Inihatid ako ni Breeze hanggang sa aking trabaho, pagkatapos ay umalis na rin ito kaagad dahil mayroong importanteng meeting pa raw siya na kailangang puntahan.
Breeze.
Hindi ko talaga maiwasang mapangiti at matawa na parang siraulo dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kiliti sa tuwing naaalala ko ang pangalan nito.
Hindi ko alam kung totoo ba ang mga nangyaring iyon kanina o baka nananaginip lamang ako. Ngunit habang tumatagal ay mas napapatunayan ko sa aking sarili na totoo ang mga iyon at hindi lamang isang panaginip o isang imahinasyon, mula sa pag upo nitong muli sa lamesa na aking kinauupuan, ang pagyaya nitong ihatid ako sa aking trabaho at hanggang sa pagpapakilala nito sa akin ng kanyang pangalan. Lahat ng iyon ay totoong nangyari. Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng iyon.
Ilang beses ko na rin na nahuhuli si Bianca na napapatingin sa may gawi ko at biglang maiiling sa akin. Papaano ba naman kasi para na yata akong nababaliw dito sa kinauupuan ko. Ano kayang nakain ko at ganon na lamang ang effect ng babaeng iyon sa akin? Normal pa ba ito para sa isang katulad ko? Bigla akong napailing ng maisip ang bagay na iyon.
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Pagsaway ko kay Bianca. Kung tignan kasi ako ay para na ako nitong lulukunin ng buhay.
"Ano bang nangyayari sayo bes?" Sabay tayo nito at nameywang pa. "Kanina ka pa patawa tawa diyan, kung hindi naman ngingiti na parang siraulo." Saka ito nailing na para bang hindi makapaniwala sa akin.
Sa halip na sagutin ang mga katanungan nito ay nginitian ko lamang ito at muling itinuon nalang ang aking atensyon sa ginagawa. Mahirap na kung sasagutin ko siya, tiyak na babaha na naman ng mas maraming katanungan. Isa pa, hindi pa ako handa kung sasabihin ko na ba sa kanya ang tungkol kay Breeze.
-----------
Pagsapit ng hapon at oras na ng pag-uwi ay sabay sabay na kaming nagsilabasan palabas ng opisina. Naghahabulan pa si Kevin at si Bianca dahil sa pag-aasaran. Nagtatawanan naman kaming lahat dahil sa pagiging isip bata nila kung minsan.
Pagbaba namin ng building ay kaagad na napansin ko ang pamilyar na kulay puting kotse na nakaparada sa harap ng building ng opisina namin. Papaanong hindi ko matatandaan eh iyon ang sinakyan kong kotse kanina papasok dito sa trabaho.
Napalunok ako ng maraming beses ng bumaba mula sa driver seat nito ang babaeng nagpapabilis palagi ng tibok ng puso ko. Ang taong dahilan kung bakit buong maghapon na naman ako na parang siraulo sa sobrang pag ngiti dala na rin ng sobrang tuwa sa nangyari kaninang umaga lamang. Mas naging uncomfortable pa ako dahil papalapit na ito sa akin.
Nang makalapit na ito sa akin ay magsasalita pa lamang sana ako ng biglang napangisi ito at hinawakan ako sa may dulo ng siko habang marahan na hinila papunta sa kanyang sasakyan. Sandali pa akong napalingon sa mga kasamahan ko ngunit lahat sila ay kina Kevin at Bianca ang mga atensyon at wala sa kanila ang nakapansin man lamang sa ginawa ng magandang dyosa na ito. So kung kinapper siya wala man lamang ni-isa sa kanila ang nakakaalam na nakidnap na pala ako. Sabagay, kung ganito ba naman ka ganda ang magiging kinapper eh tiyak na ayos lang sa akin.
Pinagbuksan ako nito ng pintuan sa passenger seat. "Get in." Sabay musyon nito sa akin na sumakay na. Dali-dali ko naman itong sinunod kahit na gulong-gulo pa ako sa mga nangyayari. Nang makasakay na ako ay umikot na rin ito sa may driver seat at sumakay narin.
Hindi naman ako mapakali na parang kiti-kiti dahil sa hindi ko alam bakit nandidito na naman ako ngayon sa loob ng kanyang mamahaling sasakyan, habang tahimik na isinusukbit sa aking sarili ang seat belt.
Natawa ito ng mahina, iyong tawa na para bang may ibig itong sabihin. "Well you please relax Catherine? It's not like, I'm going to eat you now." At mas lalo pang naging mas malawak ang ngiti nito kasya sa una.
A-ano daw? Bigla nalang uminit ang buong itsura pati narin ang tenga ko ng mag sink in sa utak ko ang ibig nitong sabihin. Napaiwas ako ng tingin mula sa magandang itsura nito at inayos ang pagkakaupo na mas lalo pa nitong ikinatuwa at parang amused na amused sa naging reaction ko.
"B-bakit ka ba nandito?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para makapagsalita pa. "Atsaka, saan mo ba ako dadalhin?" Walang ka ide-ideyang tanong ko rito habang binubuhay nito ang makina ng sasakyan.
"I told you, you owe me one. Remember?" Kaagad na sagot nito habang dahan dahan na tinatahak na ang daanan. Naalala ko ang sinabi nito na hindi libre ang mga ice coffee na binili nito para sa akin. Sa papaanong paraan ko naman siya babayaran?
"B-bayaran naman kita. Pero hindi sa ganitong paraan." Wika ko pa.
Parang gusto ko ng himatayin sa mga sandaling ito dahil sa magkahalong kaba at excitement na nararamdaman. Hindi ko man alam kung saan niya ako dadalhin, ang tanging alam ko lamang ay willing ako na magpadala sa kahit saan basta siya ang kasama ko. May tama na nga yata talaga ako sa utak. Paano kung kinapper pala talaga siya? O kaya killer? Naku po, wag naman sana.
"Stop overthinking kiddo. We're going on a date." Simple ngunit may diin na wika nito.
Awtomatikong napanganga ako dahil sa narinig at muling nagbaling ng tingin rito.
"Date?" Gulat na gulat na tanong ko habang tatango-tango ito bilang sagot sa akin.
Kalmado lamang na nagmamaneho ito habang nakafocus parin sa daanan ang mga mata at atensyon nito. Atsaka ano daw? DATE? Magdadate kami? As in kami? Kung sa kanya, parang wala lang iyong mga binitawan at lumabas sa bibig niya ako heto, sobrang nagwawala na yung puso ko dahil sa sobrang...
Teka, ano nga ba dapat ang maramdaman ko? Tama pa ba itong nakakaramdam ako ng sobrang galak at saya? Lihim na napapahawak ako sa aking dibdib. Bukas na bukas rin magpapatingin na ako sa Doctor. Mukhang may mali na yata sa puso ko eh.
"We're here!" Biglang putol nito sa malalim na iniisip ko.
Bumaba na ito ng kotse pagkatapos patayin ang makina, ngunit bago pa man ito makaikot sa may passenger seat upang pagbuksan ako ay inunahan ko na itong bumaba. Iginaya ako nito papasok sa isang Italian Restaurant. Mahahalata mong mamahalin dito dahil sa interior designs at mga kagamitang ginamit. Isama mo narin ang mga nandiditong mga customer na kumakain sa loob, na mahahalata mong mayayaman talaga. Panay naman ang bati ng mga waiter at waitress na makakasalubong namin sa kanya habang siya naman ay naka poker face lamang. Para tuloy ako ang nakaramdam ng hiya dahil sa ginagawa niya kaya naman, ako na lang ang gumaganti ng ngiti sa mga ito para sa kanya.
Huminto ito sa may round table na may pangdalawang tao ang kasya. Pumihit ito paharap sa akin at nginitian ako ng pagkatamis tamis atsaka ako ipinaghila ng upuan. "A-ako na." Pagtanggi ko rito ngunit kaagad akong napasinghap ng bigla ako nitong hilain sa beywang bago inalalayang makaupo, pagkatapos ay umikot na rin ito sa kabila para pumwesto.
Ilang sandali lang ay may dumating na isang magandang babae sa tapat ng lamesa kung saan kami naka pwesto, nakasuot ito ng kulay itim na long sleeve na nakatupi hanggang siko at tinernohan naman ng isang brown na slacks na mas lalong nagpatangkad dito. Ang sexy niya at ang bango bango pa, dahil hanggang dito ay naaamoy ko ang gamit nitong perfume.
"Breeze long time no see!" Kaagad na bati nito sa dyosang kasama ko ngayon na siya namang agad napatayo upang magbeso. "Hey Adriana." Tipid na bati nito. Awtomatiko na nagbaling ng tingin sa akin si Adriana at tinignan ako nito na para ba akong isang masarap na putahe sa kanyang paningin na nakahain.
Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagkailang at nagbawi ng tingin mula rito. "By the way, this is Catherine. My--
"Your?" Kaagad na putol ni Adriana sa sinasabi nito habang may mapanuksong tingin sa mga mata nito, dahilan upang mapahinga ng malalim si Breeze. Wait, kinakabahan ba siya? Lihim akong napapangiti sa aking sarili totoo man iyon. Kinakabahan din pala ang isang dyosang katulad niya.
"My DATE." Bigay diin nito sa sinabi. "So stop looking at her like she's your favorite dessert." Dadag pa niya na siyang naging dahilan ng malutong na pagtawa ni Adriana. May iilan na rin na nakaagaw ng eksina nilang dalawa dahil sa malutong na tawa nito. Tinignan lamang siya ng masama ni Breeze. Napakamot ako sa may batok dahil sa hindi ako sanay sa mga ganitong confrontation, isama mo narin na ang gaganda ng mga nasa harapan ko ngayon.. Para silang mga modelo na nagtatalo dahil sa isang bagay.
"Relax Breeze. Hindi kana nasanay sa akin." Saka ito muling tumingin sa akin at kumindat pa. Bago ko lang napansin na ang ganda pala ng kulay hazel blue nitong mga mata. Para itong nang hyhypnotize kapag tinitigan mo ng maigi.
"I'm Adriana." Formal na pagpapakilala nito sa akin at inilahad ang kanang kamay upang makipagkamay sa akin. Agad na napatayo ako mula sa pagkakaupo at malugod ko na tinanggap ang nakalahad na kamay nito habang may alanganing ngiti sa aking mga labi.
"C-Catherine." Tipid at medyo utal na sabi ko rito bilang pagpapakilala. Bigla naman nanlaki ang mga mata ko dahil sa paghalik nito sa likod ng palad ko na hawak-hawak niya. "My pleasure to meet you Catherine." Medyo nang-aakit pa na sabi nito sa akin at sa wakas ay binitawan na nito ang mga kamay ko. Ngunit pa ako tuluyang makalayo sa kanya ay hinalikan ako nito sa pisnge. Para tuloy akong natuklaw ng ahas dahil sa ginawa niyang iyon.
"Damn it Adriana!" May pagbabantang saway naman ni Breeze mula sa may puwesto nito. Ngunit sa halip na matinag ay napatawa lamang ito na para bang nag-eenjoy sa kanyan ginagawa.
"Get out of my sight before I kill you." Walang kaemo-emosyon na sabi nito kay Adriana. Patawa-tawa lang naman si Adriana habang nakataas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko. "Alright, your food will here in a minutes." Saka tinapik tapik sa balikat si Breeze. "I have to go. Enjoy your date." Paalam nito sa amin ni Breeze. "Bye Catherine, it's so nice to meet you." Magsasalita pa lamang sana ako upang makapag pasalamat ng tumalikod na ito.
------------
Habang binabaybay namin ni Breeze ang daan pauwi sa apartment ko ay kapwa kami tahimik na nakatingin sa kalsada. Siya habang nagmamaneho at ako naman ay habang isa-isang binabalikan ang mga naging kagananpan ngayong araw na ito.
Inaamin ko na nabusog naman ako sa kinain namin kanina, ngunit dahil sobrang concious ako sa bawat pagsubo ko kaya naman hindi ako nakakakain ng maayos. Baka kasi isipin pa ni Breeze ang siba ko namang babae kung kumain. Nakakahiya iyon 'no? First time ko pa lang siya makasabay sa pagkain tapos ganoon agad ang ibubungad ko sa kanya.
And speaking of Adriana, kababata pala ito ni Breeze. At ito pa, siya pala mismo ang nagmamay-ari ng Italian Restaurant na iyon. Pinamana ito ng kanyang mga magulang sa kanya na nasa London na ngayon, dahil nag-iisang anak lamang ito. Hindi lamang iyon ang pagmamay-ari nila, kundi marami pa silang branch na napatayo sa buong pilipinas. Grabe! Hindi ko akalain na ganoon pala siya kayaman. So kung ganoon siya kayaman, malamang...sing yaman din nito si Breeze?!
Napalunok ako bigla dahil sa bagay na iyon. Isama mo narin na, nadidisyama ako at nanliliit sa aking sarili dahil, sino ba naman ako para magustuhan ng katulad ni Breeze? Hay sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
"Alam mo? Ang sarap mong halikan para lang magising ka dyan sa kinauupuan mo mula sa mga pagdadaydream mo." Gulat na nagbaling ako ng tingin sa kanya habang itinataas baba nito ang kanyang kilay at maloko akong tinignan.
Doon ko lang din napansin na, nasa harap na pala kami ng building ng apartment ko. Mabuti nalamang at hindi siya nahirapan sa paghanap sa ibinigay kong address. "S-sorry." Hinge ko ng paumanhin habang ini-unlock ang seat belt ko.
"What were you thinking?" Pa-inosenting tanong nito sakin.
"W-wala. Hindi naman importante iyon." Depensa ko naman. Natawa lamang ito sa sagot ko atsaka bumaba na ng kotse. Bubuksan ko narin sana ang pintuan sa tapat ko ng magsalita ito.
"Hep! Don't move." Bago tinignan ng, 'wag kang magkakamali' look. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh lahat nalang yata ng sasabihin niya ginagawa ko. Bakit ba kasi ang ganda niya? Ayan tuloy. Hmp.
Malapit na ako sa pintuan ng apartment ko ng mapansin na nakasunod parin ito sa may likuran ko. "Hindi ka pa ba uuwi?" Nagtataka na tanong ko rito. Umiling lamang ito bilang sagot.
At ng mabuksan ko na ang pintuan ng apartment ko ay mas nauna pa itong pumasok sa akin. Para na naman tuloy akong siraulo na hindi alam kung ano ang irereact dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi pwede, nakakahiya sa kanya. Hindi siya bagay sa ganitong lugar. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay preting naupo na ito sa sofa sa may sala ng apartment ko habang iginagala ang paningin nito sa kabuuan ng kwarto.
"Wow. It's so nice to be here."
Walang nagawa na napatampal na lamang ako sa noo ko dahil sa sobrang kahihiyan.