Pagkatapos ng tatlong oras ay narating na ng ferry ang Coron. May pumaradang sasakyan sa harap nila Jake at Lexi. "Sir." Sabi ng valet na inabot ang susi kay Jake. "Talagang may pakotse pa?" Nakangiting sabi ni Lexi. "Ni-rent ko lang para hindi mahirapan ang soon-to-be girlfriend ko." Tuksong sabi ni Jake. "Wow! Yayamanin talaga ang boss ko." Nang-aasar na balik naman ni Lexi. "Hindi ba pwedeng soon-to-be boyfriend na lang?" Nakatawang sabi ni Jake. Hindi kumibo si Lexi at sumakay ng tuluyan sa kotse. Pagdating nila sa Asia Grand View Hotel ay nagpark na si Jake at pagkatapos ay pumasok na sila sa hotel. Magalang silang binati ng mga staff at pagkatapos mag-check-in ay hinatid na sila sa kanilang kwarto. Hindi agad napansin ni Jake na iisa lang ang kwarto nila dahil ang alam niya ay dalawa ang ni-reserved niya.
"Wait, where's the other card?" Tanong ni Jake sa bell boy. "Sir, isa lang po ang binigay sa information desk." Sagot ng bell boy. "Pero dalawang room ang ni-reserved ko last week." Sabi ni Jake. "Sir, pasensiya na pero ang information clerk na lang po ang kausapin n'yo." Sabi ng bell boy at pagkatapos ay iniwan na sila nito matapos ipasok ang gamit nila. "Bababa lang ako." Sabi ni Jake pero tumunog ang phone niya bago pa man makalabas ng pinto. "Bakit?" Sabi ni Jake. "Oh, ang init naman ng ulo mo agad, Dre." Sabi ni Anthony. "Kasi naman, Dre, dalawang room ang ni-reserved ko last week 'di ba. Nadinig mo naman ang pagkikipag-usap ko sa clerk." Sabi ni Jake. "Oo, nagconfirm pa sila the next day." Sabi ni Anthony. "Nandito na kami sa hotel, Dre, at iisang kwarto lang ang nakapangalan sa akin." Sabi ni Jake. "Teka, paano nangyari 'yun?" Takang tanong ni Anthony. Doon nadinig ng dalawang binata ang halakhak ni Rhian. Magkasama si Anthony at Rhian sa opisina ni Jake sa ospital.
"Dre, pakibigay lang ang phone sa magaling kong kapatid at tiyak ko may kinalaman ang luka-lukang iyan sa nangyari." Sabi ni Jake at inabot nga ni Anthony ang phone kay Rhian. "Surprised, Kuya!" Nakatawang sabi ni Rhian. "Ikaw talagang babae ka, pinakialaman mo na naman ang mga documents ko noh? Gusto mo ba akong mabugbog ni Tito Ronnie sa kalokohan mo, ha?" Inis na sabi ni Jake. "Don't worry, Kuya, 'di naman niya malalaman. Tayong apat lang ang makakaalam." Sabi ni Rhian sabay hagikgik. "Wala ka talagang magawa sa buhay, Rhian." Sabi ni Jake. "Hhhmmm, if I know, Kuya, gusto mo din na magkasama kayo sa kwarto 'di ba kaya 'wag ka ng pakipot d'yan." Sabi ni Jake. "Humanda ka sa pagbalik ko." Banta ni Jake. "Ok, bye, enjoy." Sabi ni Rhian at pinidot na ang end call ng phone ni Anthony.
"Anong nangyari?" Tanong ni Lexi. Bumuntong hininga si Jake. "Kalokohan ni Rhian. Dalawang room talaga ang ni-reserved ko, Lex. Kaso nakita siguro ni Rhian ang records ng hotel kaya ayun, naging isa na lang ang kwarto natin. Bababa na lang ako. Titingnan ko kung makakakuha pa ako ng isang room." Sabi ni Jake. "Huwag na, hayaan mo na. Tiyak na puno na lahat ng kwarto ngayon. Maliban sa participants ng convention, may iba ding guests ang hotel. Besides, maluwag naman ang sahig or malambot din naman ang sofa. Kasyang-kasya ka dito o doon." Sabi ni Lexi na tinuro ang malamig na sahig at ang maliit na sofa. "Grabe, magkaibigan nga kayo ni Rhian." Naiiling na sabi ni Jake na kinatawa ni Lexi. "Joke lang, sa sofa na lang ako matutulog mamaya. Mas maliit naman ako sa'yo kaya tiyak na sakto lang ang katawan ko doon." Sabi ni Lexi. "Ayaw mo bang tabi na lang tayo?" Nakangising tanong ni Jake. "Gusto mo bang tawagan ko si Tatay ngayon?" Balik na tanong ni Lexi. "Eto naman, ang bait-bait ko kaya. Dito na ako sa lapag. Hihingi na lang ako ng extra mattress at comforter sa room service mamaya." Sabi ni Jake na kinangiti ni Lexi.
Maya-maya biglang namutla si Lexi. Tumunog kasi ang phone niya ang ang tatay niya ang caller. Nasa CR si Jake at naliligo. "Hello, Tay!" Sabi ni Lexi. "Nasa Palawan na ba kayo?" Tanong nito. "Opo, Tay, nandito na po kami sa hotel." Sagot ni Lexi. "Nasaan si Jake?" Tanong ni Ronnie pero bago pa nakasagot si Lexi ay tinawag ni Jake ang pangalan niya. "Lex, may nakalimutan ako." Sigaw ni Jake. "Si Jake ba 'yon?" Takang tanong ni Ronnie. "Opo, Tay. Tatawag po ako mamaya, Tay. May nakalimutan yata si Jake dito sa kwarto ko. Magkatabi kasi kami este yung kwarto namin kaya, ano.." Hindi natuloy ni Lexi ang salita niya dahil lumabas na sa CR si Jake na nakatapis lang ng tuwalya. Nakita ni Lexi ang abs ni Jake. "Ang ganda..." Wala sa loob na sabi ng dalaga. "Alin ang maganda, anak?" Biglang nagsalita si Ronnie sa kabilang linya kaya nagising si Lexi sa pagkakatulala niya kaya dali-dali niyang binigyan ng signal si Jake na 'wag mag-ingay. "Ah, yung view sa labas Tay, ang ganda! Sige na po, tatawag ako mamaya. Bye, Tay!" Sabi ni Lexi sabay patay sa phone niya.
Biglang napaupo si Lexi sa kama. "Si Tito 'yun?" Tanong ni Jake. "Oo, nakakainis ka! Muntik na tayo mabuko. Ang ingay-ingay mo kasi!" Inis na sabi ni Lexi. "Sorry naman. Hindi ko naman alam na may kausap ka pala." Sabi ni Jake. "Ano ba kasing nakalimutan mo?" Inis na tanong ni Lexi. "Eto." Maikling sagot ni Jake sabay taas ng brief niya. "Bastos!" Sabi ni Lexi sabay bato ng unan kay Jake. Natawa si Jake. Papasok na sana siya pabalik ng may maalala. "Lex!" Tawag nito sa dalaga. "Ano?" angil ni Lexi. "Ano 'yung magandang view kanina?" Tanong ni Jake na may nakakalokong ngiti sa gwapo nitong mukha. "Wala! Magbihis ka na nga!" Sabi ni Lexi sabay batong muli ng unan. Tumawa ng malakas si Jake. Naiwang namumula si Lexi. "Grabe, abs pa lang, ulam na." Bulong ni Lexi sa sarili at maya-maya ay ipinilig niya ang ulo sa naisip.
Dahil bukas pa naman ang start ng convetion ay naisip ng dalawa na umikot muna sa loob ng hotel. Madaming pwedeng gawin sa loob at labas ng hotel. Mayroon itong diving center, swimming pools, bayview bar and restaurant, spa and massage, videoke, billiards na gustong-gusto ng dalawa, darts, mini library, board games, table tennis, at pwede din magbird watching. Meron din silang snorkeling trips, land tours, culion tours, at beach to beaches tours.
"Anong oras yung convention bukas?" Tanong ni Lexi habang naglalakad sila sa gilid ng swimming pool. "8 am ang start hanggang 5 pm." Sagot ni Jake na biglang hinawakan si Lexi dahil muntik na siyang mabunggo ng mga naghahabulang kabataan. "Ang tagal pala." Sabi ni Lexi. "Nakakainip pero pagmaganda naman ang topic ay nakakaenjoy din." Sabi ni Jake. "For three days 'yun?" Tanong ni Lexi. "For two days lang, yung third day half day lang kasi sa gabi ay gala night." Sabi ni Jake. "Gala night?" Tanong ni Lexi. "Parang formal dinner lang." Sagot ni Jake. "Ngek! 'Di mo naman sinabi. Wala akong formal dress na dala." Sabi ni Lexi. "Madali na 'yun. Pwede namang 'di na tayo umattend dun. Kung gusto mo ay mamasyal na lang tayo after." Sabi ni Jake. "Mas gusto ko ata yun." Nakangiting sabi ni Lexi.
Papasok na sana muli sila sa loob ng may magsalita galing sa likod. "Well, well, ang liit talaga ng mundo para sa atin tatlo." Sabi ng pamilyar na boses. Humarap ang dalawa at pareho silang ngumiti ng pilit. "Mabuti at nakatayo ka na?" Sabi ni Lexi na nakatingin sa ibabang bahagi ni Brix. "Bakit naman hindi, malakas yata ito." Sabi ni Brix sabay turo sa ibaba. "Ganoon ba? Gusto mo ulitin ko?" Inis na sabi ni Lexi. Pinigil ni Jake si Lexi ng akmang lalapitan si Brix. Napaatras naman ang binata dahil akala niya ay makakalapit talaga si Lexi sa kanya. "Alam mo, lalo mo akong pinapahanga eh. 'Di ka lang maganda at sexy..." Sabi ni Brix sabay hagod ng tingin kay Lexi mula ulo hanggang paa. "Magaling ka din maglaro saka palaban din. Mga tulad mo ang tipo ko eh." Sabi ni Brix. Si Lexi naman ang pumigil kay Jake ng akma nitong susugurin ang binata. "Tara na, sayang lang ang oras natin dito." Sabi ni Lexi sabay hila kay Jake. Naiwan si Brix na may makahulugang ngiti sa kanyang mukha.
"Bakit naman sa dinami-dami ng makakasama natin dito eh ang ugok pa na 'yun ang nandito." Sabi ni Lexi ng nasa loob na sila ng kanilang kwarto. "Kaya nga pero hayaan mo na. Maghapon naman tayo sa loob ng convention hall kaya tiyak na hindi natin siya makikita." Sabi ni Jake. "Anong gusto mong hapunan? Okay lang ba sa'yo kung magparoom service na lang tayo?" Tanong ni Jake. "Oo, baka makasalubong na naman natin ang tukmol eh 'di na ko makapagpigil at mabasag ko na talaga alaga niya." Sabi ni Lexi na kinatawa ni Jake. "Grabe ka naman. 'Wag ganoon, kawawa naman siya." Sabi ni Jake. "Pag mga ganoon lalaki eh dapat talaga turuan ng leksyon. Kaya ikaw, pangatawanan mo yung sinabi mo na mabait ka kasi baka mabasag ko din 'yan." Sabi ni Lexi. Biglang tinakpan ni Jake ang pang-ibaba niya. "Huwag po, huwag po." Sabi ni Jake na kinatawa ni Lexi. "Don't worry, we will try to behave, pero kapag 'di mo kinaya sabihin mo lang. We will be at your service." Nakangiting sabi ni Jake. "Bastos!" Namumulang sabi ni Lexi. "Sino bang nauna?" Nanunuksong tanong ni Jake. "Ewan ko sa'yo. Mag-order ka na ng pagkain at baka ikaw pa makain ko." Sabi ni Lexi. "Uy, gusto ko 'yun." Sabi ni Jake. Bigla na naman namula si Lexi ng marealized niya ang sinabi. "Ay! Ewan ko sa'yo. Bahala ka d'yan!" Sabi ni Lexi sabay pasok sas kwarto. Dinig ni Lexi ang halakhak ni Jake. "Kainis talaga!" Sabi ni Lexi sa sarili.