"Morning!" Nakangiting bati ni Jake kay Lexi bago ito halikan sa labi. "Morning." Ganting bati ni Lexi. "Bakit parang matamlay ka yata?" Takang tanong ni Jake sa dalaga. Hindi talaga nakatulog ng maayos si Lexi dahil sa nangyari kagabi. Kapag naaalala niya ang ginawa ni Brix ay kinikilabutan pa din siya. "Ah, wala 'to. Hindi kasi ako dinalaw agad ng antok kagabi kaya medyo kulang lang siguro sa tulog 'to." Sagot ni Lexi. "Wag kasing isip ng isip sa akin." Nakangising sabi ni Lexi. "Kapallllll!" Sabi ng dalaga na nagpangiti kay Jake. Matapos magpaalam kay Tessie ay umalis na ang dalawa papuntang ospital.
Nagtaka ang dalawa ng pagpasok nila sa opisina ay parehong nakasimangot si Rhian at si Anthony at magkahiwalay pa sila ng upuan na 'di katulad dati na kulang na lang ay hindi sila mapaghiwalay. "Lover's quarrel." Bulong ni Lexi kay Jake na nagpangiti sa binata. "Morning." Sabi ni Lexi. Ngumiti si Rhian pero hindi umabot sa mata samantalang si Anthony ay tumango lang. "May problema ba kayong dalawa?" Tanong ni Jake. "Wala!" Sabay na sabi ng dalawa at sabay umalis. "Grabe, parang nagtanong lang ako ah." Sabi ni Jake na nagpatawa kay Lexi. "Yaan mo na, magkakaayos din ang dalawang 'yun." Sabi ni Lexi at umupo na sa upuan niya at pareho silang nagumpisa ng kanya-kanyang trabaho.
Pagdating ng tanghalian ay sabay na pumasok sila Rhian at Anthony na magkaakbay na at halatang nagkaayos na. "Galing ah, kanina lang para kayong leon at tigre pero ngayon 'di na naman kayo mapaghiwlay." Sabi ni Jake. "May misunderstanding lang, Dre." Sabi ni Anthony. "Tara, kain na tayo." Aya ni Rhian ay sabay-sabay silang apat na pumunta sa canteen. Papasok na dapat sila sa canteen pero tinawag ng guard ni Lexi.
"Ma'am, may delivery po para sa inyo." Sabi ng guard na kinakunot ng noo ni Lexi. Tumingin sa kanya si Jake pero nagkibit balikat lang siya. Pinauna na nila sila Rhian at Anthony sa canteen, Silang dalawa naman ay bumalik sa entrance para kunin ang package. "Walang pangalan." Sabi ni Lexi. Bubuksan na dapat niya ang box pero pinigil siya ni Jake at sa canteen na daw buksan kaya naglakad sila papuntang canteen na si Jake ang may dala ng box.
"Ano 'yan?" Tanong ni Rhian. Nagkibit balikat lang ang dalawa. Binaba ni Jake ang box at binuksan ni Lexi. Isang bouquet ng flowers lang ang nakalagay. Inamoy ni Lexi at tumingin kay Jake. "Thanks ta..." Hindi natapos ni Lexi ang sasabihin ng bigla siyang nawalan ng malay. Buti na lang at mabilis ang reflexes ni Jake at nasalo siya agad bago bumagsak ng tuluyan sa sahig. Nabitiwan ni Lexi ang mga bulaklak. Pinulot ito ni Rhian at inamoy din. "Shit! Chloro..." Bago pa man matapos ni Rhian ang sasabihin ay nawalan na din siya ng malay at nasalo ni Anthony. "Walang gagalaw sa mga bulaklak! Tumawag kayo ng pulis ngayon din!" Sigaw ni Jake at halos sabay sila ni Anthony na tumayo na buhat ang dalawang dalaga at dinala agad sa Emergency Room.
Nang magmulat si Lexi ng mata ay muli siyang nahilo kaya pumikit siyang muli. Siniguro muna niya na wala na ang hilo niya bago siya dumilat ulit. Pagdilat niya ay alam niyang nasa isang suite room siya ng hospital. Inikot niya ang mata at nakita niya na nasa kabilang hospital bed si Rhian. Pilit niyang inalala ang nangyari. Mula sa package, pagbubukas nito, pag-amoy sa bulaklak at pagkatapos hinimatay na siya. "Chloroform." Nagulat siya ng biglang magsalita si Rhian. "Chloroform?" Ulit na sabi ni Lexi. "Yung mga bulaklak, Ate Lexi, may chloroform. Konting dose lang nun, tiyak na mawawalan ka talaga ng malay." Sabi ni Rhian. "Nawalan ka din ng malay?" Takang tanong ni Lexi. Ngumiti si Rhian. "Ang tanga ko noh?" Sabi ni Rhian at natawa si Lexi. "Konti lang." Sagot niya at sabay silang natawa. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Jake at Anthony na may kasama ng mga pulis.
"Magandang umaga, Mrs. de Castro." Sabi ng isa sa mga pulis. Tumaas ang kilay ni Lexi at tumingin kay Jake pero dahil seryoso ito ay hindi na siya umimik. "Magandang umaga din po. May problema po ba?" Tanong ni Lexi. Tinulungan siya ni Jake na dahan-dahan makaupo sa hospital bed. "May mga itatanong lamang po sana kami sa inyo tungkol sa nangyari kanina." Sabi ng pulis at tumango naman si Lexi. "May idea po ba kayo kung sino ang pwedeng magpadala ng mga bulaklak kanina?" Tanong ng pulis at umiling si Lexi. "Sa mga nakaraang araw po ba ay may mga tao po ba na palagay n'yo ay may kahina-hinalang pagkatao na nasa paligid ninyo?" Iiling sana si Lexi pero naalala niya si Brix. "Si Brix Tuazon po." Sabi ni Lexi at naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sa kanya ni Jake. "Kagabi po..." At sinimulan na ni Lexi ikwento ang nangyari kagabi.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Sabi ni Jake na halata ni Lexi na may inis sa tono. "Sorry." Maikling sagot niya. Lumambot naman ang mukha ni Jake ay niyakap niya ang dalaga.
"Mr. de Castro, sa totoo lang po ay under surveillance ng aming department si Mr. Brix Tuazon." Sabi ng pulis na kinakunot ng noo ni Jake. "Bakit?" Takang tanong ni Jake. "May mga nakapagreport po sa amin na may illegal na transactions si Mr. Tuazon sa isa sa mga Chinese dealer na wanted sa China. Hindi pa po namin maconfirm dahil hanggang ngayon po ay nakikipag-usap pa kami sa mga Chinese Intel na nasa bansa. Pero 'wag po kayong mag-alala, kapag nakakuha na po kami ng sapat na ebidensya ay sisiguraduhun namin na hindi na mauulit ang nangyari kanina." Sabi ng pulis. Matapos magpasalamat ay nagpaalam na ang dalawang pulis at nangako na mabuting iimbestigahan ang nangyari.
Hindi pumayag ang dalawang binata na madischarge na sila Lexi at Rhian mula sa ospital. "Magpahinga muna kayo dito. Kami muna ni Anthony ang mag-aasikaso sa opisina." Sabi ni Jake. "Pero..." Hindi natapos ang sasabihin ni Lexi ng halikan siya ni Jake. "Mrs. de Castro, walang pero-pero." Sabi ni Jake na kinaikot ng mata ni Lexi. "Inggit ako, my loves." Sabi ni Rhian kaya hinalikan din siya ni Anthony. "Mrs..." Hindi natapos ni Anthony ang sasabihin ng tingnan siya ng masama ni Jake. "Pumayag akong maging girlfriend mo ang utol ko pero hindi pa ko pumapayag na maging asawa mo siya." Sabi ni Jake. "Dre naman!" Sabi ni Anthony.
Nang masigurado nila Lexi at Rhian na nakalayo na ang dalawang binata ay sabay silang tumayo mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa pintuan. Binuksan ni Rhian ang pinto para lang magulat sa dalawang guard na nakatayo sa labas ng pintuan nila. "Ma'am, may kailangan po kayo?" Tanong ng isang guard. "Ah, eh, nagugutom kasi kami kaya pupunta muna kami sa canteen para kumain." Sabi ni Rhian. "Ma'am, pasensiya na po pero bilin ni OIC na huwag kayong palalabasin sa kwarto. Sandali po at itatawag ko sa kanya." Pipigilan sana ni Rhian ang guard pero bigla ng nagsalita ang kuya niya.
"May problema ba?" Tanong ni Jake gamit ang two-way radio. "OIC, nagugutom daw po sila Ma'am Rhian at Ma'am Lexi." Sagot ng guard. "Sige, magpapadala na lang ako ng pagkain d'yan." Umikot ang mata ni Rhian ng madinig ang sabi ng kapatid kaya kinuha niya ang radio sa guard pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita muli ang kuya niya. "Rhian de Castro, kung ayaw mong lagyan kita ng posas ay sumunod ka sa akin. Huwag na huwag kayong labas diyan sa kwarto. Kapag sinubukan mong suwayin ang utos ko, grounded ka ng isang buwan." Banta ni Jake. "My loves, sundin mo na lang si kuya ha?" Sabi ni Anthony na gamit din ang isang two-way radio. Pinukol siya ng masamang tingin ni Jake. "Dre, magkasing-edad lang tayo kaya 'wag mo kong kinukuya." Sabi ni Jake na kinatawa ni Anthony. "Tart?" Si Lexi naman ang nagsalita. "Yes, tart?" Biglang lumabot ang boses ni Jake. "Gusto kong lumabas ng kwartong 'to dahil kanina pa masakit ang likod namin ni Rhian kakahiga. Sa ayaw mo at sa gusto ay pupunta kami sa canteen para kumain dahil kanina pa din kulo ng kulo ang mga tiyan namin." Malambing pero may diin na sabi ni Lexi. "Mrs. de Castro..." Sabi ni Jake. "Yes, tart?" Sagot ni Lexi. "Sige, papunta na kami." Sagot ni Jake at nagmamadaling lumabas ng opisina kasunod si Anthony. Nag-apir sila Lexi at Rhian samantalang nangigiti lang ang dalawang guard na nagbabantay sa kanila.