Chereads / The Day I Mer Her Book 1 (COMPLETED) / Chapter 8 - Getting closer

Chapter 8 - Getting closer

Kinabukasan, hirap akong bumangon dahil sa sakit ng katawan. Nilalamig ako na hindi ko maintindihan kaya naman dahan dahan akong bumangon at pinapay ang aircon sa loob ng aking kwarto. Mabigat rin ang aking ulo at pakiramdam ko rin ay umaalab ang buong katawan ko dahil sa taas ng lagnat. Isa pa, bahing ako ng bahing kaya naman nagkalat ang tissue napkin sa may ibaba ng kama ko. Jusko! Ano bang nangyayari sa akin?

Isang makapal na, na jacket at pajama ang isinuot ko ngunit hindi parin ito umepekto, giniginaw parin ako ng sobra. Kanina ko pa rin hinihintay si Bianca dahil hindi pa ito dumadating. Tumawag kasi ako sa kanya at ipinag bigay alam rito na hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya pupuntahan niya ako ngunit mag aalas otso na ng umaga ay wala parin ito. Muli kong idinial ang number nito ngunit hindi naman na niya sinasagot. Hays! Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom.

Hindi nagtagal ay may narinig na rin akong nag door bell. Napahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakakain na ako, dahil tiyak na may dala itong pagkain para sa akin. Muli, ay dahan dahan akong napabangon upang hindi mahilo at matumba sa sahig. Nahihilo at nilalamig na tinungo ko ang maindoor ng apartment ko bago ito binuksan. Ngunit laking gulat ko ng hindi si Bianca ang nasa harapan ko ngayon kung hindi si..

"Breeze.." Halos pabulong na sabi ko ng makita siya.

"Good morning!" Magiliw na wika nito sa akin kasabay ng pag-angat ng mga hawak nitong tinake-out na pagkain mula sa labas.

"G-good morning.." Ganting bati ko rito habang napapakunot ang aking noo dahil sa naguguluhan parin ako kung bakit siya naparito. Magsasalita pa sana akong muli upang itanong sa kanya kung bakit siya nandito ng sinagot na niya iyon.

"Alam ko kasing magkakasakit ka dahil sa naulanan ka kagabi, kaya ako nandito." Kalmadong paliwanag nito sa akin bago ako hinigit at tuluyan na nga itong nakapasok sa apartment ko. Dumiretso ito sa kusina at inilabas ang mga pagkain naka lagay sa supot kanina. Tahimik lamang din akong nakamasid sa kanya habang abala ito sa kanyang ginagawa.

"Here! Higupin mo muna itong soup habang mainit pa." Ngumiti ito sa akin bago ako pinaghila ng upuan sa lamesa para makaupo. "Alam kong nahihilo ka kaya bakit ka naman patayo tayo lang diyan?" Napalunok ako ng disoras dahil sa naamoy ko na naman ang perfume niya.

"Ah, pasensya rin pala kung hindi kita naibili ng Ice Coffee. Hindi kasi iyon makakatulong ngayon para gumaling ka. Baka mas lalo lang lumala yang sipon mo." Concern na sabi nito sa akin. Napangiti ako dahil sa sobrang pag-aalala nito sa akin. At least ngayon alam ko na concern ito sa akin.

"Ayos lang iyon." Tipid na sagot ko rito.

Kumuha ito ng konti sa kutsara bago inilapit sa akin para subuan ako. "Say ahhhh." Agad na napailing ako at pinipigilan ang sumisipil na ngiti sa aking mga labi. "A-ako na. Kaya ko na kumain mag-isa." Pagtanggi ko rito ngunit agad din naman itong napailing na parang makulit na bata.

"Nope. That's not gonna happen. Kaya ako nandito para alagaan ka at siguraduhing magiging okay na ang pakiramdam mo. Now, say ahhh." Walang nagawa na sinunod ko na lamang ito hanggang sa maubos ang soup na pinapakain nito sa akin. Pagkatapos ay binigyan ako nito ng gamot na kaagad din niyang pinainom sa akin. Habang naghuhugas ito ng mga nagamit na pinggan ay pumunta muna ako sandali sa kwarto kahit na medyo nahihilo parin upang i-check ang cellphone ko, baka kasi may mga text na si Bianca at tawag kung bakit wala parin ito hanggang ngayon.

May isang text messages nga ito para sa akin, kaagad na binuksan ko ito upang basahin. Ngunit ganoon din kabilis na nakaramdam ako ng sobrang kabog sa dibdib ng sinabi sa text na si Kevin ang pinapunta nito sa akin para alagaan ako. Mas lalo pa yatang sumama ang pakiramdam ko dahil na nabasa ko. Hindi pweding may makakita kay Breeze na nandito siya, lalo na at si Kevin pa. Kinakabahan at nagmamadali na muling lumabas ako ng kwarto dahil sa tunog ng door bell, ngunit huli na dahil hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng aking kwarto ay naunahan na ako ni Breeze para pagbuksan si Kevin. Nag-usap ang mga ito ngunit hindi ko naman madinig kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan dahil sa medyo may kalayuan ako mula sa mga ito. Ilang sandali pa silang nag-usap at pagkatapos ay umalis na si Kevin, habang hawak-hawak naman na ni Breeze ang mga binili nito para sa akin.

Nang makita ako nito na nakatayo at nakatingin lamang sa kanya ay isang nakakalokong ngiti at tingin ang pinakawalan nito habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Ramdam ko na nag-iinit na naman ang buong mukha ko dahil sa malalagkit na tingin na iyon kaya naman agad na paiwas ako ng tingin.

"Oh Catherine, come here!" Prenting naupo ito sa mahabang sofa na nasa aking sala. Napatikhim ako upang alisin ang kabang nararamdaman ko at lakas loob na nagsalita ngunit naunahan na naman niya ako bago pa man ako makapag salita.

"Your suitor. Pinasasabi niya na magpalakas ka raw para gumaling na." Nahihimigan ko ang pagka disgusto nito sa kanyang mga sinasabi. "How sweet he is." Mapait na bigkas nito na kaagad na ikinabilog ng mga mata ko. Hindi ko tuloy napigilan na mapatawa at naupo sa kabilang dulo ng mahabang sofa na kinauupuan niya. Medyo nakaramdam na naman kasi ako ng pagkahilo at panlalamig.

"M-mabuti naman at hindi na siya nagtagal pa?" Komento ko. Sinungaling, ginusto mo naman talaga na umalis na si Kevin. Napatango tango ito ng iling beses.

"Yes! Mabuti nalang talaga at umalis na siya." Parang proud pa na sabi nito. "Dahil sa sinabi ko." Dagdag pa niya.

"A-anong sinabi mo?" Nagtatakang tanong ko rito. Binigyan ako nito ng nakakalokong ngiti bago muling nagsalita.

"Sinabi ko lang naman na hindi na niya kailangang mag-alala pa dahil hindi ko pababayaan ang girlfriend ko." Walang preno na sabi nito saka binuksan ang tv na nasa harap namin at naghanap ng pweding mapanood na pelikula. Habang ako naman ay wala sa sariling napatulala dahil sa mga sinabi niya. Seryoso ba siya?

Ngunit wala yata siyang balak bigyan ng katahimikan ang nagwawalang puso ko, dahil sa sandaling napatulala ako ay siya rin naman ang paglapit nito sa akin at tinignan ako sa mukha. "Masyado ka namang seryoso. Biro lang, syempre hindi ganoon ang sinabi ko." Muling napahinga ako ng maluwag. Bakit ba ang hilig niyang guluhin at paglaruan ang isipan ko? Dahil ba nahahalata niya kung gaano ako kaapektado sa kanya? Lalo na kapag ganito na magkalapit kami sa isa't isa?

"Kung hindi iyon ang sinabi mo, eh ano?" Curious na tanong ko parin. Ngunit sa halip na sagutin ako nito ay isang ngisi lang ang ibinigay nito sa akin at itinuon na lamang ito ang kanyang atensyon sa pinapanood sa tv. Kakausapin ko nalang siguro si Kevin sa monday. Tama!

Tahimik na napasandal na lamang din ako sa sandalan ng aming inuupuan at ibinaling na lamang din ang atensyon sa tv. Isa itong Comedy drama na pelikula, kaya naman walang humpay sa kakatawa itong magandang dyosa na katabi ko. Habang nanonood ito at mas nagkaroon ako ng pagkakataon upang titigan siya, mas lalo kong napagmasdan ng maayos ang kanyang mukha. Ang ganda at ang haba ng kanyang pilik mata, matangos at ang ganda ng korte ng kanyang medyo maliit na ilong, meron din itong maliit na dimple sa kanyang pisnge na siyang mas lalong nagpapaganda sa kanyang mga ngiti, ang kinis ng kanyang mukha na animo'y hindi pa nakaranas ng kahit isang tigyawat. At ang mga mata niya, kung si Adriana na kanyang kababata ay may kulay gold na mga mata, si Breeze naman ay may kulay abo. Hindi parin talaga ako makapaniwala na may ganito kagandang nilalang sa lupa. Napaka perpekto niya para sa isang ordinaryo na tao.

Bigla akong napaiwas ng tingin at napaubo ng muling humarap ito at tumingin sa akin. "You know what? The best feeling is when I look at you and you're already staring." Biglang nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa malamig talaga ang pakiramdam ko o dahil sa lamig ng tono ng boses nito.

"H-hindi no?" Agad na depensa ko sa sarili. Habang diretsong nakatingin na ngayon ang mga mata sa tv. "Yes, you are!" Depensa rin niya.

"H-hindi ah. M-may dumi ka lang may mukha." Liar.

"Really?" May panunukso sa tono nito. Ang buong akala ko ay tatayo ito ngunit iyon pala ay mas lumapit pa ito sa akin. Bigla akong nanigas sa aking kinauupuan at hindi na halos makagalaw dahil sa biglang pagyakap nito sa akin. Napasinghap pa ako lalo ng maramdaman ko ang balat ng braso nito na tumama sa may ibaba ng hinaharap ko. Nararamdaman ko rin ang mainit na hininga nito na tumatama sa may batok ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila nanghihina ako?

"B-breeze.." Halos wala ng lakas na pagbigkas ko.

"Hmmm?" Patay malisya na tanong nito.

"A-anong..g-ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko dahil sa sobrang kaba at panghihina.

"What? I'm just hugging you?" Patanong na sagot nito sa akin. "H-hindi kasi ako makahinga." reklamo ko pa ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit habang tumatagal mas nagiging komportable ako na nasa mga bisig niya. Napabuntong hininga ito.

"Just relax. Your cold, it will help, I promise!" Kalmadong sabi nito at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.

Habang yakap yakap ako nito ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, dala na rin siguro ng naging komportable ako sa mga yakap niya. Totoo nga ang sabi niya, dahil doon sa kanyang ginawa ay hindi na ako gininaw pang muli. Mas naging magaan narin ang pakiramdam ko ngayon at hindi narin gaanong masakit ang ulo ko.

Iginalaw ko ang katawan ko dahil sa medyo masikip sa pwesto ko nang maramdaman ko na yakap yakap parin pala ako nito. Kahit hindi ako dumilat ng mga mata ay alam na alam kong si Breeze parin ang katabi ko dahil sa pamilyar na amoy nito. Nakatulog na rin siguro ito sa sobrang pag-aantay kung kailan ako magigising. Napangiti ako ng ma-imagine kung ano ang posisyon namin ngayon, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kiliti sa aking tiyan sa mga ideya na nabubuo sa aking isipan.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata upang tignan ang natutulog na muka nito, ngunit ganoon nalang ang laking gulat ng malaman kong anong posisyon mayroon kaming dalawa ngayon. Napasinghap ako ng marealize na nasa tapat pala ng hinaharap nito ang aking mukha habang yakap yakap niya. Muli ay gagalaw sana ako upang tuluyan ng makabangon nang bigla nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin dahilan upang mas lalong dumikit ang mukha ko sa parte ng kanyang katawan na hindi dapat.

"Shit! Walang kawala." Bulong ko sa aking sarili. Anong gagawin ko?