Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 35 - SSTGB 34 : FRIENDS

Chapter 35 - SSTGB 34 : FRIENDS

Mabuti na lang at hindi naparami ang ininom namin kagabi kaya wala akong hangover ngayon. Umuwi na rin kasi kami matapos kong makausap si Charmagne—este si Charles on phone. 

Pero, bago ako pumunta sa JF Park ay inuna ko munang puntahan si Marcus sa opisina niya. I need to see him first. Ngayon pa lang ay gusto ko ng mag-sorry sa kaniya because surely, I'll never tell him about this. Ayokong malaman niya dahil baka pag-awayan lang namin ito.

Pumasok na ako agad at nakita ko naman siya kunot ang noo habang binabasa ang isang papel.

"It's so early to be stressed, Bae," sabi ko at medyo nagulat naman siya nang makita ako.

"What are you doing here?" nakangiti na siya ngayon at ibinaba niya na rin ang papel na hawak niya kanina.

"I just want to see you," sagot ko naman. Sh*t lang talaga dahil nakokonsensya na ako! "Sorry," alam kong nagtataka siya, pero pinilit kong tatagan ang sarili ko. "Kagabi, sorry kasi hindi ko nasagot 'yong mga tawag mo," inalis ko agad iyong paningin ko sa kaniya at baka malaman niyang nagsisinungaling ako.

"It's fine," aniya sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko napigilang mapatitig sa kamay niya na ngayon ay nakahawak sa akin.

Please, Ara, never let that hand go!

"May gagawin ka pa ba? Wait, did you have breakfast?" minsan kasi ay nakakalimutan niya na iyon lalo na kapag marami siyang gagawin sa trabaho.

"Yes, Bae," sagot niya kaya napanatag naman ako. "But, I still have so many papers to read, kakalabas lang kasi ng recent financial statements, eh," aniya. Nag-usap lang kami for less than an hour, gusto niya pa kasi akong makasama at makausap.

"Alright, so uuwi na muna ako? Let's just have dinner later?"

"Sure. Ingat ka."

Tumayo siya at ganoon din ang ginawa ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.

'I'm really sorry, Marcus.'

Nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya ay hinalikan niya naman ako sa noo. "I love you," napangiti ako hearing his sincerity, as usual.

"I love you, too," sagot ko. That's it, Ara, you love him and so today, you really need to finally free yourself from what happened in the past.

Pagkaalis ko roon at around 10:05 AM ay dumiretso na ako sa JF Park. Medyo nahirapan pa akong hanapin siya dahil ang inaakala ko ay si Charmagne ang hinahanap ko. Tsk! But when I finally saw him, kahit nakatalikod pa siya, ay sobrang lakas talaga ng kaba ko! Pakiramdam ko ay iyong kalabog na lang ng puso ko ang naririnig ko habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya!

I took a deep breathe as I called him on his real name, "Charles."

Nilingon niya ako at grabe, napatitig na naman ako sa kaniya. He's freaking handsome, everyone! No joke!

"Ara."

Sh*t! Will you please stop beating so fast, crazy heart? Naiinis na talaga ako!

"Upo ka," umusog naman siya at tumabi nga ako sa kaniya sa isang bench. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan saka siya nagsalita, "it's been a long time," aniya.

"It's been a long-long time," natatawa ko namang sabi. "How are you?" I really need to act professionally! I shouldn't feel the awkwardness.

"I'm good," aniya. I still can't believe that I am hearing his real voice now. "Ikaw, how are you?" tanong naman niya.

"Okay lang din," sagot ko. Nilingon ko siya at hindi ko man lang inaakalang nakatingin pala siya sa akin. "I-I'll be straightforward. Saan ka ba this whole four years?" ayan, masasagot na rin ang tanong kong iyan.

"I am just in California. But, I've never lived with freedom, Ara," napakunot talaga ang noo ko sa sagot niya, "my Mom controlled my life," aniya at saka niya inumpisahang sabihin sa akin ang lahat.

And all I can say is. . .sh*t! Just sh*t! I wanted to cry because I never knew he had a tough life in California!

"But I think it was really planned that my Mom will do it, kasi kung hindi niya 'yon ginawa I know we'll never lose our connection and if that happened, you'll never be happy with Marcus."

Hindi ko alam kong ikakatuwa ko ba ang sinabi niya. God!

"And I'll also can't find my happiness."

What the hell, Ara?! Bakit may kirot sa puso mo ngayon?! This isn't right! Think about Marcus! You're now happy and contented, Ara!

"Pero, Charles. . ." eh, I've been wanting to call him by that before, pero ngayon ang awkward na! ". . .have you ever had feelings for me?" kasi kahit kailan ay wala siyang inamin sa akin! Iyong huling sinabi niya pa ay hindi straight to the point.

Tiningnan niya ako—no, tinitigan to be exact! "Oo. . ."

My God! Hindi ka pwedeng matuwa, Ara!

". . .honestly, I'd loved you."

I'd loved you?! So, kung hindi siya natali sa Mommy niya at hindi kami nawalan ng connection ay ibig sabihin. . .matagal na sanang kami? My God!!

"Hindi pa man ako nakakaalis ng bansa ay minahal na kita, Ara. Actually, you were the reason why I totally changed. Ikaw 'yong dahilan kung bakit hindi na ako nagkakagusto sa lalaki, ikaw 'yong dahilan kung bakit lalaking-lalaki na ako," muling usal niya at hindi ko naman ipinahalata na napapikit ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko! "Kaya nga ayokong maglaho 'yong nararamdaman mo para sa'kin dahil aayusin ko lang ang negosyo ko, tapos babalikan na kita. . ."

Sh*t! Sana hindi ko na lang narinig ang mga ito!

". . .kaya lang meron talagang  unforeseen events, eh, pero okay na rin 'yon dahil pareho pa rin naman tayong masaya ngayon."

Oo nga, pareho naman kaming masaya kaya dapat huwag ko ng isipin pa ang mga narinig ko!

"Oo nga pala, kahapon, pasensya ka na kung tinitigan lang kita. I was just confused kung ikaw ba talaga 'yon kasi mas lalo kang gumanda," nakangiting aniya at natawa naman ako. Ang akala ko talaga ay hindi niya ako namukhaan, eh!

"Ano ba, araw-araw akong lalong gumaganda," sabi ko naman. My gosh, I missed conversing with him like this! Iyong parang joke lang ang lahat sa amin.

"You're still so confident of yourself, Ara," parang hindi makapaniwalang aniya kaya naningkit talaga iyong mga mata ko! "Ara, since we're both happy now, then let's forget about our unfortunate past."

Ito na, tatapusin na namin ang nakaraan!

"Sige," pareho naman kaming napangiti, "let's start a new beginning?" tama si Clara, this person played a big role in my life at kahit na hindi maganda ang resulta ng nakaraan namin ay hindi ibig sabihin na kakalimutan ko na siya.

Dapat feelings ko lang para sa kaniya ang kinalimutan ko, but not the person.

"Of course, let's be friend," inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon nang nakangiti. "Can I still call you Kilatra?" hindi ko napigilang matawa! He's so manly now tapos tatawagin niya ako sa ganiyan! My gosh, Charles!

"And do I need to call you Juding if I'll say yes?" natatawang tanong ko.

"Kaya mo pa ba?" parang hinahamon niya ako ngayon, ha.

"'Sus, kahit lalaking-lalaki ka na ngayon ay kaya pa rin kitang tawaging Juding," pinipilit kong maging seryoso, pero kumakawala pa rin ang tawa ko! Ang awkward kasi, eh. I'll call this man Juding eh lalaking-lalaki na talaga siya! He got muscles at sexy pa rin naman siya, pero sa standard na ng mga lalaki!

"Talo ka, kasi ako mapabading man o lalaki ay kaya pa rin kitang tawaging Kilatra."

"Tss, ang unfair!"

Pareho lang kaming natawa! Pakiramdam ko ay parang hindi ko siya iniyakan, parang hindi siya umalis, parang. . .walang nangyari. Ang kaibahan lang ay lalaking-lalaki na talaga siya! The Charmagne I loved was really gone, but only physically kasi siya pa rin naman ito, eh.

"Oo nga pala, kamusta si Chandra?" tanong ko at bigla na lamang siyang sumimangot.

"Huling nakausap ko si Chandra ay a year ago pa," hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Pareho silang nasa iisang bansa, pero ganoon na katagal ng huli silag mag-usap. "At noong nagkausap kami ay hindi na siya 'yong Chandrang kapatid ko at ang naging best friend mo."

Sh*t! Ano bang pinagsasabi nito?

"The way she dresses, she talks, her attitude, it all changes," nakangiti man siya ay alam ko namang ang totoo ay hindi siya masaya, well sino nga bang magiging masaya sa ganoon?

"Nalulungkot ako," sabi ko. "I've never expected Chandra will change in a negative way."

"Lahat talaga nagbabago."

Mukhang ang dami niya yatang pinupunto sa pagbabagong iyan, ha.

"Let's drop the melancholy. Congrats nga pala, teacher Ara," nakangiting aniya at napangiti naman ako.

"Salamat," sabi ko. "Ikaw ba, are you now an engineer?"

"Fortunately yes," woah, hindi ko iyan inaasahan! "Bumalik ako ng Pinas two years ago," biglang nawala ang ngiti sa labi ko! "I took the licensure exam at naipasa ko naman," aniya.

Pero, nagpaulit-ulit sa tenga ko ang 'bumalik ako ng Pinas two years ago'. Kung sakali bang nagkita kami ng mga panahon iyan ay si Marcus pa rin kaya ang boyfriend ko ngayon?

Oh, crap, Ara! Ano bang klaseng tanong iyan? Tsk!!

"By the way, Ynna has been wanting to see you," hala, miss ko na rin siya! Eleven years old na si Ynna ngayon, I am wondering kung gaano na ba siya kaganda at ka-mature ngayon!

"I'd love to see her, sabihin mo sa kaniya na kapag may free time siya ay magkita kami," tumango naman siya agad. "Ah, dito na ba siya mag-aaral?"

"Pinag-iisipan ko pa."

"Nga pala, girlfriend mo ba 'yong kahapon o asawa?"

"Ayokong sagutin baka magselos ka," napatulala na lang ako bigla. How on earth he can utter such words confidently?! "Hoy, biro lang!" nakahinga naman ako nang maluwag. Tapos ay bigla niyang tinaas ang kaliwang kamay niya, "walang wedding ring nor engagement ring, so girlfriend ko siya," aniya.

"Ahh, anong pangalan niya?"

"She's Karen. Actually, he's my first girlfriend when I was in Grade six, ang galing nga kasi nagkita kami ulit," nakangiting aniya at napatingin naman ako sa malayo.

"You're meant to be then," sabi ko.

"Kayo rin naman. First love really doesn't die," aniya at hindi ko magawang ngumiti. Sh*t!

After staying there for almost three hours ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Umuwi naman ako na masaya na parang hindi.

Tsk, tigilan ko na nga ito. Dapat masaya lang ako, masaya, masaya, at masaya. Ilagay mo iyan sa utak mo, Ara!

"Oh, where did you come from? Mukhang masaya ka yata, ha," iyan agad ang pambungad sa akin ni Kuya Aaren na kasalukuyang nandirito sa may living area. Himala yata at wala siya sa ospital ngayon. Mukhang nagbago na ang schedule niya.

"Just somewhere," sagot ko at naupo na rin ako sa sofa. "Bakit?" takang tanong ko nang tinitigan niya ako bigla.

"Wala, it's just. . .ngayon ko lang napagtanto na hindi ka na nga bata," aniya kaya mahina akong natawa. "Dati if I'll ask you kung saan ka galing napapakwento ka agad with matching actions pa, but now, napapagod ka nang magkwento, 'di ba?"

Gosh! Kuya Aaren doesn't sound like his hitting my conscience, pero ganoon iyong naramdaman ko!

"I understand, Ara, kasi dumaan din ako sa stage na 'yan. But, I just hope that you won't ever forget that when it comes to your problems, we're always willing to listen to you."

Tumabi ako kay Kuya Aaren at saka ko siya niyakap.

"And also, don't forget that I love you so much."

"I love you, too, Bro, always and forever. Kayo kaya ni Kuya Arnold pati na rin si Daddy ang mga lalaking una kong minahal at kahit kailan ay hindi 'yon magbabago," puno ng sinsiredad kong sabi.

From now on, kapag may gusto akong sabihin o i-confess, ay dapat sila ang unang makakaalam.

I may have leveled up my maturity, but I should never forget the mischievous Ara Cee Concepcion.

CHARLES'S POV

Napakunot ang noo ko nang makita ang dalawa sa mismong labas ng gate. Nakaupo silang dalawa sa isang plastic chair. Ipinarada ko na lang sa labas ang sasakyan at saka ako bumaba.

"Why are you here?" takang tanong ko.

"We're waiting for you, Dad," sagot naman ni Ynna.

"At dito talaga sa labas ng gate?" tumango naman sila agad, "hindi naman kayo masyadong excited na makita ako," pagbibiro ko pa, pero hindi man lang sila natawa o ngumiti o kahit pilit na tawa man lang. Tss! 

"So, kamusta?" tanong ni Karen at ngumiti naman ako. Sa iba pala sila excited at hindi sa pagdating ko.

"We're now good," sagot ko naman at saka lang sila napangiti nang todo. "Actually, we're friends—"

"WHAT?!" gulat talagang tanong ni Karen while Ynna's still smiling. "Ibig sabihin ay kontento na talaga siya sa Marcus na 'yon? Mahal niya talaga 'yon? Hindi man lang ba bumalik ang nararamdaman niya para sa'yo?"

"OMG! Relax, Tita Karen," natatawang sabi pa ni Ynna at ako naman ay napailing na lang. Ever since nalaman ni Karen ang istorya namin ay gustong-gusto niya na na maging kami ni Ara hanggang dulo, but sad to say, it no longer will happen.

"Karen, being friend with her is more than enough kaysa sabihin niya sa akin na kalimutan na namin ang isa't isa," sabi ko.

"Daddy's right."

"Oo na. So, paano na? Wala na talaga?"

"Yah," papasok na sana ako sa loob, but I forgot something, "by the way, Karen, I told her na girlfriend kita," sabi ko.

"ANO?! SIRAULO KA BA?!"

"Huwag kang choosy!" sigaw ko. Akala mo naman ay may magagalit sa ginawa ko.

"BAWIIN MO 'YON, CHARLES! MAY PUMUPORMA SA AKIN!" muling sigaw niya at tumango-tango lang ako.

"Every romantic relationship starts from being friends," bulong pa ni Ynna.

"Ano 'yon, anak?" tanong ko, pero nakangiti lang siyang umiling. Ang weird. "Pumasok na rin kayo," sabi ko at iniwan ko na sila roon na mukhang may kung ano pang pinag-uusapan.

Girls. . .iyan talaga iyong special talent nila, hindi sila nauubusan ng pag-uusapan.