Naramdaman ni Lexi na naging payapa na ang eroplano. Nang itaas niya ang mukha ay nakita niya ang mga ulap mula sa bintana. "Okay ka na?" Tanong ni Jake na nakangiti sa kanya. Agad-agad naman kumalas si Lexi sa pagkakayakap kay Jake saka namula. "Salamat." Mahinang sabi ng dalaga. "Walang anuman. Gusto mong kumain?" Tanong ni Jake at umiling naman agad ang dalaga. "Hindi ka ba nagugutom?" Muling tanong ni Jake. "Mamaya na lang pagbaba natin." Sagot ni Lexi. "Ok." Hindi pa nangulit si Jake. Sumilip si Lexi sa bintana at inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga ulap na nadadaanan ng eroplano.
Pagkalipas ng isa at kalahating oras ay dumating na sila sa Palawan. Dahil palapag na ang eroplano, naramdaman na naman ni Lexi ang naramdaman niya kanina pagtaas sa ere ng eroplano kaya, yumakap na naman siya kay Jake. Wala siyang pakialam kung anuman ang isipin sa kanya ni Jake, basta ang importante sa kanya ay mabawasan ang takot na nararamdaman niya sa pagsiksik sa katawan ni Jake. "Alam mo, sa ginagawa mong niyang, baka mapatay ako ni Tito Ronnie." Sabi ni Jake na hinahagod ang buhok ni Lexi, pero hindi kumibo ang dalaga. Bumuntong hininga si Jake.
Pagkalapag ng eroplano ay nakahinga na ng maluwag ang dalawa. Si Lexi dahil tapos na ang biyaheng langit niya, si Jake dahil malapit ng masikip ang pantalon niya kapag nagtagal pa ang pagkakayakap ni Lexi sa kanya. Kinuha nila ang gamit pagkatapos ay lumabas na sa airport.
"Saan tayo?" Tanong ni Lexi. Tinuro ni Jake ang ferry na nag-iintay sa kanila. "Wow! Sasakay tayo d'yan?" Excited na tanong ni Lexi. "Yap!" Sagot ni Jake. "Tara na!" Sabi ni Lexi sabay hila kay Jake. "Di ka takot sumakay?" Tanong ni Jake. "Nope! Exciting kaya." Sagot ni Lexi. "Sayang!" Nakangiting sabi ni Jake. "Sira!" sabay ni Lexi sabay palo sa balikat ni Jake. Natawa ang binata dahil pulang-pula ang mukha ng dalaga.
Kahit sandali lang ang biyahe ay kumuha pa din si Jake ng kwarto para sa kanilang dalawa. Dapat ay tig-isa sila pero sinabi ni Lexi na isa na lang dahil hindi din naman sila magstay sa loob noon dahil gusto niyang pagsawain ang mga mata sa ganda ng dagat. Pagkatapos ilagay ang gamit ay lumabas na ang dalawa at pareho silang napasimangot ng isang pamilyar na mukha ang nakasalubong nila.
"Hi!" Masiglang bati ni Brix. Lalagpas na sana ang dalawa ng magsalitang muli si Brix. "Pasensiya na sa nangyari nung isang gabi. Sobrang lasing lang talaga ako noon at hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko." Sabi ni Brix na may ngiti sa labi. Hindi pa din kumibo and dalawa. "Kahit itanong n'yo kay Phil, mabait talaga ako." Patuloy ni Brix. Pilit ngumiti si Jake. "Friends?" Sabi ni Brix na nakalahad ang mga kamay. Tinanggap naman ito ni Jake. "Brix Tuazon, at your service." Patuloy ni Brix. "Jake de Castro." Sagot ni Jake. "And you are?" Baling ni Brix kay Lexi. "She's Lexi del Rosario. Mauuna na kami, 'di pa kasi kami kumakain." Sabi ni Jake sabay akbay ka Lexi na hindi naman na tinanggihan ng dalaga. Dahil nakatalikod ang dalawa ay hindi nila nakita ang sumilay na makahulugang ngiti kay Brix. "See you around, Lexi." Bulong nito sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad sa kabilang direksyon.
"Bakit nandito din siya?" Tanong ni Lexi habang naghahanap sila ng makakainan. "Hindi ko din alam. Baka may pupuntahan din siya dito. Huwag mo na siyang intindihin." Seryosong sabi ni Jake pero ang totoo, nag-aalala siya. Lalaki din siya at alam niya kung ano ang nakita niya sa mga mata ni Brix kanina habang nakatingin ito kay Lexi. Alam niyang pakitang tao lang ang paghingi ni Brix ng dispensa kanina. Ang hiling lang niya ay huwag na sanang muling magkrus ang daan nila.
Habang kumakain ay nag-ring ang phone ni Lexi. "Aaaaaattttttteeeeee!!!" Nilayo ni Lexi ang phone sa tenga niya. Natawa si Jake dahil sa timbre pa lang ng tili ay alam niyang si Rhian ang tumawag. "Grabe naman, Rhian, sasabog eardrums ko sa'yo!" Sabi ni Lexi. "Sorry naman. Saan na kayo?" Tanong ni Rhian. "Nandito pa din." Nakatawang sabi ni Lexi. "Hehehe, nakakatawa." Sagot ni Rhian. "Nakasakay na kami sa ferry." Sabi ni Lexi. "Ah, ok. Wait! kaya pala ako napatawag kasi, sandali kuha ka ng papel at ballpen, bilis!" Sabi ni Rhian. "Para saan?" Takang tanong ni Lexi. "Sa mga pasalubong. Ayoko na ng pamangkin. Saka na 'yun. Pwede n'yo naman silang gawin dito." Nakangiting sabi ni Rhian. "Heh! Ikaw talaga puro ka kalokohan. Manang-mana ka talaga sa kuya mo." Sabi ni Lexi. "Oh, bakit ako nadamay d'yan? Ang bait-bait ko nga." Sabat ni Jake na ikinaikot ng mata ni Lexi. "May ballpen at papel ka na ba?" Tanong ni Rhian. "Sige na sabihin mo na. Tatawagan na lang kita kapag may nakalimutan ako." Sabi ni Lexi. "Okay! Crispy Chicken Skin, dapat malutong pa ha? Kaya bilin n'yo siya bago kayo umalis d'yan. Tapos, Hopia ng Baker's Hill. Ayoko ng ibang hopia ha? Tapos, Danggit Lamayo. Tapos..." Naputol ang pagsasalita ni Rhian dahil nagsalit si Lexi. "Grabe! Naglilihi ka ba? May pangalan pa talaga kung saan namin bibilin?" "Aba, siyempre, baka kasi 'di masarap kapag sa iba n'yo binili." Sabi ni Rhian. "Parang may padala kang budget ah." Sabi ni Lexi. "Singilin mo kay kuya." Sabi naman ni Rhian. "Meron pa?" tanong ni Lexi. "Yap, yung Honey Nougat galing La Terrasse." Sabi ni Rhian. "Naman, Rhian, magkakaiba pa talagang lugar?" Sabi ni Lexi. "Sige na, Ate, please...." Malambing na sabi ni Rhian na alam niyang hindi matatangihan ng kaibigan. "Okay, okay, fine. Sige na, lumamig na 'tong pagkain ko." Sabi ni Rhian. "Last na, Ate." Pahabol ni Rhian. "Meron pa?" Sabi ni Lexi. "Kahit isang pamangkin lang, pwede na. Bye!" Sabi ni Rhian sabay pindot sa end call. Natatawang binaba ni Lexi ang phone niya sa lamesa.
"Ano mga pinabibili ng mabait kong kapatid?" Tanong ni Jake. "Naku, ang dami. Pwede siguro habang nasa convention ka eh isa-isahin ko ng bilin." Sabi ni Lexi. "Sasama ka sa akin sa mismong convention. Pagkatapos saka natin bilin mga pasalubong kay Rhian. Tutal naman nasa mismong hotel din na titirhan natin yung convention." Sabi ni Jake. "Ano naman ang gagawin ko doon? Saka 'di ba ikaw lang nakaregister?" Tanong ni Lexi. "Nope, naka-register ka din. Magagamit mo din yung units doon sa pag-renew mo ng license mo." Sabi ni Jake. "Wow, hindi ka ready noh?" Sabi ni Lexi. "Ayoko lang na mawala ka sa paningin ko. Kung hindi nga lang ako takot kay Tito Ronnie, isang room lang ang pinareserved ko." Nakangiting sabi ni Jake. "Masarap kayong pag-untugin ni Rhian. Pareho kayong puro kalokohan ang nasa utak." Sabi ni Lexi. "Bakit, ano bang sinabi n'ya?" Tanong ni Jake. "Wala!" Sagot ni Lexi. "Eh bakit namumula ka?" Tuksong sabi ni Jake. "Ha'ay, ewan ko sa inyong magakapatid!" Pulang-pulang sabi ni Lexi na ikinatawa ni Jake.