"Sinasagot mo na ako?" Muling tanong ni Jake kay Lexi. Magkaharap na silang dalawa at halos buong staff ng ospital ay nakatingin sa kanila at nag-iintay sa susunod na mangyayari. Para silang nanonood ng love story sa TV. Lahat sila ay kinikilig lalo na ang mga kababaihan at isa na doon si Rhian na nakahawak sa bewang ni Anthony na nakaakbay naman sa kanya. Ang isang kamay ay may hawak na phone habang naka-on ang video. Naisipan ng dalaga na kunan ng video ang moment ng dalawa para ipadala sa mga magulang na nasa States. Tiyak niya na matutuwa ang mga ito sa magandang balita.
Nang tumango si Lexi ay biglang binuhat ni Jake ang dalaga at inikot sa ere. "Yes! Woohoo! Girlfriend ko na si Lexi del Rosario!" Sigaw ni Jake. Palakpakan naman ang mga tao sa paligid nila at mga sumisigaw ng tuksuhan. "Jake! Baba, mo na nga ako, nahihilo na ko." Sabi ni Lexi na pulang pula ang mukha. Sinunod naman ni Jake ang sinabi ng dalaga. Pagkababa niya ay niyakap naman siya ni Jake. Natatawa si Lexi sa reaksyon ng binata. "Daig mo pa nanalo ng lotto ah." Biro niya na nakayakap na din sa binata. "Oi, oi, tama na 'yan. Daig n'yo pa nagshooting ng koreanovela." Nakangiting sabi ni Rhian na nakalapit na sa kanila. Unti-unti na din nagbalikan sa kanilang mga pwesto ang mga staff. "Inggit ka lang." Sabi ni Jake na ngayon ay naka-akbay na kay Lexi. "Bakit ako maiinggit eh nandito ang My Loves ko." Sabi ni Rhian na ikinawit ang kamay sa braso ni Anthony. "Ano, Dre, double wedding ba tayo?" Nakangising tanong ni Anthony. "Pwede pero bukas na, kakasagot lang sa akin ng Tart ko eh." Sabi ni Jake. Tumingin si Lexi sa binata. "Tart short for sweetheart." Sagot ni Jake sa nakataas na kilay ni Lexi. "Eeewww, Kuya." Sabi ni Rhian. "Mas eeewww kaya tawagan n'yo." Ganti naman ni Jake. "Tumigil na nga kayong dalawa. Tara na at ng makapagtrabaho na." Sabi ni Lexi na nagpatiuna ng maglakad papasok sa loob ng ospital. Sumunod naman sa kanya ang tatlo na may ngiti sa mga labi.
"Bakit ang tagal mong bumalik?" Inis na sabi ni Brix sa assistant niyang si Brandon. "Eh, boss, may nangyari kasi sa baba kaya nakiusyoso muna ko." Sagot ni Brandon. " Kalalaki mong tao napakatsismoso mo." Sabi ni Brix. "Boss, yung babae na trip mo, dito pala nagtatrabaho saka yung lalaki, sila pala may-ari nitong ospital." Sabi ni Brandon na kinakunot ng noo ni Brix. "Yung nakasuntukan mo noon. Kaibigan din sila ni Sir Phil." Patuloy na sabi ni Brandon. "Si Jake at Lexi?" Tanong ni Brix. "Sila nga, Boss. Sila yung nakita ko sa baba kanina. Mukhang girlfriend na ni Jake si Lexi, Boss." Sabi ni Brandon na kinangisi ni Brix. "Girlfriend lang pala eh." Sabi ni Brix. "Mukhang mag-eenjoy ako sa pagstay ko sa ospital na ito." Nakangising sabi ni Brix.
Habang busy ang apat sa opisina ay may katok silang nadinig mula sa glass door at ng mag-angat sila ng tingin ay nakita nila si Bella. Sinenyasan ito ni Jake na pumasok. "Bakit ganyan itsura mo?" Takang tanong ni Rhian sa Chief Nurse na halatang inis na inis. "Kasi naman Ma'am, 'yung bagong patient natin na for general cheack-up lang napakaarte. Demanding masyado, nakakainis!" Wala sa loob na sabi ni Bella na pagkatapos ay nag-sorry naman ng maalala na puro bossing ang kaharap niya. "Ano bang problem?" Tanong ni Jake. Tumingin muna si Bella kay Lexi. "For blood extraction siya tomorrow ng 6 am ang kaso..." Kumunot ang noo ni Lexi ng muling tumingin sa kanya si Bella. "Ang kaso?" Si Anthony ang nagsalita. "Si Lexi ang gusto niyang kumuha sa kanya." Sabi ni Bella na kinakunot ng noo nilang apat.
"Ako? Bakit?" Takang tanong ni Lexi. "Ano'ng pangalan ng patient?" Tanong ni Jake. "Brix Tuazon po, OIC." Sagot ni Bella na kinakuyom ng kamao ni Jake. Nakita nila Anthony at Rhian ang reaksyon ng dalawa. "Sige, Bella, kami na ang bahala sa lalaking 'yon." Seryosong sabi ni Jake. Lumabas na si Bella pagkatapos magsalita ni Jake.
"Meron ba kaming dapat malaman?" Tanong ni Rhian. Nasa harap na sila ng mesa at kumakain ng merienda sa canteen. "Sino si Brix? Bakit niya kilala si Ate Lexi?" Tanong ni Rhian. "Siya 'yung nakasuntukan ni Kuya mo sa bar ni Phil. Nung nasa Palawan kami, nakalaban namin siya sa billiards. Nakasama din namin siya sa hotel." Kwento ni Lexi. "And so?" Sabi ni Rhian. "May gusto siya kay Lexi." Si Jake na ang nagsalita. "Grabe, Ate, ang haba talaga ng hair mo." Sabi ni Rhian. Diniinan ni Anthony ang kamay niya na nakahawak sa kamay ng dalaga dahil alam ni Anthony na may hindi sinasabi si Jake sa kanila. "Dre, may problema ba?" Tanong ni Anthony na kinalingon sa kanya ng dalawang dalaga. Humarap si Jake kay Lexi. "Basta mag-ingat ka sa lalaking 'yun. Alam kong kaya mo ang sarili mo pero walang akong tiwala sa mukha ng mokong na 'yun." Seryosong sabi ni Jake. Tumango si Lexi. "Paano bukas?" Tanong ni Rhian. "Kukuhanan ko pa din siya ng dugo. Pasyente pa din siya ng ospital." Sagot ni Lexi. "Sasamahan kita." Sabi ni Jake. "Huwag na, tiyak namang gagawa siya ng paraan para mainis ka kaya hayaan mo na siya sa akin." Sabi ni Lexi. "Okay, baka nga hindi ako makapagpigil at masapak ko na agad siya pagkakita ko pa lang sa mukha niya." Sabi ni Jake. "Dre, samahan mo siya bukas. Magsama ka na din ng dalawang nurse na lalaki." Sabi ni Jake na kinatawa ni Lexi. "Ginawa mo pang bodyguard si Anthony." Sabi ni Lexi. "Kami na lang ni Rhian ang pupunta. Baka mainis din 'tong si Anthony sa angas nun." Patuloy ni Lexi. "Oo nga, parehas pa naman kayong dalawang init ng ulo agad ang inuuna." Sabi naman ni Rhian. "Sige, pero mag-intay na lang kami sa labas. Baka kung ano maisipan nun na gawin sa inyong dalawa." Sabi ni Anthony na sinang-ayunan na lang ng dalawang dalaga para 'di na humaba ang usapan.
Kahit dala ni Lexi ang kotse niya ay hinatid pa din siya ni Jake pauwi sa bahay nila. Nakasunod ang kotse nito sa kotse niya. Sinabihan niya na itong 'wag nang sumama pero gusto nitong makausap ang mga magulang niya at sabihin na may relasyon na sila. Pagdating nila sa bahay ay agad nagmano ang dalawa. Hindi naman nagalit sila Ronnie at Tessie na halos magdamag at maghapong hindi umuwi ang dalaga dahil tumawag naman ito para ipaalam ang nangyari kung bakit hindi siya umuwi. Nag-usap ang apat at sa bandang huli ay nag-apir pa ang dalawang lalaki ng sabihin ni Jake na girlfriend na niya ang kanilang anak.
"Close na kayo agad ni tatay ah. May pa apir-apir pa kayo. Brod lang?" Nakangiting sabi ni Lexi ng ihatid nito ang binata sa labas. "Siyempre! Lakas ko kaya kay tatay." Sabi ni Jake sabay kindat kay Lexi. "Sige na, uwi na, ingat ka." Sabi ni Lexi. "Yun lang?" Tanong ni Jake. Natawa si Lexi at binigyan ng flying kiss si Jake. "Ayoko n'yan." Sabi ni Jake sabay turo sa lips niya. "Gusto mo bang masapak ka ni tatay?" Tanong ni Lexi na lumingon sa bahay nila. "Ako bahala kay tatay. Sige na, isa lang, pleasssseee..." Pagmamakaawa ni Jake na ikinatawa ni Lexi. "Isa lang?" Tanong ni Lexi at tumango si Jake. Lumapit si Lexi at binigyan ng isang mabilis na halik ang binata. "Sige na nga, pwede na 'yun pero babawi ako bukas." Sabi ng binata sabay kindat sa dalaga. Sumakay na ito sa kotse niya. "Bye, ingat ka." Sabi ni Lexi. "Okay, sunduin kita bukas." Sabi ni Jake at tumango si Lexi.