Pagkatapos kumain ay naglibot sila Jake at Lexi sa loob ng ferry. Nang makakita si Lexi ng billiard table ay excited na inaya niya si Jake para maglaro. "Marunong ka niyan?" Gulat na tanong ni Jake. "Konti lang." Sagot ni Lexi. Inayos ni Jake ang mga billiard balls. Kumuha naman si Lexi ng cue stick. "Game?" Tanong ni Jake at tumango naman si Lexi. "Sige, ladies first." Patuloy ni Jake. "Okay." Maikling sagot ni Lexi. Hinawakan na ni Lexi ang cue stick, nilagyan niya ng chalk ang dulo nito pagkatapos ay humanap ng magandang pwesto para tumira. NapaWOW si Jake ng mai-shoot ni Lexi and dalawang stripes balls at dalawang solids balls. Nagpatuloy si Lexi sa pagtira at sunud-sunod na niyang nai-shoot ang lahat ng stipes balls. Hindi napansin ng dalawa na nakatawag na sila ng pansin dahil sa galing ni Lexi. "Konti lang ha?" Natatawang sabi ni Jake. "Yap! Isa pa?" Hamon ni Lexi. "Oo ba, babawi ako ngayon." Sagot ni Jake. "Okay." Nakangiting sabi ni Lexi. Ang dalaga naman ang nag-ayos ng mga billiard balls. "Ikaw na." Sabi ni Lexi. "Sigurado ka?" Tanong ni Jake at tumango ang dalaga. Gaya ng ginawa ni Lexi kanina, nilagyan ng chalk ni Jake ang dulo ng kanyang cue stick. Lumakad-lakad at nilagay sa bandang gilid ang cue ball. Tiningnan at kinidatan si Lexi pagkatapos ay tumira na. Shoot ang dalawang solids balls at isang stipes ball. Muling umikot si Jake sa billiard table at humanap ng magandang pwesto. Tiningnan at kinidatang muli sa Lexi. Gaya ni Lexi, sunud- sunod din nai-shoot ni Jake ang mga solids balls. Nagpalakpakan ang mga nakapaligid sa kanila.
"Paano ba 'yan, tabla?" Nakangiting sabi ni Jake. "Isa pa?" Hamon naman ni Jake pero bago pa nakasagot si Lexi ay may sumabad na sa bandang likuran nila. "Mas exciting kapag may totoong kalaban. Let's play!" Si Brix ang nagsalita at may kasama pa 'tong asungot, yung hinagis ni Lexi nung gabi ng opening ng bar ni Phil. "Kaming dalawa laban sa inyong dalawa." Hamon ni Brix na ginatungan pa ng mga taong nakapaligid sa kanila. Lumapit si Lexi kay Jake para sabihing huwag ng patulan ang kalokohan ni Brix pero nagsalita muli ang binata. "Bawal tumanggi, babe." Sabi ni Brix na kinataas ng kilay ni Lexi at kinainis ni Jake. Tuksuhan ang mga tao sa kanila. "At kailan mo pa ako naging babe, ha?" Inis na tanong ni Brix. "Kapag hindi n'yo tinanggap ang hamon ko at kapag natalo namin kayo, you'll be mine, babe." Nakangising sabi ni Brix. Naikuyom ni Lexi ang kamao niya. Gustong-gusto niyang sugurin si Brix at ang kasama nito pagkatapos ay ihagis sa dagat. "Kalma lang." Sabi ni Jake sabay hapit sa bewang ni Lexi. Alam ni Lexi na ang ginawang paghawak sa kanya ni Jake ay para inisin lamang si Brix kaya naki-join siya sa palabas ng binata. "Pagbigyan natin ang mokong na 'yan para pagkatapos ikaw na ang bahalang mag-isip kung ano ang magiging parusa nila after nilang matalo." Bulong ni Jake kay Lexi. Nagdulot ng kakaibang pakiramdam ang ginawa ni Jake kay Lexi kaya medyo namula siya pero kailangan niyang makisama sa palabas ni Jake kaya pinulupot niya ang dalawang kamay sa leeg ni Jake. Nabaligtad ngayon ang sitwasyon, si Jake naman ang nakaramdam ng kakaiba ng magdikit ang balat ng dalaga sa leeg niya. Nakita ng dalawa ang reaksyon ni Brix sa posisyon nila at pareho silang nagdiwang sa itsura ni Brix.
"Ok! Game kami." Sabi ni Lexi. Naging malawak ang ngisi ni Brix. "Ok! Here's the deal. Kapag nanalo kami, you're going to be my girlfriend." Sabi ni Brix na nagpakilabot kay Lexi dahil sa malagkit na tingin sa kanya ni Brix. "Over my dead, sexy body." Sabi ni Lexi sa sarili. Kalmado lang si Jake pero kanina niya pa gustong ingudngod si Brix sa billiard table at siya ang gawing cue ball. "Kapag kayo ang nanalo, which I doubt, what will be our punishment?" Mayabang na sabi ni Brix. "Mamaya ko na lang sasabihin. Pag-iisipan kong mabuti. At sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka." Sabi ni Lexi na ikinatawa ni Brix. "Don't worry, babe. Kapag naging girlfriend kita, sisiguraduhin kong mag-eenjoy talaga tayong dalawa." Sabi ni Brix. Nakita ni Lexi na nagdilim ang mukha ni Jake. "Hey, kala ko ba kalma lang?" Nakangiting sabi ni Lexi. "Sarap upakan ng ungas na 'yan. Kungdi ko lang iniisip si Phil, kanina pa may eyebags 'yan." Inis na sabi ni Jake. "Don't worry, 'di tayo matatalo." Sabi ni Lexi sabay halik sa pisngi ni Jake. Tinukso sila ng mga manonood pero kinainis iyon ni Brix. "Mamaya lang, akin na 'yang mga labi mo." Sabi ni Brix sa sarili.
"So, sino ang mauuna?" Tanong ni Brix. "Hhhmmm, bato bato pick!" Sabi ni Lexi na kinatawa ng lahat ng nakapaligid sa kanila. "Ok, if that's what my future girlfriend wants. Then, be it." Sabi ni Brix. "Pwede ba, tigilan mo ang kaka-assume mo na magiging girlfriend mo ako. In your dreams, Mr. Assumero!" Sabi ni Lexi at kinantyawan si Brix ng mga tao. "Tama na kasi , Pre, akin lang kasi siya." Sabi ni Jake sa sarili. "Ok. bato bato pick na." Hamon ni Brix. Tumingin si Lexi kay Jake at ngumiti ng matamis. Napabuntong-hininga naman si Jake dahil alam na niya ang gustong sabihin ng dalaga.
"Ok, at the count of three, bato bato pick!" Sabi ni Lexi. "Yes!" Sabi ni Brix ng matalo si Jake. "Let's play! Best of three, okay?" Patuloy ni Brix. Tumango lang ang dalawa. Nilagay na ni Brix ang cue ball sa gilid ng billiard table at tinira ang cue ball. Pasok sa butas ang tatlong stripes balls. Ngumisi si Brix at tumingin kay Lexi. Inirapan naman siya ng dalaga. Nagpalakpakan ang mga tao ng mai-shoot lahat ni Brix ang stripes balls. "Paano ba 'yan, 1-0." Pang-aasar ni Brix.
"Bato bato pick din tayo." Aya ni Lexi kay Jake. Natawa si Jake. "Masyado kang isip bata ngayon ha?" Sabi ni Jake. "Ayaw mo?" Tanong ni Lexi. "Oo na, oo na." Nakangiting sabi ni Jake. At, gumalaw na ang tig-isang kamay nila. "Paano ba 'yan, ako muna." Sabi ni Jake. "Subukan mong magpatalo, ihahagis talaga kita sa tubig." Banta ni Lexi. "Ano ka ba talaga? Kanina cute na bata, ngayon magandang amasona." Biro ni Jake. "Heh, maglaro ka na nga." Sabi ni Lexi sabay tulak kay Jake papuntang billiard table. "Grabe, ang lambing mo naman." Sabi ni Jake. Binelatan lang siya ni Lexi. Nakikita ni Brix kung gaano ka-close ang dalawa at lalo siyang naiinis. "Hoy, Brando, bilisan mo na 'yan ha at nangangati na 'tong mga kamay ko sa babaeng 'yun." Sabi ni Brix na nakatingin kay Lexi. "Yes, Boss!" maikling sagot ni Brando.
Nananalo si Jake sa pangalawang laban. Naghigh-five silang dalawa ni Lexi. Nabatukan naman ni Brix si Brando. "Oh, 'kaw na bahala d'yan." Sabi ni Jake. "Oo naman. Ako pa." Sabi ni Lexi. "Yabang! Kala ko ba konti lang alam mo?" Sabi ni Jake. Isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Lexi. "Bet din tayo?" Biglang sabi ni Jake. "Ano naman pagpupustahan natin?" Tanong ni Lexi. Kunyaring nag-isip si Jake. "Sasagutin mo na ako." Sabi ni Jake na kinapula ni Lexi. "Heh! Ewan ko sa'yo!" Sabi ni Lexi sabay talikod na kay Jake. "Say YES!" Sabi ni Jake. Nag-sign ng isang suntok si Lexi sa kamay niya na kinatawa lang ni Jake.