"Cielo, nag-break na ba kayo ni Kuya?"
Napahinto sa pagkagat ng chocolate bar si Cielo sa tanong na iyon ni Brittany. Kung pwede lang niyang sakalin ito ay ginawa na niya. Kaya lang hindi pupwede sapagkat nasa pampublikong lugar sila. Hindi niya alam kung bakit naisipan pa niyang patulan ang pagyaya sa kanya ni Brittany at Dionne na tumambay sila sa Steamin' House tutal naman daw ay weekend at wala silang ibang gagawin.
Alam naman niyang gusto lang maki-tsismis ng mga ito kaya lang nababagot naman kasi siya sa bahay. Wala siyang ibang alam na mapagtutuunan ng pansin. Pati pagtatrabaho na madalas niyang gawin kapag wala siyang pasok ay inabandona na niya. In short, distracted siya.
"Uy, ang heavy naman ng tanong mo. Pwede bang 'yung light lang muna?" sabi ni Dionne sa katabi nitong si Brittany.
"Oo nga." sang-ayon naman ni Sabrina atsaka tumingin sa kanya. "So, Cielo, hindi ka ba pinanagutan ng kuya ni Brittany?"
Ibinaba niya ang hawak na chocolate bar at binukas-sara ang kanyang kamao. "Bakit parang ang sarap pumatay ng tao ngayon?" aniya.
"Grabe ka naman." komento ni Dionne. Mabuti na lang at nandoon si Hershey para kampihan siya.
"Tigilan na ninyo si Cielo. Hayaan na muna natin siya." wika nito. Umirap lang sina Brittany at Sabrina sa sinabi nitong iyon. Sabay pang nagreklamo ang dalawa.
"Nagtatanong lang naman, eh."
"Oo nga. Wala naman kaming ginagawang masama."
Bago pa siya makahirit ay nakita niya ang pagpasok ni Byron at ng mga kaibigan nito. Bakit ba ang liit ng mundo para sa kanilang dalawa? Mag-resign na kaya siya sa trabaho at lumipat na ng tirahan? But she loves her job. Bakit naman niya iiwan ang pinakamamahal niyang trabaho nang dahil lang sa lalaking 'to? Mas mahal mo ang trabaho mo kaysa sa kanya? singit ng isang munting tinig sa kanyang isipan. Tumahimik ka na lang. Wala namang ibang nakakaalam kundi ako.
Nagtama ang kanilang mga mata ng binata. And for a moment, she hoped that everything was like just before. Lalapitan siya at ngingitian nito. Kukulitin at hahawakan. Pero ang hudyo, tumingin sa ibang direksyon na animo'y wala siya roon. Uminit tuloy ang ulo niya. Para siyang tanga na nagagalit sa ginagawa nitong hindi pagpansin sa kanya kahit na siya naman ang humiling noon sa binata. Hindi pa rin kasi niya maalis sa kanyang isipan ang sinabi nitong mahal siya nito at ang pag-aakala nitong mayroon na siyang iba. Why did it sound like she was cheating on him? Sino ba naman ang hindi pag-iinitan ng ulo sa lagay na 'yon?
"Sinong kuya ang tinutukoy mo, Brittany?"
Sabay-sabay na napatingin sa kanya sina Brittany, Dionne, Sabrina at Hershey. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka dahil sa tinuran niyang iyon. Ang papalapit na grupo naman ni Byron ay napahinto nang marinig din siya.
"Hindi ko kilala ang kuya na sinasabi mo." pagpapatuloy pa niya. She's fully aware how childish she is at the moment but she doesn't give a damn.
"Gusto mo ipakilala kita?" saad ni Brittany. She caught Byron snorted and wait… Did he just roll his eyes on her? Sumosobra na talaga ang lalaking 'to!
"What? Do you have a problem?" direktang tanong niya sa binata.
"Ikaw yata ang may problema sa ating dalawa?"
Same lines, same feelings, different location. Déjà vu? At isang instant replay ang naganap sa isip niya. Anything happened that last night they talked to each other. Lahat naaalala pa rin niya. Every single detail. Paano siya makakalimot kung sa tuwing wala siyang ginagawa ay okupado ng binata ang isip niya? Paano siya makakalimot kung sa lahat ng pagkakataon may isang bagay na makakapag-paalala rito sa kanya? Sa apartment, sa trabaho, sa Steamin' house. Kahit simpleng pagsakay lang ng tricycle ay naaalala pa rin niya si Byron. Kailangan na nga yata niyang mag-resign sa trabaho at umalis sa lugar na yon.
"Bakit ako?" sabi na lang niya nang wala siyang ibang maisip na sasabihin.
"Sino ba ang manhid sa ating dalawa, Cielo?" Nagulat siya nang matitigan niyang mabuti ang mukha ni Byron. It looks like she wasn't the only one who couldn't sleep for the past few days. Pero sigurado siya na magkaiba ang kanilang dahilan.
"I can assure you it wasn't me."
"Talaga?" Tila nanghahamon na wika nito.
"Sa tuwing nagbibiro ka, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing hinahawakan mo ang kamay ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing ngumingiti ka, bumibilis ang tibok ng puso ko. At sa tuwing, may nagtatanong sayo kung ano ba talaga tayo at hindi ka sumasagot, sumisikip ang dibdib ko." Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob upang sabihin lahat ng iyon kahit na alam niyang maraming makakarinig doon. "So, hindi naman siguro ako ang manhid sa ating dalawa, right?"
Nanatiling nakatingin sa kanilang dalawa ni Byron ang mga taong nasa paligid nila pero wala ni isa sa mga ito ang nagtanong o nagkomento. Si Byron naman ay nakatitig lang sa kanya at base sa kanyang nakikita ay hindi nito inaasahan na marinig ang mga sinabi niya ngayon-ngayon lang.
"I thought my actions were enough." anito sa mababang tinig. Umiling siya.
"Your actions were confusing. I'm used to verbal agreements; I'm used to taking orders. Hindi ako pwedeng bumase lang sa mga pinapakita mo, Byron. I need words. Ineed assurance."
"Kahit anong sabihin ko ngayon, hindi na rin naman magbabago pa, 'di ba? May boyfriend ka na." Ah, hindi pa rin pala niya sinabi rito ang tungkol kay Tony. Mas mabuti na nga rin siguro iyon at nang matapos na ang pag-ikot-ikot nila ni Byron. Hindi na lang niya itatama ang anumang iniisip nito tungkol sa kanilang dalawa ni Tony.
"Right. What you're about to say won't change anything."
Tumayo na siya mula sa kinauupuan at umalis na sa lugar na iyon. Iisa lang ang naiisip niya ng mga oras na iyon, ang tumakas para hindi na niya kailangan pang kausapin pa si Byron. Maglalayas na siya.
"WHAT the hell was that, Byron?"
Ang tanong na iyon ni Francis ang nakapagpabalik sa huwisyo ni Byron. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Cielo. Hindi niya alam kung ano ang kanyang unang iisipin; ang maging masaya sapagkat inamin ni Cielo ang nararamdaman nito o ang mainis sapagkat hindi man nito hayagang inamin na mayroon na itong kasintahan ay hindi rin naman nito itinanggi iyon.
"Anong ginawa mo kay Cielo, Kuya?" tanong naman ng kanyang bunsong kapatid na si Brittany nang hindi pa rin niya sinasagot ang naunang tanong ni Francis.
"Wa...wala." sagot niya sa mababang tinig.
"Sapakin kaya kita riyan? Anong wala?" Si Sabrina naman ang tumayo at handa na nga siyang sapakin kung hindi lang ito pinigilan ni Drew sa pamamagitan ng pagyakap sa likuran ng dalaga.
"Wala kang sinabi sa kanya? I mean, hindi mo sinabi kay Cielo kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kanya?" wika naman ni Hershey.
"Kung si Ryan kulang sa utak, ikaw kulang sa bibig. Pambihira ka naman, Byron." reklamo ni Drew.
"Pinaramdam ko naman sa kanya na mahal ko siya sa lahat ng paraan na alam ko." aniya at tila siya nanghihina kaya naman napaupo siya sa binakanteng upuan ni Cielo.
"Hindi mo man lang ba siya hahabulin?" tanong ni Ice.
"It's too late. May boyfriend na nga siya, 'di ba?" At sa tuwing naaalala niya iyon ay nagseselos siya. Bakit ang lalaking iyon ang pinili ni Cielo? Mabulaklak ba ang bibig nito? Kulang pa ba lahat ng pinakita niya sa dalaga? Saan siya nagkulang? Saan siya nagkamali?
"Hindi niya boyfriend 'yon." Lahat ng mga mata ay natuon kay Martin nang sabihin nito iyon. Napakunot-noo naman siya.
"Paano mo naman nalaman 'yan?" tanong niya. Nagkibit-balikat lang si Martin at kung hindi lang ito malayo sa kanya at baka natadyakan na niya ang kaibigan.
"Pare, don't get me wrong I agree with you that actions speak louder than words but I also understand Cielo. Hindi mo ba sinabi sa kanya kahit minsan 'yang nararamdaman mo?" ani Ryan.
"I did."
"And?" Si Francis na naman ang nagtanong at nang marinig niya ang boses nito na animo'y nasa korte sila ay nakalimutan na niya ang dapat niyang sabihin. "And what, Byron?" pag-uulit nito.
"Hindi ko alam." Napakamot ng kilay si Francis sa sinagot niyang iyon at napailing na lang ang iba.
"Ah, sasapakin ko na talaga ang lalaking 'to."
"Mamaya na, may itatanong muna ako." pigil ni Dionne kay Sabrina. "Hindi mo alam kung ano ang naging reaksyon ni Cielo? Why? Pagkatapos mong sabihin na mahal mo siya, umalis ka na?" Kadugo yata ni Francis si Dionne sapagkat magaling ang mga itong makabasa ng tao. Nang hindi siya umimik ay kanya-kanya ang naging reaksyon ng mga ito.
"Itapon ko kaya sa bilibid ang kaibigan ninyo?"
"Siya naman pala ang gumawa ng dahilan kaya giyera sila ni Cielo."
"Magkaka-tumor na yata talaga ako sa utak."
"Akala ko kay Ryan lang tayo magkakaproblema."
"Bakit nadamay na naman ako?"
"Lintik na pag-ibig 'yan."
"Ano na ang plano mo ngayon?" Ipinatong ni Ryan sa kanyang balikat ang palad nito.
"Manliligaw." mabilis niyang sagot. "Sa tamang paraan." dugtong pa niya. Akmang tatayo na siya at handa na niyang habulin si Cielo ngunit pinigilan siya ni Drew.
"Bukas ka na magsimulang manligaw."
Naguguluhang tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit?"
"Basta. Malas ka ngayon, eh. Bukas na lang." sagot nito at isa-isang tinanguan sina Ice, Martin, Francis at Ryan.
"Kailangan mo ba ng pampabwenas?" sabi naman ni Ice.
Lalo siyang napakunot-noo sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. "Ewan. Mga praning kayong lahat." aniya sabay talikod.
"Bukas ka na lang ng umaga manligaw, Dude." pahabol ni Drew.
"Anong akala mo kay Kuya? Intsik?" narinig naman niyang sabi ni Brittany. Hindi na sinagot ni Drew ang sinabi nitong iyon ng kanyang kapatid. Sa halip ay tumalikod ito at kinuha mula sa bulsa ng pantalon nito ang cellphone nito.
"Excuse me, may tatawagan lang ako."
NAISIPAN ni Byron na bumili muna ng bulaklak bago puntahan at kausapin si Cielo. Pumorma rin siya ng kaunti at ilang beses pa niyang ni-recite ang kanyang sasabihin sa dalaga. Halos magdamag siyang gising sa kakaisip kung paano niya uumpisahan ang kanyang sasabihin kay Cielo. Nakinig naman siya sa payo ni Drew sapagkat alam niyang hindi rinsila magkakaintindihan ni Cielo kung sakali man na sinundan niya ito kahapon.
Tinawagan niya si Drew upang alamin ang kinaroroonan ng dalaga. Ayon sa kanyang kaibigan ay wala na si Cielo sa Fortress at umuwi na raw ito. Ang balak niya noong una ay dumaan na sa bahay ng dalaga pagkatapos niyang isara ang kanyang clinic ngunit bandang huli ay nagbago ang kanyang isip. Gusto naman niyang maging isang presentableng manliligaw sa harapan ni Cielo kahit pa hindi niya alam ang magiging kalalabasan ng pag-uusap nilang dalawa.
Ipinarada na niya ang kanyang sasakyan sa parking lot at nagmamadali siyang makapasok sa mall upang makabili na ng bulaklak. He opted to buy a dozen of long-stem red roses. Nakangiti siya habang naglalakad palabas ng flower shop ngunit unti-unting nabura ang ngiti niyang iyon nang makita ang isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya. Iyon ang boyfriend ni Cielo, nakasuot ito ng floral shirt at may ka-holding hands! At ang mas malala, lalaki ang ka-holding hands ng bakla. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka wala siyang pakialam pero hindi ngayon. Isa-isa niyang ni-rewind sa utak niya ang mga naganap na sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Cielo pero wala talaga siyang maalala na may sinabi si Cielo tungkol sa relasyon nito at ng Tony na ito.
Hindi rin niya malaman ang dapat gawin. Susugurin ba niya ang lalaki o si Cielo na lang ang kanyang tatanungin? Kung bubugbugin naman niya ito ay baka sa kulungan pa ang bagsak niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa na malaman ang totoong pagkatao nito. Bandang huli ay wala siyang pinili. Mas minabuti na lang niyang umalis doon upang mapuntahan na niya si Cielo. Silang dalawa na lang ang magtutuos.