Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 28 - SSTGB 27 : GAYUMA

Chapter 28 - SSTGB 27 : GAYUMA

"Ay, nadala ko pala 'yong akin," God, salamat naman at may isang pitakang hindi tanga! Binuksan na ni Chandra iyong pitaka niya at kumuha ng pera, pero may iba akong napansin.

"Patingin," kinuha ko iyong pitaka niya at tiningnan iyong litrato ng lakaki. 

"Umiral na naman 'yang pagiging pogi hunter mo, Arabells."

"Hoy, ang gwapo nito, Chandra! Sino 'to?" tanong naman ni Clara. 

Kinuha niya iyong litrato at ibinalik sa pitaka niya. "Kuya ko 'yon," sagot niya.

I'll never forget how I've known Charmagne for the first time, though hindi iyon face-to-face at sa litrato lang, para sa akin isa iyon sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko.

***

"Ladies and Gentlemen, our son, Charles Fuentes!"

"Son?"

Wow! Son! Mahaba ang buhok, wagas ang make-up, ang haba ng heels, naka long gown, tapos son? Sh*t, ang hirap naman ng logic ni Tita. 

"Hi, people!" 

"Bakla?" sabay na naman kaming tatlo na nagtanong nang magsalita siya. Sh*t! Ano ba itong nangyayari? Bakit ang dami-daming Adan na naging Eba?

And when I've finally met him—nakakatawa talaga at super shocking! Habang iniisip ko siya nang makita ko ang litrato niya ay hindi kailanman sumagi sa isip ko na he's gay! Pero, tinanggap ko naman afterwards, wala, eh, bakla talaga.

***

"These are my best friends, Kuya."

"Totoo ba 'yong buhok mo?" hindi ko man lang namalayan na natanong ko iyan kaya bahagya siyang natawa.

"Yes, Sisteret! Oh, sige, ha. Babalikan ko kayo ulit, kailangan ko munang kamustahin 'yong mga pinsan ko. Ay, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong niya sa akin. 

"Ah...Ara Cee."

"Hmm. You were that girl."

That was our first conversation!! Hindi ko iyan makakalimutan dahil para talaga akong nawala sa katinuan nang makita siya sa malapitan!! Ang ganda niya kasi talaga, eh! Nakakatomboy!

***

"Na-scam ka kahapon kaya givenchy (binibigyan) kita ng sangkatuts (napakarami) na red roses, for free at exclusive only for you. Be happy, Kilatra!"

Aw, nalanta na iyong mga roses na ibinigay niya. Mabuti na lang dahil kinunan ko iyon ng napakaraming litarto. Syempre, iyon ang pinaka-unang beses na may magandang bakla ang nagbigay sa akin ng bulaklak. Kung dati ay naguluhan ako nang ibinigay niya iyon, ngayon ay kinikilig na ako na inaalala ang pangyayaring iyon. Yiiieee!!

***

"Iyong bakla ba ang iniiwasan mo?"  

"H-Hindi, ah."

"Hindi mo ba alam usap-usapan kayo ngayon sa page ng School sa Facebook? Akala ko ba si Marcus? Bakit parang 'yong mas babae pa sa'yo 'yong gusto mo—aray!"

"HINDI KO SIYA BET!"

***

"Mamaya niyan 'yong Kuya ko naman 'yong habulin mo, ha."

"Nakakadiri ka! Kahit pumayat ka pa, Chandra, na talaga namang imposibleng mangyari ay hindi ako maghahabol ng bakla o kahit sino mang lalaki, okay?"

***

"Mukhang gusto ni Charmagne na magkaayos kayo, ha. Hala! Baka maging bridge niyo siya at ang ending, kayong dalawa 'yong magkatuluyan—"

"Mas gugustuhin ko na lang na tahimik ka, Anikka, kaysa dumada ka tapos wala namang kwenta! Nakakadiri ang imahenasyon mo!"

Sorry not sorry, pero gusto ko iyong mga Juding dahil nakakatawa sila, pero iyong magustuhan in a romantic way, never! Hindi sa nandidiri ako, pero ganoon na nga. Charot! Pero, siguro hindi ako iyong babae na na-a-attract sa bakla. Nagagwapohan ako sa iba, pero hanggang appreciation lang talaga. The end!

Ows, talaga ba, Ara, eh ano ito?

***

"Charmagne, maraming nagmamahal sa'yo. Pamilya mo, mga kaibigan mo. . .ako, mahal kita dahil kaibigan kita."

"Pero, may kulang, eh. Ang laki ng kulang at gusto ko. . .gusto kong si Jake ang pumuno no'n, Kilatra."

"Iyong kulang. . .hindi ba pwedeng iba na lang ang pumuno? Hindi ba pwedeng ako? Can I fulfill it, Charles?"

***

"May nagbago sa'yo."

"Ha? Si Ara pa rin naman 'to, ha."

"Let's be frank here, Kilatra, ayokong magustuhan mo 'ko."

"Bakit naman?"

"Look, I'm Juding and you're Kilatra, we're not compatible."

"Bakit? Sinabi ko bang gusto kitang jowain? Gusto lang naman kita, pero wala pa ako sa stage na gugustuhin kong ligawan ka, baliw!"

"Gusto mo na 'ko?"

"I like you, Juding,"

AHHHHH!!! Hindi pala bet, ha! Hindi pala magugustuhan, ha! Talaga lang! Sus, si Ara pa pala iyong unang mahuhulog. Haynako!

"Oh, bukas makalawa ay wala na akong Kuya kakatitig mo sa kaniya," natatawang sabi ni Chandra saka siya tumabi sa akin. "Ba't 'di mo lapitan? Titig ka nang titig diyan," nagkibit-balikat lang ako at saka muling pinasidahan ng tingin si Charmagne na busy sa pakikipag-usap sa ilang kababaihan sa labas ng classroom nila.

"Arabells, kilos-kilos na, baka agawin 'yan sa'yo, oh, daming girls ang kasama ni Mars," usal naman ni Clara.

"Sus, confident naman ang Arabells ni'yo na hindi siya mahuhulog sa iba," sagot ko naman at tinukso lang nila ako.

"Ibang babae, kasi sa lalaki pa rin siya mahuhulog."

"Killjoy ka talaga, Nikks, eh, 'no?" nakangiti ko kunyaring tanong na tinanguan niya lang. Magaling!

"May solusyon naman ako sa problema mo, eh," aniya at sabay namin siyang nilingon nina Chandra at Clara.

"M-May problema ba ako?" naguguluhan kong tanong.

"Oo. Your special someone can't like you back," aray, sapol! Problema nga iyan. "What if. . ."

"What if?" sabay-sabay naming tanong.

". . .gayumahin mo."

"ANO?!" sabay ulit kaming tatlo. Kasi naman, anong klaseng solusyon iyon?!

"Gayuma nga. May kilala ako," sagot naman ni Anikka! Hindi ko kailanman naisip na maririnig ko iyan galing kay Anikka! Akala ko puro science lang siya, pero mukhang naniniwala rin siya sa gayuma! "You got the same problem with my Tita kasi at pinagayuma niya, as of now, hindi ko pa natatanong kung may progress, pero baka naman totoo, 'di ba? Then, try mo rin," aniya.

My gosh!! Totoo ba talaga itong naririnig ko kay Anikka?!

"Ay, oo nga! Game ako riyan, Arabells. Poison!" pumalakpak pa si Chandra!

"Sige, i-poison mo nang ma-salvage ka ni Ara, sige," usal naman ni Clara kaya nagtaka agad si Chandra. Para bang itinatanong niya kung ano ang nasabi niyang mali.

"P-Poison, 'di ba? G-Gayuma?"

"Potion kasi, Chandra, although potion is a dose of liquid which is medicinal, poisonous, or magical, still, it's different from poison, kasi ang poison ay lason, nakakamatay," pagpapaliwanag naman ni Anikka at napanguso lang si Chandra.

"But, seriously, Anikka, gagawin ko talaga 'yon? Gayuma? Like, sinong maniniwala riyan?" tanong ko.

"Just try it, wala namang mawawala," sagot niya.

"Nga naman. Kapag tumalab kay Mars Charmangne, edi totoo nga ang gayuma," usal naman ni Clara.

"Hoy, wala bang side effects 'yan? Baka mabaliw ang Kuya ko, ha."

"Wala 'yan. So, ano, Arabells? Game?"

Hala! Super dedisido naman si Anikka!

"Try lang naman, Ara, baka gumana," panghihikayat naman ni Clara.

Ah!! Ano? Go? Hindi naman ako naniniwala sa gayuma, eh. Tsaka, okay lang sa akin na hindi ako magustuhan pabalik ni Charmagne, hindi ba? Kaya—

"Okay, silence means yes," nakangiting sabi ni Anikka! My God!

"Oy—"

"Shh! May professor na."

Ah, Anikka! Nabaliw na dahil sa kakabasa niya ng mga libro!!

***

"Oy, uwi na tayo, nakakatakot naman dito, ang dilim!" pagrereklamo ko pa. Ang dilim kasi ng dinaraanan namin, eh. Para siyang iskinita na sobrang dilim talaga!

"Nandito na tayo kaya wala na itong atrasan," sagot naman ni Anikka! Kapag talaga may nangyaring masama sa amin ay itatakwil ko talaga ang babaeng ito.

Ilang minuto lang ay narating namin ang dulo at may isang bahay rito na mukhang inangkin ang lahat ng kuryente dahil ang daming ilaw ng bahay! Maliit lang siya, pero sementado.

Kinatok ni Anikka ang pinto at agad namang may nagbukas nito. At sh*t, ang ganda ni Ate!! Mukha siyang barbie, promise! Mahaba ang blonde niyang buhok, ang cute ng ilong at lips niya, tapos may pa-piloka, tsaka may bangs din siya. Ang cute niya na maganda. Sana all!

"Ikaw ba 'yong tumawag sa akin?" tanong niya kay Anikka.

"Opo," sagot niya.

"Okay, pasok kayo," nakangiting aniya.

Namangha kami pagpasok namin kasi hindi siya iyong typical na bahay ng mga manggagayuma! Ang gara ng kagamitan niya at ang linis! Akala ko kanina puno ng nakakatakot na manika ang bahay niya na nakasabit sa kung saan-saan, pero hindi naman pala. Para lang siyang normal na bahay.

"Maupo muna kayo," para namang kaming tuta na agad siyang sinunod. Tiningnan niya ako at ngumiti siya bigla. "First time na may lumapit sa akin para gayumahin ang isang bakla," aniya.

"Hmm, paano niyo po nalaman na bakla? Hindi ko po sinabi sa inyo, 'di ba?" nagtaka kaming lahat sa sinabi ni Anikka! Nakakatakot naman itong si Ate na nakakamangha rin at the same time.

"Hindi na 'yon importante," aniya. Siguro manghuhula rin ito. Ang galing!! "Simple lang naman ang gagawin mo to make the gay likes you back."

"Wow, English," bulong pa ni Chandra. Nainggit bigla, eh.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Brief. Katas ng brief," aniya at sorry kasi natawa kaming tatlo. "Seryoso ako," natahimik naman kami agad.

"B-Bakit po k-katas ng brief?" tanong ko na naman.

"Walang explanation, basta 'yon ang requirement."

Requirement talaga? Kakaiba naman ito.

"Sige na, bumalik na lang kayo rito kapag bitbit mo na ang brief niya."

"Maraming salamat po," ani ni Anikka at saka kami natatawang umalis maliban sa kaniya.

"Jionoke-time lang yata tayo ni Ate Girl," usal ko pa.

"Mukhang hindi naman," sagot ni Anikka. "Try mo lang, Arabells, I just want you to be happy. Kahit ilang ulit mo pang sabihin na okay lang na hindi ka magustuhan pabalik ni Charmagne, I know that deep inside, hindi naman 'yon ang gusto mong sabihin," dagdag niya at saka siya naglakad nang mabilis.

Oh, sige na nga! Tama siya. Sige, go na ako rito!

***

"Arabells, kinakabahan na talaga ako, eh," sinamaan ko agad ng tingin si Chandra. Siya 'yong nagplano kung paano namin ito gagawin, tapos siya itong kinakabahan ngayon? Nako! Ang sarap nitong kurutin sa singit, eh!

"May lookout naman tayo sa labas, don't worry," sagot ko naman at patuloy na kinalkal ang napakalaki niyang closet.

Halata naman sa mukha ni Chandra na hindi pa rin siya napapanatag. Napaupo siya sa kama ng kuya niya na kunot na kunot talaga ang noo. "Malalagot talaga tayo kapag nahuli tayo nito, Arabells," saad niya. Napasinghal ako at pinilit siyang tumayo. "Huwag na nating ituloy?" umiling ako agad.

"Andito na tayo, oh, we should continue the plan. Wala ng atrasan 'to, Chandra, okay?" hinila ko na siya at pinatulong sa'kin sa paghahanap ng brief ng Kuya niya. "Ano ba 'yan! Mahigit 20 minutes na tayong andito, pero puro panty naman 'tong nakikita ko," inis kong sabi. I'm getting exhausted, honestly, but for my brighter future with him, I need to do this. Hindi pa rin ako totally naniniwala kay Ateng Maganda, pero hayaan na.

"Huwag ka ngang tanga, Arabells, malamang bakla 'yong Kuya ko talagang puro panty ang gamit niya," sagot naman ni Chandra at bahagya akong napatango.

"Medyo tanga nga ako sa part na 'yon," wala sa sariling usal ko at agad naman siyang sumang-ayon. Napakamot na lang ako sa ulo ko nang umabot na kami ng trenta minutos, pero wala talaga! "Wala na ba siyang natitirang brief, Chandra?" tanong ko habang unti-unti ko nang binabalik iyong mga mamahalin niyang panty sa cabinet nito.

"Ewan? Kasi no'ng nag out siya, wala na talaga siyang gamit na panglalaki," sagot niya kaya mas lalo akong nanlumo. "Arabells, paano kung panty na lang 'yong dalhin natin?" suhestyon niya na hindi ko sinang-ayonan.

"Ang sabi ni Ateng Maganda brief hindi panty. Baka hindi e-epekto kapag panty," sagot ko. Napaupo na ako sa sahig at talagang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pero, hindi pwede! Tumayo ako at muling naghanap. "Wala bang secret cabinet 'yong Kuya mo? Baka naman may naitabi siyang panglalaking gamit. Isipin mo nga baka maalala mo," bahagyang nag-isip si Chandra, pero agad naman siyang napailing.

"ARABELLS!" biglang sigaw niya ilang segundo lang ang lumipas.

"ANO?!" napasigaw na rin ako, pero dulot ng excitement! Mukhang may alam na siya! Yehee—

"Parating na ang Kuya!! Nag text siya sa'kin tapos na 'yong date niya! Pauwi na siya!" pareho kaming nataranta ni Chandra at hindi namin alam na napatakbo na kami sa loob ng kwarto ng Kuya niya at kung hindi lang kami nagkabungguan ay hindi pa namin iyon malalaman.

"Ang sakit, ha!" pagrereklamo ko pa habang hawak-hawak iyong balikat kong nabunggo sa kaniya.

She just rolled her eyes inwardly, then, it suddenly turned big! "ARABELLS!" muling sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "ALAM KO NA!"

"ANG ALIN?" napasigaw na rin ako. Para kaming tanga rito.

"ALAM KO NA SABI!"

"ANG ANO NGA? BALIW!"

"HIS TREASURE BOX!"

"TREASURE BOX?!"

"OO NGA! NAAALALA KO NA! BAGO SIYA MAG OUT 'YONG HULING BRIEF NA ISINUOT NIYA INILAGAY NIYA SA—"

"SA TREASURE BOX?! BA'T NGAYON MO LANG SINABI?!"

Bigla siyang natahimik at mariin niya akong tinitigan. "Kumalma muna tayo sandali, nauubos 'yong boses ko may concert pa ako mamaya," saad pa niya at muling naupo sa kama.

"Concert, akala mo naman nabiyayaan ng magandang boses," pangbabara ko naman kaya muling umikot iyong mga mata niya, 360 degrees!

"Pasensya na, ano? Kasi no'ng bumagyo ng magandang boses nasa loob ako ng bahay, kumakain! Kaya hindi ako napatakan kahit konti!"

"Ba't ka sumisigaw? Kasalan ko? Kasalanan kong matakaw ka?!"

"HINDI KO SASABIHIN KUNG ASAN 'YONG BRIEF NI KUYA!" naiiyak niya pang sigaw kaya ako naman ay todo haplos sa likuran niya.

"Sinong nagsabi na matakaw ka? Ano? Ipasalvage na natin? Ang sexy mo kaya, Chandra," usal ko pa. Sh*t! Sana gumana! Hindi ko man lang kasi naalala na OA pala itong babaeng ito. Kapag nasasabihan ng mataba at matakaw naghahalupasay na. Baliw na ito, kain nang kain, tapos ayaw marinig 'yong katotohanan. Tsk!

"Mamaya na lang. Sa ngayon ay kunin mo muna 'yong treasure box ni Kuya, nasa ilalim ng kama niya," aniya at gusto ko na lang talaga siyang sabunutan! Alam niya naman pala, pero pinahirapan pa ako. Pinakalkal pa ako ng babaeng ito! Napakasarap niya na talagang kurutin! If she's not one of my Angels baka sinipa ko na rin ito!

Kinuha ko na lang iyong treasure box sa ilalim ng kama at talaga namang kulay ginto ito, pero paano namin mabubuksan ito, eh may padlock? "Hala, paano na?" tanong ko at agad siyang tumayo at may kung anong kinuha sa drawer saka niya pinalipad papunta sa akin ang susi at kung hindi ko lang nasalo malamang natamaan na ako sa noo! Great!

"Bilisan mo na baka maabutan tayo, dalawa tayong masasalvage, makikita mo."

"CHE! Kung sana sinabi mo kanina, edi nakalabas na tayo!" asar kong sabi habang binubuksan iyong golden treasure box. Naks!

"Kailangan mo munang maghirap, 'no," dahil sa sinabi niya ay naningkit talaga iyong mga mata ko. Ang sarap lapain ng babaeng ito! Nakakainis!!

Pero, nawala iyong inis ko nang makita ko na iyong brief niya! Oh, my gosh!! Ito naaa!! "Waaah, Chandraaa! Brief niyaa! Brief ng Kuya moo!" hindi ko naiwasang mapatalon habang yakap-yakap ko iyon! Ang saya-saya ko talaga! My happiness transcends the Universe!

"Hoy, ingatan mo 'yan. Bon Bon Body Wear 'yan, it costs $39," hindi ko na pinansin pa iyong pagpromote niya sa brand ng brief na ito ang importante ay mapapasa akin na siya!!

Bahala na kahit walang kasiguraduhan, ang mahalaga ay. . .feeling ko, Baby Loves, wala ka ng kawala!