Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 23 - SSTGB 22 : THE DATE

Chapter 23 - SSTGB 22 : THE DATE

Ten minutes nang late ang Juding! Akalain niyo iyon siya ang nagyaya sa akin tapos ako ang pinaghintay. Hindi dahil mas maganda siya sa akin ay gagawin niya na ito!

Charot. OA! Pero seryoso, kanina pa ako nakaupo rito sa isang bench at naiinip na talaga. Gusto ko na nga sanang makipaglaro sa mga bata rito sa Joy Flower Park. May naglalaro rito ng piko, naiinggit ako.

"Big Sis!"

Gulat kong nilingon ang batang bigla na lamang sumigaw at yumakap sa likuran ko.

"I miss you, Big Sis! I miss playing tagu-taguan and habulan with you," aniya. Ako, hindi ko namiss. Nakakapagod kasi, tapos ang daya niya! Kahit nahuli ko na siya sinasabi niya trial pa iyon o bigla-biglang sumisigaw ng 'time freeze', hindi ba ang fair ng batang ito makipaglaro?

Hinarap ko siya sa akin at naupo ako para lumevel sa kaniya. "I miss you, too, pero hindi ko na-miss makipaglaro sa'yo," ngiting-ngiti kong sabi, pero si Ynna ay agad na sumimangot kaya bumawi ako agad, "hindi ko na-miss dahil miss na miss ko," kunyari ay masaya talaga ako kaya mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko. Si Ynna naman, ito, talon nang talon. Lumaklak na naman siguro ito ng Enervon bago pumunta rito.

Pero, wait, bakit nga ba nandito siya? Don't tell me ang date na ito ay pinamagatang 'Baby Sitting'? kaloka!

"Kaya ako natagalan kasi nag-away pa kami," biglang usal ni Charmagne habang nakatingin kay Ynna na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakatingin sa magagandang bulaklak rito sa JFP. "Nang malaman niya kasing ikaw 'yong makakasama ko ngayon, ayon bet na bet na sumama. Kaya lang ayoko baka kasi may makakita sa amin. Alam mo na, madaming tsismosa sa Earth, hindi malabong malaman 'to agad ng mga Fuentes at good game talaga ang magandang bakla 'pag nagkataon," aniya at halata ngang na-stress ang Juding, pero hindi niya naman nakalimutang magpaganda!! Sapagalay ko ay aakalain ng iba katulong ako ni Ynna!

Simpleng-simple lang naman kasi si Charmagne. Naka-off shoulder at seksing short!! Ang puti ng tuhod mga, par!! Tapos naka rubber shoes siya—himala at hindi heels! O baka naman, plano niya talagang maglaro kami rito dahil ganiyan ang ayos niya? Nako! Mabuti na lang at ang ayos ko ay—

"Talo mo 'yong ganda ko ngayon, ha."

Naka-dress pala ako! Iyong tipong kapag malakas ang hangin ay aakalain mong naka-ph care ako. Hala! Baka makitaan ako! Ay, may suot naman akong cycling, so safe. Tapos, naka-heels pala ako! Paano kapag maghahabulan pala kami rito kasama si Ynna, so ano na? Huhubarin ko? Tapos, naka-make up pa ako! Iyon kasi ang sabi ng mga Angels ko pati na rin si Mommy nang malaman nilang lalabas kami ni Charmagne. Dapat daw presentable ang itsura ko.

"S-Syempre, minsan na nga lang kita malalamangan," salamat naman at nakalusot ako. Umupo na rin ako sa tabi niya habang siya ay diretso ang tingin kay Ynna na ngayon ay nakikipag-kaibigan sa ibang mga bata.

"Mas lamang ka pa rin sa'kin, Kilatra," hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng boses niya nang sabihin iyan. Tsk! Akala ko ba magpapakasaya kami? "Lamang ka dahil mahal na mahal ka ng Mommy mo," muling usal niya. "Si Ynna, I don't know lang kung hinahanap ba siya ng Mommy niya," bigla siyang tumingin sa akin at saka mapaklang ngumiti, "at ako, I don't know lang din kung inaalala pa ako ng Mommy."

"Ha? Symepre, oo," sabi ko naman. Ano bang nangyayari sa kaniya? Ang lungkot ng mga mata niya!! Bakit ganito? Kung kailan gusto kong maging masaya ay siya naman itong nalulungkot.

"Alam mo ba 'yong birthday ko, the party wasn't really intended for me. Nagkaroon ng party para mas maging close si Mommy sa mga bagong shareholders ng company kaya nga hindi ko na-invite 'yong mga kaibigan kong beki dahil sabi ni Mommy baka manggulo lang knowing that my gay friends are so maiingay at makukulit."

Hala! Kaya pala ang daming high profiled individuals noong gabing iyon. Tsk!

"My Mom's world has been circling in their company. Only heir siya at masyado pa akong bata para hawakan ang company kaya pakiramdam ko iginugugol niya talaga ang buo niyang atensyon at oras sa kompanya nila. My Mom has been the best daughter in the world, ni-isang beses she didn't disappoint her parents. But, when it comes to her children and husband, she ain't the best," bahagyang kong tinapik iyong braso ni Charmagne para malaman niyang nandito ako, nakikinig at handa siyang damayan.

I'll set aside first the reason why we're here, sa ngayon ay mahalagang ilabas muna ni Charmagne ang lahat ng kinikimkim niya kasi how can we be happy if deep inside something's hindering us to feel the happiness?

Pero teka lang, bakit ang selfless niya? Iniisip niya kung paano ako pasisiyahin, pero hindi man lang niya inisip kung paano niya ma-i-aalis ang lungkot na nararamdaman niya. Tsk!

"Kaya alam mo, Kilatra, sobrang saya ko na nakilala ko 'yong Mommy mo. She's giving me the attention and love that my Mom failed to do. You're so fortunate to have a mother like her, Ara," nakangiting aniya.

"Hati na lang tayo sa kaniya para masaya ka na," wala sa sariling sabi ko kaya bahagya siyang natawa.

"Masaya na ako kaya ikaw naman ngayon," sus, masaya raw, eh sumasalungat naman iyong mga mata niya. Charmagne isn't good at lying dahil binibisto agad ng mga mata niya ang totoo.

"Alam kong pareho tayong malungkot, why not let's make each other happy? Hindi lang ako, kun'di tayo. . .kasali na rin si Ynna," sabi ko at pinasidahan ng tingin si Ynna na ngayon ay masayang nakikipaglaro ng habulan sa ibang bata.

Tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay, "tara?" aniya.

"Saan?" tanong ko. Baka kasi plano niyang makipaglaro rin kami sa mga bata, eh. Diyos ko! Ang paa ko, rest in peace.

"Basta," iyan talaga ang pinaka-ayaw kong sagot. Pero, wala na rin akong nagawa at sumama na ako sa kaniya. Sinigawan niya lang si Ynna na huwag umalis sa lugar na iyon at babalikan lang namin siya.

Kaloka, iwan ba naman ang bata. Palibahasa may mga guard na nakapalibot dito kaya confident na iwanan si Ynna, eh.

"Woah!" mangha-mangha talaga ako ngayon sa nakikita ko. Ang ganda at ang lawak ng garden. Akala ko over na ang pollution sa Pinas, pero nang makita ko kung gaano kalago at ka-healthy ang mga bulaklak dito naisip ko na mahal pa rin ni God ang Earth. "Ang lalaki ng sunflower! Mas mataas pa sa'kin," parang batang sabi ko. Grabe, iba-iba ang variety ng bulaklak na nandito, iba-iba rin ang kulay kaya mas lalong gumanda. Akala ko sa ibang bansa lang may ganito, sa Pinas din pala.

"Alam mo ba na dumating 'yong time na lahat ng bulaklak dito namatay?" tanong ni Charmagne at nag-isip naman ako, pero hindi ko natatandaan. "Nagsara ang park three years ago, hindi dahil ibinigay ito ng may-ari sa gobyerno para raw tayuan ng buildings kung hindi dahil namatay lahat ng bulaklak," oo nga pala, ang park na ito ay owned by a private entity, but this is open to all who wanted to be relaxed and forget the stressful reality for the meantime. "But look at now, ang saya tingnan ng mga bulaklak. Binuksan ulit para pasiyahin ang mga tao," hinawakan niya iyong dalawa kong balikat at hinarap ako sa kaniya, "kaya ikaw, Ara, namatay man ang puso mo, ipagpahinga mo lang at buksan mo ulit kapag okay na. . .kapag handa ka nang magpapasok ng iba. . .pasiyahin siya at pasiyahin ang sarili mo. Love may be complicated, Kilatra, love may make people look stupid, love may have broken thousands of heart, but love is one of the reasons why we're living," binitawan niya na ako at nag-umpisa siyang maglakad. Dahan-dahan naman akong sumunod habang ninanamnam pa rin ang mga sinabi niya. "You can already feel the love once you woke up, it's called the love of God. Then, I'm certain, mahal ka ng parents mo, it's still love. Mahal ka ng mga kuya mo, ng best friends mo, ain't you lucky, Kilatra?" tanong niya habang nananatili akong nasa likuran niya.

Ngumiti ako at saka ako lumapit sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat nang akbayan niya ako. "Swerte ka rin naman, ha," sabi ko at agad siyang nagkibit-balikat. "Isang Ara Cee Concepcion ang kasama mo, ain't you lucky, Charmagne?" tanong ko na agad niyang tinawanan. Well, gusto ko lang naman talaga siyang tumawa.

"The word lucky is an understatement, Ara," natahimik ako. Ano pa bang hihigit sa salitang swerte? "Noon akala ko, ako na ang pinakamalungkot na tao dahil kailanman ay hindi ko naramdaman na mahal ako ng Mommy ko, pero nang makita kita naisip ko na mas malungkot ka pala dahil tanga ka na nga, hindi ka pa mahal ng taong mahal mo," at syempre, agad na nagdilim ang paningin ko! Akala ko maganda na iyong sasabihin niya, eh. Tsk! What can I expect from Charmagne, then? "Cheka lang," aniya at bigla siyang kumuha ng bulaklak! Hala, baliw.

"Hoy, bawal 'yon," sabi ko, pero sumenyas lang siya na huwag akong maingay saka niya. . .ibinigay sa akin ang bulakalak! A-Akala ko kanina ilalagay niya sa tenga niya.

"Sa'yo na para ikaw ang makulong."

"A-Ano?" kaya niya ibinigay para ako ang masabihan na ako ang kumuha? Too wise! Langhiya!!

Pero, hindi niya naman ako sinagot at bigla niya na lamang niya akong hinila. Saka namin narating ang dulo at—

A-Ano ito?

May lalaking bigla na lamang tumugtog gamit ang isang violin. May medyo kalakihang mesa at dalawang upuan na talagang elegante dahil kulay ginto ito. Inalalayan niya akong umupo at may biglang lumapit na lalaki at inabot ang napakaraming red roses!

"Thank you, Kuya Jay," sabi ni Charmagne at doon ko lang napagtanto na siya rin iyong nag-abot kay Charmagne nang napakaraming rosas noong panahon na sinabihan niyang pamenthol si Marcus. "For the second time around, I am giving you these 100 red roses, hindi para pahawakan lang kun'di para sa'yo talaga," aniya at hindi ko alam kung paano ko i-i-express na natutuwa talaga ako. "At sadya rin palang malaki ang mesa para ilagay mo muna riyan ang mga bulaklak nang 'di ka mapagod kakahawak," ayon, may iba pa palang purpose. Magaling!

"Oy, Charmagne, thank you, ha," puno ng sinsiredad kong sabi. Tumango lang siya at may isinenyas siya saka nagsilabasan ang tatlong waiter na may bitbit ng mga pagkain.

Ahh! Ang ganda ng setup!! Ang sarap pakinggan ng tinutugtog ng violinist. Iyong kanta ay 'I'll be alright' angkop na angkop talaga para sa akin. Tapos, sumasayaw pa iyong mga bulaklak dahil sa masarap na hangin, tapos ang sasarap ng mga pagkain, wow!!

"Kahapon nang sabihin ko sa'yo na ilalabas kita, na-stress ako," hindi ko alam kung malulungkot ba ako, makokonsensya, o uuwi na lang ako dahil na-stress ko siya! "Na-stress ako kakaisip kung paano kita pasisiyahin. But then, I remembered you're Ara Cee Concepcion, you know what appreciation is. You easily get happy over small things kaya naisip ko na since it's a date, then gawin ko kung ano 'yong usual na ginagawa sa date," aniya.

"Romantic date?" tanong ko at hindi ko gusto iyong ngiting ibinigay niya! Nakakaasar!

"Pang romantic date ba 'yong suot ko?" tanong niya at doon ako natawa. Pareho pala kaming babae. "But I know you want it, to have a romantic date is one of your to-do list once you get 18, Kilatra."

"Papaano mo nalaman?" tanong ko sabay subo ng pagakain. Pasensya, nagutom ako ng makita ang mga pagkain. Isa iyan sa sakit ko, eh. Tsk!

"Masyado ka pala talagang open sa mga Kuya mo, 'no? Sila nagkwento sa'kin, eh," sagot niya naman.

"Wow, close na close na kayo, 'no? Tapos ako pa 'yong pinag-usapan ni'yo," kunyari ay asar kong sabi.

"Nagseselos ka naman agad?"

Napatigil ako at tiningnan siya na nakakunot ang noo ko. "T-Tigilan mo nga 'yan," sabi ko at kumain na lang ako nang kumain. Na-stress ako saglit!! Ilang beses na naman kaming nagtitigan, pero bakit kaya na-awkward ako bigla? Tsk! Parang sira.

Muli pa kaming nakwentuhan, nagbigayan ng aral sa isa't isa, at syempre, mawawala ba naman ang asaran. Kapag talaga kasama ko si Charmagne ay hindi iyan nawawala. Ang hilig-hilig niya akong asarin dahil, bwesit, naaasar din ako dahil nakakaasar naman talaga!

"Did you enjoy?" iyan agad ang tanong ni Ynna nang nasa sasakyan na kami ni Charmagne.

"Of course, yes," sagot ko naman. Ayoko nang pahabaan pa iyong sagot ko dahil tinatamad akong mag-ingles.

"Big Sis, will you be able to change my Daddy?" tanong na naman niya. Mabuti na lang at wala pa rito si Charmagne. May nakasalubong siyang kaibigan at nag-uusap pa sila sa labas. "You know I already accepted my Dad, that he isn't a real man, and I am contented because he doesn't have any shortcoming when it comes to taking care and loving me, but I'll be happier if he becomes a real man who has a woman who will love him genuinely than a boy who will just end up hurting him," tiningnan niya ang Daddy niya na masayang nakikipag-usap sa labas.

"But, I don't think someone can change him, Ynna," sabi ko at pilit naman siyang ngumiti. "He's already happy and comfortable being gay. Don't worry, your Daddy will soon find the right person for him," dagdag ko pa. Grabe naman ang batang ito, sa murang edad ay alam niya na ang mga ganitong bagay.

"Daddy has been sharing stories about you, Big Sis, and I know you make him happy. Can't you be the right person for him?"

Diyos ko! Ano bang tanong iyan, Ynna?

"If both of you can make each other happy, then why not you love each other, too?" tanong na naman niya! Hoy, Charmagne, halika na nga rito at hindi ko maintindihan itong anak mo!!

"We love each other already, Ynna, we're friends and friends love each—"

"No, not as a friend, but more than that. Big Sis, I'm rooting for your love story with my Daddy," aniya at napalunok na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba iyong dapat kong reaskyon at ano ba iyong dapat kong sabihin dahil bata itong kausap ko.

"But, Ynna, being friends is enough for us—" ang hilig niyang putulin ang sasabihin ko. Tsk!!

"Shh, I'm gonna sleep," ay, wow! Matapos niyang magsabi ng mga salitang hindi ko inaasahan na sasabihin niya ay tutulugan niya ako? Haynako lang talaga, Ynna!

Tiningnan ko na lang muli si Charmagne na talagang tuwa-tuwa kung ano man iyang pinag-uusapan nila at saka ko naalala ang sinabi niya kanina.

'...namatay man ang puso mo, ipagpahinga mo lang at buksan mo ulit kapag okay na...'

Posible kayang pwede kong buksan ang puso ko isang bakla?

Eh, posible kayang buksan ng isang bakla ang puso niya para sa isang babae?

Ay, ewan.