Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 29 - SSTGB 28 : BLESSED

Chapter 29 - SSTGB 28 : BLESSED

Pagbalik ko sa mesa namin galing sa washroom ay—tenterenen! Wala ng laman ang baso ni Charmagne! It means ininom niya na ang juice kung saan inihalo ko ang katas ng kaniyang brief!!

Oh, my God!!!

Hindi ko alam kung tatalab ba talaga iyon, pero aaminin kong ang saya-saya ko!

"Ang tagal mong bumalik, Kilatra, kaya nag-umpisa na akong kumain, sorry," aniya nang makabalik ako sa upuan ko.

"Okay lang," todo ngiti talaga ako at alam kong nawirdohan siya, pero wapakels! Basta ang saya ko lang talaga.

"Ba't mo nga 'ko di-nate ngayon?" tanong na naman niya. Kanina niya pa talaga iyan itinatanong, pero laging tikom ang bibig ko.

"Trip ko nga lang," sagot ko. Pero, niyaya ko talaga siya para maganda naman ang setup kung saan ipapainom ko sa kaniya iyong katas ng kaniyang brief. Ang weird nga ng kulay ng katas, eh. Parang dirty white! Ewan ko kay Ateng Maganda kung anong klaseng tubig ba iyong nilubluban niya ng brief ni Charmagne, kaya at first, I was really hesitant na ipainom iyon kasi parang ang dumi, but in the end, ayan nainom niya rin!

Tahimik lang kaming kumakain at halata talagang gutom siya! Paano ba naman kasi ay 1:34 PM na nang makarating kami sa resto dahil sa traffic kaya ayan, lafang lang nang lafang ang Juding.

"Good afternoon, everyone!"

Sabay kaming napalingon kay Kuyang nagsalita mula sa isang mikropono. Hindi ko man lang napansin na may mini stage sa gilid kung saan halos kompleto ang music instruments. Mukhang may pa-live band yata rito ngayon.

"At para mas ma-enjoy kayo rito sa K&H Resto, meron kaming handog na kanta para sa inyo," aniya at saka sila nagsimulang tumugtog.

🎶

Lalalala

May sasabihin ako sayo

Pero nahihiya akong malaman mo

laman ng puso ko

Na na na na

🎶

Hala! Ang ganda ng kanta! Bet ko iyan.

🎶

Gulong gulo ang isip ko

Ako ngayo'y litong lito

Kung paano ko sasabihin ito sayo-oh

🎶

Mabuti na lang ako, wala ng magulo sa isip ko at hindi na ako nalilito. Matapang ako, eh, aamin agad kapag gusto ko ang isang tao. Well.

🎶

Gusto kita alam mo ba

Gusto kita okay lang ba

Ngunit tayo ay bata pa,

kaya friends lang muna

🎶

P-Parang kami ba? Ay!

🎶

Gusto kita alam mo ba

Gusto kita okay lang ba,

maging girlfriend ka

'Pag pwede na

🎶

Hindi naman sinasadya, pero bigla na lamang sabay naming tiningnan ang isa't isa! Kinilig ako!! Ang hirap magpigil!

🎶

Di ko naman sinasadya

Gawa ito ng tadhana

Nabihag mo ako sayong ganda

Lalalalalala

Lalalalalala

🎶

Saktrue ka riyan, Kya!! Nabihag ako sa taglay niyang kagwapohan at kagandahan!

🎶

Maghihintay ako sayo

Pangakong di magbabago

Dahil ikaw lang ang gusto ko

🎶

"Pangako," wala sa sariling usal ko kaya muli niya akong tiningnan at agad naman akong nagbaliw-baliwan na para bang wala akong sinabi.

🎶

Gusto kita alam mo ba

Gusto kita okay lang ba

Ngunit tayo ay bata pa,

kaya friends lang muna

Gusto kita alam mo ba

Gusto kita okay lang ba. . .

🎶

"Maging boyfriend ka," sinabayan ko iyong kanta kaya si Charmagne ngayon ay nakakunot na ang noo. "'Pag pwede na," dugtong ko at nakangiti naman siyang napailing.

"Pumabor sa'yo ang kanta, ha," aniya at taas-noo naman akong tumango.

"Umaayon sa'kin ang tadhana, Charles," pagbibiro ko pa at para talagang gusto niyang masuka sa sinabi ko!! Arte nito!!

***

Kakalabas lang namin sa sinehan at naglakad-lakad na kami rito sa mall. Actually, wala talaga sa plano ko na magsisine kami, kaya lang ay bet niya raw manuod ng Joker kaya ayon, sinamahan ko na lang. Tsaka, dagdag point na rin iyon, ano.

"Dapat talaga nakikinig tayo sa gustong sabihin ng iba, 'no, Kilatra, hindi 'yong padalos-dalos tayo sa judgment natin," usal niya pa. Iyan iyong natutunan niya sa movie at pareho kami.

"Oo. At dapat bawas-bawasan na rin ang pambubully, or much better if people will avoid doing it, at kasali ka na ro'n."

"Hoy! Nambubully ba ako?"

"Sasabihin ko ba kung hindi, ha?"

"Kailan ako nambully, Kilatra?"

"Baka binubully mo ako, Juding."

"Ano?!"

"Binubullywala mo 'yong feelings ko. Boom!"

"Sira ka talaga!" matapos sabihin iyan ay mabilis siyang naglakad at ako naman ay hindi napigilang matawa. Ang cute ni Charmagne! HAHAHAHA!

Nandito na kami ngayon sa isang ice cream parlor. Hindi ako mahilig sa ice cream, ewan ko sa dila ko, pero dahil bet ni Charmagne ay sinamahan ko na siya rito. Nakaupo lang ako sa labas dahil puno na sa loob at si Charmagne naman ay umu-order pa.

Hindi ko talaga napigilang mamangha sa kaniya! Kahit anong ipasuot mo ay lilitaw talaga ang ganda niya!! Kahit simpleng jeans at maroon-colored T-shirt lang naman ang suot niya. Hindi mo talaga iisipin na bakla si Charmagne sa unang beses na makikita mo siya kaya alam kong itong mga lalaking nakatingin sa kaniya ay talagang sa isip nila babae ang nakikita nila! Nakaaasar ang mga ito!!

Nagbalik ako sa sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko naman ang pangalan ni Jervin sa caller ID.

"Hi," bati ko sa kaniya.

"Saw you. Date ni'yo ba?" kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong tinutukso niya ako!

"Saan ka?" tanong ko, pero tawa niya lang ang narinig ko. "Sinusundan mo ba kami?" tanong ko na naman.

"Hindi, ah. Remember may resto ako sa mall na 'to kaya hindi imposibleng makita ko kayo," inikot ko iyong mga mata ko, pero hindi ko naman makita ang resto niya, mukhang malayo iyon dito. Siguro baka naglakad-lakad siya at nakita niya kami. "Ganda mo ngayon, ha, prepared!" nanukso na naman siya!

"Hoy! Nakikita mo ba ako?" ay tumatawa ulit? Naku! Kapag ito talaga ay nakita ko, makakalibre ito sa amin, eh. "Magpakita ka nga," para makalibre ka, sige!

"Nandiyan na si Charles," natatawa pa ring aniya. Nakita ko naman si Charmagne na bitbit na ang dalawang cup ng ice cream! Akin ba iyong isa? Hala! Sayang naman, sure akong hindi ko iyan mauubos. Tsk! "Enjoy eating! And try harder, Ara, make the gay likes you back," natatawang sabi niya kaya hindi ko naiwasang mapangiwi. Mukha kasing ina-understatement niya ang power ko!

"Watch, Jervin, it will surely happen," confident kong sabi.

"Good luck!" pinutol niya na ang tawag matapos sabihin iyon at saka ko naibigay kay Charmagne ang atensyon ko.

"Bakit?" tanong ko nang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Wala," aniya sabay subo ng kaniyang paboritong ice cream.

"Bakit nga?" hindi naman halatang mapilit ako, eh, ano? HAHAHA!

"Wala nga."

"Sus, nagseselos ka lang."

"Stop jumping into conclusion, Kikatra, it will just hurt you in the end."

"Oo na, ang seryoso naman nito!"

Nag-e-english agad, eh, jino-joke time lang!

"So, bakit siya tumawag?"

Stop jumping into conclusion daw, pero kyuryos naman pala siya! Haynako lang talaga, Juding, ano?

"Wala lang," makaganti naman minsan.

"Bakit nga?"

"Wala nga lang."

"Okay."

Hindi man lang ako pinilit! Tss.

"Tititigan mo na lang ba ako at hahayaang matunaw 'yang ice cream mo, ha?"

Mas iniisip niya pa iyong ice cream, eh! Kung hindi niya lang talaga ito libre ay hindi ko ito kakainin!

***

Nasa sasakyan niya na kami at ihahatid niya raw ako. Panay lingon siya sa akin, pero hindi ko siya pinapansin.

"Kilatra," hindi ko pa rin siya pinapansin, bahala siya riyan! "Inano ba kita? Kanina ka pa tahimik, ha," aniya.

"Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, Juding, maingay ako," sagot ko at nasa labas pa rin ang paningin ko.

"But I know your silence has a reason, Ara."

Hindi ako sumagot. Alam niya naman pala.

"I'll surely can't sleep tonight hearing nothing from you," usal na naman niya.

"Bakit kasi 'di mo 'ko pinilit kanina?" asar kong tanong.

"Pinilit, saan?"

"Kung bakit tumawag si Jervin!"

Natahimik siya ng ilang segundo saka niya sinabing,"b-bakit naman kita pipilitin?"

"Para naman kahit konti maramdaman ko kung pa'no ka magselos! Kahit joke lang, kahit 'di totoo!"

Bumuntong-hininga siya. "Edi sana sinabi mo 'yan kanina nang hindi ka nagtatampo ngayon," tss! Wala na, Juding, panis na! 

"Dapat alam mo na 'yon! Hindi ko na dapat sinasabi pa sa'yo."

"Woah! This is nonsense."

Hindi na lang ako muling sumagot. Nonsense pala, eh! Gusto ko lang naman na kahit isang beses maramdaman kong may pag-asa ako sa kaniya!

Tsk! Ang tagal naman gumana ng gayuma! O baka naman hindi talaga iyon gagana dahil hindi naman iyon totoo? Sinasabi ko na nga ba!

Bahala na, ang importante nasa akin iyong brief niya, naka-frame pa. Charot! Syempre, itinago ko, souvenir ko na lang iyon sa katangahang ginawa ko.

CHANDRA'S POV

"Gabi na, your brother still not home?" iyan agad ang tanong ni Mommy na kakarating lang ng bahay.

"Hayaan mo na si Charles, Cherry, besides, he knows what he's doing," sabi naman ni Daddy.

Hindi na ako nakisali sa kanila dahil english gaming ang trip nila at nagpatuloy lang ako sa pagguhit. Nakita ko namang paakyat na si Daddy sa itaas, pero si Mommy ay naupo sa kaharap kong upuan dito sa living area!

Patay! Mukhang hindi ito maganda!

"Tell me, talaga bang bumili ng condo ang Kuya mo at doon siya madalas na natutulog?" tanong niya at pinakalma ko na muna iyong sarili ko dahil isang maling sagot ko lang ay tiyak na gulo ang resulta nito!

"O-Oo raw sabi niya," sagot ko kahit totong bahay naman talaga ang binili ni Kuya at hindi condo.

"Talaga lang," aniya. "Pero, once na malaman kong hindi siya bumili ng condo at may nililihim sa'kin ang Kuya mo, babalik siyang states agad-agad."

Patay!!! Good game!!!

"G-Grabe naman, Mommy, hindi ba pwedeng one-week walang allowance? I-confiscate 'yong car niya o lahat ng gadets niya, gano'n, grabe naman po 'yong balik states agad. Mamimiss ko si Kuya niyan."

Gumana sana ang paawa effect ko para kay Kuya!

"Those are sanctions para sa mga bata, Chandra, at hindi ko naman siya pababalikin ng states for nothing," tumayo na siya at bahagyang hinaplos ang buhok ko. "Continue what you're doing," nakangiting aniya at saka niya ako iniwan nang halos hindi makahinga!!

Natatakot ako sa gagawin ni Mommy! Natatakot ako kapag nalaman niyang may itinatagong anak-anakan si Kuya! Kakaiba pa naman ang takbo ng utak niya lalo na pagdating kay Kuya, kasi nga raw si Kuya iyong susunod na magmamana ng business nila kaya dapat hindi madumihan ang imahe niya!

Bawal nga magkaboyfriend si Kuya, eh, kaya nga pinauwi siya rito sa Pinas dahil nalaman ni Mommy na may boyfriend siya sa states!

At ngayon, paano na lang kapag malaman niya ang tungkol kay Ynna?

Naku, lagot!

ARA'S POV

"Oh, ba't tayo huminto? Pwede namang ipasok sa village 'yong car, eh," sabi ko nang inihinto niya ang sasakyan sa labas ng gate.

"Maglalakad tayo, tsaka ang lapit lang naman ng bahay ni'yo rito, ayan nga oh, tanaw na tanaw ko," sagot niya. Nakakapagod man, pero sumunod na lang ako sa trip niya.

"Ba't tumawag si Chandra?" tanong ko habang nag-uumpisa na kaming maglakad. Hindi naman sa tsismosa ako, ano, pero mukhang naging balisa kasi siya kanina nang tumawag si Chandra kaya nagtataka ako, and the same time ay nag-aalala rin.

"Hinahanap ako ni Mommy at big deal 'yon, alam mo na, minsan lang kami naiisip no'n," sagot niya. Siguro naman ay nagsasabi siya ng totoo kaya hindi na ako nangialam pa. Tsaka alam ko naman na iyong tungkol sa Mommy niya kaya naiintindihan ko na kung bakit big deal na hinahanap siya nito. "Ang bilis naman nating maglakad, ditey na tayo agad," muling usal niya.

"Kung gusto mo naman palang maglakad ng mas mahaba pa nito, edi sana nagsimula tayong maglakad sa mall patungo rito," sabi ko.

"Lucresia! Sige na, pumasok ka na."

"Sige, salamat sa pagpayag na i-date kita at sa paghatid sa'kin," puno ng sinsiredad kong sabi.

"You're always welcome," nakangiti niyang sagot.

"Pero, pa'no 'yan, maglalakad ka na naman ulit pabalik sa sasakyan mo. Gusto mo ba na ipahatid kita?"

"Okay lang kung isa sa mga kuya mo."

Syempre, sinamaan ko siya agad ng tingin! Talagang pinarinig niya pa sa akin ang kaharutan niya!!

"Cheka lang, pati kuya mo ay pinagseselosan mo rin," nagkunwari pa siyang hindi makapaniwala sa realization niya. Tss! "Pero, Ara. . ." napaseryoso rin ako nang bigla siyang sumeryoso, ". . .ayokong isipin mo na, binabalewala ko 'yong nararamdaman mo para sa'kin."

Hala! Kung hindi ba ako nag-inarte kanina ay hindi niya malalaman na pakiramdam ko ay wala siyang pakialam sa feelings ko? Gosh, baka na-pressure ko siya!

"In fact, Kilatra, I am so honored that an Ara Cee Concepcion likes me. It's just. . .I'm afraid, and at the same time, I find it hard to become more sensitive when it comes to you. Nasanay ako na ino-okray-okray lang kita, but after knowing your feelings for me, alam ko na. . .I need to think a hundred times kung ano 'yong sasabihin ko o 'yong gagawin ko dahil natatakot ako na baka masaktan kita. . .Huwag mong isipin na hindi ako nagpapakatotoo sa'yo kasi pinag-iisipan ko 'yong dapat kong gawin sa'yo, gusto ko lang malaman mo na I'm doing this because I care for you, I valued what we are today," bahagya siyang tumigil at saka niya pinunasan ang. . .luha ko? Sh*t! Hindi ko man lang namalayan na nagiging papaya na naman ako!! "Alam mo bang mahirap na sa'kin na isipin na gigising ako kinabukasan na wala ng makulit na katulad mo—"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Hindi man 'I like you, too, Ara' ang mga sinabi niya, pero ang saya-saya ko!

"Kilatra, always remember that I am so blessed that I've known you," bulong niya at promise, lahat ng lamang-loob ko sa katawan ay kinilig nang sobra!!

Tumatalab na ba ang gayuma o talagang kahit walang gayuma ay nakatakdang mangyari ito at marinig ko ang mga iyon mula sa kaniya?

Ah, bahala na! Basta ang mahalaga ay pareho kaming blessed na nakilala namin ang isa't isa.