarinig naman kasi niya talaga ang mga sinabi niya. Wala na siyang balak na tanggapin lahat ng sinasabi ng ibang tao sa kanya tungkol sa kung anuman ang mayroon si Byron sa kanya. She decided to stop. Siya rin naman kasi ang may kasalanan. Hinayaan lang niya ang binata at ano ngayon ang karapatan niyang magreklamo? Wala. Kaya nga itatama na lang niya ang mga pinagsasabi nito. Kahit siya mismo hindi maitama sa kanyang sarili ang matagal na niyang naririnig at minsan na niyang pinaniwalaan.
MUNTIK ng magmura si Cielo nang marinig ang awit na kasalukuyang tumutugtog sa radyo ng kotse ni Tony. Iyon kasi ang inawit ni Byron sa videoke noong araw na hinalikan siya nito. Sa sobrang inis ay in-off niya iyon.
"Easy ka lang, sister. Pati ba naman radyo papatulan mo?"
Ang ngiti ni Tony magmula kanina ay nauwi na sa tawa. Hindi na nila inubos ang kanilang pagkain sapagkat hindi na siya mapakali pagkatapos niyang iparinig dito ang mga sinabi niya. Mukhang naintindihan naman siya ni Tony at nagboluntaryo pa itong ihatid siya sa kanyang tinutuluyang apartment.
"What happened back there?" tanong nito habang nakatingin sa kanilang dinaraanan at ganoon na lang din ang kanyang ginawa.
"Wala."
"Mukha bang naniniwala ako?"
"Naniniwala ka ba na 'Actions speak louder than words'?" Hindi niya mapigilang humarap dito kaya naman kitang-kita niya ang malapad na ngiti ni Tony. "Anong nakakatawa?"
"Ikaw."
"Ako?" Hambalusin na lang kaya niya ang baklang 'to? "Nakakainis ka naman, eh."
"Sige, ganito na lang. Kung sasabihin ko sayo na straight ako, maniniwala ka ba?"
"Siyempre, hindi." mabilis niyang tugon.
"Bakit naman?"
"Kilala kita at nakikita ko naman 'yon sa mga kilos mo."
"You just answered your own question." Napaisip siya sa sinabi nitong iyon. At iyon hindi niya alam bakit nagkaroon siya ng problema dahil sa lintik na kasabihang iyon. "Effort is the best sign of interest, darling." dagdag pa ni Tony.
"But words are still necessary." giit pa niya.
"Para saan?"
"Assurance." Hindi pa ba sapat na assurance ang sinabi niyang mahal ka niya?, tanong ng isang bahagi ng isip niya. Paano kung nagbibiro lang siya? Paano ko malalaman kung seryoso nga siya?
"Ah, Cielo, pwede bang mamaya mo na kausapin ang sarili mo? Nag-uusap pa kasi tayo." pukaw ni Tony sa pananahimik niya.
Sa sobrang frustration niya ay nasabunot na lang niya ang kanyang sarili. "And you know what makes this situation worst?"
"Oh, this isn't the worst part?"
"Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot." Hinarap niya sa Tony habang inaayos ang kanyang nagulong buhok. "The fact that he might not like me or the fact that he might actually does."
"Oohlala." Tinapik ni Tony ang kanyang balikat. "Welcome sa baliw na mundo ng pag-ibig." Napatanga ba lang siya sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan. "Don't look so surprised, Cielo. Mahal mo siya, aminin mo na. Tama na ang pagpapatay-malisya mo."
Kung maari lang makawala ang puso niya mula sa kanyang dibdib ay hindi na siya magtataka. Sa mga oras na iyon ay daig pa niya ang tumakbo mula Luzon hanggang Mindanao. Mahal niya si Byron? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit siya balisa sa tuwing iniisip niya ang binata? Kaya ba siya naiinis dahil nami-miss niya ito? Nagagalit ba siya dahil sa hindi man lang siya pinapansin nito? Nagpapatay-malisya nga lang ba siya? Bwisit! Itinulak niya si Tony dahil mas ginulo nito ang isip niya.
"Bakit ba kasi kita kinausap? Nakakainis!"
Pero mas inasar pa siya nito. "And then there was light."
Yeah, she was enlightened. But admitting to herself that she loves Byron is not that easy. Alam niya na kung maririnig lang ng kanyang ama ang kanyang susunod na sasabihin ay paparusahan siya nito. Pero wala siyang ibang gustong gawin kundi magmura. Kaya naman iyon ang kanyang ginawa. "Fuck."
"PWEDE ba tayong mag-usap, Cielo?"
Hinintay muna ni Cielo na makaalis si Tony bago siya pumasok sa loob ng kanyang apartment. Pero bago pa niya magawa iyon ay narinig niya ang boses ni Byron. Hindi niya ito tiningnan at pinagpatuloy ang naudlot na pagpasok sa loob.
"Wala tayong dapat na pag-usapan." aniya rito at bago pa niya maisara ang gate ay napigilan siya ni Byron. Napilitan siyang tingnan ito nang pumasok ito sa kanyang bakuran. Namaywang ito at walang bakas ng ngiti ang labi ng binata. She wanted to see him smile at her again and that made her feel frustrated. Bakit ba kasi apektadong-apektado siya? Ah, oo nga pala. Mahal niya ito, ayon kay Tony. Hindi pa rin siya handang aminin iyon sa kanyang sarili.
Hindi naman niya maiwasang hindi umasa na naroon ang binata upang ituwid ang sinabi niya kanina. Kung sakali mang iyon ang dahilan ng pagpunta ni Byron ay baka mapaamin siya nito ng wala sa oras. But the moment he opened his mouth, she lost all her hope.
"You should have talked to the kids in a nice way."
What? Iyon lang? Dismayadong-dismayado siya sapagkat ang buong akala niya ay tungkol sa kanilang dalawa ang pag-uusapan nila. "Fine. I'm sorry." Damuho ka! "Okay ka na?" Ako hindi! She knew she sounded so sarcastic but she couldn't help it. Sana lang ay umalis na ito at nang matapos na ang usapan nilang iyon.
"Ano bang problema mo?" Tila hindi nagustuhan ni Byron ang kanyang tono kaya naman hindi na nito naitago ang iritasyon sa boses nito. At iyon ang mas nakapagpa-trigger ng disappointment niya.
"Problema? Ako?" aniya sabay turo sa kanyang sarili. "Wala akong problema, Byron. Baka ikaw ang may problema."
"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin, Cielo? Ginawa ko na ang matagal mo ng gusto." Naguguluhan siya sa sinabi nito at ito naman ay madilim pa rin ang mukha.
"What do you mean?"
"Madalas mong sabihin sa akin na 'Get lost' at ginawa ko na." She was speechless and couldn't think of anything to say. Ano naman ang sasaihin niya samantalang totoo naman ang sinabi nito? "Akala ko noon dahil lang 'yon sa naiirita ka sa kakulitan ko. Ngayon alam ko na ang totoong dahilan."
"At ano sa tingin mo ang rason ko?" naghahamon ang tinig niya nang itanong niya iyon.
"Isn't it obvious? Kasama mo palang siya kanina." Natigilan siya. Iniisip ba nitong si Tony at siya ay...? Ganoon ba siyang klase ng babae sa paningin ni Byron? Pagkatapos ng isa may susunod na kaagad? Nasasaktan siya dahil si Byron ang pinakahuling tao na inisip niyang pag-iisipan siya ganoon. Ngayon niya napatunayan na tama nga ang kasabihang, 'When your heart doesn't tell the truth, the pain will tell you the answer.' If the pain she's feeling right now indicates her feelings for him, then, hell yeah. Mahal nga niya si Byron pero nasaktan talaga siya sa sinabi nito. Mamahalin na lang muna niya ito ng hindi nito nalalaman. Hahayaan muna niyang damhin ang pagmamahal na mayroon siya para sa binata. Mawawala rin naman iyon sooner or later. Right?
Kinagat niya ang kanyang dila upang pigilan ang pamumuo ng kanyang mga luha. Kailan ba ang huling beses na umiyak siya? Ah, noong natalo siya ng kuya niya sa larong chess at pinagalitan siya ng kanyang ama. Sobrang tagal na at hindi niya matanggap sa sarili niya na iiyak siyang muli nang dahil natalo na naman siya. Hindi sa chess kundi sa laro ng baliw na mundo ng pag-ibig.
"Now that you've done it, can you do me another favor?" Hindi sumagot si Byron sa sinabi niyang iyon kaya naman nagpatuloy na lang siya. "Pwede bang huwag ka ng bumalik?" Then, she left without giving him a chance to say anything.