Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 21 - SSTGB 20 : TERRIFIED

Chapter 21 - SSTGB 20 : TERRIFIED

Natapos ang birthday ni Charmagne at hindi man lang kami nakapagpaalam na umalis na kami dahil hindi na namin siya muling nakausap matapos dumating ni JD. Nagmessage na lang ako sa kaniya na umuwi na kami at bumati ulit, pero wala siyang reply. Palibhasa dumating iyong first real love niya kaya agad nakalimot ang Juding. Tss.

"Arabells!" abot-langit naman kung makasigaw itong si Anikka. Akala mo talaga wala kami sa iisang lugar. "Alam mo ba, ha, simula no'ng birthday ni Cha hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin kami ni Greg! Chinachat niya na ako, Ara, ang saya-saya ko!" natuto na nga si Anikka humarot. Joke!

"Hindi naman halata," pagbibiro ko pa, pero aba, ngumiti lang siya. Kakaiba pala talaga ma-in love si Anikka, laging good mood! "Oh, ikaw, Clara, anong good news mo?" nakangiti rin kasi siya kaya paniguradong may himala rin na nangyari sa kaniya.

"Wala. Bawal ngumiti?" todo ngiti niya talagang tanong. Minsan pa-mysterious din itong si Clara, nakakaasar pa naman iyong ganiyan kasi the more na hindi mo sinasabi iyong reason, the more na gugustuhin mo iyong marinig. Haynako.

"Sus, malalaman ko rin 'yan," taas-noong sabi ko. Nakangiti naman siyang tumango. Diyos ko, ang sasaya naman nila! Sana ako rin. Charot, masaya naman ako. Hehe. Wala namang rason para hindi ako maging masaya.

"Good morning, class," naupo naman agad si Sir Gonzales matapos niyang bumati at kinabahan ako nang sobra nang tumingin siya sa akin! Patay, mukhang ito na iyong rason kung bakit hindi ako magiging masaya. "Miss Concepcion," sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya at promise, kinakabahan na naman ako! Alam kong bad news ito. "Please don't disregard Filipino 1 dahil hindi ito isa sa mga major subjects mo. You failed again this time, bumawi ka sa third exam, ayokong ibagsak ka sa asignaturang ito," tumango na lang ako sa sinabi ni Sir at nag sorry. Paano ko ba ipapasa ang subject na ito? Bakit ba kasi ang hirap mo, Filipino?!

"Ano sabi ni Sir?" tanong ni Chandra nang makabalik ako sa upuan ko.

"Nagagandahan daw siya sa'kin," walang-gana kong sagot. Nalulungkot talaga ako! Bakit sa lahat ng subject ay riyan ako bobo? Pinoy ang lahi ko, Filipino ang wika ko, pero bakit nahihirapan pa rin ako? Mommy!!!

"Mandiri ka nga, Arabells, 35 na si Sir," tss, hindi man lang ma-gets na joke time iyon.

"Okay lang, single naman siya at walang anak," sagot ko kaya ayon, nakatanggap ako ng hampas mula sa kaniya. Para pinagtitripan lang, eh, hindi man lang makisabay.

Pero, what if. . .akitin ko si Sir para ipasa niya ako? O kaya maging tutor ko na lang siya?

Oh, my Gosh! Saan galing ang talino kong ito? Bakit ngayon lang dumating?

Charot! Hindi pa naman ako ganiyan ka-desperada, ano.

***

Hanggang lunch break ay puro Filipino lang ang naiisip ko. Iniisip ko kung paano ko siya ipapasa! Kasi naman nag-aaral naman ako before taking the examination, pero kapag kaharap ko na iyong test paper ay parang nabubura lahat ang pinag-aralan ko, pero bakit sa Filipino lang nangyayari? Kainis naman, oh! Pinipilit ko siyang mahalin para maipasa ko, pero ayaw niya namang makipag-cooperate!

Natinag na lamang ako nang umingay ang messenger ko. Hindi ko siya sina-silent dahil natutuwa ako sa tunog ng messenger app kapag may nagcha-chat. Hehe.

Pero, wait, si JD iyong nag message sa akin. Hmm, bakit kaya? Ay, oo, friends na kami sa Facebook at nalaman ko na rin na kapatid niya pala iyong John Jervin Chua, apelyido pa lang ay halata na. Nakita ko na rin ang mga picture ni Jervin at hindi hamak na mas pogi siya sa kuya niyang si JD, pero sapalagay ko ay mas mabait iyong Kuya niya kaya lang nagtataka ako kung bakit niya iniwan si Charmagne. Alam kong hindi lang dahil na-fall ang Juding sa kaniya. Tsk! Aalamin ko iyan.

And speaking of Charmagne. Napatingin ako sa kaniya na busy pa rin sa pagkain niya—ang tagal niyang matapos, Diyos ko, mas babae pa siya kumain kaysa sa amin, eh—pero, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap! Natatakot akong mag first move dahil baka mapahiya lang ako. Wala naman akong kasalanan sa kaniya, pero bakit hindi niya ako pinapansin?!

Binasa ko na lang iyong message ni JD dahil kahit ilang beses ko siyang titigan ay wala siyang pake! Inaano ko ba siya?! Tsk!

Jake Dave Chua: I heard that you failed in Fil 1, Ara, if you need some help handa akong tulungan ka.

At sino namang nagsabi sa kaniya? Ay, malamang sa malamang si Clara iyon. Pasalamat siya at wala siya rito kung hindi, nako, pinalo ko na iyon. Tsk! Nakakahiya kaya!! Pero, tutulungan niya raw ako! OMG—

"Binagsak mo na naman ang Fil 1," nagulat ako nang magsalita si Charmagne—at paano niya rin nalaman? "Narinig ko 'yong mga professor na pinag-uusapan ka. Matalino ka naman raw, pero bakit ka raw mahina sa Filipino," muling usal niya, pero hindi niya pa rin ako tinitingnan nasa pagkain lang iyong mga mata niya.

"Hindi ko nga rin alam, eh," malungkot kong sagot.

"Tss, hindi mo lang talaga siniseryoso 'yong Fil 1, Kilatra."

"Siniseryoso ko, siya lang 'yong hindi."

This time, nakatingin na sa akin si Charmagne, pero nakakunot iyong noo niya. May masama ba sa sinabi ko? Weird.

Tiningnan ko si Chandra na para bang tinatanong ko kung ano iyong nagawa ko at wagas kung makatitig sa akin ang Juding, pero umiling lang siya at ganoon din si Anikka. Hala!!

"Sasabayan kitang umuwi," nagulat na naman ako sa sinabi niya! At, bakit naman? Haharot na naman siya sa mga Brothers ko?! "And I'll stay in your place, tuturuan kita nang makapasa ka naman sa Filipino kahit isang beses lang," napangiti naman ako agad. Ang Juding na ito, napakabait! Bumabawi sa hindi niya pagpansin sa akin. Yiieee! Pero bakit nga hindi niya ako pinapansin? Ay, itatanong ko mamaya.

But wait, paano na iyong tulong ni JD? Hala! Irereject ko? Sayang naman. Pero, mas kilala ko si Charmagne kaysa sa kaniya kaya mas komportable ako kay Juding kaya sige, I'll reject JD this time.

Nagreply na lang ako sa kaniya ng. . .

'Thank you, JD, pero kaya ko na 'to, ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo. Joke! Pero, seryoso, kaya ko na 'to mag-isa, salamat ulit.'

Nagreply naman siya agad ng. . .

'Oh, I see, Ara. But, if you need some help with other stuff, never hesitate to approach me. I'm willing to help at any time.'

Pa-fall!! Joke. Mabait lang talaga si JD, iyan din kasi ang sabi ni Clara, sobrang matulungin siya and no wonder why he's Charmagne's first real love.

***

Mabuti na lang talaga at nasa gala ang dalawa kong Kuya kasi kung nandito sila ay baka hindi ako matuturuan ni Charmagne nang maayos! Mapupunta kasi lahat ng atensyon niya sa mga Kuya ko. At mabuti na lang din na busy si Mommy dahil panugaradong aayain na naman niya ang Juding na mag bake. Tss. Mahal na mahal nga kasi ni Mommy si Charmagne, mas mahal niya pa kaysa sa akin.

"Nakikinig ka ba, Kilatra?" tanong pa niya at tumango naman ako agad kahit medyo hindi ko nga naintindihan iyong mga sinabi niya. "Basic lang naman ito, Ara, eh, panitikan, so simple," napailing pa siya matapos sabihin iyan. Palibhasa magaling na siya riyan kaya madali lang para sa kaniya. Tss!!

Nagpatuloy sa kakaturo si Charmagne  at medyo nakukuha ko na siya. Binalikan na rin namin ang mga wastong paggamit ng 'ng at nang', 'rin at din', 'raw at daw', 'pan, pang, at pam', nga pandiwa, pang-uri at panghalip na siyang lagi kong nakakalimutan.

"Oy, ba't 'di mo 'ko pinapansin kanina?" tanong ko nang tumigil na muna kami saglit sa ginagawang pag-aaral. Wala, eh, sobrang nakukyuryos na talaga ako.

"Kailan mo nakilala si Jake?" tanong niya at mukhang may hint na ako kaya hindi niya ako pinapansin.

"Bago lang din, mga 2 weeks ago," sagot ko naman. "Bakit? Ayaw mong makilala ko siya?" tanong ko.

"Hindi naman sa gano'n. Natatakot lang ako," inalis niya iyong paningin niya sa akin at nagkunwari siyang nagbabasa ng libro.

"Natatakot saan? Na baka mahalin ko siya tapos sa kaniya na naman ako magpapakatanga?" tanong ko na naman. Medyo nagulat ako nang bumuntong-hininga siya.

"Natatakot ako na baka mahulog siya sa'yo," at mas lalo akong nagulat sa sagot niya. Like, it's damn impossible, you know? Ano bang sumagi sa isip nito? "Hindi kita pinapansin kasi nagseselos ako. The way he said nice meeting you again last night was so full of emotion, Ara, at hindi ganoon si Jake sa mga bago niya lang nakilala."

"Sandali, sandali, dahan-dahan nga," with 'stop' gesture pa ako, ha, "huwag ka ngang mag-isip nang ganiyan. Hindi naman 'yon big deal," seryoso kong sabi.

"Pero, big deal sa akin," aniya at ako naman ang napabuntong-hininga. "Ara, there is something special with you at kung straight lang ako, matagal na kitang niligawan," hearing it from Charmagne was like. . .matutuwa ba ako or what? Kasi naman, talagang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Diyos ko! "Kapag mas lalo kang nakilala ni Jake, I'm sure makikita niya rin 'yong kung anong meron ka that makes you a different woman from others, iyong nakita rin ni Marcus sa'yo, you being genuine and loyal. Natatakot ako na maramdaman 'yan ni Jake," ayoko ng makinig! Dapat hindi na lang ako nagtanong, eh. "Nang makita ko siya ulit, bumalik 'yong kakaiba kong nararamdaman para sa kaniya, Ara. At paano kung mahalin ka niya? Paano na ako?" natahimik ako sa tanong niya at nakatitig lang ako sa kaniya."Hindi lang iyan ang ikinakatakot ko, natatakot din ako na baka kapag nangyari 'yan ay masira ang friendship natin."

Ow sh*t, sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang masira ang isang magandang friendship.

"Gusto mo bang layuan ko siya?" hindi ko intensyon na itanong iyan, basta-basta ko nalang talaga iyong nasabi. Tsk!

"Ang selfish ko naman kapag sinabi ko 'yan," nakangiting aniya. "Ara, I'm sorry sa mga sinabi ko. Hindi ko dapat 'yon sinabi kasi wala akong karapatan na hadlangan ang binubuo niyong friendship. Tsaka, alam ko naman na kahit kailan ay hindi ako mahahalin ni Jake nang higit pa sa kaibigan, eh," sh*t, ngayon ko lang narinig ang malungkot na boses ni Charmagne. Mas sanay akong marinig na lagi siyang masigla at mas gusto ko iyon.

"Kasi baka hindi talaga siya ang para sa'yo, 'di ba? Kasi kung siya, he will love you without looking into your gender preferences. Kung mahal ka niya, edi mahal ka niya, pero kung hindi niya kaya, edi hindi siya 'yong taong nakalaan para sa'yo," oh my gosh! Saan ko kaya nakuha ang ganiyang linyahan? Ume-expert yata ako, ha.

"Pero, gusto ko siya 'yong taong nakalaan para sa'kin," bet niya talaga si JD. Tsk, paano ba ito?

"Kahit hindi talaga kayo ay pipilitin mo pa rin?" tanong ko.

"Siguro? Depende," ay, oo na, Juding, mahal na mahal mo talaga siya. Haynako!

"Itigil na nga natin 'yan," nakangiti kong sabi. Baka kasi biglaan na lang kaming mag-iyakan dito, eh. "Kaya mo pa ba akong turuan o uuwi ka na para makapagpahinga ka na?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at bigla niya na lamang akong tinitigan sabay tanong ng, "ikaw, kaya mo ba akong turuan?"

"H-Ha?" tuturuan ko rin siya ng Filpino? Aba ay magaling!

"Turuang magbago."

"H-Ha?"

Ang weird!! Anong babaguhin ko?

"Magbago 'yong nararamdaman ko. Ship mo 'ko sa mga Kuya mo para ma-divert 'yong feelings ko sa kanila," nakangisi na siya ngayon at ako naman ay napailing na lamang. Pambihira!

"Ayaw mo ba sa'kin? Tanggap naman kita," pagbibiro ko pa. Ewan ko ba at bakit sa lahat ng dapat kong sabihing biro ay iyan pa.

"Ay, nakakadiri!" maarte niyang sigaw kaya napalo ko tuloy siya. Ang arte-arte, eh. Ako na nga iyong nag volunteer. HAHAHA!

"Hoy, Juding, ha, hindi imposibleng mahulog ka sa sa'kin lalo na at may espesyal kang nakikita sa'kin," muli na naman akong humirit at umiling siya agad.

"Kapag nahulog ako sa'yo, Kilatra, ibig-sabihin ginayuma mo 'ko," natatawang aniya.

"Wow! In love na in love naman ako sa'yo niyan," pareho lang kaming natawa. Hindi man lang namin naisip na mas marami pa kaming napagkwentuhan kaysa sa mga itinuro niya sa akin. Ang galing! Ang hirap kapag puro madaldal ang magkasama, walang segundo na matatahimik.

Pero, napagtanto ko lang na baka kaya natatakot si Charmagne na mahulog sa akin si JD dahil baka mawala na naman ito sa piling niya kagaya ng ginawa niya noon. Pero, hindi ko hahayaang mangyari iyan.

Hindi ko lalayuan si JD, but for Charmagne, I will always remember my limitation when it comes to him. Ayaw niyang masaktan ako ulit kaya dapat lang na hindi ko rin siya sasaktan.

Nag-umpisa na naman siyang magturo at nakangiti akong tiningnan siya. Mahalaga si Charmagne kaya dapat hindi siya masisira, hindi siya dapat masasaktan at bilang kaibigan niyang mahal siya ay hindi ko hahayaang mangyari iyan.