Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw ay pabagsak akong nahiga sa aking kama. Katatapos ko lang din kasing maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog, isang pink cotton shorts at t-shirt na puti naman sa pang-itaas.
Weekend na naman bukas kaya naman masaya akong sasalubungin ang araw kinabukasan dahil sa mga bago kong libro na babasahin. Kapag kasi may mga bago akong libro ay hindi ako nababagot kahihintay sa pagpalit ng araw. Mas na eenjoy ko ang bawat sigundo at pagpalit ng bawat oras ng hindi ko namamalayan.
Komportable na nag-inat ako ng katawan dahil sa wakas, nandito na akong muli sa maharot kong kama at napalilibutan ng malalambot na unan. Pasado alas nuebe na ng gabi kaya naman napagpasyagan ko ng matulog dahil sa medyo nakakaramdam na rin ako ng antok.
Pumikit na ako at handa ng matulog at managinip ngunit hindi yata ako hahayaan ng pagkakataon na makapagpahinga ng maaga, dahil sa sandaling ipinikit ko ang mga mata ko ay wala akong ibang nakikita kundi ang magandang mukha ng stranger girl na nakilala ko. Hayyy.
Ano ba naman to?! Padabog na muli akong napabangon mula sa pagkakahiga at wala sa sariling napasabunot sa aking buhok.
"Pati ba naman sa pagtulog ko balak mo ring magsumiksik?" Parang siraulo na pagsaway ko sa aking sarili.
Ipinilig ko ang aking ulo at muling nahiga sa kama sabay talukbong ng kumot, kailangan ko na kasing matulog dahil inaantok na talaga ako ng sobra dala na rin ng sobrang pagod sa trabaho.
Ngunit makalipas ang ilang sandali..
"Hayyss!" Iretableng napabuntong hininga ako at nagpapapadyak ng paa sa ere habang nakahiga. Kahit kasi anong gawin kong pag concentrate sa pagtulog ay hindi ko magawa. Mukha ng magandang babae parin na iyon ang tanging nakikita ko, yung nagniningning niyang mga mata at nakakatunaw na mga ngiti nito, lahat iyon hindi mawala-wala sa isipan ko.
Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait hindi ba?
Pero bakit ganoooon?! Malapit na akong ma-stress sa kakaisip kung anong dahilan bakit siya ang nakikita ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Ang nakapagtataka pa, hindi naman ako ganito noon, oo may mga hinahangaan ako noon pero hindi umaabot sa ganito. Isa pa, babae siya! Bakit sa isang babae ako nagkakaganito? Hindi ko narin maintindihan kung bakit.
Naputol ang aking pagmumuni-muni ng tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa malapit sa kama. Dahan dahan akong muli na napabangon at tinignan kung sino ang nagtext.
Kevin:
I know it's getting late but I just wanna say that, I can't stop thinking about you. So excited for tomorrow! Good night my princess!
Napatampal ako ng disoras sa noo ng maalala na pumayag nga pala ako sa kagustuhan ni Kevin na lumabas bukas. Kung hindi pa siya nagtext ay hindi ko pa maaalalang may usapan kami na magkikita kinabukasan.
Dahil doon ay mas lalo ko ng pinilit ang sarili na makatulog na. Ayaw ko namang magmukhang zombie bukas sa harap ni Kevin 'no?
---
"Kev, wag mong pigilan. Nagmumukha ka kasing siraulong aso 'dyan." Sabay irap ko dito at napahalukipkip.
Halata kasing kanina pa siya tawang-tawa sa itsura ko ngayon at pinipigilan lang nito dahil sa ayaw niyang mainis ako. Inis na ako! Kahit hindi pa siya matawa or whatever. Paano ba naman kasi ang laki at mag itim ng ilalim ng mata ko dahilan na hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi. Ni hindi ko nga alam kung anong oras na ako tuluyang nakatulog noon, mabuti na lamang kamo eh, nakatulog pa ako.
Kasalanan 'to ng babaeng iyon eh. Hays!
"Hahahahaha pfft!" Tinignan ko lamang ito ng blangko at napasandal sa inuupuan ko. Hindi na niya talaga napigilang matawa. Nakakainis siya! Hinayaan ko lang siya habang tawa ng tawa. Mabilaukan ka sana o sumasakit sana yang tiyan mo sa katatawa.
"Ehem!" Napatikhim ito na halata mong nagpipigil parin. Nanluluha rin ang mata nito sa sobrang pagtawa. Napairap nalang akong muli sa kanya.
"Tapos kana ba?" Pagtataray ko sa kanya. "Kasi kung hindi pa, aalis na ako." Hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon, total siya lang naman ang may kagustuhan at may ideya nito.
Hindi na dapat sana ako pumayag umpisa palang sa ideya nitong lumabas ngayon eh. Ang kaso, kaysa sa tumambay lamang ako sa buong maghapon sa bahay ngayon eh, napagpasyahan ko na pumayag nalang sa lunch date na ito.
"Relax." Parang biglang sumeryoso ang mukha nito. At hindi ko na nakitaan pa ng nagbabadya na pagtawa. Mabuti naman, dahil kung hindi basted na siya ngayon palang.
Basted? Yes! Tama kayo ng iniisip . Manliligaw ko si Kevin, halos mag-iisang taon na. Mag-iisang taon na siyang nagtitiyaga na bigyan ako ng kung anu-ano ngunit lahat naman ay ibinabalik ko sa kanya. Mag-iisang taon na niya akong sinusuyo at pinagtitiyagaan dahil sa hindi ko mabigay bigay sa kanya ang gusto nitong matamis na OO mula sa akin.
Ewan ko ba sa kanya kung anong nakita nito sakin at bakit ako ang napili nitong maging kasintahan. Madami namang mas magaganda sa akin diyan, may pinag-aralan na, mayaman at talagang bagay na bagay sa estado ng buhay at pamilya nila Kevin.
Hindi katulad ko, hindi hamak na High School lamang ang natapos at walang maipagmamalaki sa buhay.
Sa kabilang banda, natutuwa naman ako sa kanya dahil masinop siya at talagang pinapakita nito sa akin kung gaano siya kabuting tao. Nakakatuwa ang pagiging matiyaga nito at mapagpasensya.
Ngunit sa tagal na nitong nanliligaw sa akin ay hindi man lamang ako nakaramdam sa kanya ng special feelings na sinasabi, na higit sa pagkakaibigan. Para sa akin, isa lamang itong mabuti at tapat na kaibigan. Kung minsan nga eh, nakokonsensya na ako dahil hindi ko magawang ipagtapat sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, habang siya ay panay ang pagpapakita ng kabutihang mutibo sa akin.
"Sorry. Nakakatuwa ka lang kasi talaga Cath." paghinge ng paumanhin nito. "Ang cute cute moooo!!" Sabay pisil nito sa kanang bahagi ng pisnge ko.
"Awww!!" Himas ko naman doon sa bahagi ng mukha ko na nasaktan.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit parang magdamag kang hindi natulog?" Nagtatakang tanong nito sa akin bago ako tinignan ng makahulugang ngiti.
"Hindi ka rin ba makatulog dahil sa kakaisip ng date natin ngayon?" Pang-aasar pa nito.
"Wag ka ngang assuming diyan! Hindi ikaw ang dahilan 'no?" Depensa ko sa sarili.
Totoo naman ah. Hindi naman talaga siya ang dahilan kung bakit ganito ang kinalabasan ng itsura ko ngayon. Kundi si.. hindi, hindi, hindi na to pwede. Ayoko na siyang isipan pa. Aba! Mas madalas pa ata siyang sumagi ngayon sa isipan ko kaysa sa mga crush ko noon.
Mas madalas mo pa nga siyang maisip kaysa sa manliligaw mo! Tuyo ng isipan ko. Hayyy. Totoo naman. Paano ko ba siya aalisin sa isipan ko? Dapat bang ipagdasal ko na hindi na kami pagtagpuing muli ng tadhana o kailangang dapat magkita at magkasama kaming muli para matigil na itong kahibangan ko.
Nahihirapan na ako lalo, sa araw araw nalang na ginawa wala ng ibang nasa isip ko kundi ang taong isang beses ko palang namang nakakita. At isang babae pa.
Nagulat ako nang naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong nito sa akin at hinipo ang noo ko. Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Kev, ayos lang ako. H-hindi mo kailangang mag-alala sa akin." Paliwanag ko rito at umiwas ng tingin. Tumango lang din naman siya at tinanggal na ang kamay na nakahawak sa kamay ko. Mga ilang segundo lang din ay dumating na ang waitress dala ang pagkaing inorder namin.
"Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" Muli nitong tanong sa akin ng makaalis ang waitress.
"May gusto ka bang puntahan? May gusto kang---
"Kev, I'm fine!" I cut him off at napapikit ng mariin habang palihim na sinasaway ang sarili sa biglang pagtaas ng boses ko.
"Sorry. Um--kulang lang talaga siguro ako sa tulog, pasensya kana." Agad na hinge ko ng paumanhin.
Umiling lang siya at ngumiti sa akin. "It's okay. You don't have to. Gusto mo bang umuwi na pagkatapos nito?" Malambing na tanong nito sa akin. Tumango ako.
"Oo sana eh, kung okay lang sayo?" natawa lang naman ito ng bahagya.
"Ano ka ba? Of course!" Pagpayag naman nito kaagad. "Cath, you're my responsibility. Kahit na ilang beses mo pang tanggihan yung bagay na iyon, para sa akin iyon ka. Aalagaan kita, kahit na ayaw mo at sinasabi mo palagi na hindi na kailangan at kaya mo na ang sarili mo."
Napakagat labi ako at ngumiti sa kanya ng may pagka-alanganin. Siguro kung ibang babae iyon, matagal ng nahulog kay Kevin, lalo na at may isang taon na itong nanliligaw. Dahil bukod sa may kataasan ang estado sa buhay ay gwapo ito, hindi maipagkakaila iyon dahil nakikita ko. Mabait at maalaga pa. Perfect na siya kung baga, nasa kanya na ang lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki. Pero hindi ako iyong ibang babae na hanggang ngayon eh wala akong ibang gusto mula sa rito kundi pagkakaibigan lamang. Hanggang doon lang talaga.
Pagkatapos nga naming kumain ay kaagad rin akong inihatid ni Kevin pauwi. Buong biyahe ay wala itong ibang ginawa kundi ang tanungin at siguraduhin kung ayos lang ba talaga ako. Gusto pa nga sana nito akong samahan ngunit tumanggi ako, sinabi ko na ipapagpahinga ko lang iyon at magiging maayos narin ako. Mabuti na lamang at pumayag na rin siya.
Pagdating ko sa bahay ay kaagad akong dumiretso sa kwarto, nagpalit ng damit at nahiga sa kama. Matutulog nalang muna siguro ako dahil sigurado akong susugod dito mamaya si Bianca para tanungin ako ng personal kung anong nagyari sa date namin ni Kevin. Gustong gusto kasi nito si Kevin para sa akin, maging ang kanyang mga magulang.
Pero bago pa man ako sumampa sa kama ay sandaling nahagip ng mga mata ko ang maliit na bahagi ng papel na nakadikit sa dream board ko. Tumagal ng ilang segundo ang pagtitig ko roon at inalala ang nakasulat na nabasa ko. Napakagat labi ako upang pigilan ang mga ngiti ko na kaagad itinago.
Ano ba talagang meron sa babaeng iyon? Bakit ganito nalang ang epekto niya sa akin? Para akong nasa ilalim ng love spell niya na hindi siya mawala wala sa isipan ko.
At ang lubos na ipinagtataka ko pa ay ang pakiramdam na, gustong gusto ko siyang makilala ng lubusan.