Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 17 - SSTGB 16 : REAL LOVE

Chapter 17 - SSTGB 16 : REAL LOVE

ARA'S POV

MY GOSH! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Pero, mas lalong hindi ako makapaniwala na Daddy ang tawag ng bata sa kaniya. Bulag ba ito? Babaeng-babae naman si Charmagne, ha, o baka naman may something? Hala, ang weird talaga.

"Hoy, tatay ka na ba?" tanong ko ulit. Hindi niya naman kasi ako sinagot kanina. Pinapakyuryos ako, kaasar!

"Who is she?" tanong pa nang bata. Sobrang ganda niya talaga! Mukhang may dugong banyaga ito kasi iba ang kulay ng kutis, tsaka parang hazel iyong mga mata niya. Ang ganda! Sana lahat!

Ibinaba ni Charmagne iyong bata at saka niya ako nilingon. "She's my friend," aniya at nakangiti namang tumango ang bata. Grabe talaga, ang ganda! Kung ipapanganak ako ulit gusto ko ganito ako kaganda. Tiyak paglaki ko campus crush ako. Wow!

"Hi, Daddy's friend, I'm Ynna Fuentes," pagpapakilala pa niya sabay lahad ng kamay niya. Pero sh*t, anak niya nga ito kasi Fuentes din ang apelyido? OMG!! Nakakagulat naman ito.

"Hi, I'm Ara, you can call me Ate Ara if you want," nakangiti ko namang sabi. Sa wakas ay pakiramdam ko may nakababata na akong kapatid dahil may tatawag na sa aking Ate. Kasi naman sinabihan ko sina Mommy at Daddy na gumawa ng bagong anak para may panibagong bunso, pero ayon, hindi na raw kaya kasi nakakapagod daw lalo na at tumatanda na sila. Sabi pa ni Mommy nakakapagod din daw magpadede, sabi ko naman sa akin na lang ipadede iyong baby, kaya ayon sinamaan ako ng tingin sabay tingin sa 'ano' saka namersonal—okay, alam niyo na iyon—kaya ang ending, walang nabuong baby.

Ilang sandali lang ay tumakbo papunta sa bag niya si Ynna at may kinuhang kung ano roon saka siya bumalik sa akin bitbit na ang isang libro at kwaderno. "Since you're now my big sister, then you should help me with this," ipinakita niya sa akin ang libro at. . .F-Filipino book! OMG! Ilayo mo iyan sa akin!

"Ynna, what's that?" tanong naman ni Charmagne.

"A book and a notebook," matalinong bata. Magaling sumagot.

"I mean do you have homework?"

"Yes and I don't know how to do it."

Kinuha ni Charmagne iyong libro at saka niya iyon binasa. "Didn't your teacher teach you about this? Pang-uri, pandiwa, pangngalan, ha, Ynna?" tumango naman iyong bata habang nakasimangot. Pakiramdam ko kasi ay hindi ito sinanay sa Filipino kaya parang ang hirap-hirap sa kaniya ng subject na iyan. Eh, ako nga, pinoy naman tapos filipino gamit kong wika, pero ayan, bobo pa rin ako riyan. Kainis lang talaga!

"But, I really don't get it, Daddy," mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"I'll help you later, but for now, you need to change your clothes," halata namang nabuhayan ang bata dahil kita ang tuwa sa mga mata niya matapos marinig iyon kay Charmagne.

"Big Sister, you stay, ha? We'll play after I'm done with my homework," masaya talagang saad niya saka niya hinila ang kaniyang Yaya papasok sa isang kwarto.

"Naka-enervon ba 'yon? Hyper na hyper, eh," wala sa sariling sabi ko na agad tinawanan ni Charmagne.

Naupo siyang muli sa sofa at ganoon din ang ginawa ko. "Sorry, Kilatra, kung hindi ko agad sinagot 'yong tanong mo. Ayoko kasing marinig ng bata," aniya kaya mas lalo tuloy akong naging interesadong makinig sa kaniya. "18 pa ako, Ara, at hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon ng junakis sa ganitong edad, 'no," muling niyang usal.

"So, hindi mo siya anak?" talagang kyuryos kong tanong.

"Oo and she doesn't know that. For now, hindi niya pa kasi maiintidihan. She's only 7 years old, masyado pa siyang bata para malaman na hindi ako ang tunay niyang pudra," oh, God, mas lalo akong na-curious! Mukhang maganda ang kwento niya. "Anak siya ng ex ko—"

"Babae?" sumingit ako, Day! Nakakagulat naman kasi, malay ko ba baka babae iyong ex niya, hindi ba?

"Lalaki," at mas nagulat ako sa sagot niya. Alam kong bakla siya, Diyos ko, hindi pa ba halata? Pero kasi, I'd never heard na nagkaboyfriend siya even sa kapatid niya, pero. . .hindi nga pala kami nagtanong. Bobita! "I'm 16 at that time and my ex, Lyndon, her real Dad, was 23 years old nang maging kami. Alam mo 'yon, bet kasi talaga kapag mas matanda sa'yo parang ang mature lang. Pero, he died two years ago. Sino ba naman kasing mag-aakala na may iniinda pala siyang sakit kasi naman ang aggressive niya—rawr!" at talagang may pa-ganiyan ang Juding. Baliw! "At, nalaman ko na lang na may anak pala siya, tapos 'yong walang-hiyang Nanay niyang amerikana ay nowhere to be found at si Lyndon lang ang nag-aalaga sa kaniya sa states. Nang matsugi, ayon, kinuha ko na lang 'yong bata. Kawawa naman, maganda pa naman, sobra. Minsan nga naiisip ko baka junakis ko talaga siya kasi magkasing-ganda kami," ang galing talaga mag-joke nitong Juding na ito. Tss! "Kontrang-kontra naman 'yang itsura mo!" bahagya pa niyang sinapol ang noo ko! Mapanakit talaga.

"Pero, Juding, bakit siya nandito? I mean ang laki naman ng bahay ng mga Fuentes, pero rito siya nakatira," maganda naman iyong bahay na ito, ang sarap tumira rito, kaya lang ay nakakapagtaka lang talaga.

"My parents don't know about this," nagulat na naman ako! Diyos ko, ang dami kong nalaman ngayon. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ito. "Only Chandra does at ikaw. I've been keeping it for 2 years already," dagdag pa niya. Tsk, ang dami ko pa talagang tanong. Ganito ako katsismo—este, kakyuryos pala.

"Paano mo siya binubuhay?" kunot-noong tanong ko.

"May business ako sa Canada. Alam mo na, beki, maraming raket. Ayon, nagtayo ako ng comedy bar doon tapos nag boom naman. Kailangan ko lang iwan dahil. . ." tumigil siya at para bang ang hirap para sa kaniyang sabihin ang kasunod na linya, ". . .gusto na nila Mommy na rito ako mag-aral," hala, bakit feel ko hindi talaga iyan ang rason? Or, feeler lang talaga ako? O baka naman I'm not feeling well? Ewan, basta! May mali talaga. "Good thing, I have so many friends there at sila na muna 'yong nag-manage," muling usal niya.

"Kailan mo planong sabihin?"

"I don't know yet. Pero, wala namang sekretong 'di nabubunyag. I-re-ready ko na lang 'yong sarili ko sa posibilidad na malalaman din nila ito anumang oras."

Isumbong ko kaya? Joke! Hindi naman ako ganiyan kasama, ano. Pero, kasi kawawa naman iyong bata, eh. Parang tinatago siya ni Charmagne. Mabuti na lang wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo.

***

"Big Sis, I really enjoyed playing with you! Please be here always!" ayoko na! Joke lang, pero kasi pinagod niya talaga ako! Naghabulan kami sa loob ng bahay nila, nag tagu-taguan, tinuruan niya ako ng ballet dancing! Diyos ko, pagod na pagod ako!

"Nag-enjoy rin ako, Ynna. I'll go back here if I have free time, ha. Big Sis is also busy in her studies," charot, akala mo naman super seryoso sa pag-aaral ang Ara.

"You must be BDO, you should find ways," saan ba nakukuha ng batang ito ang mga linyahang ganiyan? Ay, nagtaka pa ako, si Charmagne nga pala Daddy niya.

"You're so cute! Sige, I'll try my all best," sabi ko at sobrang tuwa naman niya. Hala, baka araw-araw na akong papuntahin nito. Nakakatakot, baka bukas makalawa gusto niya nang dito ako tumira. Tapos, gawin na akong Nanay! God, huwag muna! Gusto ko munang ma-experience magkaboyfriend saka na magkapamilya, please?

"Ynna, Big Sis will now go home. Ihahatid ko na muna siya. Take a rest now," tumango naman siya sa sinabi ng kaniyang Daddy. Actually, gusto ni Charmagne na Mommy ang itawag, kaso iyong bata na mismo ang nakaramdam na lalaki siya kaya Daddy talaga ang gustong itawag. Wala ng nagawa si Charmagne kung hindi ang itakwil ang bata—charot—kung hindi tanggapin ito.

***

Buong byahe ay hindi na kami nag-usap ni Charmagne dahil parehong pagod ang mga Lola ninyo. Nakakapagod talaga kapag may bata, eh, hindi kasi nauubusan ng sigla. Ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata, iyong wala kang ibang iniisip kung hindi ang pagiging masaya lang.

"Charmagne, maraming salamat talaga sa pagsama sa akin ngayon, ha. Nakalimutan ko tuloy na brokenhearted ako. Salamat talaga!" puno ng sinsiredad kong sabi. Gusto ko sanang ang mga best friend ko ang kasama ko ngayon, pero alam ko kasing busy sila ngayon at itong Juding lang na ito ang hindi alam ang salitang busy at palaging may time talaga sa iba.

"Don't mention it, Kilatra, what are friends for, 'di ba?" nakangiting aniya.

"Edi, mas gugustuhin ko na tuloy na maging kaibigan ka forever."

"Kung okay lang sa'kin, pero pakiramdam ko ayaw ko."

"Baliw."

"Pero, seryoso, it will be an honor for me kung magiging kaibigan kita forever. Ang sarap kayang magkaroon ng tangang kaibigan, ang daling ma-uto—ouchy!" syempre, pinalo ko siya agad. Okay na eh, tumalon na sa saya ang puso ko sa unang sinabi niya, tapos biglang binawi! Aba ay magaling! "Sige na, oy, bumaba ka na. Bet na bet mo naman akong kasama," tingnan niyo ito, napakafeeler! Ang sarap pakuluan!

Bumaba na ako ng sasakyan niya at saka ako dumungaw sa may bintana. "Maraming salamat ulit," sabi ko.

"Call me if you need someone to talk to later while weeping to death."

"Hindi na ako iiyak, 'no," ow, talaga ba, Ara? Niloloko mo na naman ang earth!

"Mukha mo, Kilatra, sa OA mong 'yan 'di ka iiyak," kahit kailan ay wala siyang matinong sinabi!! Charot lang.

"Umalis ka na nga, dami mong kuda," asar ko kunyaring sabi kaya ayon tinawanan lang ako. "Goodbye na, ingat ka," nakangiting sabi ko.

"Ara," seryoso niyang tinawag ang pangalan ko kaya parang saglit akong nawirdohan. "Just a reminder, don't let your heart overpower your brain and don't let your brain overpower your heart. Make it balance kung gusto mong maging masaya. Tsaka kahit lagi man kitang sinasabihan na tanga ka, still, I don't want you to be fooled once again. Remember your worth, never let anyone devalued you. Una na ako," hindi na niya hinintay iyong sagot ko at dali-dali na siyang umalis.

Ang Juding talagang iyon, matapos akong okray-okrayin ay agad bumabawi. Magaling din. Pero, aminin! Ang sarap ng mga sinabi niya, Ara. Hehe.

"Sweetie?"

Nilingon ko agad si Mommy na ang lapad ng ngiti. "Mom, kanina ka pa?" tanong ko.

"No. Sayang nga eh, pagdating ko rito ay sakto namang umalis na si Charmagne. Hindi mo man lang inayang pumasok muna," pero, bakit ang weird ni Mommy? Ang laki talaga ng ngiti niya. Parang sira ito. Joke! Bawal ganiyan, huwag gayahin, masama iyan.

"May gagawin pa siya, Mom. Tsaka anong sayang 'yang sinasabi mo, ha?" nag-umpisa na kaming maglakad habang nakasabit ang kamay ni Mommy sa braso ko, tsaka inaalog niya ako na para bang kinikilig siya. Anong nahithit nito? Nakakatakot! Hahaha, I love my Mom!

"Wala naman," nakangiting aniya at hindi na lang ako muling sumagot. High lang yata si Mommy ngayon, nasobrahan sa pagka-adik kay Daddy. Yiieee, sagwa! Charot!

Pagkarating naman namin dito sa living area ay nandito sina Kuya Aaren at Kuya Arnold na titig na titig talaga sa akin. Hala! Anng nangyayari sa mga tao rito? "Hoy, bakit?" tanong ko sa kanila.

"Why the hell Marcus has been asking us where on Earth are you?!" teka, galit ba si Kuya Aaren? OMG! Nakakatakot.

"She's with Charmagne—"

"WHAT?!" wow, gulat na gulat naman ang dalawag ito. Para namang kriminal ang kasama ko para ganiyan iyong magiging reaksyon nila.

"Why?" takang tanong ni Mommy.

"Mom, Marcus is courting her, she shouldn't be dating another guy," tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Kuya Arnold. Dating another guy? GUY? G-U-Y? Guy talaga baka naman gay? Pero, dating?! Naloka na talaga.

"Bro, we're not dating, kadiri ka. Kasama ko si Charmagne kasi dinamayan niya ako," sabi ko at sila naman ngayon ang nakakunot ang noo. "Marcus is. . .just fooling  me around—"

"WHAT?!" at talagang sabay silang tatlo. Asan na ba si Daddy para mas masaya ito?

Ngumiti ako sa kanila, pero nanatili silang sobrang seryoso. Tsaka ko na inumpisahang ikwento sa kanila ang nangyari. "But, guys, please huwag kayong magalit sa kaniya, hayaan niyo na na ako ang magalit sa kaniya," syempre, kilala ko na ang mga Kuya ko, tiyak basag ang itsura ni Marcus kapag nagpang-abot sila kaya sinabi ko na iyan para hindi na ganoon ka-init ang ulo nila pagdating kay Marcus.

"That guy deserves to be beaten!" galit talagang sabi ni Kuya Aaren. Lagot na!

"Bro, please, I don't want you to make a scene. Hayaan niyo na ako, ako nang bahala kay Marcus," muling paki-usap ko.

"No," pinaningkitan pa ako ni Kuya Arnold. Diyos ko, tulong! Paano ba ito?!

"Bro, sige na, ako na ang bahalang lumumpo kay Marcus," sabi ko.

"Boys, hayaan niyo na ang kapatid ni'yo. Just make sure na hindi na siya lalapitan ng lintik na Marcus na 'yan dahil 'pag nagkataon lasog-lasog 'yang uuwi sa bahay nila!"

"MOM!" sabay-sabay naming sigaw. Baka totohanin niya. My God, boxer ang Mommy noon at magaling pa rin siya ngayon. Baka ma-good game niya si Marcus. Kahit na sinaktan ako ng bwesit na iyon ay maaawa pa rin ako kapag nagkataong si Mommy ang makasalubong niya.

"Okay, just kidding. Basta, ha, Ara, kapag ikaw lumapit pa ro'n papatigilin kita ng pag-aaral," hala, anong klaseng kaparusahan iyan? Mommy naman!

"But, Ara, seriously, wanting shoulders to cry on?" tinapik pa ni Kuya Arnold ang balikat niya pati na rin kay Kuya Aaren at si Mommy ay nakigaya na rin.

"I just need a hug," sagot ko at niyakap naman nila ako agad. Ahh, this is the definition of real love! Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito rin iyong ibinigay ni Marcus—bwesit!! Ayan na naman. . .tumulo na naman ang mga luha ko. Charot lang! Sinabi ko na kanina kay Charmagne na hindi na ako iiyak kaya hindi na talaga.

Ang gusto ko lang talagang gawin sa ngayon ay ang upakan si Marcus saka ko siya tuluyang kakalimutan. Sige na, kahit isa lang!