Dahil weekend ngayon, kaya naman kahit tanghali na ako magising ay ayos lang. Hindi ko aakalain na alas onse na pala ng umaga ako magigising. Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay kaagad na dumiretso ako sa banyo para maligo. Hindi na pala ako nakapag palit man lang ng damit kagabi bago matulog.
Masyado na yata akong nagtagal sa loob ng banyo, halos isang oras na rin akong nakababad sa tubig sa loob ng banyo ng hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom, hindi ko pa mapapansin na tanghali na at oras na para sa tanghalian.
Dali dali akong nagbihis ng damit, isang polo shirt na kulay light blue at kulay puting short na hanggang tuhod ang haba at white sneaker shoes. Balak ko kasi sana na, sa Cafe nalang muna tumambay habang nag-iisip ng mga bagong designs at doon narin mananghalian. Isa pa, namimiss ko na ang lasa ng paborito kong Ice Coffee.
Pagkatapos ng halos kalahating oras ay nasa Cafe narin ako, malapit lang naman kasi ito sa apartment ko, walking distance lang kaya naman mabihis lang ako nakakapunta rito kahit anong oras ko man na gustuhin. Oo nga pala, dito ako unang nagtrabaho noon. Ito ang Cafe Shop na, isa sa pagmamay ari nina Bianca.
Pagkatapos kung mag-order at magbayad na rin ay humanap na ako agad ng mapupwestuhan. Sa may medyo tago na sulok ng Cafe ang napili ko, sa isang pandalawahang tao na lamesa at syempre may dalawang magkaharap na upuan. Weekend ngayon, kaya naman madaming tao sa mga Cafe Shop na ganito lalo na at mainit ang panahon.
Nang makaupo na ako ay inilabas ko na ang sketch pad pati na rin ang laptap ko at doon ay sinimulan ko ng muli ang hindi natapos kahapon na gawain. Makikiuso na muna ako sa ibang nagtatambay sa mga Cafe Shop, na oorder lamang ng isang milk Tea or Coffee tapos hihinge na ng pass word ng wifi. Ehem! Bato-bato sa langit ang tatamaan ay wag magalit.
Mamaya maya lamang din ay dumating na ang inorder kong pagkain. At dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko ay kakain na muna ako bago ko gawin ang mga dapat na gawin. Pansin ko na medyo dumadami na tao sa loob ng Cafe, medyo maingay na rin ang paligid dahil sa mga kabataang natatambay dito sa loob.
Nang maramdaman ko na medyo busog na ako ay itinabi ko na ang aking pinagkainan at ninamnam ang lasa ng Ice Coffee. Pagkatapos ay kinuhang muli ang sketch pad at muling itinuloy na ang gawain.
Saglit akong natigilan ng makaramdam ako ng pangangalay sa aking batok, kaya naman itinigil ko muna saglit ang aking ginagawa at nagrelax muna ng sarili. Habang ikinakalat ko ang paningin sa loob ng buong Cafe ay bigla akong napatulala sa nakita ko. Bigla akong nakaramdam ng kung ano, lumakas ang pintig ng puso ko na para bang gustong kumawala nito. Saglit na pinagmasdan ko pa ito mula sa kinauupuan ko, mukhang naghahanap ito ng mapupwestuhan.
Bigla akong nagbawi ng tingin at napayuko ng magtama ang mga mata namin. Kumalma ka, please. Sabi ko sa sarili. Muli kong kinuha ang lapis at sketch pad at ituloy na lamang ang nauudlot na gawain. Ngunit wala pang ilang segundo ay mayroong tuhikhim sa tapat ng lamesa na aking kina-uupuan.
"Hi." Bati nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili, ngunit tila ba nagtayuan ang lahat ng aking mga balahibo ng marinig ko ang tinig nito.
Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang mga mata nito. Saglit pa akong napasinghap ng magtama ang aming paningin. Para bang may kung anong ibig sabihin ang mga ngiti nito sa akin. Ngumiti lamang ako ng tipid dito.
"Are you waiting for someone?" Tanong nito sa akin. At muli na naman siyang napangiti. Grabe! Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang babae. Hindi kaya artista siya? O baka naman model? Yung kutis niya, napakakinis! Yung mga mata niya na kulay-abo. Ang mahabang buhok nito na nakalugay lamang at ang bango niya! At ang sexy pa!
"Hey." Muling bati nito sa akin at ipinaypay pa ang kamay sa may mukha ko.
"Huh?" Napakurap ako at nahihiyang muling nagbawi ng tingin mula rito. Catherine! Ano ka ba naman. Nakakahiya ka! Saway ko sa sarili.
Natawa ito ng bahagya sa sinabi ko. "What I mean is, may kasama ka ba?"
"Ah-eh. W-wala. Wala akong k-kasama." Lihim na nadidismaya ako sa sarili. Naman! Bakit ngayon pa ako nauutal? Tao lang naman yan! Muling saway ko sa aking sarili. Hindi yan tao, diwata yan. Sagot naman ng inner self ko.
"Hmm. Good." Nagtatakang napakunot ako ng noo. "Is it alright to sit here?" Pahabol pa nito sa sinabi na para bang nababasa ang nasa isip ko. Tumango na lang din ako bilang sagot.
"Ah yeah. O-oo naman." Pagpayag ko rito at kinuha ang bagpack ko na nakalagay sa upuan na nasa harapan ko upang doon ito maupo.
"Thank you." Pagpapasalamat nito ng makaupo. Pagkatapos ay ibinaling ko ng muli ang sarili sa aking ginagawa ngunit hindi ako makapag concentrate dahil pansin ko na kanina pa ito tumitingin sa akin at pinapanood lamang ako sa aking ginagawa. Napatikhim ako at muling napa-angat ng tingin rito. Ngunit imbis na mag-iwas ito ng tingin o magkunwaring hindi nakatingin sa akin ay nginitian lamang ako nito.
"Sorry. I just can't stop staring at you." Napalunok ako sa sinabi nito. "Mas lalo ka palang maganda kapag sa malapitan." At muli, ay napakunot naman ako ng noo. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi.
"Ow. You don't remember, do you?" Saglit itong napakunot ng noo na tila ba nag-iisip.
"I think, three times." Napangiti na naman ito na tila ba parang wala ng bukas. Napatango ng ilang beses na para bang nag i-enjoy sa kanyang naaalala.
"Three times na kitang nakita at na encounter. But I don't think nakita mo'ko o naaalala mo." Paliwanag pa nito.
Napailing ako sa sinabi nito. "S-sorry. Pero hindi ko matandaan."
Napabuntong hininga ito. Na tila ba nag-iisip ng nais sabihin sa akin. Mataman niya akong tinitigan sa kabuuan ng aking mukha at muli itong nagsalita.
"Well una, kinuha mo ang order kong Ice Coffee kaya kinailangan kong umorder ulit ng panibago. I think, nagmamadali ka ng mga oras na yun." Muli ay napatawa ito ng bahagya sa naalala.
"Pangalawa, nakita ko na binigyan mo ng kaoorder mo palang na Ice coffee ang batang nakaupo mag-isa sa lamesa, sa loob ng Cafe bago ka umalis." Medyo na ngingiti ako sa sinabi niyang iyon. Ngunit mas pinili kong pigilan at manahimik na lamang din habang nakikinig sa sinasabi nito.
"At pangatlo, ipinatong mo sa isang kotse ang Ice coffee mo, ngunit sa pagmamadali mo ay aksidente mo itong natapon, kaso mukhang nabadtrip ka yata non kaya pinagsisipa mo sa inis ang gulong ng kawawang kotse..KO." Bigay diin nito sa huling sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang huling sinabi nito. Napakagat labi ako dahil sa biglang kahihiyan na naramdaman ko. Kung pwede lang ay lamunin na ako ng lupa ngayon din at wag ng magpakita pa.
Doon ko lang din naalala noong huling araw na late ako sa trabaho. Kaya naman pala hindi ang paborito kong Ice coffee flavor ang iniinom ko noong mga panahon na iyon. Akala ko sa barista ang problema, ako pala ang nagkamali sa pagkuha. Yung pangalawa naman ay, yung cute na batang binigyan ko ng Ice coffee sa loob ng Cafe. Hindi ko akalain na nandito rin pala siya ng mga oras na iyon. At ang huli, nakakahiya! Uhaw na uhaw na kasi talaga ako 'non sa Ice coffee. Kaso dahil sa hindi inaasahan e, natapon lamang ito. Isa pa, hindi ko rin naman akalain na kotse niya pala yun.
"Naku! Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya." Paghinge ko ng paumanhin rito. Napailing lang naman ito at muling napangiti. Bakit ba palagi siyang nakangiti? Hindi ko tuloy maiwasang mapatulala sa mukha niya kapag nakangiti na siya.
"Saan ka nagsosorry? Doon sa Ice coffee ko o sa gulong ng kotse ko?" At tuluyan na nga itong natawa. Lalo lang tuloy akong nahiya dahil doon sa itinanong niya.
Napayuko ako. "P-pareho." Tipid at nahihiyang sagot ko rito.
"You know what? It's fine. I'm just teasing you." Natawa ito ng bahagya ngunit agad din nitong pinigilan. "You should see your face right now. You look so cute."
Alam ko namang namumula na ng sobra ang itsura ko ngayon dahil sa hiya. At dito pa talaga sa harap ng napaka gandang babae na ito. Hindi ko tuloy alam ang gagawin lalo na at nasa harapan ko parin siya. Parang ayaw ko ng huminga sa mga sandaling ito.
"Catherine, right?" At doon ay muli akong napa angat ng tingin sa kanya. Papaanong.. "The famous one." Dagdag pa nito. Ngunit imbis na umimik pa ay nanatili na lamang akong tahimik at tikom ang mga bibig.
"Pinag-uusapan ka dito." Muling paliwanag nito sa akin. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong napakunot ng noo dahil sa mga sinasabi nito.
"Of course, it's because you're gorgeous! Lahat sila napapahanga mo." Maganda raw ako. Narinig mo yun self? Pinuri niya ako! Oo hindi ako binge. Hmp!
"I know what's in your mind, right now. But I'm not a stalker." At doon hindi ko na mapigilan ang matawa sa sinabi nito. Hindi naman iyon ang nasa isip ko ah. Halos isang minuto rin ata akong tumatawa.
"Sorry." Paghinge ko ng paumanhin. Ngunit umiling lamang ito at muli akong tinitigan sa mukha. "Don't be."
Nakakailang ang mga titig nito, sa 'twing ginagawa niya iyon ay parang nangungusap sa akin ang kulay-abo na mga mata nito. Kaya naman, muling nagbawi ako ng tingin mula rito at tumingin na lamang sa ibang direksyon.
Magsasalita na sana itong muli ng tumunog ang telepono nito. Tumayo ito at sumenyas na pupunta sa may banyo para doon sagutin ang tawag. Ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob at maya maya lang din ay bumalik na ito.
"I'm sorry but I have to go." Nagmamadaling paalam nito sa akin ng hinablot ang kanyang mamahaling bag. Ngumiti ito at muling pinagmasdan ang buong mukha ko. Napayuko ako dahil hindi ko na kayang salubungin pa ang mga titig nito at pakiramdam ko rin sobra na akong nangangamatis dahil sa init ng mukha ko ngayon.
"Ayos lang." Tipid na sagot ko rito. Wala naman akong magagawa eh. Kahit pa gustuhin ko pa man siyang magtagal kahit sandali, ay hindi na pwede.
"It's so nice meeting you Catherine." At hindi ko inaasahan na ilalapit nito ang mukha sa akin. Natatarantang napalunok ako at ini-atras ng konti ang aking mukha dahil pakiramdam ko naaamoy ko na ang kanyang hininga sa lapit ng mukha nito. Ngunit tila ba normal lamang sa kanya iyon dahil ngumiti lamang ito ng nakakaloko at hinalikan ako sa pisnge.
Hinalikan niya ako sa pisnge!
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala lang ng mga oras na iyon. Basta ang tanging alam ko lang ay, wala na siya ng napatingin akong muli sa kinauupuan nito. Wala sa sariling napahawak ako sa pisnge na dinampihan ng kanyang mga labi. Pakiramdam ko, naiwan ang mga labi nito sa pisnge ko dahil nararamdaman ko parin ang mga iyon sa balat ko.
Para bang may kung anong kumikiliti sa loob ng tiyan ko at hindi ko mawari kung ano. Ang lakas din ng pintig ng puso ko na tila ba ayaw paawat nito. Napa inom ako ng Ice Coffee at tuluyan ng inubos ang natitirang laman niyon. Napapikit ako ng mahigpit at napahawak sa kaliwang bahagi ng aking dibdib para kalmahin ang sarili.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko pa naman lubusang kilala ang taong yun. Atsaka isa siyang babae hindi ba? Napailing ako sa sarili ng maisip iyon. Marahil dahil, ito ang unang beses na nakasalamuha ako ng ganoon kagandang baba,e kaya napapaisip ako kung bakit ganoon na lamang kung magwala ang puso ko.
Pero teka..
Ano nga bang pangalan niya? Hindi man lamang ako nagkaroon ng pagkakataon para malaman o maitanong ang pangalan niya.