Alas-5 pa lang ng umaga ay nasa harap na ng bahay ni Lexi si Rhian. Nagulat pa si Tessie ng lumabas ito ng bahay para buksan ang tindahan ng makita sa labas ang dalaga. "Ang aga mo naman, anak." Takang tanong ni Tessie. "Pinapasundo po ni Kuya si Ate Lexi." Sagot ni Rhian. "Nako, tulog pa ang ate mo. Mabuti pa ay pumasok ka na at ikaw na ang gumising." Sabi ni Tessie. "Okay po, sige po." Sagot ni Rhian at pumasok na sa loob ng bahay.
"Morning sleeping beauty..." Mahinang sabi ni Rhian sa natutulog pang si Lexi. "Ano ba naman 'to, tulog mantika. Parehong-pareho kayo ni kuya." Bulong ni Rhian. "Ate Lexi, gising na." Sabi ni Rhian pero umungol lang si Lexi. "Ayaw mo ha!" Sabi ni Rhian. "Kuya Jake!" Sigaw ni Rhian at biglang bumangon si Lexi. Luminga-linga at ng makita ang nakatawang si Rhian, binato niya ito ng unan. "Bakit ka nandito? Ang aga-aga nambubulahaw ka." Sabi ni Lexi sabay higa at takip ng kumot. "Pinapasundo ka po ng manliligaw mo. Aga-agang tumawag sa akin para lang ipasundo ka." Sabi ni Rhian na hinila ang kumot na nakatalukbong kay Lexi. Kumunot ang noo ni Lexi. "Dapat si kuya talaga ang susundo sa'yo kaso may gagawin siya kaya ayun, ako ang binulabog kanina." Sabi ni Rhian at pilit na itinatayo si Lexi. "Bangon na kasi, kilos na." Patuloy ni Rhian. Tamad na tamad namang tumayo si Lexi. "Aga-aga pa..." Himutok ni Lexi. "Bilis na!" Sabi ni Rhian sabay tulak sa kaibigan palabas ng kwarto.
"Dito ba kayo kakain?" Tanong ni Tessie pagkakita sa dalawang dalaga. "Hindi po, sa ospital na po kami kakain Tita. Mag-intay po si kuya doon." Sabi ni Rhian na nagpalingon kay Lexi. "Akala ko ba may gagawin siya?" Takang tanong ni Lexi. Ngumiti lang ng matamis si Rhian. "Ligo na, baka mainip sa atin si kuya, mapagalitan pa ako." Sabi ni Rhian at patuloy na itinulak ang kaibigan hanggang sa makapasok na ito sa banyo.
"Kuya?" Tawag ni Rhian sa kapatid. "Sandali!" Sagot nito at saka lumabas. Napangiti ang dalawang dalaga ng makita si Jake na nakasuot pa ng apron. "Gwapo mo kuya." Sabi ni Rhian. "Matagal na." Sagot naman ni Jake. "Oh, eto na, special delivery pa 'yan." Nakangiting sabi ni Rhian na nakatingin kay Lexi. "Salamat. Sige na." Sabi ni Jake. "Ganoon, pagkatapos mo kong utusan, palalayasin mo na ako." Kunwaring pagtatampo ni Rhian. "Oo na, babawi ako." Sabi naman ni Jake na ikinaaliwalas ng mukha ni Rhian. "Sabi mo 'yan ha. oh, sige na at alam ko namang istorbo ako sa inyo. Bye!" Sabi ni Rhian sabay labas na ng bahay.
Inaya naman ni Jake si Lexi sa kusina. Hinila ang upuan sa lamesa para makaupo si Lexi pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa. "Sabi ni Rhian may gagawin ka daw, bakit ka nandito?" Takang tanong ni Lexi. "Yep, meron nga." Sagot ni Jake. Umikot ang paningin ni Lexi sa paligid ng bahay. "Nasaan si Nanay Marie?" Tanong niya ng hindi makita ang matanda. "Maagang pumunta sa palengke para mamili." Sagot ni Jake. "Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ni Lexi sabay tayo pero bago pa siya makalapit sa binata ay humarap na ito na may hawak na dalawang plato. "Breakfast natin." Sabi ni Jake na nakangiti. "Ikaw nagluto?" Tanong ni Lexi. "Syempre! Tara na at ng makakain." Aya ni Jake. Kilig na kilig si Lexi hindi lang dahil pinagluto siya ni Jake pero dahil ang gwapo lalo nito kahit may suot pang apron.
"Salamat." Sabi ni Lexi ng inilapag ni Jake ang plato sa harap niya. Tumabi din ito sa kanya. "Kain na." Sabi ni Jake pero nakatingin ito sa kanya. "Bakit?" Namumulang tanong ni Lexi. "Tikman mo na tapos sabihin mo kung pasado ba." Nakangiting sabi ni Jake. Sumunod naman si Lexi, kumuha siya ng pagkain at saka isinubo. "Masarap ba?" Tanong ni Jake. "Pwede na." Sagot ni Lexi. "Ah, gan'on!" Sabi ni Jake sabay kuha sa plato ni Lexi. "Ito naman, 'di na mabiro. Masarap kaya pwede ka ng mag-asawa." Sabi ni Lexi sabay kuha ng plato niya. Ngumiti si Jake. "So, pwede na tayo magpakasal?" Nakangising tanong ni Jake. Nasamid naman si Lexi kaya kumuha si Jake ng tubig at pinainom si Lexi. Natatawa ang binata habang hagod niya ang likod ni Lexi. Matagal kasi bago nawala ang samid nito.
"Ok ka na?" Tanong ni Jake at tumango naman si Lexi. "Saan ka ba nasamid, sa niluto ko o sa tanong ko?" Nakangiting tanong ni Jake. "Puro ka kasi kalokohan." Sagot ni Lexi. "Hindi kaya. Sabi mo pwede na akong mag-asawa eh paano 'yan, ikaw ang gusto kong mapangasawa." Sabi ni Jake na ikinapula ni Lexi. "Kumain ka na nga lang. Gutom lang 'yan." Sabi ni Lexi at pinagpatuloy ang pagkain. Bigla namang hinila ni Jake ang upuan ni Lexi papunta sa kanya. "Ano ba?" Inis na sabi ni Lexi dahil muntik na siyang mahulog sa upuan. Nahawakan lang siya ni Jake kaya hindi siya natuluyan. "Seryoso ako, Lex." Sabi ni Jake na nakatingin kay Lexi. Magkaharap sila at malapit ang mukha ni Jake sa kanya. Napalunok naman si Lexi. "Grabe, ano ba naman 'tong lalaking 'to." Tanong niya sa sarili. Nakangiti si Jake dahil pulang-pula ang mukha ni Lexi.
"Lex..." Sabi ni Jake sabay hawak sa baba niya. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Jake sa mukha ni Lexi. Nakatingin ito sa kanyang mga mata habang palapit ng palapit ang mukha nito sa kanya. Pinikit ni Lexi ang mga mata niya ng konti na lang ang pagitan nila ng...
"Dre?" Tawag ni Anthony kay Jake. Naitulak ni Lexi si Jake dahilan para ma-out of balance ito at mahulog sa sahig. Yoon ang inabutan ni Anthony at napatawa ito sa itsura ng kaibigan. "Sorry." Sabi ni Lexi na lumapit agad sa kanya at tinulungan siya makatayo. "Galing ng timing mo, Dre!" Sabi ni Jake na hinimas-himas ang pwet dahil sa pagbaksak nito. "Bakit? Meron bang mangyayari pero dahil dumating ako eh hindi natuloy?" Makahulugang tanong ni Anthony at palipat lipat na tiningnan ang dalawa. "Wala!" "Meron!" Sabay na sabi ng dalawa na nagpatawa na naman kay Anthony. "Sorry naman kung wrong timing ako." Sabi ni Anthony. "Next time kasi mag-lock ng pinto ha?" Patuloy ni Anthony na ikinapula na naman ni Lexi.
"Anyway, nandito ako para sabihin na meron kang pupuntahang convention sa isang linggo." Sabi ni Anthony na ikinakunot ng noo ni Jake. "Bakit ako?" Tanong ni Jake. "Alangang ako, sino ba OIC?" Balik na tanong ni Anthony. "Hindi ba pwedeng si Rhian na lang?" Sabi ni Jake. "Nope! Ikaw ang pinapa-attend ni Tito." Sabi ni Anthony. "Don't worry,kami ng bahala sa ospital and sa secretary mo, 'di ba Lexi?" Sabi ni Anthony na tinanguan ni Lexi. "Pupunta ako kung kasama ko siya." Sabi ni Jake sabay turo kay Lexi. "Ano ko, chaperone?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lexi. "Hindi, ano ba gusto mo, girlfriend ko o asawa ko?" Nakangiting tanong ni Jake. "Wala, nako, d'yan na nga kayo, bababa na ko." Sabi ni Lexi sabay tayo sa upuan. "Wait, sabay na tayo hunny-bunny." Sabi ni Jake sabay tanggal ng apron at hinabol si Lexi na nakalabas na ng pinto. Naiwang ngingiti-ngiti si Anthony. "Ala, sama na ng tama nito sa puso at utak." Bulong ni Anthony sa sarili pagkatapos ay sumunod na din sa dalawang nauna.