Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 33 - SSTGB 32 : NIGHTMARE

Chapter 33 - SSTGB 32 : NIGHTMARE

Months turned into years. Graduate na ako two years ago. And now—

"CONGRATULATION, TEACHER ARA!"

Iyan ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa bahay. Ako dapat iyong magsusurpresa sa kanila, eh. I was planning to tell them na nakapasa ako sa LET, pero mukhang ako pa ang nasurpresa dahil alam na pala nila at mukhang may inihanda pa silang salu-salo para sa akin.

And oh, ngayon ko lang napansin na nandito ang apat! My Angels, JD, and Jervin. JD and Clara have been in a relationship for three years. Meanwhile, here's Anikka, still not interested in boys. Tsk! And Chandra? She's in States and we don't have any updates about her. Four years na rin namin siyang hindi nakakausap.

"Thank you so much!" nakangiti kong sabi sa kanila.

Oo nga pala, ako na lang ang naging teacher sa aming tatlo! Nag-shift silang dalawa nang mag second-year college kami.

Clara took tourism and she's now having her training to finally become a flight attendant. And Anikka, she's still studying, nasa med school na siya ngayon kaya wala rin siyang time ma-in love dahil super busy pa siya at focus na focus sa pag-aaral niya. Ako naman, nagpaiwan sa BSED, pero imbis na English major, pinalitan ko ng Filipino.

Yes, I am proud to say that I am a Professional License Filipino teacher now. I hate Filipino subject before and vice versa, but I want to challenge myself kaya kinuha ko ang subject na iyan and who would have thought that I end up loving it so much! Kaya nga one take ko lang iyong LET, eh.

"Anything you want as a reward, Sweetie?" tanong ni Daddy, pero umiling lang ako. I don't need anything dahil lahat ay nakuha na.

Such as a boyfriend. Ayiee!

"I'm sorry, I'm late, Ma'am," yumuko pa siya sa akin at natawa lang ako sa ginawa niya. "Wala ho bang punishment?" tanong niya at itinuro ko naman ang pisnge ko saka niya ako hinalikan doon.

"Ah! Get a room," asar na sabi ni Anikka at nagtawanan lang kami.

Asus ang Kuya Aaren tatawa-tawa, pero sa totoo ay umaasa pa rin siya kay Anikka. Haynaku!

"Akyat po muna ako," pagpapaalam ko sa kanila. Magbibihis na muna ako dahil kanina pa ako nanglalagkit, eh. "Ay, wait, Mom, Dad, pwedeng isama ko si Marcus?" tanong ko.

"Go on, Sweetie, but please don't make that holy thing as a congratulatory gift, wedding first," napakaseryoso naman ni Mommy. Ano ba, na-awkward tuloy ako bigla.

"Trust us, Tita, we know our limits," sagot naman ni Marcus, pero imbis na maniwala sila ay naghiyawan pa sila at tinukso kami.

Mga sira talaga!

Hinila ko na lang si Marcus at pati siya ay natatawa rin sa nangyari.

I know you're all very confused and curious about what's happening. Well, I and Marcus are in a relationship for two years already. Nang mag third-year college kami ay umuwi na siya ng Pinas. We became friends again until everything turned into something romantic. Yes, we both fall in love with each other for the second time around.

And Charmagne? I don't know where is he. Last message niya sa akin ay iyong sinabi niyang nababaliw siya araw-araw kakaisip sa akin and remembering that message really wants me to burst into laughter.

"So, why am I here?" tanong pa ni Marcus habang nakaupo sa kama ko.

"Quality time?" nakangiti kong sagot and a mischievous smile flashed on his face. "Sira!" asar ko kunyaring sabi. "What I mean is I want to be with you alone. Halos isang Linggo rin tayong hindi nagkita dahil pareho tayong busy," dagdag ko pa.

Tumayo siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Aw, should I let you miss me for a month, Bae?" agad na naningkit ang mga mata ko, "joke, I'll get crazy for sure," aniya at ang laki talaga ng ngiting ibinigay ko.

"Should we go out of town, Bae?" tanong ko. Masyado talaga kaming naging busy eh, kaya ngayon ay kailangan talaga namin ng oras para sa isa't isa.

"I'll check my schedule first."

"'Sus, ayaw mo lang talagang mag-leave dahil gusto mong kasama lagi ang maganda mong sekretarya," asar kong sabi at kukunin ko na sana ang kamay ko, pero bigla niya akong niyakap. "Kung bakit ba kasi 'di ka na lang nag-engineer, eh," muling usal ko. Tinanggap niya pa kasi ang offer ng Daddy niya na maging CFO ng company nila kahit wala namang ganap iyon sa kursong kinuha niya! Imagine, civil engineering ang kinuha niyang kurso at graduate siya roon, pero ngayon ay isa siyang Chief Financial Officer! Grabe, talagang konektado!

"Where do you wanna go?" natatawang tanong niya sabay halik sa buhok ko. Ayan, bawi agad para wala ng gulo.

"Vigan," sagot ko. I've been wanting to go there, pero laging walang time eh, pero ngayon na meron na I'll never miss the chance.

"Ow, I remember someone who also loved that place," aniya. Hindi na ako nagtanong kung sino dahil alam kong si Charmagne ang ibig niyang sabihin.

"I'll go change my clothes first."

"Oo nga pala, hindi ka pa nagbibihis kaya ang lagkit mo."

Itinulak ko siya kaya napakalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Sino ba kasing may sabing yakapin mo 'ko?" asar kong tanong, pero tinawanan niya lang ako. "Sige na, magbibihis na muna ako."

"Alrght, I'll stay here at your balcony."

Pumasok na ako sa walk-in closet ko at naghanap ng damit.

"Bae?" he called me a minute after.

"Hmm?"

"Ano 'tong golden box sa ibabaw ng mini cabinet mo?"

Oh, sh*t! Iyan iyong box na pinaglagyan ko ng brief ni Charmagne. Maibabalik ko pa kaya iyan?

"Ah, jewelry box ko 'yan," hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya kung ano iyon at baka kung ano pa ang isipin niya.

Lumabas na rin ako pagkatapos kong magbihis. Nakita ko naman siya sa may balcony at seryosong nakatingin sa kalawakan. Tumabi ako sa kaniya, kinuha ko iyong kanang kamay niya at ini-akbay sa akin while I extended my arm and wrapped it in his waist.

"Samahan mo 'kong mag-shopping bukas, I'll buy new clothes," sabi ko.

"Sure," sagot niya naman agad. Akala ko ay 'I'll check my schedule first' ang sasabihin niya eh, talagang iuuntog ko silang dalawa ng sekretarya niya. Joke, brutal! Mahal ko kaya ito! "Have you ever thought if where is Charles and if he's fine—"

"Let's not talk about him."

"Sige, baba na tayo at baka kung ano na naman ang isipin nila," bigla siyang tumalikod at nag-umpisang maglakad.

"Marcus," nakangiti niya naman akong nilingon, "ayokong isipin mo na hindi ko gustong pag-usapan si Charmagne dahil may nararamdaman pa rin ako sa kaniya, ayoko lang talaga dahil—" he shut my mouth when he kissed me on my forehead.

"I trust you," aniya.

"I love you," puno ng sinsiredad kong sabi.

"I love you, too, Bae," sagot niya at saka niya ako marahang hinila papalapit sa kaniya. "Baba na tayo?" tumango naman ako agad and we went down holding each other's hand.

I'll be the foolish woman if ever I let go of this man's hand, I swear.

***

Pili lang ako nang pili ng mga damit, as usual. Kuha rito, kuha riyan, basta if I feel like it's pretty ay kinukuha ko na agad.

Pero, nasaan na nga ba ang kasama ko?

Aha, ayon siya sa kaharap na shop. Ano kayang ginagawa niya riyan at ngiting-ngiti ang kaharap niyang Sales Lady?

"Bae?" nilingon niya naman ako at tiningnan ko na rin kung ano ba iyang tinitingnan niya. "You're looking for a ring? Para kanino?" tanong ko at naghanap na rin ako ng bet kong singsing.

"For Mom, mahilig siyang mangolekta ng singsing," sagot niya. Ay, okay, I thought it's for me! HAHAHA, feeler, Ara! "Which one do you think she'll love, Bae?" tanong niya at itinuro ko naman iyong simpleng singsing, pero masarap sa mata. The color is silver and it has a heart-shaped stone in the middle na talagang nakakaakit sa tuwing ito ay kumikislap. "Miss, I'll buy this," aniya at agad namang kinuha ng Sales Lady iyong singsing na pinili ko.

Matapos niya iyong bayaran ay bumaba muna kami nang makarinig ako ng tugtog sa grand floor. Mukha kasing may pa-live band at gusto ko munang makinig. You know, music is my number one comforter at kahit  wala pa akong pinagdadaanan ay nakikinig pa rin ako ng musika.

Ang daming tao rito!

Pero, dahil magaling kaming sumiksik ni Marcus ay napunta na kami malapit sa stage. Sakto naman ang pagdating namin dahil nag-umpisa ng tumugtog ang banda.

🎶

Lalalala

May sasabihin ako sayo

Pero nahihiya akong malaman mo

laman ng puso ko

Na na na na

🎶

Pambihira! Nananadya ba talaga ang tadhana?! Ayokong maging bitter, pero sh*t, hindi ko mapigilan!

🎶

Gulong gulo ang isip ko

Ako ngayo'y litong lito

Kung paano ko sasabihin ito sayo-oh

🎶

I'll be lying if I'll say I don't remember that moment! Napatingin na nga ako sa itaas when my traitor tears are on the verge of falling!! WTH!!

"Okay ka lang?" naramdaman siguro ni Marcus na humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tumango naman ako without looking at him. Sh*t, pakiramdam ko I'm cheating on him! Ano ba, Ara, wake up! Past is past!

🎶

Gusto kita alam mo ba

Gusto kita okay lang ba,

maging girlfriend ka

Pag pwede na

🎶

"Pumabor sa'yo ang kanta, ha."

"Umaayon sa'kin ang tadhana, Charles."

Sh*t, Ara! Stop reminiscing the past!!

"Ah," reklamo ko nang bigla na lamang may bumunggo sa akin.

"Sorry."

Sh*t!!

Nilingon ko siya agad, pero ang dami ng taong nakikita kong paalis at hindi ko na mahagilap ang taong bumangga sa akin. Isang beses ko lang siyang narinig, but damn that deep voice, I will never forget that!!

"Gusto mo na bang umalis?" tanong na naman ni Marcus.

"Ah, I just wanna go to the washroom," sabi ko.

"Should I come with you?" natatawang aniya kaya bahagya kong kinurot ang ilong niya.

Sinamahan niya na rin akong makaalis sa nagkukumpulang mga tao. "Just wait for me there," itinuro ko iyong. . .sh*t, last na lang talaga iyan! Itinuro ko lang naman kasi ang Ice cream parlor kung saan doon din kami kumain ni Charmagne noon! Grabe ang tagal na ng tindahang iyan. Pero, tsk, ayoko na talaga nito!

Umalis na lang ako roon na hirap pa ring alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Tiningnan ko iyong sarili kong repleksyon sa salamin at binulong ko sa sarili ko na mahal ko si Marcus. Sinabi ko na sa sarili ko na nakakalimutan ko na si Charmagne kaya dapat kinalimutan ko na siya!

Four long years, Ara, and you think magkikita pa kayo? Kaya dapat tuluyan mo nang kalimutan ang lahat ng tungkol sa kaniya at iwan na ang mga iyon sa nakaraan.

Nagbago na ang lahat! At ang reyalidad ngayon ay masaya ka na at hindi mo na kailangan pa ng iba.

So, compose yourself, go back to your boyfriend, and enjoy the rest of the day.

Ilang sandali lang ay napagpasyahan ko nang lumabas dahil baka naiinip na ngayon si Marcus, pero napatigil ako bigla nang may lalaking nakasandal sa may pader sa labas ng washroom. Hindi ko alam kung bakit naagawa niya bigla ang atensyon ko! Nilingon niya ako at. . .

. . .hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko!

Pareho kaming hindi nagsasalita at nakatitig lang kami sa isa't isa!

Those pair of light brown eyes. That sharp nose. That natural thin pink lips. I know who owned it. Just. . .sh*t.

"Charmagne," sobrang hina nang pagkakasabi ko niyan at hindi ko alam kung narinig ba niya because nothing changes in his reaction, nakatitig lang talaga siya sa akin.

"Hon?" nilingon ko ang babaeng nagsalita at saka ko ibinalik sa lalaki ang mga mata ko at ngayon ay nakangiti na siya. "Sinabi ko na sa'yo na huwag mo na akong hintayin, Hon. Where's Ynna?" tanong niya pa at hindi ko na narinig ang sagot ng lalaki dahil pareho na silang nawala sa paningin ko.

At ito ako, napasandal sa pader nang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

Sh*t, hindi ako makapaniwala sa nakita at narinig ko!

Ara, just think that this is a nightmare that should be forgotten by tomorrow!