Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 41 - SSTGB 40 : CONFRONTATION

Chapter 41 - SSTGB 40 : CONFRONTATION

ARA'S POV

Narito kami sa kusina dahil tinutulungan namin si Mommy na magluto habang kinikiwento ko sa kanila ang nangyari kanina sa resto-bar at kung makahampas sila sa akin ay  wagas, mas kinikilig pa sila sa akin! Sa may living area naman ay naroon ang mga Kuya ko, si Daddy, at si Charles at mukhang ginigisa nila roon ang Juding.

"How about Marcus, Sweetie, is he okay?" tanong ni Mommy at mapakla akong ngumiti.

"He's not fine, Mom, pero sana mabilis siyang maging okay," sagot ko at nakangiting tumango sa akin si Mommy saka niya ibinalik ang atensyon sa pagluluto.

"Marcus is strong, he can conquer this," sabi naman ni Anikka na busy sa paghihiwa ng karne. Ang galing nga ni Anikka, eh, kahit mayaman pala siya ay marunong pa rin siyang magluto. Mayroon kasing iba na hindi talaga marunong eh, hindi ko naman sinasabing si Clara, pero parang ganoon na nga.

"Oy, pero kailan mo sasagutin si Charles?" tanong ni Clara na walang ibang ginawa kung hindi ang hawakan lang ang bitbit niyang kamatis. Pati pag-hiwa ay hindi niya alam! Diyos ko!

"Mamaya," nakangiti kong sagot.

"Ang bilis naman!" aniya.

"Syempre naman. Ang tagal kong pinangarap na maging kami tapos patatagalin ko pa. Tsaka, gusto ko lang naman na ma-experience niya kung paano manligaw, eh nag-umpisa na siya ngayon kaya sasagutin ko na siya mamaya," pagpapaliwanag ko pa at para naman silang hindi makapaniwala sa sinabi ko, si Mommy naman ay humahagikgik. Hala!

"Sabagay, ba't ni'yo pa patatagalin kung mahal ni'yo naman ang isa't isa," sabi ni Anikka. Matalino talaga ito, alam niya talaga ang tunay na rason, eh.

"Bakit 'di na lang kayo ni Marcus, Nikks?" sabi pa ni Clara kaya ayan, natarayan siya agad ni Anikka.

"Ano ako? Rebound? Pang-rebound ba ang itsura ko, Clara?" asar niyang tanong. Natahimik na lang si Clara dahil wrong move talaga siya. "I'm waiting for someone," aniya.

"Oh, no! Si Greg?"

"Sira! Move on din, Clara!"

"Sino ba kasi 'yang hinihintay mo?"

"Sino nga ba?" bigla na lamang dumating si Kuya Aaren at itinanong iyon kay Anikka! OMG!!

"S-Secret," aniya at halata namang naging balisa siya! Hala, may something yatang hindi sinasabi ang babaeng ito.

"Okay, I'll tell him to stop you from waiting," sabi naman ni Kuya saka siya bumalik na sa living area bitbit ang isang baso ng tubig.

"Si Aaren pala ang hinihintay mo, Anikka?" mapanuksong tanong ni Mommy at sabay naman kaming natawa ni Clara. Huli ka, balbon!

"H-Hindi po, Tita," asus, magsisinungaling pa, eh!

"Naku, okay lang 'yan, Anikka, matanda na kayo. Kung hindi gagawa ng first move si Aaren, edi ikaw na ang gumawa. Maraming umaaligid sa anak ko, baka maunahan ka," sabi pa ni Mommy. Diyos ko! Kaka-facebook ni Mommy ay marunong na siya sa mga ganiyang bagay!

"Ayan, Nikks, listen to the expert," pagbibiro pa ni Clara, tapos si Mommy naman ay parang proud na proud talaga sa sinabi niya!

"Hey, you guys look so happy," tumabi siya sa akin at ako naman ngayon ang tinutukso nila. Parang sira!

"Hmm, gumagawa kami ng barko," sagot ko at halata namang wala siyang naintindihan. "Ah, nevermind," sabi ko. Tinawanan niya lang ako sabay kurot ng ilong ko. Para na talagang nababaliw sina Anikka at Clara! Silang dalawa na ang naghahampasan. Tsk!

"Can I have a moment with you?" hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng itanong niya iyan. Tumango na lang ako bilang sagot.

Nagpunta kami sa living area at wala na rito ang tatlo. Naupo ako sa may couch at huminga ako nang sobrang lalim! Bakit ba ako kinakabahan?

CHARLES'S POV

I took my all courage to speak kahit na nagdadalawang-isip ako seeing how nervous Ara looks now. "I'll go back to California tonight," sabi ko at alam kong nagulat siya.

"Agad-agad?" takang tanong niya.

"Kailangan ko ng tapusin 'yong away namin ni Mommy—"

"Pwedeng next month na lang, Charles? Can I have this whole month with you?"

Hinawakan ko iyong kamay niya to make her placed in an easement. "I'll be back after a week, kailangan ko na talagang bumalik sa California dahil sinira na ng tuluyan ni Mommy ang business ko."

Kanina ay tumawag sa akin si Chandra at sinabi nga niyang nag-file si Mommy ng negligence against my restaurant! May tatlo raw na empleyado niya ang kumain sa resto ko at pagkatapos kumain ay isinugod sila sa ospital dahil daw sa food poisoning.

Unbelievable! Lahat talaga ay gagawin ni Mommy para lang makuha ang gusto niya.

"Sumusobra na ang Mommy mo!" inis niyang sabi.

"Kaya nga kailangan niya ng tumigil. Give me a week, tatapusin ko lang ang lahat ng mga maling ginagawa ni Mommy and after that, iyong-iyo na ako," a sweet smile flashed in Ara's face. Ito talaga iyong gusto kong laging nakikita—na masaya siya.

"Isama mo na lang kaya ako," aniya at bahagya naman akong natawa.

"Paano 'yong trabaho mo?"

"Sh*t! Oo nga pala, mag-uumpisa na ako by next-next day," malungkot niyang sabi.

"Don't worry, this time I am giving you the assurance that I'll be back. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa akin," mas lalong lumaki ang ngiti ni Ara kaya hindi ko rin napigilang mapangiti. "And I'll keep in touch with you kaya dapat bitbit mo lagi ang phone mo 'cause I'll be calling you from time-to-time."

"Yes, Sir," nakangiting aniya. Sumandal siya sa balikat ko habang hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa. "Sana maging okay na ang lahat," aniya at napatango naman ako.

"Sumisilip sila sa'tin," bulong ko sa kaniya at nilingon niya naman sina Clara, Anikka, at pati na rin si Tita Ana na nakasilip sa amin mula sa kusina.

"Parang mga bata," natatawang aniya. "Nasusunog na 'yong niluluto ni'yo!" sigaw niya at nataranta naman sila agad.

"Tapos na pala kaming magluto!" sigaw naman ni Tita Ana kaya sabay lang kaming natawa ni Ara.

***

"Karen, bantayan mo si Ynna, ha," sabi ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"I'll also look for Ynna, Charles," sabi ni Ara na halatang malungkot ngayon.

Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya niyakap. "Just a week, Ara, babalik ako agad," sabi ko at kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa kaniya. "So smile, Kilatra, ayokong umalis nang hindi 'yon nakikita," ngumiti siya, totoong ngiti kaya napanatag na ako.

"Bago ka umalis gusto ko lang sabihin sa'yo na. . .sinasagot na kita," nakangiting aniya. Napatalon pa nga si Ynna sa tuwa at kami ni Karen ay bahagyang natawa. Ara was so cute when she said that! There was a bit shyness in her voice and her cheeks turned more reddish.

"Pulang-pula ka, ha," pagbibiro ko pa kaya bahagya niyang pinalo ang braso ko. "Aalis naman ako na busog na busog ang puso ko, Kilatra," sabi ko at todo ngiti talaga siya ngayon.

"Sige na, boarding mo na kaya go na. Hindi na ako magiging malungkot dahil alam kong babalik ka, binigyan na kaya kita ng rason para balikan ako," kaya pala sinagot niya ako agad kahit kanina ko lang siya niligawan. Wise Ara, indeed!

I hugged them once more before I took my leave, pero bumalik ako bigla. I forgot one thing! Tsk!

"Kilatra. . ." I gave her a fast kiss on her lips and she was really so surprised! So cute of her, ". . .I love you at 'yan talaga 'yong rason kung bakit kita babalikan," sabi ko.

"Ginulat mo 'ko!" aniya at muli niya akong pinalo sa braso. She's becoming a sadist! HAHAHA!

"Any answer before I finally take my leave?"

She smiled as she uttered her sweetest, "I love you, too, Charles."

So, I leave with a smile on my lips.

***

Pagkarating ko sa California ay hindi na ako nagpahinga at nakipagkita na ako agad kay Chandra.

"Ang payat mo na," iyan agad ang pambungad ko nang makita ko siya. Grabe, totoo ang payat niya na! She has a curve now at dalagang-dalaga na! Hindi na siya fluffy! Tsk.

"Ikaw ba naman ma-stress dito, hindi ka ba papayat," malungkot niyang sabi. Sabagay, she has no one here, ang sabi pa niya ay wala siyang kaibigan dahil ayaw ni Mommy. Wala raw dapat siyang pagkatiwalaan sa lugar na ito. "Kuya, sorry nga pala kung ngayon lang ako nag reach out sa'yo, may na-ipon na kasi ako," aniya.

"So? Anong konek ng ipon mo sa pag reach out sa akin?"

"Kasi gusto ko talagang sumama sa'yo noon kaya lang pinagbantaan ako ni Mommy na pati ako ay itatakwil niya. Napaisip ako na okay lang, mayaman naman si Kuya at kaya niya akong buhayin, pero nandiyan si Ynna, tapos na-realize ko namomroblema ka sa negosyo mo kaya nag-stay na lang ako sa kaniya haggang sa maka-ipon na ako. Nagtipid ako sa lahat, Kuya, at ngayong may ipon na ako ay pwede ko na ring i-cut 'yong tie namin ni Mommy."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. I didn't know Chandra will also end up cutting the tie between her and our Mom.

"Hindi mo pwedeng gawin 'yan. Paano na si Daddy? Alam mo namang halos mabaliw 'yon nang umalis ako, baka mamaya tuluyan na siyang mabaliw kapag iniwan mo sila."

"Hindi ko naman iiwan si Daddy, Kuya, I just want to free myself from Mom. Wala na kasi siyang ginawang tama!"

"Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Is she losing money kaya desperada siyang ipakasal ako sa hindi ko naman kilala? Kaya niya patuloy na sinisira ang negosyo ko?"

"She ain't losing money, Kuya, sadyang patuloy lang na bumababa ang rank ng business niya on the top list businesses around the world."

"At dahil lang do'n nagiging ganito na siya? Hindi naman nalulugi ang kompanya niya."

"Kilala mo si Mommy, she always wants to be on the top. She's perfectionist, that's her weakness."

"I know, kaya kailangan ko na talaga siyang makausap. I can't let her destroy the hardships I've been through just to make my business went well. And also, I can't marry a random person."

"Bakit? Kayo na ni Ara?" excitement can really be heard in her voice. At napahiyaw siya nang nakangiti akong tumango. "Pero, si Marcus? Kamusta siya?"

"Nagkausap kami, he's not fine, of course, pero sabi niya he'll get through it and our friendship will still be there," sagot ko.

"Marcus is really a good person, pinagsisihan ko na na hinusgahan namin siya noon," nakayukong aniya. "Ah, kamusta na nga pala sila Kuya? Sina Anikka at Clara?"

"They're fine, but they miss you so much."

"Miss ko na rin sila! Pagbalik mo ng Pinas, sasabay ako."

Pumayag na ako. Alam ko rin kasing sabik na talaga siyang umuwi ng Pinas at makita ang mga taong sabik niya na ring makita.

After our conversation ended, pumunta muna ako sa resto at kinamusta sila. I already told them that they no longer have to worry dahil gagawin ko ang lahat para hindi masira ni Mommy ang business ko.

***

It's been four days na pabalik-balik akong kausapin si Mommy, but I always went home so down! Lagi akong talo. Although, naipanalo ko na iyong kaso niya sa negosyo ko, pero iyong fixed marriage ay ayaw niya pa ring tigilan!

"Mom!" hindi na ako kumatok at diretso akong pumasok sa meeting hall. Wala na akong pake kung maraming makakarinig ng sasabihin ko, basta ayoko na. I'm so done with her game. "Huling beses ko ng sasabihin 'to, stop being so self-centered, Mom—"

Hinila niya ako at sinabi niyang, "let's talk outside," pero, hindi ko siya hinayaang makaladkad ako palabas.

"No, let other people hear who you really are," sabi ko at nag-umpisa na rin silang magbulong-bulungan.

"Stop this, Charles, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Kailan ko pa ba nagustuhan ang mga ginagawa mo, Mom?! Destroying my business, taking my sister away from me, blackmails that I received from you, fixed marriage—ano pa?!"

"I've done it for you, Charles! Wala akong ibang inisip kun'di ang kapakanan mo! I just want you to lower your pride, pero anong ginagawa mo? You haven't respected me for once!"

"Paano kita rerespetuhin sa mga ginagawa mo? Ang gusto ko lang naman ay suportahan mo 'ko sa mga ginagawa ko, Mom, pero hindi mo naman ginagawa! You're controlling my life instead of supporting me!" nilingon ko ang mga taong may matataas na antas na nakikinig sa amin ngayon. "Will you be happy being manipulated by the person you love?" tanong ko sa kanila. May ibang umiling, may iba namang tinitigan lang ako. "Mom, ayoko na. Please, itakwil mo na lang ako. Huwag na nating pakialaman ang isa't isa. Let's be stranger kung diyan ko lang mahahanap ang kalayaan ko. Kahit masakit, Mom, please just let go of me. I just want to be free, free from all the problems you've created," I wiped my tears away at umalis ako roon. Ilang beses niya akong tinawag, pero hindi ko na siya nilingon pa.

Sobrang sakit para sa akin na sabihin ang mga iyon sa mismong Nanay ko, but she needs to wake up. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakatali lang kami sa kaniya.

ARA'S POV

Kanina ko pa hawak ang cellphone ko at naghihintay ako ng tawag ni Charles. Ang sabi niya sa akin kanina ay ito na ang huling pagkakataon para kausapin niya ang Mommy niya. Sana naman maging okay na talga ang lahat. Sobrang naaawa na ako sa kaniya, eh. He has been swallowing his pride para lang makausap ang Mommy niya, but in the end, wala pa ring nangyayaring maganda.

Ilang minuto ang lumipas saka ako nakatanggap ng tawag mula sa kaniya at agad ko naman itong sinagot. "Hello?" hindi siya sumagot kaya nagtaka ako agad. "Charles? Oy, Juding?" sh*t, kinakabahan naman ako!

"Kilatra," nakahinga ako nang maluwag, pero nalungkot ako nang mapagtantong pagod na pagod na ang boses niya.

"Okay ka lang?"

"I'm fine. . .I'm fine now that I hear your voice."

"Umiiyak ka ba?" narinig ko kasing may humihikbi sa kabilang linya.

"Crying makes me feel relaxed," aniya at hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maluha. "Sinabi ko na kay Mommy ang lahat. . .at hindi ko alam kung tapos na ba," sh*t, hearing his tired voice really breaks my heart.

"Let's pray for it," umiiyak ko na ring sabi.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano, nagkwento ako kung gaano kapasaway ang mga estudyante ko at kung gaano ko na siya kagustong makita. I've comforted Charles until he finally feels better. I also ended the call to let him have his rest. He's been through a lot, he needs it so much.

But before this day ends, I made sure I have his Mom's number. If he can't stop her, then I'll try to do it. I'll hit her conscience until she gives up.