Chapter 46 - Chapter 46

Dahil hindi masyadong pinagtuunan ng pansin nila Jake at Lexi ang buong bahay kahapon, hindi nila napansin na five-storey pala ito. Nagulat sila ng pagkatapos kumain ng umagahan ay ayain sila nila Carlo at Bianca sa second floor. "Wow!" Sabi ni Lexi ng makita ang dalawang billiard table, apat na dart board, dalawang table tennis table, at iba pang board games. Lumapit agad si Lexi sa billiard table. "Laro tayo!" excited na sabi ng dalaga. "Mamaya na girl, akyat muna tayo sa taas." Hila sa kanya ni Bianca. Pag-akyat naman sa taas ay si Jake naman ang napa-Wow dahil meron ang third floor na half court para sa basketbal na pwede din i-convert bilang volleyball court. Papasok sana si Jake pero inakbayan siya ni Carlo at hinila na naman sa hagdan para umakyat sa fourth floor. Isang gym ang bumungad kila Jake at Lexi pero hindi pa man sila natatapos sa paghanga sa loob dahil sa kumpletong gamit nito ay hinila na naman sila paakyat sa taas.

"Grabe, ilang floors ba meron ang bahay na 'to?" Tanong ni Lexi. "Last na 'to." Sagot ni Bianca sabay kindat. Pagpasok nila ay nakita agad ni Lexi sa isang malaking monitor ang kanyang mga magulang. "Tay, Nay, kamusta na kayo?" Naiiyak na tanong ni Lexi. "Okay naman kami, anak." Sagot ni Tessie. "Ikaw, kamusta kayo d'yan ni Jake?" Tanong ni Ronnie. "Okay naman kami, Tay." Si Jake ang sumagot. "Mr. del Rosario, ako po si Carlo. Ako po 'yung kausap n'yo kahapon." Pagpapakilala ni Carlo. "Tito Ronnie na lang. iho." Sabi ni Ronnie at tumango si Carlo. "Huwag po kayong mag-alala Tito, ligtas po sila Jake at Lexi dito." Sabi ni Carlo. "Salamat, iho." sagot ni Ronnie. Sandali pa silang nag-usap bago nagpaalam sa isa't isa. Niyakap ni Jake si Lexi ng hindi ito tumigil sa kakaiyak pagkatapos kausapin ang mga magulang.

"Bukas ko na siguro tatawagan ang mga nasa ospital at baka di mo na maidilat ang mga mata mo mamaya sa kakaiyak." Biro ni Carlo na nagpangiti naman kahit papaano kay Lexi. "Sandali, akala ko ba bawal kaming makipag-usap sa kanila at baka ma-trace nila Brix ang location natin." Takang tanong ni Jake. "Pag-alis natin sa ospital ay nagpalagay agad ako ng mga gamit sa isang kwarto sa ospital. Kungbaga, media and radio control station kung saan malalaman ko ang nangyayari doon at the same time ganoon din sila dito. Protected ang line ng connection at kakailanganin nila Brix ng isang magaling na hacker para masira ang firewall na ginawa niya." Turo ni Carlo sa isang lalaki na ngayon lang napansin nila Jake at Lexi kasama pa ang dalawang lalaki na nakaupo sa iba pang maliliit na monitor ng mga computer. Lumapit sila Jake at Lexi sa mga monitor at nakita nga nila ang buong hospital pati ang mga galaw ng mga tao sa labas at loob ng lugar.

"Alam na din nila Brix na wala na kayo sa loob ng hospital kaya sigurado ay gumagalaw na din ang ibang tauhan niya para tuntunin kung nasaan ka na pero 'wag kang mag-alala, bago pa man niya malaman kung nasaan ka ay dadaan muna sila sa butas ng karayom." Sabi ni Carlo.

Nang makita ni Lexi ang ospital ay lalo niyang namiss ang mga kaibigan niya. "Si Phil, kilala siya ni Brix at alam niya na bestfriend ko siya." Biglang sabi ni Lexi ng maalala si Phil. "Don't worry, may mga tao na din akong nagbabantay sa kanya. "Alam niya ba ang nangyayari?" Tanong ni Lexi. "Sa ngayon ay mas mabuting hindi para iiwas na din siya sa peligro." Sabi ni Carlo, tumango naman si Lexi bilang tugon. Pagkatapos nila sa control room ay bumaba sila sa second floor.

"Laro na tayo." Aya ni Carlo. "Pero may parusa kapag natalo." Patuloy ng binata. "Ako, ako pipili ng parusa." Taas kamay na sabi ni Bianca. "Sandali, bakit ikaw, wala pang nananalo ah." Sabi ni Lexi ng biglang kabahan dahil may nakakalokong ngiti sa mukha ni Bianca. "Okay, sige. Laro na tayo ng maparusahan ko na si Lexi." Sabi ni Bianca. "Bakit ako lang?" Natatawang tanong ng dalaga. "Basta!" Sabi ni Bianca sabay kindat kay Jake na tumawa naman. "Oh, siyempre kampi kami ni lovidubs ko." Sabi ni Bianca sabay akbay kay Carlo. "Oo na, maghanda ka ng matalo." Nakangising sabi ni Lexi. "Jake, maghanda ka na para mamayang gabi." Sabi ni Bianca na kinapula ni Lexi. "Hilig mo talagang inisin si Lexi." Sabi ni Carlo habang inaayos ang billiard balls. "Ang cute niya kasi. Tingnan mo oh, pulang pula." Turo ni Bianca sa dalaga. Binelatan lang siya ni Lexi dahilan para matawa si Bianca. At nagsimula na ang laro.

"Nakakainis ka!" Inis na sabi ni Lexi. "Sorry na, eh sa magaling talaga si Carlo eh." Sabi ni Jake. "Oi, simulan na natin, gawin na ang parusa. Ang usapan ay usapan." Natatawang sabi ni Bianca.

Best of five ang naging laro nila. Sa dalawang unang game ay nanalo sila Jake at Lexi pero sila Carlo at Bianca ang nanalo sa dalawang sumunod na game. Tabla ang nangyari kaya sa ikalima at huli laro ay nagbunutan sila ng billiard ball. Kung sino ang may pinakamataas na number ay siya ang mauunang tumira. Natuwa si Jake at Lexi ng ang eight ball ang nabunot ni Jake pero nanlumo sila ng ang ninth ball ang nakuha ni Carlo.

Ang parusa, magpapatagal silang apat ng paghalik sa labi. Sila Fred at Teresa ang magiging judge at kapag natalo ay may dagdag na parusa para sa kanila.

"Ano na?" Nakangising sabi ni Bianca. "Oo na!" Inis na sabi ni Lexi. "Sa sahig ka matutulog mamaya." Sabi ni Lexi na kinakamot ng ulo ni Jake na kinatawa naman ng iba. "Okay, at the count of three." Sabi ni Teresa. "One, two, three!" Patuloy ni Teresa at pagkatapos sinimulan na ni Jake na halikan si Lexi, ganoon din si Carlo kay Bianca.