Noong una ay light kisses lang ang binibigay ni Jake kay Lexi pero hindi niya napigilan ang sarili ng naramdaman niya na tumutugon na din si Lexi sa mga halik niya. Naging french kiss na ang nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa. Pareho silang nawala sa sarili dahil sa halikang nangyari. Isang tikhim mula sa harap nila ang nagpahiwalay sa kanila.
"And the winnes are?" Sabi ni Bianca sabay turo sa kanilang dalawa. Halos maging kamatis ang mukha ni Lexi. Kakamot-kamot naman sa ulo niya si Jake. "Grabe, girl, akala ko ba virgin ka pa?" Nakangising sabi ni Bianca. Papaluin sana siya ni Lexi pero patakbo siyang lumayo. Nagtatawanan sila ng tumunog ang phone ni Carlo.
"Okay." Sabi ni Carlo sa kausap. Nag-iinisan pa sila Bianca at Lexi ng tumingin si Carlo sa kanila ng seryoso. "May problema ba, Pre?" Tanong ni Jake. "May good news at bad news ako pa sa inyo." Sabi ni Carlo. "Uunahin ko na ang good news." Patuloy ni Carlo. "May go signal na ang China para sa ulo ni Brix Tuazon dahil nagsalita na ang ka-deal niya mula doon. Nahuli siya sa isang buy-bust operation at kinanta niya ang pangalan ni Brix. Pwede na kaming kumilos para hulihin siya." Biglang huminto si Carlo sa pagsasalita at tumingin kay Lexi. "Umakyat tayo sa control room para makita n'yo ang bad news." Doon na kinabahan si Lexi at Jake.
"Phil!!!" Sigaw ni Lexi habang umiiyak habang yakap yakap siya ni Jake. Sa malaking monitor ay nakita nila si Phil na bugbog sarado. Nakatali ang mga kamay at paa habang nakaupo sa upuan. Tinanguan ni Carlo ang isa sa mga tauhan niya para i-play ang video.
"Hi, Babe! Miss me?" Panimula ni Brix. "Ang hirap mo kasing makita kaya gumawa ako ng paraan para lumabas ka. Masyadong mahigpit ang bantay sa ospital pati sa bahay n'yo, so, nandito siya." Sabi ni Brix na sabunot ang buhok ni Phil. "Paano babe, kita na lang tayo bukas kung ayaw mong tuluyan ko ang isang 'to." Sabi ni Brix sabay suntok sa mukha ni Phil. Napapikit si Lexi dahil sa nakitang dugo na lumabas sa bibig ng bestfriend. Nakuyom naman ni Jake ang kamay dahil sa galit. "Ikaw, kapalit niya. Huwag na huwag kayong magkakamali na gumawa ng hindi ko gusto kung ayaw n'yong dalawang buhay agad ang mawala sa inyo. Bukas, alas-11 ng gabi, Batangas Pier." Huling mga salita ni Brix bago maputol ang video. Napahagulgol na ng iyak si Lexi.
"Ayoko! Hindi pwede!" Galit na sigaw ni Jake. Matapos makita ang video ay bumaba lahat sila sa sala para mag-usap-usap. Hinawakan ni Lexi ang kamay ni Jake. Baka sakaling mapakalma niya ang boyfriend dahil sa nadinig mula kay Carlo. "Wala ba tayong ibang pwedeng gawin? Ibibigay natin ang gusto ng gagong 'yon tapos ano?" Patuloy sa pagsasalita si Jake. "Hindi namin pababayaan si Lexi. Gagawin namin ang lahat para protektahan siya pati ang kaibigan n'yo. Sa ngayon ay wala tayong ibang paraan kungdi..." Hindi natapos ni Carlo ang sasabihin ng muling magsalita si Jake. "Ibigay si Lexi sa kanya? P_____-ina!" Sabi ni Jake sabay sabunot sa sariling buhok niya. "May iba ka pa bang paraan na naiisip maliban doon?" Mahinahong tanong ni Bianca. Hindi nakasagot si Jake. Umupo siya sa tabi ni Lexi at niyakap ang dalaga ng mahigpit.
Matapos ng mainit na pag-uusap sa sala ay napagkasunduan ng lahat na kahit nasa pangit silang sitwasyon ay kailangan nilang magpahinga para makapag-isip sila ng maayos. Ramdam pa din ni Lexi ang tensyon mula kay Jake. Magkayakap sila na nakahiga sa kama. "Tart?" Sabi ni Lexi pero hindi nagsalita si Jake. "I love you." Tumingin sa kanya si Jake. Hindi ito nagsalita pero hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. "Make love to me tonight." Halos pabulong na sabi ni Lexi na nagpatulala kay Jake. "Lex, hindi ito ang oras para magbiro." Seryosong sabi ni Jake. "I love you." Pagkasabi ng mga salitang iyon ay hinalikan ni Lexi si Jake. "Lexi! Ano bang nangyayari sa'yo?" Inis na sabi ni Jake habang nilalayo ang dalaga sa kanyang katawan na nagsisimula na din makaramdam ng kakaiba dahil sa kapusukan ni Lexi.
Hindi nagsalita si Lexi. Tumayo siya at isa-isang tinanggal ang damit sa katawan. Si Jake ay parang tinulos na kandila sa kama. Isang malaking problema ang kinakaharap nila ngayon pero ang makita ang buong katawan ni Lexi na hubad sa kanyang harapan ay nagpapawala sa kanyang katinuan. At isa din problema ang kanyang kaibigan na halos magwala na sa ilalim ng kanyang pantalon. "Lex..." Paos ang boses na sabi ni Jake. Lumapit sa kanya si Lexi at ng maramdaman niya ang malambot na balat ng dalaga, hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ito at hinalikan na akala mo wala ng bukas.
Madamdamin at malalalim ng mga halik, maiinit na paghaplos, mahihinang halinghing na nagtapos sa pagiging isa ng dalawang pusong nagmamahalan. "I love you." Sabi ni Jake pagkatapos ay hinalikan ang noo ng dalaga. "I love you more." Sagot ni Lexi at siniksik ang katawan sa katawan ni Jake. Sabay silang pumikit at hindi nagtagal ay nakatulog na sa yakap ng bawat isa.