ARA'S POV
Hindi naman kami masyadong excited dahil isang oras na kaming nandito sa airport para salubungin si Charles. Kasama ko ngayon sina Ynna at Karen. Gusto sanang sumama ni Anikka, kaya lang ay may pasok siya at ganoon din si Clara, may training siya ngayon, pero nandito naman si Jervin. Siya iyong ginawa kong drayber ngayon dahil siya lang ang tinawagan kong hindi busy. Mayroon naman kaming sasakyan, pero ayokong matuto, nakakapagod.
Mukhang dalawang oras yata talaga kaming naghintay at sa wakas ay nakikita ko na ang kinabukasan ko—charot! Pero, sino iyang babaeng kasama niya?!
"Oh, it's Tita Chandra!" excited pang sabi ni Ynna, pero ano raw? Chandra? Ang seksing babaeng iyan at sobrang yayamanin ang itsura ay si Chandra? Hello, joke? Mataba iyong best friend kong si Chandra. "Tita Chandra!" muling sigaw ni Ynna at kumaway naman iyong tinawag niyang Chandra! Sh*t, siya nga!
Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad akong tumakbo at niyakap siya. "Chandra!" maluha-luha kong sabi.
"Arabells!" aniya kaya tuluyan na akong umiyak. Sh*t naman oh, namiss ko talaga siya!
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Ba't may curve ka na? Dapat pala matagal ka ng pumunta ng California, roon ka lang pala seseksi," pagbibiro ko pa.
"Kung hindi lang ako na-stress sa California, Arabells, ay hindi ako magiging ganito," aniya at nalungkot naman ako. Alam ko na kasi ang pinagdaanan niya roon.
Pero grabe talaga! Kung titingnan mo talaga si Chandra ay hindi mo siya makikilala agad! Lumamang na siya ng point five na paligo sa akin. Tsk!
"So, dahil nandito ka na sa Pinas at 'di ka na maiistress, tataba ka na ulit?" tanong ko.
"Hindi na! Hindi ko na kilala ang kusina."
"Eh, paano ang pagkain, ha?"
"Kilala, pero hindi na kami masyadong close."
Pareho lang kaming natawa. Mami-miss ko iyong matabang Chandra, pero mas gusto ko naman itong Chandra na sexy at halatang heathy.
Natinag ako nang may biglang tumikhim. "Paano ako?" tanong niya while he's spreading his arms.
"Who you?" tanong ko sa kaniya at saka ko hinila si Chandra papalapit kina Ynna, Karen, at Jervin. Tss, akala siguro ng Juding na iyon ay nakalimutan ko na ang pang-o-okray niya sa akin kagabi, tsaka sinabihan niya pa akong pumapanget na ako!Nagpadala kasi ako ng litrato ko at sinabi kong stress na stress na ako sa makukulit kong estudyante, tapos sinabihan niya akong pumapanget na ako! Nakakainis talaga!!
"Oh, ikaw ba 'yan, Jervin?" tanong pa ni Chandra at para namang nahihiyang tumango si Jervin. Hindi ko alam kung coincidence lang ba ito o talagang nakatadhana na gawin kong drayber si Jervin para sila ang unang magkita ni Chandra. Yiieee!
"Let's go home," sabi ni Charles at nang magkatinginan kami ay agad ko siyang sinamaan ng tingin at natawa lang siya.
Gusto ko sanang tabi kami ni Chandra sa sasakyan, pero nauna na siyang sumakay sa harapan kaya na no choice ako kung hindi tabihan si Charles na ang laki ng ngisi sa mukha, pero sa totoo lang, natutuwa ako ngayong nakita ko siya ulit after more than a week. Kita ninyo, one-week lang ang ang sinabi niya, pero bumalik siya after one-week and two days. Tss!
"Hoy," bahagya niya pang binangga ang braso ko. "Tungkol pa rin ba 'to kagabi?" tanong niya at hindi naman ako sumagot. "I was just joking, Kilatra," aniya, pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "Sige, babalik na lang ako sa California—"
"Sige, gawin mo, talagang wala ka ng babalikan dito—" ako naman ang napatigil sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. "Oy, ano ba, may nakakakita sa atin," sabi ko at narinig ko lang silang natawa.
"I don't care," parang batang aniya at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.
"Why are you in a quarrel?" tanong pa ni Ynna.
"Sinabihan niya akong pumapanget ako, Ynna," sagot ko naman.
"Oh, that was foul! Women hate it when their lover told them they're getting ugly," aniya at tumango naman ako agad.
"I was just joking," sabi naman ni Charles.
"It's not a funny joke, though," oh, ayan, umpisa na ang away mag-ama.
"Alright, I'm sorry," kumalas siya sa pagkakayap sa akin at seryoso na siya ngayong nakatingin lang sa daan. Ako naman ngayon ang napangisi.
I wrapped my arm in his arm as I lay my head in his shoulder. "I missed you," bulong ko at naramdaman ko namang hinalikan niya ang buhok ko. "Hindi pa ako nakakaligo," pagbibiro ko pa.
"You still smell so good," hindi niya na ako inokray at baka ma-who you ko na naman siya. Hahahaha! Instant trauma, kawawa naman ang Juding ko.
***
"Oh, asan na si Chandra?" tanong pa ni Anikka nang makarating kami sa bahay ni Charles. Sinabi ko sa kanilang kasama ni Charles na umuwi si Chandra kaya ayon iniwan ni Anikka ang klase niya at ang training naman ni Clara. Excited kasi talaga silang makita si Chandra kaya ichapwera muna ang iba.
"Here!" sagot naman ni Chandra. Nagkatinginan sina Anikka at Clara saka nila muling tiningnan si Chandra. "Parang mga sira! Ako nga 'to," muling usal niya at nagdalawang-isip naman ang dalawa na yakapin siya.
"Paanong pumayat ka?" takang tanong ni Clara at ipinaliwanag naman ni Chandra sa kanila kung bakit nga ang laki na ng pinagbago niya.
"Titas, you go inside first," sabi ni Ynna at ngayon lang namin namalayan na kaming apat na lang pala ang nandito.
Diyos ko! Walang katapusan ang usapan naming apat. Parang ipinakwento namin kay Chandra ang buong nangyari sa kaniya sa California for more than four years. Nalaman na lang namin na graduate pala siya ng Bachelor of Science in Accountancy kaya pala ang galing niya ng mag-ingles! Tapos, napag-usapan naman namin ang kay Clara at JD, at syempre, mawawala ba naman si Anikka. Ayon, napaamin din namin siya sa huli at ang sabi niya matagal na raw silang may something ni Kuya Aaren, pero hindi naman daw gumagawa ng first move si Kuya. Tsk, mahina!
Pero, hindi ako makapaniwala, ha. Ang mga tipo kasi ni Kuya ay mga babaeng mas matanda sa kaniya, mga above 26, pero nahulog lang siya sa isang 23 years old na babae. Ang lakas ng charisma ni Anikka,! Pero sabagay, magkakaintindihan talaga sila dahil pareho nilang gustong maging isang Doctor.
***
Mabilis na lumipas ang panahon and it's been a year that I and Charles are in a relationship, but it still feels like all our downfalls and success just happened yesterday. Everything moves very smoothly and everyone always looks happy, especially that we know we're always on each other's side in all our ups and downs.
And today, guess where are we?
Of course, we're in. . .
. . .VIGAN!
Finally, nasilayan ko na rin ang ganda mo! We will be staying here for a week with our family and of course, my best friends pati na nga rin sina JD at Jervin ay narito rin for Ynna's Twelfth Birthday. Dapat one day celebration lang, pero gusto kong masulit namin ang Vigan kaya naman sinabi kong one-week kami rito! Actually, gusto sanang sumama ni Marcus, but he can't cancel his business trip. Sa ngayon ay okay na okay na si Marcus, okay na kami, sila ni Charles, we're friends. At balita ko, he's getting closer with Blue, his former secretary who is now an actress. Grabe, ang ganda ng babaeng iyon!
Pero, hoooh! Excited na talaga akong libutin ang buong Vigan!
So, right after we're done checking-in sa Hotel Luna, we had our lunch together. Grabe, ang saya! Lalo na noong tinutukso na ng lahat si Anikka at si Kuya Aaren, isang taon na, pero wala pa rin silang progress, masyado pa raw kasi silang busy.
At ngayon, dahil pareho kami ni Charles na Vigan lover at kahit pareho na kaming pagod ay naisipan pa rin naming puntahan ang Plaza Salcedo.
Ang ganda rito! Ang ganda sa mata ng dancing fountain nila. Ang sarap maglagay ng ganito sa bahay!
Matapos ang ilang minuto ay naupo muna ako sa isang bench nang mapagod ako sa kakatayo. Hinihintay ko naman si Charles na may kung anong binili at nang makabalik siya ay may bitbit na siyang cotton candy.
"I haven't eaten this food for a long year," aniya sabay abot sa akin ng isa.
"Thank you," nakangiti kong sabi.
"Kilatra. . ."
"Hmm?"
". . .gusto mo bang dito tumira sa Vigan?" napatingin ako sa kaniya nang itanong niya iyan at napangiti na lamang ako bigla nang makitang seryoso siyang kumakain ng cotton candy. Kinuha ko iyong cellphone ko at kinunan ko siya ng litrato, at mukhang hindi niya iyon napansin.
"Gusto ko sana, pero ayokong malayo sa pamilya ko," sabi ko.
"Then, we can just have a vacation house here," aniya. Napangiti ulit ako, whenever we're talking about the future ay talagang kinikilig ako, especially when we're involved kasi pakiramdam ko sure na sure na talaga kami sa isa't isa, well totoo naman. "Ara, this may very random, pero bigla ko kasing naalala, eh."
"Ang alin?"
"Buhay pa rin ba 'yong brief ko?"
Sh*t! Hindi ko napigilang tumawa nang malakas!
"Oo, actually, I kept it," maluha-luha kong sabi dahil sa kakatawa.
"Akala ko tinapon mo na."
"Bakit ko naman gagawin 'yon? You treasured it so much kaya dapat gano'n din ang gawin ko."
"Have you ever regretted stealing my brief, Kilatra?"
"No. It's the best katangahan Ive ever made, Juding."
Remembering that day still amuses me. Napaka-memorable ng araw na iyon! Iyong tuwa ko nang makakita ng brief niya, grabe, hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
***
Time flies really so fast, it's now our last day here and it's finally Ynna's day. Pero kahit na mabilis lumipas ang araw ay alam kong nasulit talaga namin ang isang buong Linggo. We went to Calle Crisologo, iyong ambiance ng lugar na iyon ay para ka talagang ibinalik sa nakaraan, ang ganda! We also went to Baluarte Zoo, Vigan Cathedral or the St. Paul's Metropolitan Cathedral—how I wish I'll be having my wedding there, soon—we also experienced riding a calesa, it was very fun! We also visit the Syquia Mansion at napakarami pa ng lugar na pinuntahan namin.
And today, since Ynna loves to spend her day on a beach, we're now presently in Ursa Major Beach Resort. And again, this place is very beautiful! Ang linis ng tubig dagat at ang lambot sa paa ng mga buhangin. Feel na feel nga namin ni Charles ang paglalakad ng naka-paa, eh.
"Kahit pala polluted na ang Pinas ay meron pa ring pinagpalang mga lugar at fresh pa rin ang hangin, kagaya rito sa San Esteban," sabi ko na agad namang sinang-ayunan ni Charles.
Naupo siya may buhangin at ganoon din ang ginawa ko. Nakikita na namin sila ngayon and it's written on their face that they're enjoying the seawater. Kami lang pala ni Charles ang hindi pa ini-enjoy ang tubig dagat. Feel niya pa kasing maglakad-lakad muna kami, eh, pero ngayon ay pareho na kaming pagod.
"Ynna's growing too fast, natatakot na tuloy ako na tuluyan siyang magkamuwang sa mundo at itanong sa akin kung sino ang tunay niyang mga magulang," aniya na diretso lang ang tingin kay Ynna na ngayon ay ang laki ng ngiti na nakikipaglaro sa mga Kuya ko.
"You don't have to be scared, Charles, alam ko na kahit malaman ni Ynna kung sino 'yong totoo niyang mga magulang ay hindi ka niya iiwan," sabi ko at napangiti naman siya. Inaya ko na rin siyang maligo na at sumali sa laro nila para naman hindi na siya mag-isip pa ng ikakalungkot niya.
***
Kami na lang dalawa ni Charles ang naiwan sa tabi ng dagat at ang lahat ay tulog na. It's 10 PM already at pagod na talaga ang lahat dahil buong maghapon silang nakalublob sa dagat. Naglalakad lang kami ngayon ni Juding, enjoying the cold sea breeze and the sweet sound of the sea waves.
Hindi naman sa natatakot ako dahil kasama ko naman si Charles ngayon, pero bakit kaya kaming dalawa na lang ang naglalakad ngayon? Hindi ba uso rito ang magdamagang pananatili sa tabi ng dagat? Ang weird, ha.
"Oh!" hindi ko napigilang magulat nang may kung anong pumutok! Tsk, fireworks lang pala akala ko ano na. "Woah, ang ganda!" iyan lang ang bumakbibig ko habang nagpatuloy ang fireworks display.
Hala, ang ganda talaga lalo na ng sunod-sunod lumitaw ang mga korteng puso!
"Will?" tanong ko nang kasunod ng mga korteng pusong fireworks ay bigla na lamang mga salita na ang sumunod na nakita ko sa itaas. "You. . .Marry. . .ay, wala ng kasunod?" inosenteng tanong ko.
"Tsk, wala ng budget," nilingon ko si Charles nang marinig ko ang asar sa boses niya at nakakunot na ang noo niya ngayon.
"B-Bakit?"
"I was about to kneel down."
"Ha?"
"I was supposed to ask you the last word, Kilatra, but you've ruined my moment."
Ano bang pinagsasabi niya? Last word?
Wait. . .Will you marry. . .me? He was about to ask that 'me'?
"Sandali, is the fireworks display your idea, Charles?" tanong ko.
"Yes, and I was about to kneel down, but you've suddenly asked 'wala ng kasunod', napaayos tuloy ako ulit ng tayo," natawa na lang ako sa pagrereklamo niya.
"Ba't 'di mo kasi sinabi sa akin."
"It's a surprise, Kilatra."
"Okay, then you can just kneel down now and ask me to marry you."
"Nice suggestion," bigla na lamang siyang naglakad ulit kaya nakanguso akong sumunod. Ang bilis magtampo, eh. Ilang sandali lang din ay tumigil na siya at nilingon niya ako. Medyo may kalayuan siya sa akin, pero kitang-kita ko ang ngiti niya.
Tapos ay bigla na lamang umilaw ang paligid. Everyone is holding a sky lantern! Woah, ang ganda! Hindi ko nga namalayan na lumapit na pala sa akin si Charles.
"They're our loved ones," aniya at nagulat naman ako. Ang akala ko ay nananaginip na ang mga ito, eh. "In front of them. . ." napangiti ako agad when he finally kneeled down! This is it! ". . .will you marry me, Kilatra?" tanong niya. Bahagya pa akong napailing hearing that he's being nervous now.
Pero syempre, hindi na ako nagpakipot pa at baka magtampo na naman siya. "Of course, yes, Juding," sabi ko at pareho naman kaming hindi mapaglagyan ang kasiyahan. And when I finally wear the ring, they all release the sky lantern. And again, ang ganda sobra! Natinag lang ako nang magpalakpakan sila.
"Congrats, Arabells!" syempre, sino pa ba ang nagsabi niyan? My Angels!
They all congratulated us and they're also very happy for the both of us.
"Thank you, Ara," sabi niya nang mag-umpisa kaming maglakad pabalik na sa mga kwarto namin.
"For what?" tanong ko.
"For everything. For your existence, for coming into my life, and for being my soon-to-be wife, thank you. You don't know how blessed am I for having you, Ara," he really never failed to make me feel giddy, as always.
He placed his arms over my shoulder and I wrapped mine in his waist as we just continued walking. "I am also blessed having you, Charles," sabi ko. Inangat ko iyong kaliwa kong kamay at ang sarap lang sa mata makitang kumislap ang singsing na suot ko ngayon. The ring is simple, yet elegant. Maganda ang kulay, silver, I loved it, tapos may tatlong maliliit na diamond sa gitna. Super ganda!
"Sleep well, okay?" aniya nang makarating ako sa kwarto ko. Nag check-in muna kasi kami sa isang hotel dahil bukas pa kami uuwi.
"Ikaw rin," nakangiting sabi ko. Niyakap ko na rin siya ulit. Sa araw na ito ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang niyakap. "I love you, Charles," bulong ko sa kaniya. At sa araw ring ito ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinabi sa kaniyang mahal ko siya.
He let go from the hug and stares at me for a second. "I love you, too, Ara, always and until afterlife," nakangiting aniya.
And of course, we haven't missed the perfect time to share a very romantic kiss that lasted for—I don't know, the only thing I know is that we hardly can breathe as our lips parted.
"Matulog ka na," aniya.
"Ikaw rin. See you tomorrow," sabi ko at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.
I've known since then that I'll marry Charles, but I didn't know it will be this exciting. Unti-unti na ring natutupad ang pangarap ko para sa aming dalawa. Pero, ang una kong pangarap para sa amin ay ang. . .
Soon-to-be husband and wife. . .check!
- - - - - - THE END - - - - - -
I, Charles Fuentes, who was once named Charmagne Fuentes, the gay who fell in love with such a rare woman. . .
And I, Ara Cee Concepcion, the woman who stole the gay's brief just to experience genuine love. . .
. . .are now closing this chapter of our life with happiness and ready to open a new chapter as a married couple.
- - - - CHAPTER CLOSED - - - -