Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 30 - SSTGB 29 : SECRET REVEALED

Chapter 30 - SSTGB 29 : SECRET REVEALED

Ilang araw ko na bang hindi nakakausap at nakikita si Charmagne? Lima, anim? Ay, mukhang isang buong Linggo na talaga! Tinatanong ko naman si Chandra, pero laging 'wala akong alam, Ara, eh', syempre, nakakapagtaka naman! Magkapatid sila, pero ultimo siya ay hindi rin alam kung nasaan si Charmagne!

Ano ba naman ito, kinakabahan ako nang sobra! Nag-aalala na rin ako kung saang lupalop ba siya ng mundo napadpad ngayon. Tsk! Kung bakit ba kasi hindi siya nagpaalam! Kainis!!

"Miss Concepcion?"

"Yes, Sir?" ano kayang trip nitong si Sir Luna at tinawag niya ako in the middle of his discussion.

"Are you listening?" tanong niya at gusto ko sana siyang taasan ng kilay, pero may respeto naman ako. Nagtataka lang talaga ako kung paano niya nalaman na hindi ako nakikinig sa kaniya.

"Yes, Sir," hindi naman siguro masama ang white lies, hindi ba?

"Alright, since you're listening, then state one change in the world of trading."

"Technology, Sir," nakangiti kong sagot at halata namang namangha siya sa akin. Syempre, alam niyang hindi ako nakikinig, pero nakasagot ako. Sino nga ba ako? Ara Cee Concepcion, lahat alam ko pwera na lang sa subject na Filipino at kung nasaan si Charmagne. Tsk!

"Why?" ay, may follow-up pa pala? Ano ba iyan!

"Ten or more years prior from now, stocks are being traded in the Organized Stock Exchange wherein face-to-face trading will occur in a particular place, Sir. But presently, technologies are a big help in doing such activity easier. For instance, the over-the-counter exchange, trading can be done through the screen, others can also do trading on phone. As you can see, Sir, techno—"

"That's enough," nakangiting aniya. "Give Ara a congratulatory clap."

Wow, congratulatory clap? Nekekeheye nemen, Serr!

"Iba ka, Arabells," napapailing pang usal ni Clara at taas-noo naman akong ngumiti.

Matapos iyon ay muli na naman akong napatulala hanggang sa hindi ko namalayan na natapos na pala ang isang buong period na hindi ko alam kung ano ang mga pingagsasabi ni Sir Luna.

Naku, Charmagne, kasalanan mo ito!! Ang laki ng epekto ng pagkawala mo sa edukasyon ko!!

"Wala ka talagang alam kung nasaan ang Kuya mo?" tanong ko na naman kay Chandra. Hindi naman ako masyadong makulit to the point na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyang itinanong.

"Again, Arabells, wala nga. One-whole week na wala kaming alam kung nasaan siya. Nag-aalala na kami, pero hindi man lang siya tumatawag, hindi rin namin siya matawagan."

"Nagsisinungaling ka," sabi ko. Kilalang-kilala ko na si Chandra, kapag hindi siya makatingin sa akin nang maayos ay alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

Bumuntong-hininga siya. "Ayaw niya kasing malaman mo," sinasabi ko na, eh, alam niya kung nasaan si Charmagne!

"At bakit?" takang tanong ko.

"Ayaw niyang mag-alala ka kapag nalaman mo kung bakit siya nawawala," mas lalo lang kumunot ang noo ko sa isinagot niya. "Kilala ka na ni Kuya, eh, Ara Cee Concepcion, ang babaeng anxious. Kapag nalaman mo na may sakit si Ynna—"

"ANO?!" OMG! Bakit kinakailangan niyang itago sa akin? Tsk!!

"Tingnan mo, ayan, oh, proven and tested! Makasigaw naman, abot hanggang dulo nitong building!"

"Nakakagulat naman kasi, eh! Anong sakit ni Ynna, ha?" natataranta ko talagang tanong.

"Kumalma ka nga," aniya, pero hindi ako sumunod. Paano ako kakalma? May sakit si Ynna! Tsk! "Na-diagnose na may dengue si Ynna—"

"DENGUE?!" Diyos ko, ano ba naman iyan?!

"Kakasabi lang, eh," napakamot pa si Chandra sa sintido niya, "at naka-confine siya ngayon sa ospital. Medyo okay na naman si Ynna sabi ni Kuya, pero hindi niya maiwanan dahil gusto ng bata na lagi lang nasa tabi niya si Kuya."

Hala!! Kawawa naman si Ynna. Pero, hindi niya naman ito kinakailangang itago sa akin! Tsk, Charmagne, parang sira!!

"Saang ospital ba? Pupunta ako," sabi ko.

"Mamaya na after class. Magagalit si Kuya sa'yo kapag nag-cutting classes ka."

Ay, oo nga. Pero, hindi ba dapat ako ang magalit sa kaniya? Tsk! Bahala na nga. Ang importante ay alam ko kung nasaan siya.

CHARMAGNE'S POV

Napailing na lang ako, Mama, nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Sisteret Chandra na alam na ni Ara na nasa ospital si Ynna.

Ayoko kasi talagang malaman niya dahil baka gustuhin na rin ni Ynna na manatili si Ara rito, at knowing Kilatra ay hindi naman iyan magrereklamo at susunod lang kay Ynna. Pero, wala na, alam niya na. May magagawa pa ba ako?

"Mister Fuentes!" tinawag na ng isang nurse ang apelyido ko kaya dali-dali naman akong tumayo at binayaran ang mga binili kong gamot dito sa pharmacy ng ospital.

"Charles."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya! Pakiramdam ko ay na-stiff neck ako at ayaw ko siyang lingunin!

"What are you doing here?" muli niyang tanong.

Sunod-sunod ang paglunok ko! Na-stress ang beauty ko, Mama!

"M-Mom," pinilit kong ngumiti kahit na nanginginig ang labi ko!

"I asked you, what are you doing here? You're gone for the whole week and I'll just found you here, this is strange, Charles," seryoso niya talagang sabi. Mukhang pinahanap niya talaga ako. Tsk! I should have been prepared! Alam ko namang darating ang pagkakataong ito, pero nang dumating ay kinbahan pa rin ako.

"I-I'm just having my monthly checkup, Mom," shuta des! Kailan pa ako nagkaroon ng monthly checkup? Boplaks!!

"Checkup? So, para kanino 'yang mga pambatang gamot, Charles?"

Lintik na!!

"Don't tell me para sa'yo. You no longer a kid," natatawang aniya! Pero alam kong sa likod na ngiti at mga tawa niya ay may alam na siya tungkol sa akin!! Shuta talaga! End of the world!

"Dad."

AY, SHUTA!! LAGOT KANG BAKLA KA!!

"T-The kid called you, what?" kunot-noong tanong ni Mommy!

Nilingon ko naman ang Yaya ni Ynna at agad siyang napayuko! Sinabi ko na sa kaniya na huwag niyang dalhin sa kung saan si Ynna, eh, tapos ngayon, nilabas niya pa. Diyos ko!

"CHARLES! SINO ANG BATANG 'YAN?!" Mom is now making a scene! Ang mga taong narito sa ospital ay napapalingon na sa amin.

"Mom, she's. . ." nakagat ko ang labi ko at saka ako napatingin kay Ynna nang bigla niya akong hawakan sa kamay, ". . .she's my daughter, Mom," sabi ko at gulat na gulat naman ang Mommy.

"For Pete's sake! Are you insane, Charles? Your daughter?"

"Yes, Mom," napayuko na ako at naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni Ynna sa kamay ko.

"What the hell, Charles? You're only 22! Tapos, may anak ka na? And look, ang laki na niya, are you expecting me to believe that she's really your kid?"

"Maniwala ka man o hindi, Mom, but she's really my kid."

Napahawak siya sa noo niya at saka niya ako mariing tinitigan. "Yours or not, I no longer want to see her," napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "do all that you can to make that kid get out of your life."

"Ayoko, Mom, you may have the right to dictate what should I do for you know what's best, but this time, sorry, I'm not gonna follow you. I'll keep the child with me until my last breath," alam kong hindi niya inakaalang sasabihin ko ang mga iyon, pero kinakailangan niya iyong marinig dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya ang masusunod lalo na at hindi naman ito magdudulot ng magandang resulta!

"You choose, Charles, that kid or your future?" tanong niya.

"I can't visualize my future without this kid, Mom," sagot ko.

"I also can't visualize your future without us, Charles," I knew it! Alam kong after niyang malaman ang tungkol kay Ynna ay may posibilidad na itatakwil niya ako.

Since I was a kid, Mom has been telling me to take good care of my image. Actually, at first, it was really hard for her to accept that I'm gay, pero kalaunan ay wala na siyang nagawa, but she's been reminding me that even though I'm gay I should still have the decency and class.

But I know that my revealed secret is a big deal for her. She surely thought it will be a big issue between our family and their business. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa mundo ng negosyo ay nadadamay ang personal na buhay! Indeed, politics isn't just the only trashy game, but businesses, too.

"From this day onwards, if you're really choosing that kid, then you can now say goodbye to us, Charles."

"Okay," sagot ko kaya mas lalong lumaki ang ngisi sa mukha niya.

"Alam ko kung bakit confident ka, Charles."

At alam ko rin, Mom, kung ano ang balak mong gawin.

Tiningnan niyang muli si Ynna at bahagya pa itong kumaway. "Say goodbye to the Philippines, Dear," aniya saka siya tuluyang umalis.

"Dad, she's so scary," usal pa ni Ynna.

Ngumiti ako sa kaniya at saka ko siya hinawakan sa kamay. "We shouldn't be scared of her," sabi ko at niyaya ko na siyang bumalik sa room niya.

Napangisi na lang ako because of what just happened. I know Mom will begin the game at any time soon, I need to be ready.

ARA'S POV

Ako lang mag-isa ang pumunta ng ospital. Sasamahan sana ako ni Chandra, pero maaga siyang pina-uwi ng Mommy niya. Ayoko namang pasamahin ang dalawa, kahit gusto nila, dahil marami kaming assignments na gagawin, pero ako ay kaya ko na iyong gawin kahit konti lang ang oras dahil nandiyan naman ang matatalino kong mga Kuya.

"Big Sis!" ang laki talaga ng ngiti ni Ynna nang makapasok ako sa kwarto niya. Halata namang alam na ni Charmagne na darating ako dahil hindi siya nagulat. "I missed you!" bumangon si Ynna at agad naman niya akong niyakap nang nilapitan ko siya.

"I missed you, too," sagot ko. Nilingon ko si Charmagne na agad namang ngumiti sa akin. "Galit ako sa'yo," pagbibiro ko pa at tawa lang ang isinukli niya.

"Don't be, Big Sis, Dad just doesn't want you to get worried," sabi naman ni Ynna. Pinagtatanggol pa ang Daddy niya, eh!

"Oo na, kaya ko bang magalit sa Daddy mo?"

"'Sus!"

"React agad?" nagkunwari naman siyang walang narinig kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Tsk, kainis! Gustong-gusto ko siyang yakapin! Na-miss ko talaga siya!

"Huwag mo nga akong titigan nang ganiyan, Kilatra, nakakatakot," mas lalo ko lang siyang pinaningkitan ng mga mata.

Hindi niya ba ako na-miss? Kahit slight lang, hindi talaga? Final na? Ouch!

Ibinaling ko na lang kay Ynna ang pananabik ko sa kaniya. Nagkwentuhan kami at kilig na kilig daw talaga siya nang marinig niya sa akin na gusto ko ang Daddy niya at kinilig naman ako at masayang-masaya talaga nang malaman kong ikinikwento ako ni Charmagne sa kaniya. Yiiieee!

"Kilatra."

Nilingon ko si Charmagne na diretso ang tingin kay Ynna na ngayon ay mahimbing na ang tulog.

"Sorry, ha, kung hindi ko sinabi sa'yong may sakit si Ynna," aniya at bahagya akong ngumiti.

"Okay lang, nalaman ko rin naman, eh," sabi ko.

"Halika na rito," napataas ang kilay ko sa kaniya, tsaka, bakit parang nanunukso ang tinginan niya? "'Sus, alam kong kanina mo pa ako gustong yakapin, eh," talagang confident niyang sabi at magpapakipot pa ba ako? Sunggab agad!

"Nakakainis ka kasi, eh," sabi ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya. Grabe, isang buong Linggo ko lang naman siyang hindi nakita, pero iyong pananabik kong makita at makasama siya ay parang ilang dekada siyang nawala. Ang korni, pero totoo!!

"Masanay ka nang hindi ako nakikita at nakakasama ng ilang mga araw, buwan, o taon, Kilatra," bulong niya. Ang weird, ang bigat ng pagkakasabi niya!

"Kapag ginawa mo pa 'to ulit ay sasapakin na kita!" pagbabanta ko. Sige lang, gawin niya, dudumihan ko talaga iyang iniingatan niyang mukha!

"Sapakin mo na 'ko ngayon na."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at mariin ko siyang tinitigan. "Aalis ka ba?" wala sa sariling tanong ko.

"Makakaya mo ba?" tanong din niya. "Isang Linggo nga lang akong nawala ay inis na inis ka na, paano na lang kaya kapag isang dekada na—"

"Tigilan mo nga 'yan, Juding! Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo, ha."

"Hindi rin naman ako natutuwa," inalis niya iyong paningin niya sa akin. Ayokong isipin na aalis siya dahil wala naman akong nakikitang rason kung bakit siya aalis, eh!

"Kapag aalis ka, isama mo 'ko," bahagya naman siyang natawa, "seryoso ako," dagdag ko.

"Hindi ako aalis, baliw," aniya, pero. . .

. . .alam kong hindi totoo.

Isinandal ko na lang iyong ulo sa balikat niya.

Kapag talaga biglang umalis ito ay talagang susundan ko siya. Bahala siya riyan!