Pagdating ni Lexi sa ospital ay halos takbuhin niya ang bahay ni Jake sa taas. Hindi na nagtaka ang mga night duties ng makita ang dalaga. Ang napansin nila ay ang cast ni Lexi sa braso at iisa ang tanong nila sa isip, "Bakit siya may benta?"
Inabutan ni Lexi sa sala sila Anthony at Rhian kasama si Dr. Shane. "Ate, dapat ay ipapasundo na kita kay Anthony kaso binaba mo naman agad ang phone mo." Sabi ni Rhian. "Okay lang, malapit lang naman." Sagot ni Lexi. "Nasa kwarto si Kuya. Nakatulog kasi pumayag uminom ng gamot. Sabi ko kasi parating ka na." Sabi ni Rhian. "Kailangan ba talagang lagyan siya ng dextrose?" Tanong ni Lexi. "Oo, baka kasi madehydrate siya sa taas ng lagnat niya. Ayaw niya din kasing kumain." Si Shane ang sumagot. "Sige, kakausapin ko siya. Silipin ko lang siya sandali." Sabi ni Lexi at pagkatapos tumango ng mga kausap ay pinuntahan na niya si Jake.
Nakita ni Lexi na basang-basa ng pawis ang binata. Umipekto na kasi ang gamot na binigay sa kanya pero ng hawakan ni Lexi ang noo nito ay may lagnat pa din ito. Naramdam ni Jake ang hawak ni Lexi kaya nagmulat siya ng mata. "Lex..." Sabi ng binata. "Kamusta ka na?" Tanong ng dalaga. "Ok na ko kasi nandito ka na." Sagot ni Jake na sinamahan pa niya ng nanghihinang ngiti. "Kaya mo bang tumayo, bihisan kita. Basang-basa na ng pawis ang likod mo." Sabi ni Lexi. "Ang sweet naman ng soon-to-be girlfriend ko." Sabi ni Jake. Pinilit tumayo ni Jake kahit nanghihina siya. Tutulungan sana siya ni Lexi pero hindi ito pumayag dahil sa fracture niya. Kumuha si Lexi ng t-shirt na pampalit ni Jake. Tinanggal ni Jake ang damit at hindi maiwasan ni Lexi na mapalunok dahil sa ganda ng katawan ni Jake. "Macho ko ba?" Biro ni Jake na ikinapula ng mukha ni Lexi. "Kahit may sakit ka puro ka pa din kalokohan." Sabi ni Lexi na ikinatawa ni Jake. "Kuha lang kita ng pagkain. Sabi kasi ni Rhian ay 'di ka pa daw kumakain tapos papalagay ka na ng dextrose ha? Kailangan mo 'yun para 'di ka madehydrate, okay?" Sabi ni Lexi. "Opo." Nakangiting sabi ni Jake.
Inalalayan ni Lexi si Jake palabas ng kwarto nito. Ayaw kasi nitong sa loob ng kwarto kumain. "Akalain mo nga naman, kanina ayaw mo man lang tumayo sa kama mo. Dumating lang si Ate Lexi eh naglalakad ka na." Nakangiting sabi ni Rhian. "Nanay Marie, may pagkain po ba? Kakain na po si Jake." Sabi ni Lexi. "Walastik din naman, Dre, kanina kahit subuan na kita ayaw mo pa din kumain. Aba naman, Dre, ano yan, initay mo lang talaga si Lexi?" Pang-aasar ni Anthony. Ngumiti lang si Jake habang papaupo sa lamesa sa kusina. Inilagay ni Marie ang lugaw sa harap ni Jake. Gusto sana maglambing ni Jake kay Lexi at subuan siya nito pero alam niyang mahihirapan ito kaya siya na lang ang kumain mag-isa. Nang maubos ang lugaw ay humingi pa siya ng isa pang bowl kay Marie. Iiling-iling lang si Rhian at Anthony. Pati si Marie ay ngingiti-ngiti.
"Doc, okay lang ba kung dito na lang siya lagyan ng dextrose?" Sabi ni Lexi na ikinatingin ng iba kay Jake. "Talaga naman! Kung alam ko lang na sa'yo lang susunod 'yan, kanina pa kita tinawagan." Sabi ni Rhian. "Okay lang, bababa lang ako at ipapahanda ko lang ang gamit." Sagot ni Shane pagkatapos ay lumabas na ito ng bahay.
Hinarap ni Rhian ang kapatid, "Alam mo, Kuya, ang arte mo ha?" Hindi ito sumagot at inihilig na lang ang ulo sa balikat ni Lexi na nakatabi sa kanya. "Hayaan mo na ang kuya mo, nagpapapansin lang 'yan kay Lexi." Dagdag ni Anthony. "Paggaling ko, humanda kayong dalawa sa 'kin." Banta ni Jake bago pumikit. "Mabuti pa ay umuwi na kayong dalawa, ako ng bahala sa kanya." Sabi ni Lexi. "Dito ka matutulog?" Gulat na tanong ni Rhian. "Oo, si Tatay kasi may kasalanan kung bakit nilagnat ang kuya mo." Sabi ni Lexi na kinakunot ng noo ni Rhian. "Ano naman kinalaman ni Tito Ronnie sa lagnat ni kuya?" Takang tanong ni Rhian. "Pinagbuhat ba naman ng limang kaban bigas." Sabi ni Lexi. Tumawa si Rhian at Anthony. "Naks naman, Dre, uso pa pala ang panunuyo sa mga in-laws ngayon." Pang-aasar ni Anthony. "Hayaan mo, kapag nanligaw ka kay Rhian, mas mahirap ang ipapagawa ko sa'yo." Nakapikit na sabi ni Jake. Biglang natahimik at namula ang dalawa. Napansin 'yun ni Lexi at napangiti siya. "Mukhang may nabubuo na sa dalawang 'to." Sabi ni Lexi sa sarili pero saka na niya pagtutuunan ng pansin ang dalawa. Pumasok na si Shane kasama ang isang nurse na dala na ang dextrose na ikakabit kay Jake.
Napapikit si Jake ng maramdaman ang tusok ng karayom sa kamay niya. "Dehydrated ka na nga. Ang bilis pumutok ng ugat mo." Sabi ni Shane. "Gusto mo lang yata akong gantihan. Humanda ka sa kin paggaling ko." Sabi ni Jake sa sarili. Pagkatapos ng isa pang tusok ay nagpasalamat si Jake dahil okay na, kasi kung hindi ay baka naumbag na niya si Shane kung tatatluhan pa siya ng tusok. Nagpaalam na sila Anthony at Rhian para umuwi. Si Shane naman at ang nurse ay nauna nang lumabas.
"Kung may kailangan ka iha ay nasa labas lang ako." Sabi ni Marie at iniwan na sila sa loob ng kwarto. "Okay na pakiramdam mo?" Tanong ni Lexi habang inaayos ang kumot ni Jake. "Nanghihina pa ko saka masakit ang ulo ko." Sagot ni Jake. "Ang tigas kasi ng ulo mo. Kung kumain ka at uminom kaagad ng gamot at kung nagpalagay ka agad ng dextrose eh 'di sana hindi na lumala pa ang sakit mo. Saka bakit ka nagbuhat ng ganoon kadaming bigas, hindi ka naman sanay sa ganoon." Medyo inis na sabi ni Lexi. "Sorry na po. Wala lang talaga akong gana kanina. Saka kusa ko naman ang pagtulong kay Tito." Sagot ni Jake. "Sige na, magpahinga ka na." Sabi na lang ni Lexi. "Tara dito, tabi tayo." Sabi ni Jake at umisod para bigyan ng space si Lexi. "Hindi na, dito na lang ako." Sabi ni Lexi ng maalala ang itsura nila nung nasa Palawan sila. "Sige na, matulog ka na. Lilipat ako sa kabila kapag tulog ka na." Sabi ni Lexi. Dahil sa nilagay na gamot sa swero ay parang hinehele na si Jake kaya pinikit na niya ang mata at maya-maya lang ay nakatulog na siya.
Napangiti si Lexi sa itsura ni Jake. Akala mo batang payapang natutulog. Lumabas siya dahil gusto niyang uminom ng kape. Nakita niya si Marie na nakahiga sa sofa kaya hindi siya gumawa ng anumang ingay. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay pumasok na siya ulit sa kwarto ni Jake. Habang iniinom ang kape ay nagtext siya sa ama't ina na hindi siya uuwi para bantayan ang binata. Nagtext back naman ito at sinabing alagain mabuti si Jake.
Pagkatapos maubos ang kape ay yumuko si Lexi sa gilid ng kama ni Jake. Antok na antok na din siya pero hindi ito umalis sa tabi ng binata dahil baka magising ito at may kailanganin.
Madaling araw na nang magising si Jake. Nangiti siya ng makita si Lexi sa gilid ng kama. Dahan-dahan siyang tumayo at pagkatapos ay binuhat ang dalaga at inihiga sa kama niya. Tinabihan niya ang dalaga na walang kaalam-alam na nabuhat na niya ito. Matutulog na sanang muli ang binata na maramdaman ang pagkilos ni Lexi at nanlaki ang mata niya, maya-maya ay bumaling siya sa dalaga na nakayakap sa kanya. "Bukas, siguradong patay ako." Nakangiting sabi ni Jake sa sarili. Niyakap na niya ang dalaga na isiniksik naman ang sarili sa kanya. "Bahala na bukas." Bulong ni Jake at saka pinikit na ang mga mata para muling matulog.