Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 39 - SSTGB 38 : FIGHT FOR OUR LOVE

Chapter 39 - SSTGB 38 : FIGHT FOR OUR LOVE

CHARLES'S POV

"Ynna, did you already prepare your things?" tanong ko at tumango naman siya saka siya tumabi sa akin sa couch.

"Dad, aren't we gonna tell her that we're leaving a few days from now?" kagabi pa niya ako pinipilit na magpaalam kami kay Ara, pero paano naman namin gagawin iyon, eh, hindi nga siya nagpaparamdam! I can't lie, I really miss her!

"Huwag na, it's the best for all," sagot ko.

"Okay, but don't you want to see her again?"

"Gusto, syempre, but I know she doesn't want to see me."

"How sure you are? Have you talked after that kiss happened, ha?" hindi ako nakasagot at napabuntong-hininga na lang. "Never lose hope, Dad, she's not yet married! and remember, even a married couple can still be separated."

"Hey, Ynna, huwag kang ganiyan mag-isip," iyan agad ang pambungad ni Karen na kakarating lang galing sa kung saan.

"Saan ka ba galing?" tanong ko sa kaniya.

"I went home," sagot niya.

"Really? So, you're now fine with your family, Tita Karen?" tanong naman ni Ynna. We all know that Karen has a huge quarrel with her family before she went to California at mukhang sila pala ang pinupuntahan niya whenever she went out for something.

"Finally, oo!" masayang sabi niya at pati na rin kami ni Ynna ay masaya para sa kaniya.

"See, Dad? Tita Karen is a living proof that people should never lose hope," at talagang nakonek niya pa. Pambihirang bata ito.

"Napakakulit mo," hindi ko napigilang kurutin ang magkabilang pisnge niya, pero hindi naman masakit.

"I'm your number one shipper, Dad, and I'll just stop if the time also stops. That's it, period," bigla na lamang siyang tumakbo at kumindat pa sa amin. "I'm not yet done preparing my things. I'm sorry for lying!" sigaw niya saka siya dumiretso sa kwarto niya.

"Sino bang totoong mga magulang niya at gusto kong magpasalamat na ibinigay siya sa'yo, Charles, kasi ako rin, I also won't stop shipping you, unless she gives you back your brief! HAHAHAHA!"

Crazy Karen, indeed!

But, I wonder if where it is now. Kung buhay pa ba iyon o matagal niya ng sinunog.

Remembering how she hugged my brief when she finally saw it is really so hilarious and at the same time, she's so cute!

"Ah, sagutin ko lang," nagpaalam ako kay Karen at sinagot ang tawag ni Jervin. "Bakit?" tanong ko agad.

"You should fight for her, Charles," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "She's fighting for the both you, you need to help her. Forget about your Mom's deal, that freaking sh*t marriage, forget all those sh*ts and just focus to Ara!" aniya. Naiintindihan ko naman iyong pinupunto niya, pero meron pa rin akong hindi maintindihan.

"May ginagawa ba si Ara ngayon na hindi ko alam, Jervin?" tanong ko.

"Ipinaglalaban ka niya, Charles! So, get your balls and don't be a candy-ass, take the risk and don't mind the consequences. Kung mahal mo si Ara, then fight for her!" tapos ay binabaan niya na ako. Great.

But, he's right. I went back here to get what's mine, kaya hindi ako aalis hangga't hindi siya naibabalik sa akin.

ARA'S POV

Why does the time move so fast when something unfortunate will come? Two hours left before we finally bid our goodbye at ngayon pa lang ay gusto ng bumuhos ng mga luha ko.

"Oh, you're awake? Ang aga, ha," kakagising niya lang, pero iyan na agad ang sinabi niya. Actually, hindi nga ako nakatulog, eh. Kung pwede lang gising kaming dalawa for the whole 24 hours, kaya lang ay hindi niya kaya dahil lagi siyang pagod. Mabuti na nga lang napilit ko siyang 1 AM na kami matulog kahit 10 PM pa lang ay inaantok na siya.

"Ang sarap pala sa feeling na nauunang magising sa'yo, Mr. On time," nakangisi kong sabi at napailing lang siya. "Bumangon ka na para makakain na tayo," sabi ko.

"Hmm," he sounded so tired! "Can someone. . .stops the time for now?" tanong niya habang nakapikit. Hindi ko napigilang mapatitig kay Marcus at agad kong pinunasan ang luha kong hindi na nagpatigil na tumulo!

Lumapit ako sa kaniya at marahang hinila ang kamay niya. "Dali na, so that we can still enjoy our remaining time," sabi ko habang pinipilit kong huwag ng maluha kaya ang sakit-sakit na tuloy ng lalamunan ko.

"Alright, I still don't want to be back in reality," bumangon na siya at saka niya ako hinalikan sa noo, "good morning, Bae," hindi niya hinintay ang sagot ko at agad na siyang pumasok sa banyo saka lang ako napabuntong-hininga.

I get my phone to look if Charles has a message for me, at—meron nga! He asked to see me because he has something to say!

Aaminin kong napuno ako ng excitement! Tsk, wait until I'm done with Marcus, Charles, I'll never let you go!

Ahh! Thinking about breaking up with Marcus is now hunting my conscience! He really doesn't deserve to be hurt like this! You're unbelievable, Ara!

***

"Bae?"

Hindi ko man lang namalayan na tapos na siyang maligo at nakabihis na rin siya.

"Kanina ka pa ba tulala riyan?" natatawang tanong niya kaya napangiwi lang ako.

Bumaba na rin kami, we had our breakfast, we strolled around, filled the whole two hours with happiness.

***

"Time flies so fast," sabi pa ni Marcus nang makaupo na siya sa driver's seat matapos niyang ilagay sa compartment ang mga gamit namin.

"Yeah," sh*t, I hardly can find any words to say! Where on earth does my vocabulary go?!

"Do you have something to say?" nilingon ko siya at hindi pa rin ako makapagsalita!! "Let's go now?" tanong na naman niya.

"M-Marcus," you can do it, Ara, don't cry! "Marcus, I'm sorry," kahit anong pigil ko sa mga luha kong huwag bumuhos ay hindi ko pa rin nagawa. I am crying now while Marcus is just staring at me. Pilit kong binabasa ang mga mata niya, pero wala akong maintindihan.

"You fell out of love?" mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa tanong niya.

"M-Marcus, hindi ko s-sinasadya."

"I knew that it's always been him, Ara," hindi ko narinig iyong sinabi niya dahil binulong niya na lang at rinig na rinig ko pa rin ang hikbi ko.

"P-Pinigilan ko naman 'yong sarili kong huwag siyang mahalin ulit pero. . .ang hirap. L-Lahat ng pananabik ko no'ng mga panahong nawala siya. . .nagbalik nang magkita kami ulit. . .and it's not only the longing, but also my love for him. . .pero, huwag mo sanang isipin na hindi kita minahal, Marcus, bilang ikaw. . .sadyang mas mahal ko lang talaga siya. . .I'm sorry," hirap na hirap akong magsalita, pero kinakaya ko kasi gusto kong maintindihan niya ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Shhh, come here," he spread his arms, gesturing me to come close.

Hindi ako makapaniwala na ganito ang magiging reaksyon niya. P-Parang hindi ko siya nasasaktan ngayon. Masaya ako, pero nagtataka lang talaga ako.

Lumapit ako sa kaniya and I felt his arms embracing me. "Mas masakit pala talaga kapag nangyari na," mahinang sabi niya na para bang binubulong niya na lang ito.

Pero, sh*t! Hindi nga siya mukhang nasasaktan, but upon hearing his voice, doon ko narinig ang lahat ng sakit! Pero, alam niya ba ang tungkol dito? Mukha kasing may alam siya.

"Ara, I just want you to know how blessed am I knowing that you're my girlfriend. T-This is a dream come true for me that I-I've thought won't last. . .for two long years," napahagulgol na lang ako habang yakap-yakap ko pa rin siya at naririnig ko ang gumagaralgal niyang boses. "It's really. . .long enough than what I've expected. . .I know for sure that this happens for a reason. . .I am just so sad that after this you're no longer mine, Ara," halos ibinulong na lang talaga sa akin na Marcus ang huling sinabi niya. Pareho na rin kaming umiiyak ngayon, pero alam kong matatapos din ito.

I let go from the hug and I wiped his tears away. "I want you to remember, Marcus, that I'll always be your Bae and that I'm always here for you kahit ganito pa man ang nangyari sa'tin," puno ng sinseridad kong sabi. "Alam ko na pagkatapos nito ay hindi pa tayo makakapag-usap ulit, pero sana. . .sana dumating 'yong araw na magiging okay tayo ulit—"

"Okay naman tayo, Ara," aniya, pero umiling lang ako.

"Aminin na natin, hindi tayo okay sa ngayon, pero magiging okay rin tayo," maluha-luha siyang tumango kaya napangiti naman ako. "I'm sorry again," sabi ko.

"You're forgiven, but please allow me to say that. . .I can't forget this easily."

Tanggap ko iyon. Hindi ito madaling kalimutan.

"I pray that I can still meet someone like you," nakangiting aniya.

"I pray that you'll meet the woman who is the best and meant for you, Marcus, the woman who will love you endlessly," sabi ko at napangiti naman siya.

Marcus Natividad is my first love. The boy who made my childhood memorable, the man who made my teen life challenging and interesting, my first boyfriend—he will always have a special place in my heart.

MARCUS'S POV

My heart really breaks into pieces. The next person who will dare to love me will surely find it hard to rebuild it.

I know since then that this day will surely come. If Ara and Charles meet again, alam ko na na magiging ganito dahil hindi naman ako minahal ni Ara sa umpisa dahil ako si Marcus Natividad. Alam ko namang sinubukan niya lang akong sagutin dahil ang sinabi ko rin naman sa kaniya ay 'let's try, who knows it will work', and yes, it really did! Hence not for a lifetime, but for only two years and three months.

We're still in my car and it's been 20 minutes since we broke up. And I am still hesitating to tell her about this thing because he really doesn't want Ara to know about it—that he's leaving! Tsk! But, I can't dare to just keep on shutting my mouth, I want them to be happy.

Bago naging ganito ang lahat, I, Ara, and Charles were good friends and that will never be forgotten, our friendship must live until lifetime. Aayusin namin ito dahil iyon ang dapat.

"Charles is leaving," there you, go, Marcus, you've finally said it!

"A-Ano?" gulat niya talagang tanong.

"Ayaw niyang malaman mo because he wants us to stay together," nagkausap kami ni Charles for the second time ilang araw matapos ang pag-uusap namin ni Anikka, he asked for my forgiveness. Sabi niya he made a mistake, but he will never be regretful for it. Lalaki rin ako kaya alam ko kung ano iyon. Doon niya na rin sinabi sa akin na aalis na siya para hindi na gumulo ang relasyon namin ni Ara. But it's too late.

"T-Totoo?"

"Oo—t-teka, saan ka pupunta? ARA?!" bigla na lang kasi siyang lumabas ng sasakyan at tumakbo.

"Pupuntahan ko siya, Marcus! Thank you! I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" sigaw niya pa at hindi ko napigilang matawa. Hindi man lang niya napansin na pinagtitinginan siya.

"Sure ka na?!" sumigaw na rin ako para marinig niya. Bahala na iyong ibang taong nakakakita sa amin na mag-isip ng kung anu-ano.

"Oo!" sigaw niya naman pabalik habang pumapara ng taxi.

"'Yong mga gamit mo!" nagdalawang-isip naman siya kung babalik ba siya o ipagpapatuloy ang pagpara ng sasakyan. "Idadaan ko na lang 'to sa bahay ni'yo!" sigaw ko ulit nang may huminto ng taxi sa harapan niya.

"Salamat, Marcus! Maraming-maraming salamat!" kumaway pa siya sa akin saka siya pumasok ng taxi.

Napangiti na lang ako. I don't think this is my worst breakup, pero aaminin kong so far, ito iyong pinakamasakit. However, my life needs to go on.

'Thank you, Ara. I love you, but I'll move on first before I'll talk to you again. So, goodbye for the meantime.'

ARA'S POV

Dumiretso ako sa bahay niya, but I found no one! Sh*t! Kinakabahan na ako! Ano ito aalis na naman siya? Iiwan niya na naman ako? At hindi pa nagpaalam ang Juding, badtrip!

Pero, huwag kang mawalan ng pag-asa, Ara, baka hindi pa siya nakakaalis.

"Ah, paano ba ito?" palakad-lakad lang ako sa labas ng gate habang si Manong Drayber naman ay nakatingin lang sa akin. Ginawa ko siyang instant Drayber, pero babayaran ko naman siya. "Oo, sina Clara at Anikka," kinuha ko ang cellphone ko at mabuti naman dahil agad nilang sinagot ang video call.

"Hoy, stress na stress ka yata," sabi pa ni Clara at hindi ko na iyon pinansin pa.

"Clara, tawagan mo si Charles," utos ko pa at kumunot naman agad ang noo niya.

"Arabells, anong nangyayari?" takang tanong naman ni Anikka.

"Nikks, he's leaving, at ayoko 'yon. Ayoko nang maiwan," maluha-luha kong sabi.

"Si Marcus? Ano kamusta kayo?" tanong naman ni Clara habang tinatawagan niya sa isang cellphone niya si Charles.

"We just broke up," malungkot kong sagot. "But, we'll get through this," sabi ko.

"Mas may advantage ka dahil sure na na liligaya ka agad-agad," sabi naman ni Anikka at alam kong tumagos iyon sa kaluluwa ko! "Arabells, hindi ako nangongonsensya, ha, I'm just telling you the truth, pero let's talk about Marcus later ang importante ngayon ay ang tunay mong pag-ibig," dagdag pa niya na agad kong ikinangiti.

"H-Hindi siya sumasagot, Arabells," natatarantang sabi ni Clara.

"Ganito na lang, dumiretso ka na sa airport."

"Ano, Nikks? Saang airport naman?" tanong ko.

"Ah. . .instinct na lang, Arabells, go na!"

Bahala na nga!

Sumakay ako ulit ng taxi. "Manong, ano pong pinakamalapit na Airport dito?" tanong ko.

"NAIA Terminal 1, Ma'am," sagot niya at sinabi ko namang doon kami pumunta. Grabe, alam niya na yata na nagmamadali ako dahil ang bilis mag-drive ni Manong Drayber!

"Arabells!"

"Oh, Clara, ano?" hindi pa pala kami tapos sa video call.

"Asan ka na?"

"Ah, ano, hindi ko alam, pero mukhang malayo pa. Tama ba, Manong?" tumango naman siya. Akala ko ba, malapit? Eh, bakit ang tagal naming makarating? Tsk!

"Nakalagpas ka ng Miraculous Resto Bar?"

"Ha? Bakit?"

"Nandoon sila, post ni Ynna sa IG, 10 minutes ago!" ipinakita nga niya sa akin ang picture at oo, nandoon sila! Pero, sh*t, lumagpas na kami! "Go na, Ara!"

"Oo, sige! Thank you so much!" tinapos na rin namin ang video call at bumalik naman kami ni Manong Drayber sa Miraculous Resto Bar. Naku, magkano na kaya ang ibabayad ko sa kaniya? Tsk, bahala na nga!

Nang makarating kami ay binayaran ko na si Manong Drayber, pero hindi ko sasabihin dahil baka hoholdapin ninyo siya. Tss!

Pagpasok ko sa resto-bar ay ang daming tao! Paano ko ba sila makikita rito? Ang dami talaga, punong-puno ang resto.

"Oh, sinong gustong maki-jamming sa'min?" oh, nice timing Kuyang Vocalist!

"Me," sabi ko at nakataas pa ang kaliwa kong kamay. Gagamitin ko itong chance na ito para makita ako ni Charles.

"Anong pangalan mo, Miss," tanong naman ni Kuyang Vocalist.

"Ara," sagot ko habang palinga-linga ako. Hindi ko siya makita!

"Okay, Miss Ara, anong kakantahin mo?"

"Ah—" napahinto ako at wala akong maisip na kanta! Hindi naman kasi ako pumunta rito sa mini stage para kumanta, eh!

"Ang tagal naman kumanta," hinanap ko agad ang lalaking nagsalita, pero medyo mahirap siyang makita. Mukhang nasa may likuran siya at natatabunan ng maraming tao. "Pa-request sana, Miss, 'yong. . ." tumayo siya bigla at medyo natulala pa ako nang makita siya ". . .can't take my eyes off of you," sabi niya at pareho na kami ngayong nakangiti sa isa't isa.

On my way here, I made a promise to God and to myself that if I'll see you again, I'll never let you go once more, Charles.