Chapter 23 - Chapter 23

Matapos iparada ni Jake ang kotse sa harap ng ospital ay dumiretso na sila sa opisina. Pagpasok nilang dalawa ay inabutan nila sila Daniel, Mila, Rhian, at Anthony na nag-uusap sa loob. "Morning, love birds!" Tuksong bati ni Rhian. "Nak, ang alam ko wala naman tayong lahi ng Intsik, bakit ang aga-aga mo naman manligaw?" Nakangiting tanong ni Daniel. "Yan din ang sabi ko Tito." Sabi ni Anthony at nagkatawanan ang dalawang lalaki. "Kayo naman, eh ano kung mula umaga hanggang gabi siya manligaw, basta ang mahalaga, totoo ang intesyon niya, 'di ba anak?" Sabi ni Mila. Tumango si Jake na may thumbs-up pa. "Saan ba kayo nagdate, Kuya?" Tuksong tanong ni Rhiann. "Jollibee." Maikling sagot ni Jake na ikinatawa ng apat. "Kuya naman, hindi na kayo bata para doon pa mag-date." Nakatawang sabi ni Rhian. "Despedida ni Allen. Tambayan natin dati 'yun 'di ba kaya naisipan ni kuya mo na doon na lang gawin." Sagot ni Lexi. "Wow, bringing back the memories lang ang peg." Pang-aasar na sabi ni Rhian. "Don't worry, next time sama kita. Alam ko namang love na love mo si Jollibee." Ganting pang-aasar ni Jake sa kapatid. Binelatan lang siya ni Rhian.

"Bakit nga pala napadaan kayo, Dad?" Tanong ni Jake. "Papaalala ko lang sa'yo yung convention mo next week. Bukas kasi ay babalik muna kami sa States. Baka after six months na kami bumalik dito sa Pilipinas." Sagot ni Daniel. "Ok, Dad." Sagot ni Jake na kinakunot ng noo ni Lucas. "Ang bilis naman yata ng sagot mo. Sabi ni Anthony ay tumatanggi ka pa noong una." Takang sabi ni Daniel. "Ok na ko. Kasama ko si Lexi." Nakangsing sabi ni Jake. "Kaya naman pala." Sabi ni Rhian na nakatingin kay Lexi. "Ok lang ba sa'yo iha na sumama kay Jake? Nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo? Kung hindi pa ay tatawagan ko si Tessie." Sabi ni Mila. "Mom, ako na ang magpapaalam sa kanila." Si Jake ang sumagot. "Kayo nga po ang tatanungin ko kung ayos lang ba na sumama ako sa kanya? Mapilit lang po talaga 'tong lalaking 'to na isama ako." Sabi ni Lexi na ikinasimangot ni Jake. "Haha! Sabi na eh, pinilit mo lang siya, Kuya." Natatawang sabi ni Rhian. "Ok lang naman, iha. Mas okay nga iyon ng may kasama siya at 'di sya maiinip. Tiyak kasi na 'di na naman niya tatapusin ang convention kapag inatake na naman siya ng toyo niya." Sabi ni Mila. "Atleast, pagkasama ka niya, masisisgurado mo na tatapusin niya yung tatlong araw." Patuloy ni Mila. "Okay po, Tita." Sagot ni Lexi. "Yes!" Tuwang sabi ni Jake. "Kuya, 'wag masyadong pahalata ang excitement." Pang-iinis ni Rhian. "Nga naman, Dre. Medyo pakipot effect ka naman, Dre. Nasisira image natin 'yan eh." Nang-iinis din na sabi ni Anthony. "Aba, madalang ko na yatang madinig yung kontrahan n'yong dalawa. Lagi na kayong magkakampi ah. Dre, kaw na bahala sa utol ko ha." Sabi ni Jake sabay kindat kay Rhian. "Tumigil na nga kayo at baka kung saan pa mapunta 'yang asaran n'yo. Kami ay aalis na at mamimili pa kami ng mga pasalubong." Sabi ni Mila sabay tayo at hila sa asawa.

"Ate, uwian mo ko ha?" Bilin ni Rhian. Nagpasama si Rhian kay Lexi sa canteen para bumili ng breakfast niya. "Sandali, saan ba 'yung convention?" Tanong ni Lexi. "Sa Palawan." Sagot ni Rhian. "Ha!? Sasakay ng eroplano!?" Gulat na tanong ni Lexi na ikinatawa ni Rhian. "Oo, bakit? Don't tell me takot ka sumakay sa eroplano." Sabi ni Rhian at tumango si Lexi. "Hindi pa ko nasasakay ng eroplano kahit kailan." Sagot ni Lexi. "Hindi siya nakakatakot. Sa una,oo, pero kapag nasa ere na kayo ay okay na." Sabi ni Rhian. "Ikaw na lang kaya ang sumama." Sabi ni Lexi. "Gusto mo bang 'wag pumunta si kuya?" Sabi ni Rhian. "Don't worry, kasama mo naman si kuya at tiyak namang 'di ka niya pababayaan." Sabi ni Rhian. Bumuntong hininga si Lexi.

Habang nag-aayos ng mga gamit na dadalin niya ay tumunog ang phone ni Lexi. "Ready ka na?" Boses ni Jake. "Ha, eh, oo yata." Sagot ni Lexi na ikinatawa ni Jake. "Don't worry, kasama mo ako, okay?" Sabi ni Jake. Nabanggit na ni Rhian sa kanyang kuya ang napag-usapan nila ni Lexi tungkol sa takot nito sa pagsakay sa eroplano.

"Pwede bang magback-out?" Tanong ni Lexi. "Pwede naman basta ikaw ang mag-explain kila Daddy at Mommy kung bakit 'di ako umattend ng convention." Sabi ni Jake habang nakangiti. "Jake naman eh." Sabi ni Lexi. "Basta, ako ang bahala sa'yo bukas." Sabi ni Jake. "Ikaw nga ang bahala, ako naman ang kawawa." Sabi ni Lexi na ikinatawa ni Jake. "I'll promise, mag-eenjoy ka. Sige na, matulog ka na at maaga pa tayong aalis bukas para iwas traffic." Sabi ni Jake. "Ok." Maikling sagot ni Lexi. "Goodnight and dream of me tonight." Sabi ni Jake. "Baka bangungutin ako 'pag ikaw napanaginipan ko." Sagot ni Lexi. "Grabe ka naman! Sa gwapo kong 'to hindi ka babangungutin." Sabi ni Jake. "Ha'ay nako, sige na, goodnight." Sabi ni Lexi at pinindot na ang end call.

Dahil maaga silang aalis, naabutan pa nila Jake at Rhian si Ronnie sa labas ng bahay na paalis na din papunta sa palengke. "Magandang umaga po, Tito." Bati ni Rhian at Jake. "Magandang umaga din naman sa inyo. Nasa loob pa si Lexi pero ang alam ko nakabihis na. Sandali at tatawagin ko." Sabi ni Ronnie. "Huwag na po, Tito, ako na pong papasok. Tatanghaliin pa po kayo." Sabi ni Rhian at dumiretso na sa loob. Papasakay na sana si Ronnie sa kanyang sasakyan ng lingunin nito si Jake.

"Jake." Tawag ni Ronnie sa binata. "Bakit po, Tito?" Tanong ni Jake. "Tatlong araw kayo sa Palawan 'di ba?" Tanong ni Ronnie at tumango naman si Jake. "Doon ba sa tatlong araw na 'yon..." Hindi na natapos ni Ronnie ang sasabihin dahil sumagot na agad si Jake. "Hiwalay po ang kwarto namin, Tito." Mabilis na sabi ni Jake. Tumango-tango si Ronnie. "Oh siya, sige, aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa prinsesa ko ha?" Bilin ni Ronnie. "Opo, tito." Sagot ni Jake. Nang makaalis na si Ronnie ay nakahinga na ng maluwag si Jake. Nang lumabas na sila Rhian at Lexi ay umalis na din sila papuntang airport.

"Oh, pa'no, happy honeymoon." Nakangiting sabi ni Rhian. "Sira ka talaga." Namumulang sabi ni Lexi. "Ikaw na bahala sa ospital ha? Kapag may problema tawagan mo agad ako." Sabi ni Jake. "'Di na kailangan, Kuya. Kami na ni Anthony ang bahala." Sabi ni Rhian. "Siguraduhin mo lang. Pag-uuntugin ko kayong dalawa." Sabi ni Jake. "Opo, Boss. Ate, kahit mga pamangkin na lang pasalubong mo sa 'kin, ayos na din 'yun." Tukso ni Rhian. Kukurutin sana ni Lexi ang kaibigan pero nakalayo na ito. "Bye, enjoy!" Pahabol na sabi ni Rhian bago umalis. "Tara na." sabi ni Jake. "Ngayon na?" Tanong ni Lexi na parang ayaw umalis sa kinatatayuan. Tumango si Jake habang nakangiti. Huminga ng malalim si Lexi. "Ok!" Natawa naman si Jake dahil kahit sinabi ni Lexi na okay ay hindi pa din ito umaalis sa pwesto kaya hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Nandito ako, 'wag kang matakot." Sabi ni Jake na nakatingin sa mga mata ni Lexi. Inakay na niya ang dalaga at ng lumakad na si Lexi ay nangiti na si Jake. Pagkatapos mag-check in ay dumiretso na sila sa loob ng eroplano.

Nang maramdaman ni Lexi na gumagalaw na ang eroplano ay napahigpit ang hawak niya kay Jake. "Okay lang 'yan." Sabi ni Jake sabay akbay kay Lexi. Isiniksik naman ni Lexi ang sarili kay Jake. Lumapit sa kanila ang flight stewardess pero ng nagsign si Jake na ok lang ay umalis na din ito. Kahit alam ni Jake na takot na takot ang dalagang katabi niya ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng kakaiba sa katawan niya. Naamoy niya ang mabangong buhok ng dalaga at ramdam din niya ang malabot na katawan nito na nakadikit sa kanya. "Lord, tulungan N'yo po ako na magpakabait, ayoko pong mabugbog ni Tito Ronnie." Bulong ni Jake sa sarili habang yakap na si Lexi dahil ng tumaas na ang eroplano sa ere ay yumakap na sa kanya ng tuluyan ang dalaga.