Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 27 - SSTGB 26 : TOGETHER AGAIN

Chapter 27 - SSTGB 26 : TOGETHER AGAIN

Ang gandang pagmasdan ng tubig dagat, lalo na ang sumasayaw na mga alon at sinamahan pa ng masarap na simoy ng hangin. Tapos, nandito pa ako, edi perfect na tuloy ang setup! Nakadagdag pa ako sa ganda, eh.

"Ay!" pagrereklamo ko nang bigla na lamang lumakas ang hangin! Ang bilis makakontra, eh!

"Okay ka na?" nilingon ko naman agad si Jervin nang itanong niya iyan at saka ako pilit na tumango. "Tell me what's wrong. Your eyes look so gloomy," aniya.

Magkasama kami ngayon kasi nagpunta siya sa amin at nagpaalam sa mga magulang ko na ilalabas niya ako. Actually, aayaw sana ako, pero kailangan ko kasing magpakalayo-layo nang konti para makapagdrama—charot—para maibsan ang lungkot ko.

Nalulungkot ako kasi hindi man lang nag-message sa akin si Charmagne matapos ang nangyari kahapon! Walang good night, which he usually does every night, walang nonsense na usapan na lagi rin naming ginagawa! Wala talaga!

"Ara?" hindi ko man lang namalayan na napatitig na pala ako sa kawalan. Mabuti na lang at tinawag akong muli ni Jervin. "Come on, share it to me," muling usal niya.

Bumuntong-hininga ako saka ko siya tinanong ng, "Jervin, bakit laging hindi nabibigyan ng halaga 'yong feelings ko?" alam kong hindi niya naintindihan kung bakit ko iyon tinanong, pero hinayaan niya lang ako na ipagpatuloy ang nais kong sabihin. "Kasi tingnan mo, the first man I'd loved just told me he loves me when I no longer wanted to continue my feelings for him, and now, I like another man. He knows it, pero alam kong hindi 'yon big deal para sa kaniya. And he's so insensitive! Alam niyang gusto ko siya, pero hinayaan niya lang na marinig ko ang usapan nila ng taong dinidate niya," inis akong napasinghal matapos sabihin iyan. Si Jervin naman ay mukhang pinoproseso pa sa utak niya ang kaniyang mga narinig.

"I know that Marcus is the first guy, but who's that new man you like, Ara?" tanong niya pa. Nagdadalawang-isip ako na sabihin sa kaniya na si Charmagne. Baka kasi hindi niya ako paniniwalaan. "Is it Charles?" nilingon ko siya nang sabihin niya iyon at nakita ko naman ang mapanukso niyang ngiti. "At first, I was just, no, Ara doesn't like Charles, siguro ganiyan lang talaga tumingin si Ara, something like with affection, but as I continued seeing you together, I concluded that you really like him. . .and I'm right," parang proud talaga siya sa sarili niya dahil tama ang konklusyon niya.

"Tama ka nga," sagot ko at mas lalong lumapad ang ngiti niya kasi ayan oh, confirm na confirm! "Hindi naman sa gusto kong gustuhin niya ako pabalik, Jervin, pero ano naman 'yong irespeto niya 'yong feelings ko, 'di ba?" asar kong tanong at dahan-dahan niya namang tinapik ang likuran ko.

"Siguro he wants to show you na he really can't like you back kaya pinarinig niya sa'yo ang mga sinabi niya sa lalaking kausap niya," iyan din iyong naisip ko noong mga panahong iyon, pero ang sakit naman!! "But, Ara, I want to cheer you up," napaseryoso ako at napatingin sa kaniya, "it's not impossible that Charles will end up loving you. Love always occurs unexpectedly, never forget that and. . .Charles first said his I love you to a girl, Ara, his first love is a girl kaya hindi malabong magkagusto siya ulit sa isang babae," natahimik ako saglit sa mga sinabi niya.

"P-pinapaasa mo naman ako, eh," pagrereklamo ko at bahagya niya namang ginulo ang buhok ko.

"Hindi kita pinapaasa, Ara, I am telling you a reason to continue your feelings for him and who knows, eventually. . .Charles will like you back."

Ahhh!! Pinapaasa niya talaga ako, eh!!

"So, tatayo pa para sa akin?" wala sa sariling tanong ko na agad niyang tinawanan.

"Try to hold it," natatawang aniya at nakitawa na rin ako, pero I'll try kapag nagkita kami. Charot!! "But, seriously, Ara, if Charles won't like you back, then I just want to remind you that I'm here. But for now, na-late lang talaga ako," ngumiti na lang ako sa kaniya. Sabi niya kasi sa akin na crush niya pa rin ako. Hindi ko tuloy alam kung saang lupalop na ba ng mundo nakarating ang buhok ko at sobrang haba na talaga!

We stayed at the seaside for hours, talking about some stuff, getting to know each other even more, changes in our lives, how did I meet Charmagne and many more! I am so grateful na kasama ko ngayon si Jervin kasi kahit papaano ay may nalaman ako tungkol kay Charmagne at mas lalo pa akong na-motivate na gustuhin siya!

CHARMAGNE'S POV

Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Kilatra, mukhang galit pa talaga siya sa akin kaya I decided, Mama, na hindi ko muna chichikahin si Ara.

Pero, sa totoo lang, gusto kong mag-sorry sa kaniya! Tatlong araw na rin kasi akong kinukuyog ng konsensya ko! Hindi ko kasi alam kung bakit ko hinayaang marinig niya ang usapan namin ni Dexter! Ayoko namang isipin niya that I ain't giving value and respect sa feelings niya for me. I appreciate na gusto ako ni Ara, pero ayokong mas lumalim pa iyon kasi. . .I can't assure her na magugustuhan ko siya pabalik!

"Dad," tumabi sa akin si Ynna sa sofa at saka agad na yumakap, "why aren't you telling me stories about Big Sis these days? Are you in a quarrel?" tanong niya pa at marahan ko namang pinisil ang kaniyang ilong. Bukod kay Chandra ay isa pa itong si Ynna na over kung maka-tulak sa amin ni Kilatra, eh.

Ano bang klaseng chemistry ang nakikita nila sa amin at pati bata ay siniship na rin kami? Shuta des!

"No, I and Big Sis are fine," sagot ko naman.

"You can't lie to me, Daddy!" idinuro niya pa talaga ako! Jusko!

"Oo na, we're not fine. Galit yata si Big Sis sa akin," malungkot kong sabi at mas hinigpitan pa ni Ynna ang pagkakayakap sa akin. Taray naman ng Junakis ko, akala mo alam na niya ang lahat sa mundo.

"And, why? Did you reject her?"

"R-reject? Do you know that she likes me?"

"Yah, based on what I can see on her eyes since then."

At kailan pa ito natuto ng tungkol sa ganitong bagay? Sa naalala ko ay hindi ko pa siya tinuturuan kahit ibig sabihin man lang ng crush, pero like alam niya na!

"So, you really reject her that's why she's mad at you?" muling usal niya. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay matanda na si Ynna, pero sumapi lang sa maliit na batang ito.

"I didn't, okay? It's just she heard something that makes her felt jealous," sagot ko naman at iyan talaga iyong pinagsisisihan ko nang sobra ngayon!

"Something like what?"

"That I'm dating a guy."

"And she heard it from you?" tumango ako kaya ayan tinarayan ako ng Junakis ko! "That was foul, Dad! If I were on her shoe, my heart will break into pieces, too! Hearing from the person I like that he's dating a guy is a big bang on my heart! You're so bad, Daddy!" galit niya talagang sigaw at ilang beses akong napalunok, Mama!!

"H-how did you know about such things, Ynna?"

"I just love to read different genres of book and I've read some romance-type of story, and people nowadays are so drowned in love that everywhere my feet brought me, people are always talking about love, love, and love. But, that's not the problem here," tumayo siya sa harapan ko at nakapameywang pa! "Tell sorry to, Big Sis," talagang inuutusan niya ako, ha!!

"I-I will, kapag nagkita kami," sagot ko naman. Feeling ko talaga ay may samaligno na sumapi rito sa Junakis ko, eh.

"I am just so curious about this, Dad," this time ay naging maamo na iyong mukha niya kaya nakahinga na ako nang maluwag, "are gays really oblige to just love men? Do their heart really just meant for men? Do they really need to close their heart for women?" natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko talaga noselift kung papaanong nakyuryos siya nang ganito!

"H-Hindi naman, Junakis," sabi ko at bahagyang siyang tumango. "It's just we want to be satisfied by men," napataas ang kilay niya kaya for sure, wrong move ako!

"Can't women satisfy you? What do men have that women don't?"

Nota? Charot! Syempre, hindi ko sinabi mamaya ay mas lalo lang siyang makyuryos, eh!

"Women know how to love, care, value, protect, and be with you for the rest of your life! Can't gays give them a chance? I mean why not you try to date, Big Sis? After all, she's the best woman I've known that will never judge you and will never hurt you! And I'm sorry, Dad, but I have to say this for your realization. Big Sis is rare and if you dare waste her, you'll be forever regretful," humalik siya bigla sa pisnge ko, "our conversation stressed me out and I just want to take my rest. Goodnight, I love you," she did flying kiss before she finally walks out leaving me with unexplainable feeling! 

Shuta des! Junakis ko ba talaga iyon? Hindi ako makapaniwala that she'd grown up so mature!

ARA'S POV

Sinandya kong abangan si Charmagne sa may parking area para humarot—joke! Para makausap siya kasi miss na miss ko na si Juding! Four days na kaming hindi nag-uusap at nakakalungkot talaga!!

"Hi, Charmagne!" I cling my arm in his arms at talagang nagulat siya. Syempre, bigla ba naman ang sumulpot sa kung saan, sinong hindi magugulat? Pero, at least ang ganda ng nanggulat!

"H-hi?" para namang hindi siya sure na babatiin niya ako, eh. Tsk! "O-okay ka na ba? Hindi ka na ba galit?" bahagya tuloy akong natawa sa tanong niya.

"Oo, Baby, uwi ka na, 'di na ako galit!" pagbibiro ko pa at biglaan niyang inalis ang kamay ko saka siya nag-umpisang maglakad. Pero, inakbayan ko siya! Ang tangkad, man! "Joke lang," usal ko. "Pero, hindi naman talaga ako galit, baka ikaw kasi hindi ka nagpapakita sa'kin," dagdag ko.

Inalis niya na naman ang kamay kong naaakbay sa kaniya, pero. . . nagulat talaga ako nang inakbayan niya ako!! Ang puso ko ang harot-harot na naman!! "Paano mo 'ko makikita, eh nasa library ako lagi? Midterm, Kilatra, kailangan kong mag-aral," aniya at napatango lang ako. Akala ko hindi kami okay kasi hindi siya nagpapakita, iyon pala ay tambay library siya at gaya ng sabi ko, ayoko sa lugar na iyon! "Sorry," hindi ko napigilang lingunin siya nang sabihin niya iyan at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakatingin din pala siya sa akin!

Sh*t! Ang lapit-lapit namin sa isa't isa! At napagtanto ko na. . .mas dalaga pa siya tingnan sa akin! Bakit ang ganda ni Charmagne? Feel ko talaga tomboy ako!

"Ara, sabi ko sorry, wala ka man lang bang sabibihin nang makahinga ako nang maluwag?" tanong niya kaya nagbalik ako sa sarili.

"Apology accepted though it's no longer necessary to say sorry. Makausap lang kita ulit na parang walang nangyari is more than enough," sagot ko at sumibol naman ang napakaganda niyang ngiti!

Teka, nalaglag yata cycling ko!

"Tayo na ulit, ha?" pagbibiro ko naman, pero deep inside. . .sus, Ara! Gusto mo naman talaga!!!

"Para ka talagang sira," aniya at umakto naman ako agad na nasasaktan. "Ayan na 'yong room mo, pumasok ka na," ang bilis naman ng oras, hindi ko namalayang nandito na ako.

Pero. . .

"H-hinatid mo 'ko?" inosente kong tanong. Kasi hindi ko man lang napansin na nadaanan na namin iyong room niya!

"Pambawi man lang sa pagiging insensitive ko," sagot niya at ako naman ang napangiti nang todo! Bumabawi siya! Yiiieee, feeling ko parang kami na hindi! My gosh!

Papasok na sana ako, pero muli ko siyang nilingon nang tawagin niya ako. "Oh?" tanong ko.

"Hmm. . .mamayang lunch, please spare your time for me. It's my treat. Ang hirap ng nakokonsensya, Ara, and at the same time. . .ang lungkot ng araw ko kapag walang nangungulit, kaya kailangan mo ring bumawi," hindi na ako nakasagot pa nang umalis na siya agad. Ang ginawa ko na lang ay ang ngumiti nang walang katapusan!

Ang sarap palang magselos kung ganito ang mangyayari pagkatapos!