Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 42 - SSTGB 41 : GAME OVER

Chapter 42 - SSTGB 41 : GAME OVER

I'm still hesitating to call her! Gustong-gusto ko ng gawin, pero nag-aalala ako para sa sarili ko kung ano ang una kong sasabihin. Tsk, bahala na nga! 

Kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko at hinanap ang numerong ibinigay sa akin ni Chandra. Oo, kagabi ay nakatanggap ako ng email kay Chandra at nangangamusta siya. Nag-usap pa kami saka ko napagpasyahang hingiin ang cellphone number ng Mommy nila. 

Sobrang kinabahan talaga ako nang mag-ring na ito at mas lalo akong kinabahan nang sumagot na si Tita Cherry! 

"Hello, who's this?" tanong niya. 

Huminga ako nang malalim saka ko sinabing, "Si Ara po ito," natahimik siya habang ako ay patuloy pa rin ang kaba. 

"So, bakit ka tumawag, Ara?" mahinahon pa naman ang boses niya, pero natatakot na ako. Tsk! But, I need to set aside my cowardliness, dapat matulungan ko si Charles sa problema niya. 

"Alam ko pong alam ni'yo na kung bakit ako tumatawag," sagot ko at mahina siyang natawa. 

"Sandali, kayo na ba ni Charles?" 

Ako naman ang natahimik ngayon. Hindi ko naman inaakalang interesado pala siya sa kung ano kami ni Charles. "Opo," sagot ko after a second of silence. 

"Ah, so you broke up with Marcus for my son? What's with Charles that Marcus doesn't have, Ara?"

Wow, updated naman pala si Tita.

"I don't need to compare them, they're both unique in their own way. Pero pinili ko po si Charles dahil mahal ko po siya. And this is why I am calling you, Tita Cherry, gusto ko pong sabihin sa'yo na itigil ni'yo na 'yong fixed marriage ni Charles kasi kahit anong gawin ni'yo ay hindi po siya papayag—" napatigil ako nang muli siyang matawa. 

"Didn't you know that Charles told me to stop interfering in his life? Pumayag na ako, Ara, and what is his condition? We'll finally cut our ties. I'm no longer his Mom and he's not my son anymore. We're now totally a stranger!" rinig na rinig ko kung gaano kaseryoso si Tita, pero talagang pumayag siya sa kondisyon ni Charles, ibang klase! 

"Tita, hindi po dahil sinabi 'yon ni Charles ay gagawin ni'yo na. Nasabi niya lang 'yon dahil pagod na pagod na po siya at nasasaktan na po siya sa ginagawa ni'yo," bahagya akong tumigil at ako naman ngayon ang mahinang natawa. "Grabe, Tita, hindi ako makapaniwala na may isang Nanay na katulad mo. I'm sorry to tell you this po, I am so glad that you ain't my Mom. Hindi ko po maintindihan kung bakit naaatim ni'yong makitang napapagod at nasasaktan na ang anak ni'yo. Hindi po ba kayo naaawa sa kaniya? Ilang taon na po siyang nasasaktan! Mahal na mahal ka po niya, Tita, sana gano'n din po kayo."

"Mahal ko ang mga anak ko, Ara! Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila! Kailangan kong alagaan ang kompanya namin dahil para 'to sa kinabukasan nila! If Charles will stay by my side and follows me he'll have a brighter future than he had imagined!"

Sorry, pero grabe talaga ang tawa ko dahil sa mga sinabi ni Tita. 

"Tita, to tell you honestly, you ain't doing that for your children, but you're doing it for yourself. You've been a perfect daughter to your parents and failing to remain your company on the top list will be a big disappointment for them. But haven't you thought of this for a second, Tita? You had never failed to amaze your parents, but you've been failing as a mother and as a wife." 

"Stop there, Young Lady," pagbabanta niya pa.

Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. "Tita, isipin ni'yo naman na may sarili ng isip ang mga anak mo, may sarili na silang buhay—"

"Tumigil ka na sabi!" 

"Don't end the call and just listen to me, Tita, walang mawawala sa'yo!" medyo naiinis na rin ako, ha. Ayoko pa naman iyong hindi ako pinapatapos sa gusto kong sabihin. 

"Go on, waste your time for this." 

"Okay," napangiti na lamang ako. Grabe, ang maldita naman ng future Mommy ko. Tsk! Kailangan na nitong magbago. "Tita, makinig ka, suportahan mo ang mga anak mo sa kung ano ang gusto nila at saka ka lang pumagitna kapag alam mong nawawala na sila sa tamang landas. But I've known Charles and Chandra, they'll never go to the wrong path. Alam nila ang tama at mali," bahagya akong tumigil at hinugot ang buo kong lakas para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. "And one more thing, you don't have to worry about their future, Charles has a successful business and Chandra is now looking for a job. Pareho po silang hardworking kaya hindi ni'yo na po kinakailangang magpakahirap sa trabaho ni'yo o kahit ipakasal ang anak ni'yo sa isang mayaman." 

Kapag ginawa niya talaga iyan ay itatanan ko na lang si Charles. I'm dead serious. 

"Tita, my Mom once told me that all parents will also be in pain if they hurt their children kaya hindi kakayanin ng mga magulang mo that you'll face downfall because of them. Tita, free yourself from your thought that you'll be a disappointment to your parents if you fail because it ain't true. Your life won't be interesting if you will never face failure even once."

No one's perfect, all of us commit a mistake, make failures, but the important is we will never get beaten with this. Learn to stand up if you fall. God has given you two feet for nothing. 

"I don't want you to be regretful in the end, Tita, kaya habang mas maaga pa ayosin mo na 'yong dapat matagal ng naayos," nakahinga talaga ako nang maluwag matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Sana naman ay lumambot ang puso ni Tita at maintindihan niya ang mga sinabi ko. 

"I'll end the call. Bye," aniya matapos ang ilang segundong pananahimik. 

Humiga ako sa kama ko at saka ako napangiti. I feel so satisfied! Hindi ko man alam kung ano iyong nararamdaman ni Tita dahil sa mga sinabi ko, pero masarap pa rin sa pakiramdam na ang dami kong magagandang nasabi. 

CHARLES'S POV

I've been calling Ara, but she ain't answering. I'm certain, it's still 7 PM in the Philippines, nakakapanibago naman kung natutulog na siya ng ganitong oras. 

Natinag ako nang makatanggap ako ng message galing kag Aaren at aniya natutulog na raw si Ara. Sobra yata siyang napagod ngayon. Makukulit kasi ang mga estudyante niya, eh. I really need to go back, para naman madamayan ko si Ara at matanggal ang pagod niya. 

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag i-impake ng mga gamit ko. Uuwi na ako bukas dahil kahit magtagal pa ako rito ay wala naman akong mapapala. 

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-i-impake nang may nag doorbell. I was expecting for Chandra, pero nagulat ako nang makita ko si Mommy. 

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. 

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" aaminin kong nadalawang-isip pa ako saka ko napagpasyahang papasukin siya. 

Magkaharap kami ngayon at ilang minuto na ang lumipas, pero hindi niya pa rin sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit nandito siya. 

Magtatanong na sana ako, pero nauna na siyang magsalita. "Kailan ka aalis?" tanong niya. 

"Bukas at isasama ko si Chandra, and you can't stop me," sagot ko at nakangiti naman siyang tumango. Sh*t! Her smile is genuine! It's been a long year since the last time I saw my Mom smiled genuinely! 

"Alright, she needs a vacation, please take care of her," aniya. 

"Did you just come here to ask about it?" nararamdaman ko kasing may iba pang dahilan kung bakit siya nandito. 

"Charles. . ." napayuko siya bigla na agad ko namang ipinagtaka, ". . .I know I've never been a good mother to you and Chandra. I know I've made a lot of mistakes. I-I deserve to be left behind. Sige, palalayain ko na kayong dalawa ni Chandra. I'm not gonna interfere in your life again, I'll let you live without having a nightmare because of me," hindi ako makapaniwalang umiiyak sa harapan ko ngayon si Mommy! Bawat hikbi niya ay pakiramdam ko nababasag ang puso ko! 

"B-Bakit mo 'to sinasabi ngayon?" tanong ko.

"I apologize for I have just realized my mistakes, Charles. I'm sorry for everything," pinahiran niya ang luha niya at saka bigla na lamang siyang umalis. 

"Mom!" syempre, hinabol ko siya agad. "Aalis ka na lang without hearing nothing from me?" tanong ko at hindi naman siya sumagot. "Mom, I am also ain't a perfect son, we're even," pinipigilan ko ang sarili kong maluha, pero mukhang mahirap. "Hindi po 'ko galit sa'yo, sadyang napapagod na po ako kaya hindi na po magaganda ang nasabi ko sa'yo, but, Mom, I just want to tell you that I've been asking God to forgive you for all those unrealized mistakes you've done. And if God has forgiven you, then I've also done forgiving you. Makakaya ko bang magtanim ng galit sa sarili kong Nanay?" tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang yakapin niya ako. Ramdam na ramdam ko kung gaano siyang nagsisisi sa lahat ng ginawa niya, pero mas ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. 

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin at saka niya hinaplos ang mukha ko. "I want you to always remember that I love you so much, my child. Kahit ilang beses akong nagkamali sa'yo, kahit ilang beses kitang nasaktan, gusto ko lang malaman mo na hindi nawala sa isip ko na anak kita at mahal kita," puno ng sinseridad niyang sabi. 

"Mahal din kita, Mom, kaya nga ginagawa ko ang lahat para ilayo ka sa mga mali mong nagawa. But, let's forget about it. Ang mahalaga ngayon ay nakikita ko na ang tunay mong ngiti," aside from Ara and Chandra, my Mom has the sweetest smile in the world. 

"Charles, if it's not because of Ara I'll never realize that I am becoming a monster to my own children," aniya at napakunot naman agad ang noo ko. 

"Nagkausap kayo ni Ara? P-Paano?" takang tanong ko. 

"She called me earlier, she made me realized all my wrongdoings and she made me remember that all parents should love and support their children. Doon ko napagtanto, Charles, kung bakit hinabol mo si Ara, kung bakit mahal na mahal mo siya. A rare woman is very hard to found, good thing you've met one, huwag na huwag mo siyang iwan, Charles." 

Hindi ko napigilang mapangiti. Mom just saw Ara's real beauty and why she should be loved by everyone. 

"Bago kayo umalis si Chandra, daanan ni'yo muna kami ng Daddy ni'yo sa bahay," aniya. Muli niya pa akong niyakap at saka siya tuluyang umalis nang nakangiti. 

Pagbalik ko sa bahay ko ay muli kong sinubukang tawagan si Ara, good thing she answered my call immediately. 

"Charles, ang dami mong missed calls, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya. 

"Ara, thank you," I uttered with sincerity. 

"Ha?"

"Kinausap mo si Mommy, you gave her so many realizations."

"Sandali, okay na kayo?"

"Yes, all thanks to you."

"OMG! SOBRANG SAYA KO, JUDING!" bahagya akong natawa dahil napasigaw talaga siya. Ramdam na ramdam ko iyong kasiyahan niya. "Hindi ko inaakalang makokonsensya ko siya. Joke!" aha, I am now wondering kung paano niyang kinausap si Mommy. 

"Pinagalitan mo ba si Mommy?"

"Hindi ah! Mahinahon ko lang siyang kinausap."

"Ikaw lang pala 'yong susi sa hindi matapos-tapos naming away. Masyado mo naman akong pinapahanga, Kilatra, gusto mo yatang mahalin kita nang sobra, ha."

"At bakit? Hindi mo pa ba ako mahal nang sobra, ha?!" inis niya talagang tanong kaya hindi ko napigilang matawa. "Kung nandito ka lang baka kanina pa kita nasipa, Charles," dagdag pa niya. 

"Kaya mo ba?"

"Umuwi ka ngayon na at gagawin ko 'yon agad-agad."

"Grabe, ang seryoso! 'Di na mabiro."

"Tss. Bawiin ko kaya 'yong mga sinabi ko sa Mommy mo."

"Sige lang, pwede naman akong hindi umuwi—" 

"Sige, subukan mo! Pupunta akong California at susunugin ko ang bahay mo!" 

HAHAHAHA! If you're just hearing how Ara screams with anger ay mas ma-i-in love ka talaga. Everything she does is really so cute. 

"Uuwi ako, a promise is a promise," sabi ko. 

"Uwi ka na ngayon na, masyado ka namang nagpapa-miss," aniya. Hearing how she really missed me sounded so good and at the same time, it makes me really wanna go back to the Philippines now. 

"Bukas na ako uuwi, hintayin mo 'ko." 

"Hmm, excited na akong makita ka." 

We've talked for an hour. Kapagka si Kilatra talaga ang kausap ko ay hindi kami nawawalan ng mapag-uusapan. Minsan nga ay umaabot na kami sa pangrarant ng mga taong hindi namin gusto. Tsk, we're so bad.