Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 40 - SSTGB 39 : MINE AGAIN

Chapter 40 - SSTGB 39 : MINE AGAIN

CHARLES'S POV

Three days ago, I was awakened with the noise coming from my phone. Damn! It's still too early! Who the hell would call you at around 2 AM? Tsk!

"Hello?" I tried to calm myself down lalo na at unregistered number ang tumatawag.

"Charles," o—kay, it's my Mom!

"B-Bakit ka tumawag?" kinakabahan kong tanong.

"You no longer need to hide your daughter," aniya dahilan para agad na kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang pinaplano niya?! "You go back here to California and marry my best friend's daughter—"

"Ha? What?! Have you gone insane, Mom? First, you ruined my business! Second, you took Chandra away from me! And now, you want me to what? Marry your best friend's daughter? Sh*t that fix marriage, Mom! You're out of trend!!" galit ko talagang sabi. Grabe, wala na siyang ibang nakita kung hindi ako at wala na siyang ibang ginawa kung hindi paglaruan ang buhay ko! She's not my mother anymore!

"My decision is fixed, you go back here and stop chasing that Ara Cee Concepcion! She has a boyfriend, so quit fooling yourself!"

"YOU ARE THE REASON WHY I LOST HER MOM!! AT AYOKONG IKAW NA NAMAN ANG MAGIGING DAHILAN KUNG BAKIT MAWAWALA SIYA ULIT SA'KIN!"

"You're so desperate, Charles, accept it, she can never be yours! Kaya pakasalan mo si Luiza dahil hindi lang 'to para sa kompanya ko, kun'di para rin sa business mo—"

"Sh*t that businesses, Mom! Sh*t that nonsense reason why I need to marry a stranger! Just sh*t! I don't care if I need to hide my daughter forever, I can still find a way for her to live normally with freedom! Alisin mo na lang 'yong apelyido kong Fuentes, makakaya ko pa, but to marry a random stranger? Hindi ko kaya!" nakakainis! Kailan pa siya naging si Kupido?! 

"Respect me, Charles! Obey me dahil Nanay mo 'ko—"

"Four years ago. . .hindi ka na naging Nanay sa'kin," alam kong natamaan siya lalo na at natahimik sa kabilang linya. "Please leave me alone and mind your beloved business! I'll never marry anyone unless she's named Ara Cee Concepcion," tinapos ko na ang tawag at muli akong humiga. Sumakit talaga ang ulo ko! Kahit kailan ay hindi ko inisip na mag-aaway kami ni Mommy ng ganitong oras!

***

"Hoy!" tinabihan ako ni Karen at inilapag niya sa mesa ang tinempla niyang kape para sa akin. "Ang aga-aga pa, tapos ang lalim na ng iniisip mo," usal na naman niya.

Bumuntong-hininga ako. "Balak ko na sanang tapusin ang away namin ni Mommy, kaya lang paano ko aayusin kung dumagdag pa 'yang sh*t fixed marriage niya," inis kong sabi.

"Sino nang uunahin mo?"

"Si Ara pa rin. Siya 'yong rason kung ba't nandito ako."

"Oh, eh ano pang ginagawa mo? Akala ko ba kakausapin mo siya?"

Oh, oo nga pala!

"Sige, magbibihis muna ako," umakyat muna ako saka ako nagbihis. Kinakabahan pa rin ako kahit ang sabi ni Jervin ay ipinaglalaban ako ni Ara, pero paano kung ngayon nagbago na ang isip niya, hindi ba?

Oh, sh*t! Sige, puro negative pa, Charles! Wala kang patutunguhan niyan!

"Karen, si Ynna tanungin mo siya kung sa'n niya gustong kumain, susunod ako ro'n," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya agad. Dumiretso na rin ako kina Ara at mas lalo akong kinabahan nang makarating ako sa bahay nila.

Paano kung galit pala sa akin ang pamilya niya for ghosting Ara?!

Sh*t! Puro negative ang laman ng isip ko!!

I'm about to hit the doorbell button, pero may nauna ng nagbukas ng gate. "Sino ka?" tanong pa ni Aaren.

"Charles, Charles Fuentes," sagot ko at gulat na gulat naman siya! Talagang tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa nang paulit-ulit!

"MOM!" tinawag niya si Tita Ana at agad naman itong tumakbo papalapit sa amin at mukhang aalis din siya. "It's Charles, Mom!" aniya.

"H-Hello po," binati ko naman siya na nakakunot pa rin ang noo.

"Oh, my God! Ang gwapo-gwapo mo na!" hinaplos pa ni Tita ang braso ko, "may biceps ka na, eh dati singpayat mo lang si Ara! Oh, my!" napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Tita. "Bakit ngayon ka lang bumisita?" tanong niya.

"Ah, n-natatakot po kasi ako eh, baka galit po kayo sa'kin dahil bigla nalamang po akong naglaho."

"Naku! Ipinaliwanag na sa amin ni Ara," sabi naman ni Tita. Naikwento na yata ni Ara sa kanila na nakabalik na ako. "At mukhang hindi maganda ang nangyayari sa inyo," aniya.

Napangiti ako. Open pa rin talaga ang pamilya nila sa isa't isa, nothing changes.

"Pumasok ka muna, roon tayo sa loob mag-usap," tumango naman ako agad at pumasok na nga kami sa loob. Naantala ko pa yata ang lakad nila.

Pagpasok namin ay nandoon naman sina Tito Ced at Arnold, at katulad din kina Tita Ana at Aaren, eh nagulat din sila nang makita ako.

"Nag-usap na ba kayo ni Ara?" tanong ni Tito Ced.

"Ah, pumunta ho ako ngayon para sana makausap siya," sabi ko.

"Naku, kasama niya si Marcus magdamag," nagulat talaga ako sa sinabi ni Tita! M-Magdamag? Baka. . .nevermind! Sh*t! Ayokong mag-isip ng masama.

"Huwag kang magselos, hijo, may inaayos lang si Ara kaya gusto niyang makasama nang magdamag si Marcus," sabi naman ni Tito Ced. Inaayos? Ah, their relationship? Okay.

"Mahal ka pa rin ni Ara, eh ikaw?" tanong naman ni Aaren.

"Hindi ako haharap sa inyo ngayon kung hindi ko siya mahal," sagot ko at napangiti naman silang lahat. Ang weird!

"Haynaku! Bakit ko ba ipinanganak si Ara nang maganda?! Mukhang may papaiyakin si Ara, naku!" sabi ni Tita Ana at natawa ako sa kaniya.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin. Ginisa nila ako and I really find it so weird nang tinanong ako ni Tita Ana kung papipiliin daw ba ako anong gusto kong theme para sa kasal ni Ara. Grabe, hindi ako nakasagot, bukod sa hindi naman ako wedding planner, eh bakit kinakailangang itanong iyon sa akin? So weird, indeed!

Ilang sandali lang ay may nag doorbell. Si Arnold na ang lumabas at nagpatuloy naman kami sa pag-uusap habang hinihintay si Ara.

"Charles," nilingon ko si Arnold nang tawagin niya ako. "Marcus is outside, he wants to talk to you," aniya at kahit nagtataka ako ay napagpasyahan kong puntahan na lang siya.

"Marcus," sabi ko at nakangiti niya naman akong binati.

"Hinahanap ka na ni Ara by now, baka nga nasa airport na 'yon," aniya at naguluhan ako agad. "Sinabi ko sa kaniyang aalis ka tapos bigla na siyang tumakbo, hindi ko man lang nasabi na hindi pa ngayon, kaya lang mukhang kinabahan siya nang malaman niyang aalis ka—"

"Sandali, ano bang pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

"We broke up, she chose you," nakangiting sagot niya, pero alam kong hindi talaga siya masaya. Who would be happy if you're broken-hearted? Tsk!

"Marcus, I'm sorry," nakayuko kong sabi.

"No need, Charles, siguro hindi talaga kami ang itinadhana," aniya at napayuko na lang ako ulit. "Mukhang kayo talaga, congrats!" ah! Nakukuha niya pang magbiro! "At para naman maging worthy 'yong sakripisyong ginawa ko, please make her happy, always! Give her your attention and time, mga bagay na sa umpisa ko lang ginawa, pero kalaunan nakalimutan ko na. And please, don't leave her once more ang sakit makitang nasasaktan si Ara."

"Rest assured, Marcus. I'll never commit the same mistake again," sabi ko. Ipinaglaban nga ni Ara ang pagmamahal niya para sa akin. So, to my Mom, I'm sorry, but I'll also do what Ara has done.

Niyakap namin ni Marcus ang isa't isa. Hindi man ito ibig sabihin na okay na kami at magkaibigan na ulit, but this hug is the first step to get back our lost friendship.

"Sundan mo na, she's probably on her way to the airport," sabi ni Marcus at nakangiti naman akong tumango.

Mabuti na lang at hindi traffic ngayon! Nakiki-ayon talaga ang tadhana.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay nakatanggap ako ng mensahe kay Ynna at ang sabi niya ay nakita niya si Ara sa Miraculous Resto Bar. Mabuti na lang at madadaanan ko pa ang resto na iyon.

"Dad!" good thing she answered my call immediately.

"Nandiyan pa rin ba siya?" tanong ko.

"Yes, Dad! Drive fast!" halatang excited si Ynna kaya hindi ko napigilang mapangiti.

After minutes ay nakarating na rin ako. Ang daming tao! Paano ko mahahanap sina Ynna rito? Lalo na si Ara—wait, isn't she that woman in the stage? Kakanta siya?

Nasa likuran kasi ako at medyo may kalayuan talaga rito ang stage, but I am certain it's her! Naupo ako sa isang upuan at pinanuod ko lang siya. Ganito niya pala ako hanapin, ha.

"Ah—" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang magpalakpakan ang mga tao.

Oh, I'll just go with the flow. Let's make this day memorable.

"Ang tagal naman kumanta," nagkunwari akong naiinip na at agad niya naman akong hinanap, pero mukhang nahihirapan siyang makita ako dahil bukod sa nasa likuran ako, eh ang dami talagang tao. "Pa-request sana, Miss, 'yong. . ." tumayo ako at mariin siyang tinitigan, ". . .can't take my eyes off of you," sabi ko at pareho na kami ngayong nakangiti sa isa't isa.

"Sure, Sir," nakangiti pa ring aniya. Sinenyasan niya ang banda at agad naman silang tumugtog.

🎶

You're just too good to be true

I can't take my eyes off you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much

🎶

Her singing voice doesn't change a bit! Ayan pa rin iyong feeling na ma-i-in love ka talaga upon hearing Ara sings.

Eee

🎶

At long last love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off you

🎶

I really can't take my eyes off of you, Ara, and never will I take it off. My eyes are just for you, to look at you and to tell you every day that you're drop-dead gorgeous!

🎶

Pardon the way that I stare

There's nothing else to compare

The sight of you leaves me weak

There are no words left to speak

🎶

Indeed my feel whenever I am looking at her. This is why I love this song since I discovered I love Ara Cee Concepcion.

🎶

But if you feel like I feel

Please let me know that is real

You're just too good to be true

I can't take my eyes off you

🎶

Lumapit na ako sa kaniya at ang mga taong nanunuod sa amin ay mas lalong pumalakpak at ang laki na ng mga ngiti nila, but mine is the biggest and the sweetest among all.

🎶

I love you baby

And if it's quite all right

I need you baby

To warm the lonely nights

I love you baby

Trust in me when I say

Oh pretty baby

Don't bring me down I pray

Oh pretty baby

Now that I've found you stay

Oh pretty baby

Trust in me when I say

🎶

Natapos na ang kanta at nakangiti akong nilingon ni Ara. "Trust in me when I say. . .I love you, Baby, " pakantang aniya at agad niya akong niyakap nang mahigpit. "AKALA KO UMALIS KA NA! AKALA KO IIWAN MO NA NAMAN AKO! NAKAKAINIS KA!" parang bata sabi niya. Hindi na rin namin ininda ang napakaraming matang nakatingin sa amin.

"Makakaya ko ba?" tanong ko at umiling naman siya. Confident! "Now that you've found me, I stay," kinanta ko rin iyan. Magpapatalo ba ako. "Huwag ka ngang umiyak," iniharap ko siya sa akin at pinahiran ko ang luha niya. 

"Charles, don't go!" she's begging, sh*t!

Bahaya kong hinaplos ang mukha niya. "Sino bang maysabing aalis ako ngayon na, ha?" tanong ko.

"Si Marcus—oo nga, hindi niya sinabing ngayon."

No one can resist Ara's cuteness kaya bahagya kong kinurot ang ilong niya, pero hindi naman masakit. I can't dare to hurt her again!

"Pero, akala ko ba hindi ka na aalis?"

"Let's talk about that later. For now, tayo muna."

Nakangiti naman siyang tumango. "Juding! Na-miss kita!" sigaw niya at muli niya na naman akong niyakap and I heard people gasp and some started to ask, 'bakla 'yan?' HAHAHAHA!

"I missed you more, Kilatra," sagot ko kaya mas lalo silang nag-ingay. Grabe ang mga audience namin, alive na alive!

"Ay, teka, paano si Karen? Kasi ako, wala na kami ni Marcus. Ginawa ko na 'yong dapat kong gawin, ikaw naman ngayon," nakayukong sabi niya.

"Karen is my friend," inangat niya ang paningin niya at nakakunot na ang noo niya ngayon. "I'm sorry for lying, pero hindi talaga kami," sabi ko.

"Wow! Napaniwala ni'yo ko, ha," hindi ko alam kung galit ba siya o hindi, eh.

"That's why I'm sorry."

"Okay lang. So, we're both free, ano na?" bahagya niya pang binunggo ang braso ko with her eyes look so playful!

I kneel down and hold her hand that makes her eyes turned bigger. "Ara Cee Concepion—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumingit siya bigla at sinabi niyang, "yes, I'll marry you!" natawa na lang ako at mas lalo namang umingay ang resto.

"Can't I experience courting you first, be your boyfriend, before I'll be your husband?" tanong ko at napasimangot naman siya. "You don't have to worry, Kilatra, I'll cut my something down there if I won't marry you," sabi ko dahilan ng pagtawa niya nang sobrang lakas! "Oy, seryoso ako, ha," dagdag ko pa at tumango naman siya habang natatawa pa rin.

"Sige na, sige na. Ligawan mo muna ako," aniya at ako naman ang tumango, then I hug her once more.

Nagpalakpakan naman ulit sila. Grabe, ang daming saksi na sinabi ko iyon kaya kapag hindi ko talaga pinakasalan si Ara ay mangyayari talaga iyong sinabi ko.