"Byron, nandiyan ka na pala. Pasensya ka na, pare. May dinaanan lang ako saglit."
Boses iyon ng isang lalaki. Byron? Byron? pag-uulit niya sa kanyang isip mula sa kanyang narinig. Tinapunan niya ng tingin ang lalaking naka-Iron man na T-shirt at todo ngiti lang ito sa kanya. Umikot naman siya upang tingnan ang bagong dating. Mestizo at singkit naman ito. Nakasuot ng puting dress shirt at beige na trousers. Nasa balikat nito ang isang navy blue na coat. Pinasadahan naman siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa at pabalik.
"And you are?" tanong nito sa kanya.
"Cielo. Cielo Miranda." sagot ng lalaki na tinawag nitong 'Byron'.
"Ah, ikaw 'yung bagong copywriter? I'm Andrew Santillan, Creative Director." Lalong lumiit ang mga mata ng singkit ng lalaki nang ngumiti ito. Inilahad nito ang kamay atsaka nagpakilala. "Welcome to Fortress." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito at kahit na nanlalamig ang kanyang mga kamay ay nararamdaman niya pa rin ang pagkulo ng kanyang dugo dahil sa bwisit na lalaking nadatnan niya sa opisina ng boss nya. Pinagmukha siya nitong tanga! Nanginginig pa ang kanyang boses nang magsalita siya.
"Thank you, Sir." Binitawan na nito ang kanyang kamay at naglakad patungo sa likod ng mesa kung saan naroon ang swivel chair nito. Humarap siya sa dalawang binata at handa na sanang magpaalam ngunit muling nagsalita si Andrew.
"Pinagtripan ka ba ni Byron, Cielo? Namumula kasi ang mukha mo. O baka naman may lagnat ka?" saad nito habang isa-isang tinitingnan ang ilang papeles na nasa mesa nito. Hindi pa siya nakakasagot sa mga tanong nito ay may idinugtong na ito. "Ah, ayos lang ba sa'yo na tawagin kita sa first name mo? Mas pabor ako kasi ako sa first-name basis."
"O-okay lang po, Sir Andrew." aniya.
"'Drew' na lang." anito sa kanya at ngumiti na lang siya.
"Ang sama naman ng tingin mo sa akin, dude. Bakit mo naman naisip na pinagtripan ko si Cielo?" sabad naman ni Byon sa usapan nila. Sa kanya ito nakatingin kahit pa si Drew ang kausap nito. Gusto niya itong sigawan at sabihing huwag siya nitong matawag-tawag sa pangalan niya dahil hindi naman sila close.
"Kilala na kita, Byron. Sa tagal na nating magkaibigan alam ko na ang likaw ng bituka mo." naiiling na sagot ni Drew sa kaibigan nito bago siya sinulyapan habang hawak-hawak pa rin ang ilang piraso ng papel. "At tulad na rin ng sinabi ko kanina, namumula kasi ang mukha ng bago kong empleyado. Hindi ko lang alam kung sa inis o sadyang natural na 'yan sa kanya."
"It suits her." wika nito sa kaibigan at pagkatapos ay siya naman ang kinausap nito. "Kilala mo ba si Snow White, Cielo?"
"No." mabilis at maikling niyang sagot. Hindi niya naitago ang iritasyon sa kanyang boses at alam niyang naramdaman iyon ng dalawa sapagkat bakas sa iyon sa mukha ng mga ito. May halong amusement nga lang ang kay Byron. Minabuti niyang dugtungan ang nauna niyang sagot dahil baka magkaroon siya ng masamang impresyon sa kanyang amo. "Hindi ko po siya kilala." aniya sa kontroladong tono.
"Ipapakilala ko siya sa'yo sa susunod." nakangiti pa rin ito sa kanya at gusto na niyang ingudngod ito. Hindi ba nito nahahalata na ayaw niya itong kausap? Sumasagot lang siya sa mga tanong nito dahil sa presensya ng amo niya. Hindi ba nito napapansin iyon? What's with the friendly tone? Ngayon lang sila nagkita at feeling close na ito sa kanya. Nagawa pa siyang pagtripan nito. Hiningan-hingan pa siya nito ng ID. At anong sabi nito? Sa susunod? As if naman na gugustuhin pa niya itong makita sa susunod? Ngayon pa nga lang ay gusto na niyang hubarin ang sapatos niya tutal naman ay masakit na talaga ang kanyang mga paa at ibato na lang sa gwapo nitong mukha. Anong gwapo? Manahimik ka nga, Cielo! Kalaban 'yan, aniya sa sarili.
"I have a question." lakas-loob niyang wika sa binata.
"Shoot."
"Why did you ask for my identification?"
"You did what?" bulalas ni Drew.
"Because I wanted to know your name." he said, with no trace of shame in his voice.
Mabuti na lang at sinabihan na siya ni Drew na maaari na siyang lumabas dahil kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang magtimpi sa praning nitong kaibigan. Ilang babae na kaya ang napagtripan nito sa ganoong paraan? Bakit siya pa ang napili nitong biruin ng ganoon? At ano raw? Gusto nitong malaman ang pangalan niya? Ha! May pagka-playboy din ang adik na lalaki. She decided that day that she doesn't like Byron, not even a bit. Kahit pa gwapo ito at napatalon nito ang puso niya dahil sa lintik nitong ngiti.
That was two years ago pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa binata sa tuwing naaalala niya iyon. At ang isa pa sa hindi niya inaasahan ay nang malaman niyang sa iisang lugar lang pala sila nakatira. Akalain mo nga naman. Nalaman niya iyon nang minsang magkasabay sila sa isang grocery store. Mula noon ay hindi na siya tinigilan nito. Sa tuwing magkikita sila ay palagi lang siya nitong nilalapitan at kahit na anong paglayo ang gawin niya ay wala namang epekto sa binata. Dalawang taon na silang nagpapatintero at hindi niya alam kung kailan siya titigilan ni Byron. Ah, basta. Bakit ba niya iniisip ang baliw na lalaking iyon? With that thought, she rested her head against the sofa and fell asleep.
"MISS Cielo, hindi ka pa ba uuwi? Oras na."
Napaangat ng tingin mula sa pagta-type si Cielo kay Amy, na isa sa mga interns nila at inilipat ang tingin sa orasan sa mesa niya, alas-sais na pala.
"Kailangan ko pang tapusin ito, eh." sabay turo sa dalawang folder sa ibabaw ng desk niya sa pamamagitan ng hawak din niyang ballpen.
"Bukas na lang po kaya 'yan? Hindi naman daw po rush 'yan sabi ni Miss Janice." tukoy nito sa kanilang head.
"Oo nga pero may kailangan pa rin kasi akong tapusin kaya mauna ka ng umuwi." Ibinalik na niya ang atensyon sa kanyang ginagawa.
"Sigurado po kayo?"
"Oo nga. Sige na, umuwi ka na at mag-ingat ka." sagot niya habang nakayuko at patuloy ang pagta-type.
"Sasamahan ko na lang si Cielo, pwede ka ng umuwi." Napalingon sila ni Amy sa bagong dating na si Byron na kaagad umupo sa isang visitor's chair.
"Sir Byron! Talagang dinidibdib po ninyo ang panliligaw kay Miss Cielo, ah." ani Amy dito. Kung kanina lang ay ayaw siyang iwan nito, ngayon naman ay nagmamadali itong umalis. "Mauna na po ako, may date pa po kasi ako, eh. Bye." Hindi na siya nakasagot man lang dahil dali-dali silang iniwan nito matapos siyang kindatan. Hindi na bago sa kanya ang pagiging 'fan' daw nito sa 'loveteam' nilang dalawa ni Byron.
"Umuwi na si Sir Drew kanina pang alas-singko." aniya rito.
"Ayos lang 'yon dahil hindi naman siya ang ipinunta ko rito." He said while he's busy flipping the pages of a magazine.
Pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa pero nawala na siya sa concentration. Pilit pa rin niyang ibinabalik ang kanyang nawalang konsentrasyon ngunit nahihirapan siya. Nasisiraan na yata siya ng bait. Bakit ba kasi napakalakas ng epekto ng sinabi at presensya ni Byron sa kanya? Naramdaman niyang tumayo ito at umupo sa gilid ng table niya. Iniligpit na rin nito ang nakakalat na papel at folder sa mesa niya.
Nagtatakang nilingon niya ito. "What are you doing?" tanong niya sa binata.
"Nagliligpit."
"I know, what I mean is, bakit mo ginagawa 'yan?"
"Kasi po kung hindi mo pa namamalayan, oras na. Kailangan mo ng umalis dito para umuwi at kumain."
"Hindi pwede, magagalit ang boss ko."
"Hindi naman ako magagalit."
"You're not my boss."
"Alam ko pero ako na ang bahala kay Drew, malakas ako sa kaibigan ko na 'yon." nakangising sabi nito.
"Halata nga. Ikaw lang naman ang hindi nasisita kahit maglabas-pasok sa building na 'to." Hinayaan na lang niya ito sa ginagawang pagliligpit dahil kahit ilang beses niya itong suwayin ay hindi naman ito nakikinig sa kanya. Sa tagal na ng pagkakakilala niya rito ay isa iyon sa kinailangan niyang tanggapin at kung bakit ay hindi niya alam.
"I'm not the only one."
"Pero madalas ikaw." giit pa niya. "Bakit ka nga pala nandito?"
"Dahil sa'yo. Dito ka kasi nagtatrabaho." kaswal nitong sagot na para bang napakanatural lang nandoon ito dahil sa kanya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Byron." Kinuha na nito ang kanyang bag atsaka siya inalalayan sa pagtayo. Inagaw niya sa kamay nito ang bag niya at hindi naman kumontra pa ito.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na nagbibiro ako?" tanong nito at hindi na binitawan ng binata ang kanyang kamay. Isa pa iyon sa ipinagtataka niya, sa tuwing hinahawakan siya nito ay hindi niya magawang magreklamo. Pero kapag naaalala niya na dapat pala siyang magreklamo ay ginagawa niya. Tulad na lang ngayon.
Binawi niya ang kanyang kamay na hawak nito at nagpatiuna sa paglalakad. "You're the most playful person I've ever met, Byron. Baka nakalimutan mo na kung anong ginawa mo sa akin noong unang beses tayong nakita?"
"Wala naman akong ginawang masama, ah?"
Sa sinabi nitong iyon ay napahinto siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Nagpanggap ka na ikaw ang boss ko. Nakalimutan mo na ba?"
"Alam mo, Prinsesa--"
"Isa pa 'yan, bakit ba 'Prinsesa' pa rin ang tawag mo sa akin kahit na ilang beses ko ng inulit sayo na huwag mo akong tatawagin ng ganyan?" Nakapamaywang niyang tanong.
Napakamot na lang panga si Byron dahil sa kanya. "Ang dami mo namang tanong. Pwedeng isa-isa lang? Para kang si Francis, ang hilig ninyong magtanong."
"That's part of his job. He's a lawyer." pagpapaalala niya rito.
"I know. Pero hindi ka naman abogado, bakit ang hilig mong magtanong?"
"Because I'm entitled to know the answers."
"Sige na nga. Una, hindi ako nagpanggap na ako si Drew. In-assume mo lang 'yon."
"What?" Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Never kong sinabi sa'yo na ako ang boss mo." He even wiggled his forefinger in front of her face.
"Ikaw ang nasa opisina niya kaya malamang lang isipin ko na ikaw ang boss ko." Ayaw man niyang aminin ay may point ang sinabi ni Byron. To think na siya pa ang naiinis sa tuwing naaalala niya ang nangyari noon samantalang may kasalanan din naman siya ay nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Pero siyempre, hindi niya aaminin kay Byron 'yon.
"Pero hindi ako nagpakilala bilang si Drew." pagtatapos nito bago siya nito iginaya sa parking lot kung saan naroon ang kotse nito. Binuksan nito ang pintuan ng passenger's seat at puno ng pagtataka ang kanyang mga mata nang tingnan niya ito.
"Why are you looking at me like that?" tanong nito.
"Uh, what's this?"
"Uh, my car?" panggagaya nito sa kanya.
"Alam ko pero anong drama 'to?"
"Hindi 'to drama. Sinusundo lang talaga kita." His eyes narrowed and he looked at her suspiciously. "Kinikilig ka na ba?" At ang puso niya, nagwala na naman dahil sa simpleng tanong ni Byron sa kanya.
"Siraulo ka talaga, 'no?" Inirapan niya ito bago siya tumalikod ngunit hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay hinawakan na ni Byron ang kanyang braso upang pigilan siya.
"'Wag ka ng pikon. Nagbibiro lang naman ako." Ah, there it is. Ang natatanging dahilan kung bakit hindi talaga niya dapat sineseryoso lahat ng sinasabi at pinapakita nito. Palagi naman siyang pinaaalahanan ng binata na nagbibiro lang ito at sa lahat ng pagkakataon ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kirot. Pakiramdam kasi niya ay ginagawa siyang libangan ng binata pero hindi naman niya magawang magreklamo. Ang labo, 'di ba? Hindi rin niya alam kung hanggang kailan balak makipagbiruan sa kanya ni Byron. Kailangan yata niyang kausapin ng masinsinan ang puso niya. Kailangan niyang ipaalala rito na hindi siya maaaring mahulog sa praning na lalaking ito.
He's so persistent that she couldn't resist him. Ayon naman sa kaibigan niyang si Brittany , ay sadyang may kakulitan na taglay ang nakatatanda nitong kapatid. Hindi niya alam kung maniniwala rin siya sa sinabi nito na nanliligaw daw si Byron sa kanya. Paano naman siya maniniwala, eh, ang binata mismo ang walang sinasabi sa kanya? At paano naman kung siya na ang magtanong pero gawin na namang biro ni Byron ang lahat? Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kaya bago pa siya matuyuan ng dugo sa kakaiwas at kakapayo sa binata na lubayan na siya nito ay hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin. At siya? Kailangan na lang niyang araw-araw na ipaalala sa sarili niya na hindi totoo lahat ng iyon. Kailangan na lang niyang bantayan ang kanyang sarili at bakuran ang kanyang puso. Prevention is better than cure, iyon din ang madalas ipaalala sa kanilang magkakapatid ng kanilang ama.
Humugot siya ng malalim na hininga at walang imik na sumakay sa kotse nito."Ano na nga pala ang sagot mo sa pangalawang tanong ko?" aniya rito pagkaupong-pagkaupo nito sa driver's seat. Nagsuot muna ito ng seatbelt bago ito tumingin sa kanya at sumagot.
"Ah, 'yon ba?" Ang tagal nitong tila nag-isip ng isasagot at siya naman ay talagang hinintay ang kung anumang sasabihin nito. "Secret. At dahil secret iyon natural lang na bawal ipagsabi." anito sabay kindat. Nanggigil siya. Kung hambalusin na lang niya kaya ito? At dahil hindi siya nakapagpigil ay ginawa nga niya. Tawa lang ng tawa ang binata atsaka na nito in-start ang makina ng kotse.
"Umayos ka nga." paangil niyang wika rito.
"Maayos naman ako, ah? Hindi ba halata?"
"Wala talaga akong mahihitang matinong sagot sayo kahit kailan." Napailing na lang siya nang tumawa lang ito.