"The man you're dating is gay!"
Napakislot si Cielo nang basta na lang sumigaw si Byron pagkababa nito sa kotse nito. Mabuti na lang at nasa gilid lang siya ng kalsada kaya naman hindi siya natamaan ng binata nang basta na lang sumulpot ang kotse nito. Mabilis ang patakbo ni Byron at hindi rin maayos ang pagkakaparada niyon. Kasalukuyan niyang nilalabas ang isa sa kanyang mga maleta sapagkat pupunta siya sa Cebu at mamayang alas-diyes ng gabi ang kanyang flight.
"Naririnig mo ba ako?" Niyugyog ni Byron ang magkabila niyang balikat at tumusok pa ang ilang talulot ng mga bulaklak na bitbit nito sa kanyang mukha. "Ang sabi ko, bakla ang boyfriend mo!"
Noon lang na-process ng utak niya ang hitsura ni Byron nang mga sandaling iyon. Hindi niya mawari kung kanino ito nanggigigil; sa kanya ba o boyfriend niya? Teka, sino nga bang boyfriend ang tinutukoy ng kulugong ito?
"B-boyfriend…?" aniya. Wala ibang salitang lumabas mula sa kanyang bibig kundi iyon.
Hindi siya makapaniwalang nasa harapan na naman niya si Byron. Ang totoo, inakala niyang hindi na siya muli pang kakausapin nito. Kumbaga ang chapter nila sa buhay ng isa't isa ay tapos na kaya naman natutuwa siya kahit pa halata na hindi iyon ang nararamdaman ng binata. Nami-miss na niya si Byron. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang oras na hindi pumasok sa kanyang isipan ang praning na lalaking ito.
She misses his funny remarks, the way he made her smile, the way he made her laugh, the way he made her feel pretty, the way he made her special. The way he made her feel. If they're going to end this today, she hopes they will end it in a good way. She hopes that parting ways with this man, with the man she learned to love, will be in a nice way.
Hindi naman sa gusto niyang matapos na sila ng tuluyan, kaya lang malabo silang magkaintindihan ni Byron sapagkat pareho silang may katigasan ang ulo. Walang gustong magpatalo. Walang gustong sumuko. Pero nagbago na siya, inamin na niya ang kanyang pagkatalo kay Kupido. Hindi ba't nagawa na rin niyang sabihin kay Byron ang nararamdaman niya? Kung hindi pa pagsuko iyon ay ewan na lang niya kung ano ang tawag doon.
"Why does it have a question mark? Hindi mo ba alam kung sino ang tinutukoy ko?" matigas pa rin ang tono ng binata nang tanungin siya nito.
"Si Tony?"
"May iba ka pa bang boyfriend?"
"Wala." Ano raw? Nag-init na ang ulo niya nang marinig ang sinabi nitong iyon. Sumosobra na talaga ang lalaking ito! Anong akala nito sa kanya ngayon? Maraming boyfriend? Ha! Naghahanap talaga ng sakit sa katawan ang bwisit na nilalang na ito. Kumawala siya mula sa pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat. "And what do you mean by that? Na marami akong boyfriend?"
"Wala akong sinasabing ganyan!"
"Wala nga pero iyon ang ipinaparating mo!"
"If that's how you're going to put it!"
"Put? Ikaw kaya ang ilagay ko sa kabaong at nang pareho na tayong matahimik?!"
Hindi na nakakapagtaka na sa kanilang dalawa nakatingin ang mga tao sa paligid. Pareho silang halos pasigaw na kung magsalita. Wala rin silang pakialam kung pag-usapan man sila ng mga tao sa barangay nila. They're in a free country, anyway.
"Bwisit!"
Nagmartsa siya papasok ng kanyang bakuran upang balikan ang isa pa niyang bagahe. Wala na siyang pakialam pa sa ibang sasabihin ni Byron. Narinig niya ang mga yabag ng binata palatandaan na sinundan siya nito. Hinawakan ng binata ang kanyang braso at inikot siya paharap dito.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. Bumaba na ang boses ng binata at nakita niya ang panic sa mga mata nito. Pero hindi siya. Hindi pa siya tapos na kainisan ang lalaki.
"Wala kang pakialam!" sagot niya at pilit na binawi ang kanyang braso. Nagawa naman niya iyon at nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang matigilan siya matapos marinig ang sinabi ni Byron.
"May pakialam ako dahil mahal kita!"
Napalunok si Cielo. Narinig na naman niya ang mga salitang iyon sa pangalawang pagkakataon. Teka, pangalawa pa nga lang ba? Ah, basta. Hindi na niya alam kung ilang beses na pero hindi pa rin niya magawang maniwala. Gusto niyang maniwala pero bakit parang ang hirap? Ang sarap pakinggan pero bakit parang hindi niya magawa na isipin na totoo ang simasabi ni Byron sa kanya? Nagbingi-bingihan siya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Cielo, mahal kita. Mahal na mahal kita noon pa."
"Pwede ba, Byron? Tigil-tigilan mo ako?" aniya rito.
"Sa lahat ng sinasabi ko, ito ang pinakatotoo. Hindi ka isang biro lang para sa akin. Seryoso ako. Mahal kita."
Para siyang nabingi at nabitawan niya ang kanyang bitbit na bag sa sinabing iyon ng binata. Those words sounded so genuine that she felt like crying. Dahan-dahan siyang umikot paharap muli sa binata at nakita niya ang paghingal nito. Daig pa nila ang nag-marathon dahil sa ginawa nilang pagsigaw.
"What did you say?" tanong niya sa binata.
Lumapit sa kanya ang binata at sinapo nito ang kanyang mukha kahit pa may hawak pa rin itong mga bulaklak. Ah, for the second time, she's able to taste his sweet kiss, able to feel his soft lips against hers. He kissed her with so much longing and love. Tinugon naman niya ang halik nito sa parehong paraan. Sa halik niyang iyon ay nais niyang iparating dito ang labis niyang pagmamahal sa binata. Ang kamay niyang kanina ay nasa dibdib lang nito ay iniyakap na niya sa baywang nito. He pulled her closer as the kiss deepened. Their body was so close that she can feel his fast heartbeat. Or was it her heart? Ewan, basta ang alam niya sa mga oras na 'yon masaya siya. Pareho silang humihingal nang matapos ang halik na 'yon. But they didn't let each other go.
"Narinig mo ba ang sinabi ko, Cielo?" Tumango siya ng sunud-sunod. "Good. Naiintindihan mo ba ako?" Hindi siya umimik. Napabuntong-hininga ang binata at tinitigan lang ang kanyang buong mukha. "Mukhang kailangan ko pang i-explain sayo in complete details ang nararamdaman ko para maintindihan mo."
"Mabuti pa nga."
"Kanina mo pa dapat ginawa 'yan."
Pareho silang napatingin ni Byron sa labas ng bakuran niya. Present na naman ang mga kaibigan nito at ang mga kaibigan niya. Ngiting-ngiti ang lahat at hindi na rin niya napigilan ang ngumiti.
"Bakit nandito kayong lahat?" reklamo ni Byron.
"Para cool." ani Drew.
"Para may sasapak sayo kapag pumalya ka na naman." sabi naman ni Ice.
"Para pagtawanan ka kapag nabasted ka." wika ni Martin. Tumango lang naman si Ryan at wala ng sinabi pa.
"Continue." saad naman ni Francis. "Pero bago ang lahat ibigay mo na muna kay Cielo ang mga hawak mong bulaklak." Napakamot ng batok si Francis bago dinugtungan ang sinasabi nito. "Bulaklak na mukhang na-massacre."
Noon lang niya napagtanto na gutay-gutay na halos ang mga iyon. Iilan na lang ang nasa maayos na kalagayan. Halos dahon at tangkay na lang mga iyon pero tinanggap niya pa rin nang iabot ni Byron ang mga iyon sa kanya.
"Para saan 'to?" tanong niya. Nanatiling nakatuon ang kanyang atensyon sa mga kalunos-lunos na bulaklak.
"Manliligaw sana ako."
"Anong nangyari?"
"Nahampas ko ang mga iyan sa manibela dahil sobrang frustrated na ako."
"Hindi man lang naawa sa mga bulaklak." saad niya habang panay ang haplos sa mga iyon. Basta na lang tinapon iyon ni Byron sa kung saan matapos nitong hablutin ang mga iyon sa kanya. Hinawakan ng binata ang kanyang baba at mabilis siyang ginawaran ng halik.
"Nakakarami ka na, ah." puna niya.
"Oo nga. Pero ibibili na lang kita ng bagong bulaklak pagkatapos. Makinig ka muna sa mga sasabihin ko, ayos lang ba?" Nakangiti siyang tumango at puno ng pananabik sa kung ano pang sasabihin ni Byron sa kanya.
"Alam kong natatandaan mo pa ang unang araw kung kailan tayo nagkita. Alam ko ring badtrip ka pa rin sa akin dahil doon. Pero ako, iba ang naaalala ko. Tinanong kita kung kilala mo si Snow White, ang sabi mo hindi. You reminded me of her, white skin, red lips, short hair. Kaya 'Prinsesa' ang naisip kong itawag sa'yo. Palagi mong tinatanong sa akin kung bakit ganoon ang tawag ko sa'yo. Well, wala namang ibang dahilan kundi iyon." Napabungisngis na lang siya sa sinabing iyon ni Byron at ang mga kaibigan naman nila ay tumikhim upang pigilan ang pagtawa sa ka-cornihan nito. Mabuti na lang at wala ni isa sa mga ito ang nagsalita. Si Byron naman ay nanatiling nakatingin lang sa kanya. He continued.
"Call it love at first sight because I have loved you since day one. You already took my breath away with those innocent yet intense eyes of yours. Handa na sana akong tumambay sa Fortress araw-araw. Eh, malakas yata ako kay Tadhana dahil nalaman kong dito sa lugar ka pala naman nakatira. Kaya naman sinamantala ko na, sa lahat ng pagkakataon ay nagpapa-cute ako sayo. Para akong teenager na nagpapansin sa crush ko. Pero hindi ako makapag-isip ng matino kapag nasa malapit ka lang. Hindi ko magawang tahasang aminin sayo na gusto kita. Pakiramdam ko kasi, any minute magagawa mong soplahin ako. Pakiramdam ko, hindi pa ako nakakapag-first move basted na ako kaagad. Kaya kahit sa simpleng hirit ko lang, akala ko naparamdam ko na sayo kung gaano kita ka-gusto. Pero nagkamali ako dahil sa tuwing magseseryoso ka na, tumitiklop na ako. Kaya naman alam ko na inakala mong biro lang ang lahat at hindi kita masisisi.
Pero nasaktan talaga ako 'nung inakala mo na pinagtitripan lang kita. Tapos ilang araw pa lang ang nakakaraan, nakita na ktang may kasamang iba. Now, tell me. Ano sa palagay mo ang dapat na gawin ko? Kahit na labag sa kalooban ko, lumayo ako sayo tulad ng madalas na hinihiling mo."
"Inaamin ko na gustong-gusto kong maniwala sayo, Byron, pero sa tuwing gagawin ko 'yon binabawi mo na ang mga sinabi mo. How am I supposed to react then?"
"I know. I'm sorry, ako naman talaga ang may kasalanan tapos ako pa ang may lakas ng loob na dedmahin ka." sabi ng binata.
Pabiro niya itong hinampas sa balikat. "Bwisit ka. Ikaw ang dahilan kung bakit malungkot ako ng ilang araw."
"Sorry na. Hindi na ako gagawa ng dahilan na ikakalungkot mo." Ngumiti siya at sinuklian naman iyon ni Byron ng isa ring matamis na ngiti. "Na-miss kita."
Hinaplos niya ang mukha ni Byron. What he said was enough, now it's her turn. "I missed you, too. Thank you for always chasing me. Pasensya ka na rin na hindi ko namamalayan na hinahabol-habol pala mo ako. Sarili ko lang kasi ang iniisip ko, nagtayo ako ng pader laban sayo dahil natatakot ako na baka isang araw hulog na hulog na ako sayo samantalang ikaw naman ay nagbibiro lang pala."
"You are worth it, Princess." He gave her another breath-taking kiss. "I love you, Cielo." He said when the kiss ended. Ang tingin nito ay nagsasabing mayroon itong hinihintay na sabihin niya.
"I love you too, Byron." Gumanti siya ng ngiti nang makita ang matamis at malapad nitong ngiti. "Sa sobrang taas ng mga pader na itinayo ko para protektahan ang sarili ko, sobra ka bang nahirapan sa pag-akyat mo?" tanong niya rito maya-maya.
"Sino bang nagsabi sayo na inakyat ko ang mga pader na iyon? Lumipad ako. Ako kasi si Superman." Natawa ito nang pabiro niya itong hampasin sa balikat.
"Ang daya mo naman."
"Matalino lang." Akmang hahalikan na siya ulit nito nang may maalala siya.
"Ahm, Byron, pwede bang huwag mong kalimutan na batiin ng ako 'Good morning' sa araw-araw? Napa-praning kasi ako kapag hindi mo ginagawa 'yon, eh." Napakalakas ng tawa nito pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Anything for you, Princess." sagot nito sabay halik sa tungki ng ilong niya. "Just promise me na mamahalin mo ako for the rest of your life, gagawin ko lahat para sayo."
"Promise. I will love you for the rest of my life and even in my next life, Mr. Salvation." Hinalikan siya nito sa labi ngunit mabilis lang. Pagkatapos ay tinapunan nito ng tingin ang mga taong nasa labas ng bakuran niya.
"The show's over. Pwede na kayong umalis." ani Byron.
"Ano ba 'yan ang dadamot."
"Nagsolo kaagad sila."
Nagreklamo man ang ilan ay sumunod pa rin ang mga ito sa sinabing iyon ni Byron. He gave her his sweetest smile and pulled her closer. Pero muling pinutol ni Drew ang moment nilang dalawa.
"Ah, Cielo, you know you still have to go to Cebu, right?" wika nito sa kanya.
"Cebu? What for?" tanong naman ni Byron sa kanya. Alanganing tumango lang siya sa kanyang boss at wala na itong sinabi pa bago sila iwan doon.
"Business trip, one week lang naman." paliwanag niya kay Byron. "Ikaw naman ang may kasalanan kaya wala kang karapatan na magreklamo."
"Bakit ako?"
"Sabi ni Sir Drew, magpa-miss muna raw ako sayo para mahimasmasan ka. Kaya 'nung sinabi niya sa akin na kailangan niyang magpadala ng tao sa Cebu, pumayag ako pagkatapos niyang i-offer sa akin 'yon."
"Kailan niya sinabi sayo 'yan?"
"Kahapon pagkatapos nating magkita sa Steamin' House."
"Tsk. Ikaw pala ang tinawagan niya." He kissed her temple and sighed. "Sige na nga. Ako na rin ang maghahatid sa'yo sa airport." saad nito. She gave him a quick kiss on the lips.
"Kaya pala sinabihan niya ako na huwag ka munang pupuntahan." ani Byron sa kanya maya-maya.
"Kailan naman niya sinabi 'yan?"
"Kahapon."
"Kaya pala hindi mo ako sinundan kahapon. Akala ko talaga tapos na tayong dalawa." pag-amin niya sa binata.
"Walang matatapos, Princess. Isa pa, mas maganda yata na hindi tayo nag-usap kahapon. Baka kasi hindi tayo magkaintindihan. Matigas pa naman ang ulo nating dalawa."
"Feeling ko nga." pagsang-ayon niya rito.
"I love you, Cielo." buong-pusong wika ni Byron at kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Napangiti siya.
"I love happy endings!" narinig pa niyang sabi ni Sabrina at pagkatapos ay ang pagsara ng gate. Me too, aniya sa sarili nang muling maglapat ang labi nilang dalawa ni Byron.