Pagdating nila sa safehouse ay pinagbuksan agad sila ng isang babae na sa tingin nila Jake at Lexi ay tauhan din ni Carlo. "Puro babae ang tao mo?" Tanong ni Jake. "Halo pero mas mabuti na babae ang makikita nila sa bahay para iwas hinala. Don't worry, kahit mga babae 'yan, kaya nila kayong protektahan lalo na 'to." Sabi ni Carlo sabay akbay kay Bianca na binigyan naman sila ng isang matamis na ngiti. "Doon kayo sa pinakadulong kwarto, kami ni Bianca ay sa kasunod." Sabi ni Carlo. "Sandali, magkasama kami sa kwarto?" Gulat na tanong ni Lexi. "Oo." Sagot ni Carlo. "Pero...hindi ba pwedeng kami na lang ni Bianca ang magkasama?" Tanong ni Lexi. "Hindi ako sanay na hindi siya katabi sa higaan eh." Sabi ni Bianca na inakbayan si Carlo. "Okay lang 'yan, mukhang behave naman 'tong si Jake. Sabi nga 'nya kanina, madaming uumbag sa kanya." Patuloy ni Bianca. Bumuntong hininga na lang si Lexi. "Behave ako, promise." Sabi ni Jake na nakataas pa ang kamay na kala mo nanunumpa. Natawa sila Carlo at Bianca sa itsura ni Jake.
Siya nga pala si Teresa, may isa pa tayong kasama, si Fred." Pagpapakilala ni Carlo sa babaeng nagbukas ng gate para sa kanila kanina. "Nasaan nga pala si Fred?" Tanong ni Carlo kay Teresa. "Naggrocery lang, Sir." Sagot ni Teresa. "Under talaga sa'yo 'yun." Sabi ni Carlo. "Hindi naman, Sir, ayaw niya lang ako mahirapan." Sagot ni Teresa. "Mag-asawa nga pala sila. Last year lang sila kinasal." Sabi ni Carlo na ang tinutukoy ay sila Fred at Teresa. "Magpahinga muna kayo. Tatawagin na lang kayo ni Teresa mamaya para manghalian." Sabi ni Carlo kila Jake at Lexi. Tumango naman ang dalawa at pumunta na sa dulong kwarto na bitbit ang mga gamit nila.
"Boss, wala po siya sa ospital." Sabi ni goon 1. "Paanong wala, 'di ba sabi n'yo kahapon ay nakita n'yo pa siyadoon?" Galit na sabi ni Brix. "Eh, boss, sabi nung mga napagtanungan namin eh nagbakasyon daw." Sabi ni goon 2. "Wala talaga kayong kwenta! Umalis nga kayo sa harap ko!" Galit na sabi ni Brix at lumabas nga ang dalawang goon na inutusan ni Brix na bumalik sa ospital para siguraduhin na nasa ospital nga si Lexi. Ngayon sana nila kukunin si Lexi sa ospital. Wala siyang pakialam kung may madamay na ibang tao. Kating-kati na ang kamay niya na makasama si Lexi sa isang kama. "Brando!?" Tawag ni Brix sa assistant. "Boss, bakit po?" Tanong ni Brando. "Pakilusin mo na ang iba! Pahanap mo ang babaeng 'yun! Pagalugad mo lahat ng pwede niyang puntahan!" Utos ni Brix. "Areglado, Boss." Sagot ni Brando pagkatapos ay lumabas na. "Sandali na lang, babe at magiging akin ka din." Sabi ni Brix na may malademonyong ngiti sa mukha.
"D'yan ka, dito ako." Sabi ni Lexi na tinuturo ang sofa kung saan matutulog si Jake. "Tart naman, kita mo naman na matangkad ako tapos pahihigain mo ko sa maliit na sofa na 'yan?" Maktol ni Jake. "O sige, ako na lang d'yan, dito ka na sa kama." Sabi ni Lexi. "Tart naman, 'di ba nagkatabi na tayong matulog. Wala naman nangyari 'di ba?" Sabi ni Jake. "Iba noon, iba ngayon. Basta d'yan ka na sa kama." Sabi ni Lexi at umupo na sa sofa. "Pero mahihirapan ka d'yan. Promise, hindi ako maglilikot, gusto mo tali mo mga kamay ko para maniwala ka saka ang laki ng takot ko kay Tatay." Pagpipilit pa din ni Jake. Nag-isip sandali si Lexi. Totoo naman ang mga sinabi ni Jake at alam niyang walang gagawin si Jake na ikakasira ng tiwala ng kanyang ama sa kanya.
"Okay." Sagot ni Lexi na sobrang ikinatuwa ni Jake kaya nayakap niya ang dalaga. Hindi na tumanggi si Lexi ng yakapin siya ng binata. Kahit papaano ay nababawasan ang kanyang takot at pag-aalala sa sitwasyon nila ngayon dahil kasama niya ang binata. Nahiga na sila sa kama para makapagpahinga. Hindi namanlayan ng dalawa na nakatulog na pala sila ng magkayakap.
Nagising si Jake sa mahinang mga katok mula sa pinto. Tiningnan niya ang dalagang katabi na mahimbing pa din natutulog na nakaunan sa bisig niya. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ng dalaga at pumunta sa pinto para buksan ito. "Labas na kayo, nakahanda na ang pagkain natin." Sabi ni Teresa. "Ah, sige, susunod na kami. Salamat." Sabi ni Jake pagkatapos ay nilapitan si Lexi para gisingin.
"Kamusta ang lambingan este tulog n'yo pala? " Nakangising tanong ni Bianca. Nagthumbs-up lang si Jake sa kanya. "Okay naman, 'di nga namin namalayan na nakatulog pala kami." Sagot ni Lexi. "Oo nga, 'di n'yo din namalayan na sumilip na ako sa kwarto n'yo at nakita ko kung gaano kahigpit ang yakap mo kay Jake." Tukso ni Bianca na kinapula ni Lexi. "Ahm, gaano katagal tayo mag-stay dito?" Iniba ni Lexi ang usapan. "Kapag sinuko mo na kay Jake ang Bataan." Nakangising sabi ni Bianca na kinatawa ng lahat dahil sa pulang-pula ang mukha ni Lexi. "Bianca naman eh." Sabi ni Lexi. "Kapag okay na ang lahat pero 'di ko masasagot kung gaano katagal pero ginagawa namin ang lahat para sa ikakabilis ng paghuli kay Brix. Nag-iintay na lang ako ng tawag mula sa China." Sabi ni Carlo. "Ano'ng gagawin natin dito habang nag-iintay?" Tanong ni Lexi. "Tutulungan namin si Jake para makuha niya ang Bataan." Muling sabi na naman ni Bianca na inikutan lang ng mata ni Lexi. "Pagpasensyahan mo na 'tong babaeng 'to. Ganyan talaga 'yan kapag may sapak sa ulo." Sabi ni Carlo na ikinatawa ng iba. "Ah, ganoon, sige, mag-isa kang matulog sa kwarto mamaya." Banta ni Bianca. "Eto naman, 'di na mabiro." Bawi ni Carlo na muling ikinatawa ng iba.
"Sa gagawin madami at tanong, kaya n'yo ba?" Hamon ni Carlo. Nagkatinginan sila Jake at Lexi. "Pagkatapos kumain ay magpahinga na muna ulit kayo dahil simula bukas, mawawalan na kayo ng oras para magpahinga." Sabi ni Carlo na nagpakunot ng noo nila Jake at Lexi.