Chapter 22 - Chapter 22

"Morning!" Nakangiting bati ni Jake kay Lexi. Katulad ng mga naunang araw, sinundo ulit ng binata ang sinusuyong dalaga. "Morning!" Ganting bati ni Lexi. Pinagbukasan siya ng pinto ni Jake. Pagdaan nila sa tindahan ay binaba ni Jake ang bintana ng kotse niya. "Tita, alis na po kami." Sabi ni Jake. "Sige, mag-iingat kayo." Sagot ni Tess

Nagtaka si Lexi ng mapansin na iba ang dinaanang ruta ni Jake. "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Lexi. "May dadaanan lang tayo." Nakangiting sagot ng binata. "Ok." Maikling sagot ni Lexi. Nang ihinto ni Jake ang sasakyan sa tapat ng Jollibee ay kumunot ang noo ni Lexi. "Anong gagawin natin d'yan?" Tanong ng dalaga. "Kakain." Maikling sagot ni Jake pagkatapos ay binuksan na ang pinto sa tapat niya at umikot sa pwesto ni Lexi para muling pagbukasan siya ng pinto. "Seryoso ka?" Muling tanong ni Lexi kay Jake. Nakangiting tumango si Jake.

Pagpasok ay nagulat si Lexi ng makita ang mga kaibigan sa loob. "Morning!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito. "Anong ginagawa n'yo dito?" Nakangiting tanong ni Lexi. "Makiki-join sa morning date n'yo." Sabi ni Tanya. Namula si Lexi at tumingin kay Jake na nakikipag-fist bomb sa mga kaibigan lalake. "Yep, sinabi sa amin ni Jake na nanliligaw na siya sa'yo at grabe, kakakilig kayong dalawa!" Sabi ni Melanie. "Haba ng buhok mo, girl!" Sabi ni Heleana. "Buti pa si Jake nagkwento sa amin samantalang ikaw, wala yatang balak." Kunyaring tampo ni Joana. "Nung isang araw lang naman siya nag-umpisa." Namumulang sabi ni Lexi. "Basta, Best, sabihin mo lang sa amin kapag niloko ka ng mokong na 'to, aabangan namin sa labas ng ospital n'ya." Nakangiting sabi ni Phil na naka-akbay pa kay Jake. "Oo nga, Lexi, bugbog sarado sa amin 'to pagpinaiyak ka nito." Sabi naman ni Allen. "Pare, pa'no mo bubugbugin 'yan eh babalik ka na bukas sa States." Sabi ni Dave. "Aalis ka na bukas?" Gulat na tanong ni Lexi. "Oo eh, gustuhin ko mang magtagal pa, 'di na pwede. Kinukulit na ko sa trabaho." Sagot ni Allen. "Itong manliligaw mo ang nag-suggest na dito na lang natin gawin ang despidida ni Allen tutal naman daw si Jollibee ang tambayan natin noong high school tayo." Sabi ni Ron. "Oh, tama na 'yan, mag-order na tayo." Sabi ni Jake na tumayo na. "Ako na." Sabi ni Jake ng makitang nagtatayuan din ang mga kaibigan. "Uuuyyy! Nagpapakitang gilas." Nakangiting sabi ni Tanya at nagkatawanan silang lahat. Nang makaalis si Jake para mag-order ay tumayo din si Lexi. "Oi, oi, saan ka pupunta?" Tanong ni Phil. Tinuro ni Lexi si Jake. "Hayaan mo na, ayaw niyang mapagod ang soon-to-be jowa niya." Tukso ni Melanie. "Mga sira, madami kaya yung pagkain. 'Di niya kayang dalin 'yun." Sagot ni Lexi. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang malayo sa kanya kasi baka mahatak ng iba. Tingnan mo 'yung cashier oh? Pacute ng pacute kay Jake." Sabi ni Heleana sabay turo sa counter. "Excuse me! Mas maganda ako sa kanya." Sabi ni Lexi sabay lakad palapit kay Jake. Naiwan ang mga kaibigan nila na nagtatawanan.

Paglapit ni Lexi sa counter ay tiningnan siya ng cashier at pagkatapos ay bumalik sa pagpapacute kay Jake. "Ano pa po, Sir?" Maarteng sabi nito. "Ano ng na-order mo?" tanong ni Lexi. "Lahat ng breakfast meal nila. Bahala na silang pumili. May gusto ka pa?" Malambing na tanong ni Jake na ikinataas ng kilay ng cashier. "Fries." Nakangiting sabi ni Lexi. "Ok, your wish is my command." Sabi ni Jake sabay pingot sa ilong ng dalaga na lalong kinainis ng cashier. "Anything else, Sir." Maarteng sabi na naman ng cashier. "Wala na." Sagot ni Jake. "Sir, by the way, I'm Macey, at your service, Sir." Sabi ng cashier na kinataas ng kilay ni Lexi. "Hi, Macey." Sagot naman ni Jake. "Pag-untugin ko kaya 'tong dalawang 'to. Sa harap ko pa talaga nag-landian ah." Bulong ni Lexi sa sarili. "I'm single, Sir, and ready to mingle." Muling sabi ng cashier. Ngumiti si Jake. "Aba! Talaga naman!" Muling bulong ni Lexi sa sarili pero nagulat siya ng akbayan si ni Jake. "Sorry, Macey, may nililigawan na ko." Sabi ni Jake na nakatingin sa kanya. Gustong tumawa ni Lexi sa nakitang itsura ng cashier. Akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. At siya naman, feeling niya ay pulang-pula ang mukha niya pero deep inside, kilig na kilig naman siya.

Nang mailapag na nila ang pagkain sa lamesa ay inulan sila ng tukso mula sa mga kaibigan. "Grabe! Hindi pa nga kayo eh ang sweet-sweet n'yo na!" Kinikilig na sabi ni Tanya. "Ang daming langgam dito!" Dugtong ni Melanie. "Muntik n'yo ng mapaiyak 'yung cashier ah." Sabi naman ni Heleana. "Ano ba'ng ginawa n'yo doon at pagtalikod n'yo eh kulang na lang eh habulin ng kutsilyo si Lexi." Tanong ni Joana. "Sabi ko nga sa inyo, mas maganda ako sa kanya." Sabi ni Lexi at nagkatawanan na naman sila. Nang ibigay ni Jake ang pagkain ni Lexi ay tinukso na naman sila. "Ikaw ba 'yan, Pare?" Sabi ni Phil. "Dati ikaw ang pinagsisilbihan ng mga naging girlfriend pero ngayon? Tsk, tsk,tsk." Sabi ni Allen. "Iba talaga nagagawa ng love." Tukso ni Dave. "Nag-iba na talaga ang dating Jake the Player, ngayon Jake the Loyal na." sabi ni Ron at sabay-sabay silang tumawa.

"Oh, pa'no guys, baka see you next year na." Sabi ni Allen pagkatapos ay niyakap isa-isa ang mga kaibigan. Pagdating kay Lexi ay bigla humarang si Jake. "Ingat ka lagi doon, Pare." Sabi ni Jake sabay yakap kay Allen. "Grabe ka ha, kaibigan ako, Pre, 'di karibal. Tumabi ka nga d'yan." Sabi ni Allen sabay lapit kay Lexi. "Basta sabihan mo lang ako, uuwi ako para bugbugin 'to." Sabi ni Allen at niyakap si Lexi. "Ingat ka doon." Sabi ni Lexi. At nagpaalam na ang magkakaibigan sa isa't isa.

Papasok na sila sa kotse ng mag-ring ang phone ni Jake. "Dre, saan ka na ba? Nandito si Tito at Tita, iniintay ka." Sabi ni Anthony. "Papunta na kami d'yan." Sagot ni Jake. "Ang aga-aga naman kasing date n'yan. Pwede naman sa gabi 'yan." Sabi ni Anthony. "Mas ok yung umaga, tanghali, at gabi." Nakangiting sabi ni Jake na nakatingin kay Lexi. Kumunot naman ang noo ng dalaga. "Grabe ka, Dre. Wala ng talagang kawala sa'yo si Lexi." Sabi ni Anthony. "Hindi ko na talaga pakakawalan 'to." Sabi ni Jake na ngumiti kay Lexi. "Sige na, sabihin mo kila Dad at Mom papunta na kami." Sabi ni Jake at pinindot na ang end call ng madinig ang OK ni Anthony.

"Sino 'yun?" Tanong ni Lexi. Nakasakay na sila sa kotse papuntang ospital. "Si Anthony." Sagot ni Jake. "Nandoon daw sila daddy at mommy." Patuloy ni Jake at tumango-tango lang si Lexi. "Nga pala, nagpaalam ka na ba kay Tito at Tita?" Tanong ni Jake. "Ha? Bakit?" Takang tanong ni Lexi. "Di ba my convention ako next week at kasama ka?" Sabi ni Jake. "Kasama talaga ako? Ano naman gagawin ko doon, aber?" Tanong ni Lexi. "Bodyguard ko." Nakangiting sagot ni Jake na ikinataas ng kilay ni Lexi. "Madami tiyak na babaeng aaligid sa akin doon kaya kailangan kita. Sige ka, baka may makitang ko doon na mas maganda sa'yo, patulan ko." Nang-aasar na sabi ni Jake. "Nasa sa'yo naman 'yun. Besides, hindi pa naman tayo. Wala akong magagawa kung may magustuhan kang iba." Sabi ni Lexi na feeling niya ay may tumusok sa dibdib niya dahil sa mga sinabi. Kumunot ang noo ni Lexi ng ihinto ni Jake ang kotse sa gilid ng daan. "Bakit?" Takang tanong ni Lexi. Tinanggal ni Jake ang seatbelt at humarap sa dalaga.

"Lex, makinig ka." Umpisa ni Jake. "Oo, aaminin ko na noon player talaga ako, women lover sabi nga nila pero iba na ako ngayon. Uulitin ko, seryoso ako sa panliligaw sa'yo. Maghihintay ako hanggang dumating na ang araw na sagutin mo na ako. Hindi ako titingin sa ibang babae, maliban na lang kung talagang maganda at sexy..." Nakangiting biro ni Jake pero tumaas ang kilay ni Lexi. "Pero, ikaw lang, Lex, magmula ngayon hanggang sa dulo." Seryosong sabi ni Jake. Napalunok naman ng laway si Lexi. "Kilig to the bones si ako." Sabi ng dalaga sa sarili. "Kaya sa ayaw mo at sa hindi, sasama ka sa akin next week kasi ayoko maputol ang panliligaw ko sa'yo. Malay natin, baka after ng convention eh makuha ko na ang matamis mong OO." Nakangising sabi ni Jake na kinaikot ng mata ni Lexi. "Tara na nga, nag-iintay na sa'yo sila Tito at Tita." Aya ni Lexi pero nagulat siya ng bigla siyang bigyan ng mabilis na halik ni Jake sa labi. "Bayad 'yan kanina kasi nagpayakap ka kay Allen." Sabi ni Jake sabay paandar na sa makina ng kanyang kotse. Iiling-iling na lang si Lexi. "Loko talaga 'to." Sabi niya sa sarili.