Chapter 10 - First kiss

Hindi ko namalayan na napa idlip na pala ako habang nasa biyahe kami. Nagising na lamang ako dahil sa sunod sunod na pagtapik ni Breeze sa balikat ko.

"Hey lovely girl, wake up. Nandito na tayo." Sabi nito habang ginigising ako. Napamulat ako at kinusot ng ilang beses ang aking mga mata bago iginala ang paningin sa buong palagid sa labas ng bintana ng sasakyan.

Nandito na pala kami, hindi ko man lamang namalayam. Madilim na rin ang paligid at tiyak ko na nasa alas syete na ng gabi ngayon. Napadako ang tingin ko sa mukha ni Breeze na parang bata na excited sa mga mangyayari.

"Breeze.. Tama ba tayo ng lugar na napuntahan?" Agad na tanong ko rito dahil pansin kong nasa gitna kami ng gubat. Bahagya na natawa lamang ito sa tanong ko at agad na napatango.

"Yup!" Nakangiting sagot nito. "Come on. I'll show you something." Wika nito at bumaba na agad ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.

Nang makababa na ako ay parang takot na bata na napakapit ako sa laylayan kanyang leather jacket. Naka pants lamang kasi ito ngayon at white v-neck t-shirt at pinatungan ng black leather jacket. Naka suot lamang din siya ng flat white rubber shoes sa ibaba. Nakalugay lamang din ang medyo may kahabaan na kulay brown na buhok nito at nakaipit sa kanyang magkabilaang tenga ang ilang hibla ng kanyang buhok. She look so hot in that outfit. At kahit wala itong make up ngayon ay ang ganda ganda niya parin. Sanay kasi ako nanakikita ito na naka feminine look kaya siguro medyo naninibago lamang ako.

"Are you scared?" Natatawa na tanong nito sa akin habang nakatingin sa mukha ko. Kahit madilim ang paligid ay nararamdaman ko parin ang bawat pag ngiti nito na may halong pag ngisi. "Don't be." Dagdag niya at lumapit sa may parang poste sa may unahan namin. May parang pinindot ito doon at kasabay noon ang biglang pagliwanag ng buong paligid.

Awtomatikong na pa 'wow' ako sa nakikita. Ang ganda! Aakalain mo na nasa gitna nga kami ng gubat pero, ang bawat punong kahoy na nandirito ay may nakalagay na iba't ibang kulay ng bumbilya hanggang sa mga sanga nito na siyang nagbibigay kulay at liwanag sa buong paligid. Nag niningning ang mga mata na inilibot ko pa ang aking paningin. Sa unahan na ng konti mula sa kinatatayuan namin ay nandoon naman ang may medyo kaliitan na bahay. Pero teka? Bahay? M-may bahay pala dito sa gitna ng gubat na ito? Di makapaniwala na tanong ko sa sarili.

"So? Welcome to my Sanctuary!" Totoo ang mga ngiti na nakita ko kay Breeze ng tumingin ako sa kanyang mukha. Dahil doon ay mas napangiti pa ako lalo.

"Wow! Breeze paano mo nagawa ang lahat ng ito?" Namamangha parin na tanong ko. Nagkibit balikat lamang ito.

"Well, thanks to my dad." Napakunot ang noo ko. "It's a gift for me." Dagdag pa nito na siyang naging kasagutan sa gumugulo sa utak ko. Napatango ako. Naglakad pa kami paunahan papunta malapit sa bahay.

"At dito!" Turo nito sa bahay na nasa harapan na namin. "Dito tayo mag i-stay ngayong gabi." Kagat labi na sabi nito ng humarap sa akin. Napalunok ako ng marinig ko ang mga kataga na iyon. Ibig niya bang sabihin matutulog kami sa iisang bubong ngayong gabi?

"Come!" Pagtawag nito muli sa atensyon ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako mismo sa kanang kamay ko. Iyong hawak na para kaming magkasintahan.

Kahit na ang lakas na naman masyado ng pagtibok ng puso ko ay pilit na binabalewala ko ang mga iyon. Isa pa, ayaw kong sirain ang gabi na ito para sa kanya. At mas lalong ayaw ko na mahahalata nito ang epekto nito sakin sa 'twing ginagawa niya ang mga bagay na tulad nito. Nakakahiya!

Nang makarating na kami sa dapat na pupuntahan namin ay doon ko lamang narealize na likod lamang ng bahay pala ang nakikita ko kanina. Ngayon? Nasa harapan na kami ng medyo may kaliitan na bahay. At sa harap ng bahay na ito ay ang dalampasigan, maririnig mo ang bawat paghampas ng alon, pati na rin ang amoy nito ng dagat na nalalanghap ko mula rito. Doon lamang din pumasok sa isipan ko na isa pala itong beach house.

"So? What can you see?" Muli, ay napalingon ako sa babaeng katabi ko ngayon at hawak hawak parin ang kanang kamay ko. Sandaling pumikit ito habang naglalanghap ng hangin.

"This place is very exclusive for me. Only for me." Panimula nito nang muling iminulat ang mga mata. "My dad gave it to me before he passed away. It was a gift for me. Noong una hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan ng ganito." Tukoy nito sa beach house.

"Pero noong mga panahon na wala na siya at kailangan ko ng makakausap, dito ako pumupunta. Dito ako nagpupunta sa tuwing stress ako at kailangan kong mapag-isa. Kapag kailangan kong mapag-isip. Until this place became my favorite spot, my sanctuary." Humarap ito sa akin at ngumiti. Iyong ngiti na alam mong may bahid ng lungkot. Marahil namimiss nito ang kanyang daddy. Kagaya ko sa aking tatay na kanina lamang ay dinalaw ko. Masaya rin ako na kahit papaano ay nagkkwento ito sa akin patungkol sa buhay niya. Nangangahulugan lamang iyon na pinagkakatiwalaan niya ako, pati na rin ang pag dala nito sa akin dito sa sinasabi niyang sanctuary niya.

"Iyon ang mga dahilan kung bakit binigyan ako ni Dad ng ganito. Dahil wala na siya na kakampi ko sa lahat, ito ang pinupuntahan ko." Hindi ko mapigilang malungkot sa mga nasabi niya. Kaya naman marahan na piniga ko ng konti ang mga kamay nito dahilan upang mapatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak parin.

"I'm sure masaya ang daddy mo ngayon kung nasaan man siya. Dahil lumaki ka na matapang at malakas katulad ng inaasahan niya." Napatango ito.

"Yes! I know that." Napatango tango na sabi nito.

"Ang ganda...ang ganda ng regalo niya para sayo Breeze." May mga ngiti ang aking mga labi ng sinasabi ang mga iyon.

Napaharap ito sa akin. "Yes! That's also correct. Pero mas maganda ka parin." Sabi nito at pagkatapos ay kinindatan ako. Kanina lang namimihigan ko ng kalungkutan ang boses nito ngayon naman, bumalik na naman siya sa.. Ay ewan!

Pagkatapos ng moment namin sa harap ng bahay at may dalampasigan ay niyaya na ako nitong pumasok sa bahay. Madilim sa loob ng bahay sa dahilan na, hindi na umaabot ang liwanag ng mga ilaw na nagmumula sa labas dito sa loob. Binitawan na rin ni Breeze ang kamay ko nahawak hawak lamang nito kanina. Pinauna ako nitong pumasok at nasa may likuran ko lang naman din siya.

"Catherine can you switch the lights on?" Pakisuyo nito atsaka itinuro sa akin kung saan banda ang switch. Kaagad na lumapit ako doon ilang hakbang mula sa maindoor.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa may unahan sa gitna ng bahay. Nagkalat ang mga red petals ng bulaklak, mula sa maindoor na pinasukan namin hanggang sa naka set na lamesa sa gitna at may dalawang magkaharap na upuan naman sa magkabilaang gilid. Ang ganda at napakaayos ng design na ginawa sa lamesa. Sa ibabaw naman niyon ay may nakalagay na apat na candle na wala pang mga sindi, pati narin iilang bulaklak na naka set din. May nakalapag na rin na mga pagkain sa lamesa at mukhang ang sasarap pa. Mayroon din na dalawang glass ng wine na nandoon sa ibabaw at syempre iyong wine na iinumin.

"Did you like it?" Tanong nito ng biglang sumulpot sa harapan ko. Ngumiti ito sa akin ng muling magsalita. "Congratulations! And I am so proud of you love!" Pagkatapos ay hinalikan ako nito sa pisnge.

Gulat na napatingin ako sa mga mata nito. Dahil sa mga oras na ito ay wala ako na ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya ng mahigpit. "P-paanong.."

"Bianca told me. She said na isa sa mga designs mo ang napili for fashion show in Paris." Kaagad na paliwanag ito. Sandali na napaisip ako. Papaano sila nagkaroon ng contact?

"So can we eat now? I'm sure you're starving already." Lumakad ito palapit sa lamesa at ipinaghila ako ng upuan.

"Breeze hindi mo naman kailangang gawin ito." Nahihiya na sabi ko rito dahil sa totoo lang ay hindi naman na kailangan pa nitong gumawa ng ganito para sa akin. Agad na napailing na lamang ito sa nasabi ko.

"Please! I insist. Because this is what you deserve Cath." Napakagat labi ako ng tawagin ako nito sa aking nickname. Ngayon niya lang kasi ako natawag sa ganoon. At ang sarap sarap pakinggan na nanggaling ang mga iyon sa kanyang mga labi.

Walang nagawa na naupo na lamang ako sa harap ng lamesa na iyon at pinag saluhan nga namin ni Breeze ang masasarap na putahing nakahain. Sinabi pa nito na galing pa sa Restaurant ni Adriana ang mga pagkain na kinakain namin. Kaya naman pala ganoon nalang kasasarap ang mga iyon. Kahit na medyo nahihiya parin ako sa pagsubo ay hindi ko na lamang iyon ininda pa dahil sa mas nangingibabaw ang aking kagutuman.

Tapos na kami pareho sa pagkain ng mapansin ko na may kinakalikot ito sa kanyang cellphone at mamaya maya lang nga ay may tumunog na isang slow music mula dito. Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ko. Pigil ang mga ngiti ng napatingin ako sa kamay nito.

"May I have you dance, my love?" Hay Breeze. Hindi ko na alam saan ko pa ilalagay ang mga kilig na nararamdaman ko ngayong gabi na ito. Gabi na ayoko ng matapos pa. Isama mo na rin ang pagtawag nito sa akin ng, love. Jusko! Sino ba naman ang hindi bibigay sa ganyan kalambing at kagandang dyosa?

Buong puso na tinanggap ko ang kamay nito at kapwa namin sinasabayan ang kanta. Nakahawak ako sa kabilaang balikat nito habang siya naman ay sa may waist ko. Sa buong pagsasayaw namin ay wala ito na ibang ginawa kundi ang titigan ako sa aking mukha. Naiilang na nga ako sa mga titig niya na iyon eh. Para kasi akong tinutunaw! At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakawak sa balakang ko ng maramdaman na inilalayo ko ang katawan ko mula rito. Napatingin ito sa mata ko.

"Ang ganda ng mga mata mo." Napangiti ito habang sinasabi ang mga katagang iyon. "God Catherine! You don't have any idea how gorgeous you are!" Mahina at medyo pabulong na nasabi nito ngunit dinig na dinig ko parin. Mula sa aking mga mata ay biglang bumaba ang mga tingin nito sa aking mga labi. At parang uhaw na uhaw ng mapalunok ito habang tinitignan ang medyo nakaawang kong mga labi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin na palapit na ng palapit ang mukha nito sa mukha ko, hanggang sa napapikit na lamang ako ngunit agad din na napamulat nang sandaling maglapat ang kanyang malalambot na labi sa aking mga labi. Kusang dumaloy ang kuryenteng nagmumula sa labi nito na nakakonekta sa akin at parang biglang nanghina ang aking mga tuhod. Ang lambot ng kanyang mga labi at animo'y marshmallow dahil sa amoy nito. Biglang gumalaw ang kanyang mga labi dahilan upang mapapikit akong muli at mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa kanyang mga balikat. Dahan dahan na iginalaw nito ang kanyang mga labi, marahan, punong puno ng pag-iingat at ramdam mong punong puno ng pananabik.

Hindi ko alam kung paano ko sasabayan ang bawat pagalaw ng labi nito, hanggang sa huli ay nasundan ko narin iyon. Naramdaman ko pa nga ang pagkagat nito sa lower lip ko bago maghiwalay ang aming mga labi pagkaraan ng ilang minuto. Namumungay ang mga mata nito ng tinignan ako sa mata habang ipinagdikit naman ang aming mga noo. Hinihingal rin kami pareho.

"Breeze..." Nanghihina na wika ko rito. Ano bang ginagawa niya sa akin? Nakuha na niya ang fist kiss ko! Doon lamang sumagi sa isipan ko ang bagay na iyon. Hindi na virgin ang mga labi ko. Hindi ko rin aakalain na manggaganap ang ganitong pangyayari ngayon.

"That was sweet love." Husky ang boses na sabi nito. "I wonder if how was your taste there?" Kitang kita ng mga mata ko kung paano napangisi ito ng humiwalay ang kanyang katawan sa katawan ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa sinabi nito. Ang pilya niya talagang tao minsan. Minsan nga lang ba?

Parang amazed na amazed pa na napatingin ito sa buong mukha ko kaya naman napatakip na lamang ako ng aking dalawang kamay sa mukha. "You look so adorable." Natatawang sabi nito.

"Now, let's go to bed." Nakangiti at kagat labi pa na sabi nito bago tumalikod sa akin. A-ano daw? Para na naman akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.

"Para matulog. My God Catherine hindi tayo magsesex just so you know! Pero kung...gusto mo---" Sandaling napahinto ito sa pag akyat ng hagdanan paakyat ng second floor at nakangisi paring napatingin sa akin. "Pagbibigyan kita." Saka itinaas baba ang kanyang dalawang kilay at isang malutong na tawa ang pinakawalan ng mapaubo ako dahil sa pinagsasabi niya.

Ang halay niya talaga. Sobra!