Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 31 - SSTGB 30 : SEE YOU AGAIN

Chapter 31 - SSTGB 30 : SEE YOU AGAIN

Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa Pink Sand Beach. Kaarawan ngayon ni Ynna at dahil daw alam na ng Mommy ni Charmagne ang tungkol kay Ynna, eh wala na raw siyang dapat pang katakutan kung kaya't marami siyang inimbita.

Tinanong ko nga pala siya kung ano ang reaksyon ng Mommy niya, aniya nagulat daw at nagalit. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin sila okay kaya siguro hindi niya inimbita ang Mommy niya.

"Hey, Ara, you've been so silent, you okay?" tumango naman ako agad kay Kuya Arnold. Yeah, imbitado ang buo kong pamilya. "It's so unusual na tahimik ka," muling usal niya at hindi na ako nag-reak pa.

"Sweetie, I know there's something wrong, sabihin mo na," sabi naman ni Mommy.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka ako napatingin sa labas. "Pakiramdam ko kasi ay may nililihim sa'kin si Charmagne," sagot ko. Ayoko talaga iyang isipin, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko iyan mabura-bura sa isip ko.

"Ara, if ever you're right, then just wait for him to tell you what is it," sabi ni Kuya Aaren na agad sinang-ayunan nina Mommy at Kuya Arnold.

"Ang hirap talaga kapag walang label, lagi kang walang right para malaman 'yong araw-araw niyang ginagawa," malungkot kong sambit at naramdaman ko naman ang marahang paghagod ni Kuya Aaren sa likuran ko.

"But, Sweetie, even though you have a label, still, you don't need to know everything that's happening to him. Masasakal mo siya kapag ganiyan. You should give each other space, and all you need to bear in your mind is to trust him always," puno ng sinsiredad na sabi ni Daddy. Napangiti naman ako. I'm grateful that I've learned something today. Something that I should always remember.

"Dad's right," sumang-ayon naman si Kuya Arnold. "But my Dearest Sister, don't mind and focus yourself in a romantic relationship. Earn a degree first, kung mas mabuti, find a job, a stable one, then you can have a boyfriend afterward kahit asawa pa nga, eh. Because nowadays, romantic relationship is no longer fully an inspiration, but rather a distraction, so to avoid it, love yourself for now."

Tama naman si Kuya Arnold, pero distraction daw, eh may nililigawan nga siya!!

"Make me an example, Ara, I've ended courting Shania, I just realized, we both still need time for ourselves. Enjoy being young adult, enjoy studying," hala, hindi ko inaasahan ni titigil si Kuya Arnold! Halos isang taon niya kayang niligawan si Ate Shania, tapos bigla niya na lang itinigil!

Pero, kung sila naman talaga sa huli ay magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas nila. Sana kami rin ni Charmagne! Wala akong paki-alam kung mas babae pa siya sa akin, ang mahalaga ay masaya ako at sana ay ganoon din siya.

***

"Big Sis!!" syempre, si Ynna agad ang sumalubong sa amin at saka niya ako niyakap. Nakita ko namang kumaway ang tatlo pati na rin sina JD at Jervin. "Hi!" bati niya pa kay Kuya Aaren. "I'm Ynna," aniya.

Tinanggap naman iyon ni Kuya na halatang natutuwa siya kay Ynna. Hindi na iyan nakakapagtaka dahil mahilig siya sa bata, while on the contrary, here's Kuya Arnold na ayaw na ayaw sa mga bata dahil maiingay at malilikot daw, akala mo hindi siya ganoon dati. "Hi, Ynna, I'm Kuya Aaren," pagpapakilala niya.

"And you are?"

"Arnold," pilit pa ang ngiting ibinigay ni Kuya kay Ynna. Tsk!

"Hi, Tita!" bahagyang naupo si Mommy para maka-level si Ynna. "Thank you so much for coming into my Daddy's life! You give him so much happiness and love than his real Mom," nakangiting sabi niya. Nakakatuwa talaga si Ynna, sa murang edad ay kakaiba na siya kung mag-isip kumpara sa ibang batang ka-edad niya.

"He also gives us happiness, Young Lady," sagot naman ni Mommy at hinagkan niya pa si Ynna sa may ulo. Ayan kasi, gusto niya naman talaga mag-kaanak pa, pero ewan ko ba kung bakit pinipigilan nila ni Daddy ang sarili nila na bumuo ng isa pa.

"And you must be my future Lolo," ang laki talaga ng ngiti ni Ynna!! Medyo humilaw naman iyong ngiti ko. Na-awkward ako bigla!

"Let's pray for that," sagot naman ni Daddy!! OMG! Bet niya rin!

"But, let's pray first that my Dad finally becomes a real man," aniya.

Napangiti talaga ako! Actually, okay lang sa akin kahit na hindi magbago si Charmagne, pero mas malaki pa rin iyong parte sa pagkatao ko na gusto ko siyang maging isang tunay na lalaki!

"Ynna, that's enough!" sigaw pa ni Charmagne at saka niya kami pinuntahan. "Thank you for coming," nakangiti niyang sabi sa amin. "Tara po, samahan ni'yo po kami ro'n," iginaya niya naman sina Mommy at Daddy papunta sa mesa na nakalaan para sa amin. Ang mga Kuya ko naman ay nakisali na rin sa beach volleyball. Ang unfair nga kasi four boys versus three girls sila, pero I'm sure talo iyang mga iyan, ang lakas ba naman pumalo ni Chandra. Naku!

"Kilatra," tumabi siya sa akin at nakita ko naman sina Mommy at Daddy na dahan-dahang umaalis palayo. Sana all supportive!!

"Hmm?" sabi ko na hindi man lang siya tinitingnan. Ayoko siyang tingnan kasi maaalala ko na naman na may nililihim siya sa akin kahit hindi pa naman ako sure.

"Why don't you play with them para fair ang laban," aniya.

"Takot ako sa bola."

"Hello, joke? Varsity ka nga no'ng high school ka, eh."

Oo nga pala. Tsk, mali ang palusot ko.

"Okay ka lang ba?" tanong na naman niya at tumango ako agad. Napalingon ako sa kaniya nang hindi na siya muli pang nagsalita.

At napalunok na lamang ako nang makitang titig na titig siya sa akin! "B-Bakit?" hindi ko maiwasang hindi mautal dahil, sh*t, ang ganda ng ngiti niya ngayon! Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng pagdududa ko!!

"Mas lalo ka pa lang maganda sa malapitan," sh*t, ngayon niya lang iyan sinabi sa akin kahit ilang beses na kaming nasa ganitong posisyon!! "Mas lalo tuloy akong naiinggit," tss, wala akong narinig!

"B-Baliw," wala na, naubusan na ako ng salitang sasabihin. Tsk!!

Napangisi siya at bahagyang sinundot ang ilong ko!! Sh*t ulit! Sorry na! "Ba't 'di mo na lang aminin na kinikilig ka?"

"A-Ano?" ang kapal ng mukha! Paano niya nalaman?

"'Sus, kung nakikita mo lang 'yong sarili mo ngayon, Kilatra, aakalain mong isang libong kamatis ang nilafang mo."

Agad ko namang tinakpan ang pisnge ko! Grabe, ngayon ko lang naramdaman na init na pala ng mukha ko!! Ano ba iyan!! Baka akalain niya ay kilig na kilig na kilig na talaga ako kahit isang kilig lang naman ang naramdaman ko.

"Dad that's enough! You still have lots of time for your lovey-dovey, so come here and play with us!" sigaw pa ni Ynna at nakita ko naman ang mapanukso nilang ngiti! Mga ito, ang sarap pag-untugin! Masyado nila kaming bet para sa isa't isa, eh. Enebeyen!

***

"Mine!" sigaw ko at saka ko itinira pabalik kina Clara ang bola. Magkalaban kasi kami ng tatlo. Ang kagrupo nila ay sina Daddy, Mommy, at si Charmagne. Tapos kami naman ng dalawa kong kuya, si JD, Jervin, at Ynna. Ang cute nga ni Ynna, eh, halos gusto niya nang umiyak sa tuwing hindi umaabot ang bola sa kabila at sa tuwing hindi niya iyon nakukuha. Syempre, bata pa, eh, but still, she really is giving her best for this game.

Nang ako na sana ulit ang titira ng bola ay biglang lumapit si Jervin at sumigaw ng, "Mine!" habang nasa akin ang paningin niya, pero mabuti nalang ay natirahan niya pa rin ang bola at umabot iyon sa kabila.

Pero, sh*t! Baliw na Jervin!

"Will be mine," bulong niya pa sa akin, at promise, nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan!! Alam ko namang joke niya lang iyan, pero—ang weird pa rin!! "Focus in the game, we'll lose if you just continue staring at me—"

"Kuya!" / "Dad!"

Agad akong napatingin sa kaniya, at ayon nakaupo siya sa buhangin habang hawak-hawak ang ulo niya. Hala!! Mukhang natamaan siya ng bola!

"Juding, okay ka lang?" nag-aalala talaga ako! Mukha kasing nasaktan talaga siya.

"O-Oo," aniya, pero ang weird lang dahil inalis niya iyong kamay kong nakahawak sa balikat niya! Hindi lang kasi siya simpleng inalis, talagang naramdaman kong parang ayaw niyang hinawakan ko siya! Hala! "Let's continue the game," tumayo siya at sinenyasan niya na akong bumalik sa kaninang pwesto. Medyo malungkot naman akong bumalik doon.

"Cheer up. No, scratch it, be happy," bulong ulit ni Jervin at saka niya tinapik ang balikat ko. Kinuha niya na ang bola and he does the serving. Pero, bakit be happy? Ang weird niya na talaga!!

Naglaro lang kami nang naglaro hanggang sa napagod kami at saka lang kami kumain. Naging okay na rin pala kami ni Charmagne, ay hindi naman pala kami nag-away, what I mean is okay na kami, balik sa dati na lagi niya akong pinagtitripan!

Basta, pinuno namin ng masasayang pangyayari ang seventh birthday ni Ynna, mga pangyayaring kahit kailan ay hindi ko makakalimutan.

***

Who would have thought that after a week ng birthday ni Ynna ay rito ang bagsak namin sa airport?!

Waaah! Ayoko na!!

Sinasabi ko na nga ba, eh, may itinatago sa akin si Charmagne! At ngayon niya lang sinabi sa akin kung saan aalis na sila ni Ynna. Nakakainis!! Kaya pala buong Linggo niya akong niyaya sa kung saan-saan dahil malapit na pala siyang umalis!

NAKAKAINIS TALAGA!!

Bakit ba ganoon ang Mommy niya? Ano bang meron sa may anak si Charmagne, anong epekto ba noon sa pagiging soon-to-be CEO ni Charmagne sa kompanya nila? Ang hirap naman ng logic niya!!

"Kuya!" muli siyang niyakap ni Chandra nang boarding na ni Charmagne.

At ito naman ako, wala akong ibang ginawa kung hindi ang bumuntong-hininga. Ang bigat ng pakiramdam ko!

Napatingin sa akin si Charmagne at pilit naman akong ngumiti kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang pigilan! Pero, ayoko namang ako ang magiging dahilan kung bakit malulugi ang Negosyo ni Charmagne sa California.

Iyon kasi ang sinabi niya sa akin, ang plano ng Mommy niya ay pabagsakin ang business niya para kapag nangyari iyan ay mapipilitan si Charmagne na bumalik sa kanila at iwan si Ynna. At ayokong mangyari iyan kaya kahit parang binibiyak ang puso ko ngayon ay kailangan kong tanggapin ang kaniyang pag-alis.

Nagbalik na lamang ako sa katotohanan nang yakapin ako ni Charmagne at doon na bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan! "K-Kailan ka babalik?" umiiyak kong tanong.

"Hindi pa nga ako nakakaalis ay iyan na ang tanong mo," natatawang aniya, pero hindi ako sumagot. "I'll be honest, Kilatra, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik," mas lalo akong humagulgol dahil sa sinabi niya! Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinahiran ang luha ko. "Basta ipinapangako  ko na babalik ako, hindi man bukas agad-agad, next month, or next year, basta babalik ako. . .babalikan kita."

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti at halata namang mapanukso ang ibinigay niya sa aking tawa.

"Pero, Ara, seryoso, I don't want you to close your heart. Ayoko kasi na baka may iba pa lang taong nakalaan sa'yo, pero kakahintay mo sa akin ay hindi mo siya napapasok—"

"Ayoko nga ng iba!" sumingit na ako kasi pakiramdam ko ay sinasabi niya sa akin iyan dahil hindi na siya babalik!!

"Okay," bahagya pa siyang natawa, "pero, kapag napagod ka na kakahintay sa akin, pwede ka namang tumigil."

"No. I'll just take a rest, then I'll continue afterward."

"Mars, kailangan mo nang umalis," usal ni Clara at bumigat na naman ang pakiramdam ko!

"Kilatra, before anything else, I just want you to know na hindi mo 'ko na-gayuma."

My gosh!! Paano niya nalaman ang tungkol diyan?! Tiningnan ko si Chandra, pero biglang hinawakan ni Charmagne ang baba ko kaya napatingin ako ulit sa kaniya.

"No one told me. I saw it the CCTV footage in my room."

Sh*t!!! Alam ba iyan ni Chandra?!!

"You failed," nakangiting aniya. "Please take good care of my brief. . ."

ANG AWKWARD!!!

". . .I treasured it so much. It was my Mom's gift for me and she gave it with sincerity."

HINDI KO ALAM KUNG ANONG SASABIHIN KO O KUNG ANO ANG MARARAMDAMAN KO! SH*T!

"One more thing before I finally leave," muli niya akong tinitigan nang nakangiti, "I'll be honest. Ito na talaga 'yong gustong sabihin ng puso at isip ko. I'll be selfish this time," mas lalong lumalim ang titigan namin at saka siya matamis na ngumiti. "I don't want your feelings for me to get faded,"  aniya at napatulala na lang ako bigla saka siya lumapit sa akin at. . .

. . .HINALIKAN NIYA AKO SA NOO!!!

"See you again," dahan-dahan na siyang tumalikod sa akin at saka sila nag-umpisang maglakad ni Ynna. Muli pa silang kumaway sa amin hanggang sa unti-unti na silang nagiging malayo sa pangingin ko.

Sh*t! Miss ko na siya agad!!

'I'll be selfish. I don't want your feelings for me to get faded.'

WAAAAH!

Charmagne, kailangan pagkalapag mo sa California ay tawagan mo ako agad para maipaliwanag mo sa akin kung bakit mo iyan sinabi!!