Humahaba ang aking nguso dahil sa bagal ng pag-usad ng mga sasakyan sa sobrang traffic. Napapabuntong hininga na lamang ako dahil halos dalawang oras na akong nasa biyahe.
Naghalf day lang ako sa trabaho ngayon dahil nakaraan ko pa planong bumili ng mga bagong libro na babasahin. Ngunit hindi ko naman aakalaing matatagalan ako ng ganito sa biyahe. Dahil ang isang oras lamang sanang biyahe ay halos inabot na ng dalawang oras. Hayyy.
Pagdating ko sa mall ay kaagad akong dumiretso sa bookstore. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko, dahil sa wakas ay makakahawak na naman ako ng mga bagong libro. At ang mas nakakatuwa at nakakaadik sa pagbili ng bagong libro ay ang amoy nito.
Para bang kumikinang sa tuwa ang mga mata ko ng pumasok na ako sa loob ng bookstore. Kagat labi akong naglibot kaagad at pumili ng mga libro na matagal ko ng gustong bilihin. Kung hindi lamang dahil busy ako sa trabaho siguro, araw araw akong nandito. Napangiti ako sa aking sarili ng maisip ang mga katagang iyon.
Pagkatapos kong makuha ang lahat ng libro na gusto ko ay masayang dumiretso ako sa counter para magbayad. Hindi na ako makapaghintay pang makauwi upang mabuksan na ang mga ito at ng masimulang basahin.
Habang nasa biyahe ako at tinatahak ang daanan pauwi ng aking apartment ay naisipan kong dumaan na muna ng Cafe upang bumili ng Ice coffee. Wala namang bago eh. Himutok ng aking sarili.
Nakarating ako sa Cafe Shop ng sakto sa oras ng talagang pagpunta ko palagi roon pagkatapos ng aking trabaho. Ngumiti ako sa barista na ang pangalan ay Kate. Kasabayan ko siya sa pag trabaho dito sa Cafe noong kinuha ako ng mama ni Bianca na magtrabaho dito.
"Hi." Kaagad na bati ko rito ng makalapit sa kanya para mag-order. Magsasalita pa lamang sana akong muli ng magsalita siya.
"Here's your order ma'am! Enjoy your drinks!" Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko ng mga sandaling iyon. Naiiling na iniabot ko sa kanya ang aking bayad.
"Kabisado mo na talaga kung anong paborito ko Kate, huh?" Natawa lamang ito ng bahagya sa nasabi ko.
"Well, malamang sa malamang. Eh sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos wala kang ibang flavor na ino-order kundi yang Caramel Mocha." Natawa rin ako dahil sa komento nito.
"At salamat sa pag-abot ng bayad pero hindi na kailangan, dahil bayad na po yan ma'am." Dagdag pa nito at itinulak pabalik sa akin ang kamay kong nakainat para sana i-abot rito ang bayad. Natigilan ako sa sinabi nito.
"Bayad na?" Tumango ito bilang sagot. "Eh kadarating at ka o-order ko palang naman ah."
Ngumiti lamang ito sa akin atsaka nailing ng ilang beses. "Bago ka dumating, may umorder na niyan para sayo. Ang sabi niya ibigay ko raw sayo kapag napadaan ka rito. And then she left. Kaaalis alis nga lang niya mula 'nong dumating ka eh." Saka ito kumindat sa akin.
She? Hindi kaya si..
"G-ganoon ba?" Di parin makapaniwalang tanong ko rito.
"Yes Cath. Next customer please!"
Kinuha ko na ang Ice coffee mula sa counter dahil may iilan na ring tao ang nandoon para mag-order. Iginala ko ang paningin sa loob ng Cafe ngunit wala doon ang inaasahan kong tao na gusto kong makita. Mabilis na lumabas ako ng Cafe para sana tignan kung nasa may parking area pa siya, ngunit iilang sasakyan na lamang ang nandoon at natitiyak ko na wala na roon ang kanya.
Hayyy. Yaan na nga, makakapagpasalamat din ako sa kanya sa susunod.
----
Simula noong araw na iyon ay halos hindi na ako napapagastos sa Ice Coffee ko. Dahil sa twing darating ako sa umaga para dumaan sa Cafe ay may order na kaagad para sa akin, ganoon din sa hapon kapag galing ako sa aking trabaho.
Hindi na ako natutuwa kung minsan, dahil hindi man lamang ako nagkakaroon ng pagkakataon para makapag pasalamat sa kanya mismo ng personal. Atsaka hindi naman niya kailangang gawin ito eh. Kaya ko naman bumili ng para sa sarili ko.
Sus ang sabihin mo na didismaya ka dahil siya mismo ang gusto mong makita. Tukso ng aking sarili.
Oo. Tama ka. Sang ayon ko naman sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit. Well, siguro dahil gusto ko siyang maging kaibigan? Bukod kasi kay Bianca at sa mga katrabaho namin, wala na akong iba pang naging kaibigan kundi sila lamang na mga nakakasama ko araw-araw sa trabaho. Oo tama, ganoon nga iyon.
Pero kasi naman eh! Nagdadabog na ako sa aking isipan. Hindi na ako makapag concentrate sa trabaho o sa kahit na anong ginagawa ko dahil sa babaeng iyon. Hindi ko pa naman siya kilala diba? Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. At isang beses ko pa lamang siyang nakausap ng harapan. Pero, bakit palagi siya nagsusumiksik sa isipan ko? Bakiiiiiiit?!
"Hoy bes! Okay ka lang?" Sandali akong natigilan sa mga iniisip ko at napatingin ng wala sa sarili sa best friend ko. Napahinga ako ng malalim at napatango rito bilang sagot.
"Pansin ko lang kasi. Kanina ka pa ka wala sa sarili. Ang lutang mo eh, 'no?" Medyo iritable na komento nito sa akin.
"May problema ka ba? May gusto ka bang pag-usapan natin?" Dagdag pa nito at inayos ang inuupuan paharap sa akin.
"Bes, wala. Ayos lang ako. Wag kana mag-alala dyan." Paliwanag ko. Ngunit tinitigan lamang ako nito sa mukha na para bang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Hmmm, puyat lang 'to. Sige na, magtrabaho na tayo. Para makauwi na tayo ng maaga." Tumango ito at sa wakas ay hindi na ito nangulit pa at itinuon nalang muli ang atensyon sa gawain.
Pagkatapos ng naiiwan na gawain ay napagpasyahan na naming umuwi ni Bianca. Nauna na kaming magpaalam sa mga kasamahan namin dahil ang ilan sa kanila ay madami pang tatapusing gawain.
At katulad nga ng nakasanayan ay dumaan muna kami ni Bianca ng Cafe shop, para umorder ng maiinom. Pagpasok namin sa loob ay kaagad na dumiretso ako sa counter para mag-order habang si Bianca naman ay tamad na tamad na umupo sa isa sa mga bakanteng lamesa na nandoon habang hinihintay ako.
Katulad nga ng inaasahan, papalapit pa lamang ako counter ng ngumiti ang barista at kaagad na inihanda ang Ice coffee ko.
"Enjoy your drinks ma'am!" Ngumiti ako rito at nagpasalamat. Tatalikod na sana ako ng tinawag ako ng barista at may iniabot ito sa akin na isang maliit na bahagi ng papel, na kaagad ko namang tinanggal sa pagkakatupi at binasa ang nakasulat.
"Ice coffee, Caramel Mocha flavor for a beautiful girl like you. Enjoy the rest of your day! - Coffee Friend."
Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil tila ba para akong kinikiliti ng mabasa ko ang mga malabulaklak na salitang iyon. Dahilan upang mapangiti ako ng halos abot hanggang tenga ko na at kulang nalang eh mapunit ang bibig ko sa lawak ng ngiti ko.
Hindi ko naman akalain na nakatingin pala si Bianca sa akin ng buong sandali na iyon.
"Ang lawak ng ngiti ng best friend ko ah." Komento nito ng makita ang mga ngiti ko. At mabilis na lumapit sa akin, akmang hahablutin sana nito mula sa kamay ko ang maliit na bahagi ng papel ngunit kaagad ko itong iniiwas sa kanya at isinukbit sa loob ng bulsa ng pantalon ko.
Napatikhim ako at kagat labing lumabas na ng Cafe shop. Sakto naman ang pag tunog ng cellphone ni Bianca na kaagad nitong sinagot kung sino man ang caller. Mabuti naman at sumasakto ang mga ganitong pagkakataon sa akin, dahil tiyak na kukulitin lamang ako nito kapag nagkataon.
Lumapit ito sa akin ng maibaba ang tawag.
"Maswerte ka dahil kailangan ko ng umalis ngayon. Kung ano man yang hindi mo pa sinasabi sa akin, malalaman ko rin." May halong pagbabanta na sabi nito. Ngunit sanay na ako sa kaibigan kong ito, ayaw niya lamang na naglilihim ako sa kanya dahil bukod sa kaibigan ay para na rin ako nitong kapatid.
"Teka, aalis kana? Paano ako? Hindi mo man lang ba muna ako ihahatid pauwi? Malapit na dito yung bahay ko, bes naman! " May halong inis na himutok ko rito. At napanguso.
Ngunit hindi ito umipekto sa kanya at sa halip ay nag cross arms lamang ito at tinaasan ako ng kilay.
"Exactly, malapit na lang ang bahay mo dito. So kahit hindi na kita maihatid eh, kayang kaya mo umuwi mag-isa. Wag ka ngang praning dyan!" Saka ako tinalikuran na nito papunta sa kanyang sasakyan.
"Bes, seryoso ka talaga? Iiwanan mo'ko rito?" Huminga ito ng malalim at tumango tango.
"Sorry bes but I have to go now. Babawi ako sa susunod. Okay?" Malungkot na tumango na lamang ako rito bilang pagpayag. Nang makasakay ito ay kaagad na pinasibad ang kanyang sasakyan paalis.
"Hayys. Naman oh!" Malungkot na tinitignan ko ang sasakyan nito habang papalayo mula sakin. Maglalakad na lamang siguro ako. Mas okay na iyon, isa pa exercise na rin.
Magsisimula na sana akong maglakad ng may napansin akong medyo pamilyar na awra ng tao na papalapit sa akin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng masigurado na siya nga iyon, para siyang modelo kung lumakad at naligaw lamang dito sa may gilid ng kalsada. Nakalugay lamang ang mahabang buhok nito na sumasabay ang pag sayaw sa bawat pag hakbang niya. Ang ganda niya kahit sa malayuan at talagang nanaisin mong wag i-alis ang paningin mula rito dahil baka sa isang kisapmata ay maglaho siya. Ngumiti ito sa akin mula sa malayo, natatarantang napakagat labi ako, dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag magkaharap na kaming muli. Heto na naman ang malakas na pintig ng puso ko na animo'y mabibinge ako sa lakas nito.
"Cath!" Tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. At humarang ang mukha nito sa magandang view na kani-kanina lang ay tinitignan ko...
"Kevin? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko rito. Nahihiyang ngumiti ito sa akin at napakamok sa may batok niya.
"Bianca asked me if I can take you home. That's why, I'm here." Ngumiti lamang ako ng tipid dito. Sandali akong napa-isip at doon ko lang napagtanto kung bakit iniwan ako ng babaeng yun dito.
"Thank you. Hindi kana sana nag-abala pa."
"Wala yun. Isa pa, gusto ko naman talagang ihatid ka eh. Ikaw lang talaga ang umiiwas sa akin." Para naman akong nakonsensya sa sinabi nito. Napaiwas ako ng tingin.
"Let's go?" Tanong nito at iginawi ako papunta sa kanyang sasakyan. Tumango ako at sumunod sa kanya. Ngunit bago iyon ay saglit pa akong napahinto at tumingin sa tinitignan ko kanina, ngunit hindi ko na ito muling namataan pa. Sandali ko pang iginala ang aking paningin, ngunit nabigo ako.
Malungkot na napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung kailan ko ito makikitang muli. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni kevin sa akin. Tumango ako bilang sagot rito at ngumiti. Pinag buksan naman niya ako ng pintuan at inalalayang makasakay.
Buong biyahe ay wala akong ibang iniisip kundi si.. Hindi ko nga pala alam kahit ang pangalan niya. Sana naman sa susunod na pagkikita namin ay makilala ko na siya kahit konti o kahit pangalan niya man lang ay ayos na sakin.
Isa pa..gusto ko lang ding malaman, kung bakit sa 'twing naiisip ko siya ay hindi ko maiwasang maexcite palagi. Para ba akong naninibago sa mga nararamdaman ko ngayon. Siguro nga minsan tama ang hinala ko, na crush ko siya. Hindi naman siguro masama ang magkaroon ng paghanga sa isang babae, hindi ba? Sabi nga nila girl crush. Parang sa mga artista, hindi natin maiwasang humanga sa kanila at mayroon talaga tayong kahahangaan ng sobra.
Napatango ako ng maraming beses. Tama! Girl crush lang ito.