Tama nga ang hinala ni Jake, may fracture nga ang siko ni Lexi kaya kinakailangan na lagyan ng cast ang braso niya. Walang ginawa si Jake kungdi mag-sorry ng mag-sorry kay Lexi. Matapos mailagay ang cast ay bumalik na din sila sa hotel. Ayaw na sanang umattend ng convention ni Jake. Ang gusto sana ni Jake ay bumalik na sila sa Maynila ng makapagpahinga ng maayos si Lexi pero hindi pumayag ang huli.
"Okay na ako, umattend ka na, makakahabol ka pa naman. Sayang naman ang binayad natin." Sabi ni Lexi na pinagtutulakan si Jake palabas ng kwarto nila. "Paano ka?" Natawa si Lexi sa tanong ni Jake. "Malaki na ko, kaya ko naman mag-isa dito saka, hello naman Jake, ito lang isa ang may bandage, okay pa itong isa." Sabi ni Lexi. "Pwede naman kasing hindi na ako pumunta eh." Pagmamaktol ni Jake. "Hindi! Lakad na!" Seryosong sabi ni Lexi. Walang nagawa si Jake kundi lumabas na ng tuluyan pero lumakad ay nagsalita pa ito. "Tawagan mo agad ako kapag may problema ha?" Bilin ni Jake. "Opo." Sagot ni Lexi.
Nang nakalabas na si Jake ay nag-ring ang phone ni Lexi. Nangiti siya ng si Rhian ang nakitang nyang caller. "Helloooooo..." Sabi nito. "Bakit?" Tanong ni Lexi. "Ang taray! Kamusta? Nasa convention na kayo?" Tanong ni Rhian. "Nandoon na si kuya mo." Sagot ni Lexi. "Bakit siya lang? Naka-register ka din ah? Iniwan ka niya? Loko talaga si kuya." Sunud-sunod na sabi ni Rhian na kinatawa ni Lexi. "Naiwan ako dito sa kwarto, nagka-fracture ako eh." Sabi ni Lexi. Inilayo na ng dalaga ang telepono sa tenga niya dahil tiyak na titili ang kausap niya, at 'di nga siya nagkamali.
"Hhhhhaaaaaa!!!??? Bbbbbbaaaakkkkiiiitttt!!!???" Pati si Anthony na kasama ni Rhian sa opisina ni Jake ay natulig sa boses ni Rhian. "Pwede ba hinaan mo 'yang boses mo. Baka may makarinig sa'yo akalain pa na may ginagawa ako sa'yo." Sabi ni Anthony. "Si Ate Lexi kasi nagka-fracture daw." Sabi ni Rhian. "Ha?" Gulat na tanong ni Anthony. "Aksidente, nadulas ako sa CR kanina kaya eto, may cast ang braso ko." Paliwanag ni Lexi. "Ano naman kasi ang ginawa mo at nadulas ka ha?" Tanong ni Rhian. "Nanghuhuli ng palaka." Nakangiting sabi ni Lexi. "Hehehe, nakakatawa. Siguro may ginagawa kayong milagro ni kuya noh?" Tukso ni Rhian. "Sira!" Sagot ni Lexi na ikinatawa ni Rhian. "Eh bakit 'di na lang kayo umuwi? Maiintindihan naman nila Daddy at Mommy kung bakit 'di naka-attend si kuya." Tanong ni Rhian. "Okay naman na ako. Nabawasan na yung kirot magmula ng malagyan ng cast. Sayang din naman kasi, nandito na din kami." Sabi ni Lexi. "Naku, paano na 'yan. Eh 'di hindi na kayo makakagawa ng mga pamangkin ko?" Tukso ni Rhian. Naisip ni Lexi na patulan ang kaibigan. "Pwede naman, braso ko lang naman ang may cast noh!" Sabi ni Lexi na sinundan ng tawa. "Sinasabi ko na nga ba at pakipot ka lang babaeta ka eh." Sabi ni Rhian na lalong kinatawa ni Lexi. "Sige na, may incoming call ako." Sabi ni Lexi. "Sure ako, si kuya 'yan. Sige na, bye. Ingat kayo d'yan." Sabi ni Rhian at pinindot ang end call ng phone niya.
"Bakit ang tagal mong sumagot?" Tanong agad ni Jake ng sagutin ng dalaga ang tawag nito. "Kausap ko po si Rhian. Bakit ka napatawag?" Tanong ni Lexi. "Okay ka lang ba d'yan?" Tanong ni Jake. "Oo naman. 'Di pa ba nagsisimula?" Tanong ni Lexi. "Morning break. May gusto ka bang kainin?" Tanong muli ni Jake. "Busog pa ko. Tatawag na lang ako sa information kapag nagutom na ako." Sagot ni Lexi. "Masakit pa ba? Sorry talaga." Sabi ni Jake. "Alam mo, siguro, pang 100 times mo ng sinabi ang word na 'yan. Gasgas na gasgas na." Nakangiting sabi ni Lexi. "Kasi..." Sabi ni Jake. "Hep! Tama na, okay?" Walang may gusto nito, aksidente 'to, okay po ba? Isa pang beses na madinig ko ulit ang pag-sosorry mo, sa lapag ka ulit matutulog mamaya." Banta ni Lexi. "Okay, hindi na. Nandito na 'yung speaker. Tawag ulit ako maya." Sabi ni Jake. "Makinig kang mabuti ha? Tatanungin kita mamaya?" Bilin ni Lexi. "Okay po, bye." Sabi ni Jake sa pinatay ang phone nito.
Binuksan ni Lexi ang TV. "Buti na lang may Fox Channel." Sabi ni Lexi sa sarili at nagsimula ng manood ng movie. Hindi namalayan ni Lexi na nakatulog na siya. Naramdaman na lang niya na may bumuhat sa kanya at pagmulat ni ay si Jake ang nakita niya. "Oh, bakit nandito ka?" Tanong ni Lexi matapos siyang ibaba ni Jake sa kama. "Lunch break kaya pumunta muna ako dito. Dahil gising ka naman na, kain na tayo." Aya ni Jake sa dalaga. Tatayo sana si Lexi ng pigilan siya ni Jake. "Lunch in bed ka muna." Nakangiting sabi ni Jake. "Di ba breakfast in bed lang?" Nakangiting tanong ni Lexi. "Dahil lunch ngayon kaya lunch in bed. Mamaya dinner in bed. Bukas pa yung breakfast in bed." Mahabang sagot ni Jake na kinatawa ni Lexi. "Pauso ka talaga." Sabi ni Lexi at natawa si Jake.
"Say aahhh." Sabi ni Jake habang hawak at kutsara na may lamang pagkain. "Kaya ko namang kumain mag-isa." Sabi ni Lexi. "Nope, mahihirapan ka kaya susubuan na lang kita." Sabi ni Jake. "Paano ka?" Tanong ng dalaga. "Madali na 'yun. Sige na, aaahhh." Sabi ni Jake kaya binuka na ni Lexi ang bibig para isubo ang kutsara na hawak ni Jake. Ang hindi inaasahan ni Lexi ay pagkatapos siyang subuan ni Jake at kumuha din ito ng pagkain at sinubo sa sarili na gamit ang parehas na kutsara isinubo sa kanya ni Jake. Natawa si Jake sa nakatulalang si Lexi. "Bakit? Naalangan ka pa ba na ginamit ko 'tong kutsara mo? Eh 'di ba ilang beses na din kitang nahalikan kaya okay lang na magshare na lang tayo sa isang kutsara." Sabi ni Jake kaya namula si Lexi at hinampas ito ng unan. "Totoo naman 'di ba? Gusto mo ng sample ngayon?" Tukso ni Jake. "Heh! Tumigil ka nga." Sabi ni Lexi na pulang-pula. "Oh, sige na, kung ayaw mo mahalikan, subo mo na 'to." Sabi ni Jake bago isinubo muli ang pagkain.
"Pwede bang dito na lang ako? Bukas na ulit ako aatend." Sabi ni Jake na kala mo batang nakikiusap. "Hindi, bumaba ka na at tapos na ang lunch break. Bilin ni Tita, kailangan mong tapusin ang convention kaya baba." Sabi naman ni Lexi. Walang nagawa si Jake kungdi lumabas ng kwarto at pumunta sa convention hall.
Inip na inip si Jake. Ngani-ngani nyang tumayo at bumalik na sa kwarto nila kaya lang ay tiyak na magagalit sa kanya si Lexi. Paglingon niya sa may bandang likuran n'ya ay mayroon siyang nakita na 'di kanais-nais na taong ayaw sana niyang makita. Buti na lang at wala si Lexi. "Mukhang hindi mo yata kasama Lexi." Panimula ni Brix na nakalapit na sa kanya at umupo sa lamesa kung saan nakaupo din si Jake. "Hindi mo na kailangan malaman kung bakit." Inis na sagot ni Jake. "Nag-away siguro kayo noh kaya mag-isa ka lang dito." Patuloy ni Brix. "Alam mo kung hindi ka lang din naman makikinig sa speaker ay pwede bang umalis ka na lang." Sabi ni Jake. "Well, pare, ingatan mong mabuti si Lexi. Kakaibang babae siya at tiyak na madami ang maghahangad na makuha siya. Hindi ko ipagkakaila na trip ko si Lexi kaya kung magsawa ka na sa kanya, nandito lang ako." Sabi ni Brix. Kung wala lang sila sa convention hall ay inumbag na ni Jake ang hinayupak na lalake sa tabi niya. Kung hindi lang nakakahiya ay pinagsusuntok na niya ang bastos na manyak. Naikuyom na lang niya ang kamay niya at pinigil ang sarili. "Sige, pare, pakikamusta na lang ako kay babe." 'Yun lang at umalis na si Brix.
Pagkatapos ng huling speaker ay nagmamadaling umakyat si Jake sa kwarto nila. "Lex." Tawag niya sa dalaga pero walang sumagot sa kanya. Inulit niya ang pagtawag pero wala pa din siyang nadinig. Kinabahan si Jake at halos takbuhin ang pinto palabas. "Jake." Tawag ni Lexi sa binata. "Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man lang nagsabi na lalabas ka?" Galit na tanong ni Jake sabay yakap ng mahigpit sa dalaga. "Jake, yung cast ko." Sabi ni Lexi ng maipit ang braso niya sa pagitan ng mga katawan nila. "Bakit ka ba nagagalit? Nainip kasi ako kaya naglakad-lakad lang ako sa gilid ng pool." Paliwanag ni Lexi. "Sana man lang ay nagtext ka. Nag-alala ako sa'yo ng sobra." Inis pa ding sabi ng binata. "Bakit ba?" Takang tanong ni Lexi. "Wala! Basta sa susunod magtext ka man lang o tawagan mo ako." Pagkasabi noon ay pumasok na si Jake sa loob at sumunod naman si Lexi.
"Bakit ba ang init ng ulo mo? May nangyari ba?" Tanong ni Lexi kay Jake na humiga sa kama at tinakpan ang mga mata ng braso niya. "Jake." Tawag ni Lexi sa binata pero hindi sumagot ito. Bumuntong hininga si Lexi. "Sorry na." Pero wala pa ding nakuhang sagot mula sa binata kaya minabuti na lang ni Lexi na tumayo pero hindi pa siya nakakalayo sa kama ay niyakap na siya ni Jake sa kanyang bewang. Nakasandal ang ulo nito sa may likod niya. "May nangyari ba?" Muling tanong ni Lexi. "Wala naman. Bukas ay babalik na tayo sa Maynila at hindi na magbabago ang desisyon ko." Sabi ni Jake. "Anong sasabihin natin kay Tito at Tita?" Tanong ni Lexi. "Maiintindihan na nila kung bakit. Ang importante ay magpagaling ka." Sabi ni Jake. "Pero..." Sabi ni Lexi. "Wala ng pero pero, uuwi na tayo bukas." Matigas na sabi ni Jake at alam ni Lexi na hindi na niya mababali ang utos ng hari kaya bumuntong hininga na lamang siya.
Hindi na sinabi ni Jake ang napag-usapan nila ni Brix kanina. Ayaw niyang mag-alala pa ang dalaga. Ang importante ngayon ay mailayo niya si Lexi kay Brix dahil iba talaga ang kutob niya sa lalake.