Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 18 - SSTGB 17 : LIBERATION OF THE HEART

Chapter 18 - SSTGB 17 : LIBERATION OF THE HEART

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay wala naman akong kakaibang napapansin. Sapagalay ko ay wala pa ring nakakaalam sa nangyari kahapon which is quite new. Sa eskwelahan kasing ito kapag may issue ang bilis kumalat, ang dami agad ng nakakaalam, pero kapag pagdating sa klase ay walang natututunan. Mga kabataan nga naman.

"Ara," napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Alex na hindi ako matingnan sa mga mata, "can we talk?" nakayukong tanong niya.

Tumango lang ako saka kami naghanap ng lugar na walang makakarinig sa pag-uusapan namin. Sakto namang may isang silid-aralan na walang tao kaya roon kami nagtungo.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko, pero nararamdaman ko na sa aking radar na tungkol ito sa slot ng magiging exchange student.

"Kahapon, aksidenteng nakita ko si Marcus na umiiyak and I asked him what happened. Sinabi niya sa akin 'yong totoo. Kaya gusto kong kausapin ka, Ara. . ." bahagya akong nagulat nang bigla siyang maluha, ". . .na sana ibigay mo sa akin 'yong opportunity," halatang nagmamakaawa ngayon si Alex dahil muntik na siyang lumuhod sa harapan ko. Pinigilan ko siya dahil hindi naman ako ganoon kaganda para luhuran. Hehe.

"Bakit ba gusto mo 'yong makuha?" syempre, kyuryos din ako kung bakit gustong-gusto niyang maging isang exchange student. Alam ko namang halos lahat ng estudyante ay pangarap iyan, pero iyong magplano na gumawa ng masama para mapasakanya iyong slot ay hindi talaga tama. Ano kayang mabigat na rason ang bitbit ni Alex? Hmm.

"This may seem so lame, but I want my parents to be proud of me," sagot niya. Kumunot ang noo ko dahil lame talaga. Lahat naman tayo gustong maging proud sa atin ang mga magulang natin. Ano ba iyan, Alex?! Plano ko na sanang i-give up iyong slot, pero pare-pareho lang naman pala tayo ng rason, eh. "That's the only way I have to finally get their attention," napaseryoso ako nang muli siyang magsalita. Hindi yata tamang i-judge ko si Alex ngayon. "Ara, I was never acknowledged by my parents, lagi na lang si Ate. Si Ate na magaling, matalino, maipagmamalaki nila, pero ako? Ito, isang brat na akala mo nasa kaniya na ang lahat. Ang tapang-tapang ko, pero kapag nasa bahay na ako aakalain mo na isa akong makahiya dahil tumitiklop agad. Gusto ko lang naman na mapansin ako ng parents ko, eh. . ." tuluyang bumuhos ang mga luha niya at hindi ko alam kung i-co-comfort ko ba ang taong ito, iiyak din ba ako, o lalayasan ko ito? Joke. Ewan, makiki-iyak na rin ako, ". . .minsan pinapanalangin ko na lang na sana, sana katulong na lang ako sa bahay para kahit papa'no napapansin ako kapag may kailangan sila. Pero, hindi, eh, napapansin lang ako kapag may nagagawang hindi maganda ang Ate," aba ay nakakaloka naman pala ang parents nito, eh. A-anak-anak, pero hindi papansinin. Parang tanga! "Pero this time, Ara, makuha ko lang 'yong slot, it will be a big help para mapagtuunan nila ako ng pansin. Knowing that I'll get the only one slot will surely make them happy and be proud of me," nakangiti niyang sabi habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.

Bahagya kong tinapik ang likuran ni Alex at alam kong hindi niya iyon inaasahan dahil sa reaksyon na ibinigay niya. Sandaling bumilog ang mga mata niya at saka siya muling napangiti. "The slot will also make my parents happy," sabi ko kaya agad siyang napayuko. "But, I want your parents to be proud of you," muli siyang napatingin sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya. Alex may not have been a good human pagdating sa akin, but I know she still has a kind heart. "Alam ko na 'yong sakripisyong ginawa ko ngayon will be worth it soon," dagdag ko at hindi niya napigilang yakapin ako. This time, I'd realized she's telling me the truth at masaya ako sa desisyong ginawa ko. The slot is also important for me, but it's more important for Alex. Tsaka tanggapin ko man iyon o hindi, I know my parents will always be proud of me.

***

"ARABELLS!" ayan agad ang bumungad sa akin nang makarating ako sa classroom namin at saka ako niyakap ng tatlo na para bang ilang dekada talaga kaming hindi nagkita.

"Sorry, ha, wala kami para damayan ka kagabi," masinsiredad na sabi ni Chandra. Mukhang best in chika na ang Juding, ha, kaya alam na nitong tatlo ang nangyari.

"Okay lang. Sobrang galing naman ng nagcomfort sa'kin kagabi," sagot ko nang makaupo ako sa upuan ko.

Hinila naman nilang tatlo iyong upuan nila papalapit sa akin. "Bet na bet," panunukso pa ni Clara kaya inirapan ko lang siya.

"So, ano nang plano mo kay Marcus?" seryoso talagang tanong ni Anikka at hindi ako agad nakasagot. Wala rin naman akong naisip na sagot. Bobita! "Kanina ka pa niya hinahanap," nakuhang muli ni Anikka ang atensyon ko sa sinabi niyang iyon.

Bakit niya naman ako hahanapin? Magso-sorry na naman? Tss. Mukha niya!!

"Based on your reaction, it seems like you no longer are interested to hear Marcus's side, Ara," sabi naman ni Clara na agad nakatanggap ng palo mula kay Chandra.

"Pwede ba? Pinoy tayo kaya tigilan mo 'yang kaka-ingles mo," asar niya talagang sabi. Si Clara ay tiningnan lang siya na para bang sinasabi niyang 'matuto ka rin kasing makinig sa guro kapag English na 'yong subject.'

"Hindi na talaga, as-in never! Papakatanga pa ba 'ko ulit—"

"OO! HINDI MALABO!" sabay-sabay nilang sigaw kaya napalingon tuloy sa amin ang iba pa naming kaklase! Mga babaeng ito, napakaingay!

"Tumigil nga kayo," inis kong sabi. "Swear, last na 'yon at hindi na mauulit," dagdag ko pa at seryoso talaga iyan. I've learned my lesson at nakakapagod ding umiyak nang umiyak, at napakaswerte naman ni Marcus kung muli ko siyang iiyakan. Tss!

"Kahit tumalino ka pa sa Filipino?" tanong ni Anikka.

Tumango naman ako. "At kahit tumalino si Chandra sa English ay hindi na talaga ko magpapakatanga," sagot ko.

"Sa ibang tao naman?" muling tanong ni Anikka at muli akong natahimik. Sh*t, Anikka, bakit ba lagi akong na i-speechless sa mga tanong mo? Kaasar! "Sana next time, magpakatanga ka na sa taong mahal ka," matapos niya iyong sabihin ay ibinalik na niya sa dating pwesto ang kaniyang upuan.

"Malay mo si Kuya 'yong ibig niyang sabihin," bulong ni Chandra kaya agad ko siyang itinulak.

"Puro ka nonsense!" asar kong sabi, pero kinindatan niya lang ako! Ayoko nga sa Kuya niya. Ano, bakla na naman? Hoy, tama na! Hindi lang kasi lalaki ang nananakit, pati na rin beki! Tss.

***

Free time at iniwan na naman ako ng tatlo. Nandoon kasi sila sa library, ang lugar na pinaka-ayaw ko sa eskwelahan. Hindi naman sa hindi ako bookworm—nagbabasa naman ako basta huwag lang Filipino books—kaya lang ay inaantok kasi ako roon sa sobrang lamig kaya lagi akong napapagalitan ng Librarian. Simula nang mapagalitan ako nang sunod-sunod ay hindi na ako tumatambay roon. Depende kapag maraming gwapo—joke!

Haharot na naman? Papakatanga na naman? Tapos ang ending masasaktan, iiyak? Diyos ko, tama na, Ara, maawa ka naman sa sarili mo, please lang! Kahit ngayon lang. . .

"Ara."

. . .ipahinga mo muna ang puso mong tumibok na naman nang mabilis dahil nandito na naman ang lintik na lalaking ito! Kaasar!! Ayoko na nga sabi, hindi ba?! Cooperate naman, self!!

"Please, kausapin mo naman ako," aniya habang hinahabol ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kahit ngayon lang, Marcus, sana maintindihan mo na ayaw kitang makita dahil nabibwesit ako sa iyo!!

"Ara!" hinarap niya ako sa kaniya nang tuluyan niya akong maabutan. Inalis ko iyong kamay niya at saka ako naupo sa isang bench. Napagod ako kakalalad nang mabilis.

Lintik! Hanggang kailan ba papagurin ni Marcus ang sarili ko?

"Marcus, ano bang gusto mong sabihin?" pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin at isusunod ko iyong sarili ko dahil ramdam ko pa ring kakaiba ang pintig ng puso ko ngayong magka-eye-to-eye kami ni Marcus. Bwesit ka na talaga, self, promise, no joke!!

"I just want to say sorry and that I really like you," sh*t naman, speechless na naman tayo dahil sa sinabi niya! Hindi na talaga ako natutuwa!! "I mean it, Ara, paniwalaan mo naman ako, oh," tuluyang natawa ang Ate ninyo at kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya, pero pake ko? Tss, mas nangingibabaw pa rin ang sakit na ibinigay niya!

"Totoo man o hindi na gusto mo ko, I no longer care! Ilang beses mo na akong nasaktan, Marcus? Hindi lang isa kun'di paulit-ulit! Paulit-ulit, Marcus!" nakagat ko iyong labi ko habang pilit pinipigilan ang lintik kong mga mata na gusto nang lumuha. "Sa tuwing ipinapakita mo sa akin na iba na naman ang kalandian mo—sh*t, Marcus, ang sakit, eh! Tapos niloko mo pa ako at ngayong handa na akong mag move on, ginagan'to mo 'ko? Ayaw mo ba 'kong maging masaya?" ramdam kong humina talaga ang boses ko nang bitawan ko iyong huling linyang iyon. Oo, aaminin kong may kakaiba akong nararamdaman na sinasabi ngayon ni Marcus na gusto niya ako, pero iba talaga ang hinahanap kong kasiyahan. Kasiyahan na makukuha ko sa pagmamahal sa sarili ko at hindi ng sa iba.

"If letting you go will make you happy, handa naman akong gawin 'yon. If this is my karma for hurting you, I'm ready to suffer. I'm just hoping for your forgiveness, Ara," hinawakan niyang muli ang kamay ko kasabay ng pagbitaw ko ng isang malalim na paghinga.

"P-pasensya na, Marcus, pero sa ngayon, ang hirap pang ibigay," pagsabi ko ng katotohanan. Gusto ko man siyang patawarin agad, pero tumataliwas pa rin iyong puso ko. Sorry naman, fresh na fresh pa ang sugat, eh.

"Handa akong maghintay," aniya kaya dahan-dahan akong tumango at pilit na ngumiti. "Aalis na ako two weeks from now, sana pagbalik ko ay okay na tayo. I prefer the Ara and Marcus in the past, just merely friends."

"A-aalis ka?" ganito ba masaktan si Marcus? Tatakasan?

"Dalawa ang magiging exchange student, Ara. Ikaw at ako ang napili, pero hindi ko alam kung ano 'yong rason mo para ibigay kay Alex ang slot," ahh, akala ko ay lalayasan niya ang pananakit sa akin. Pero, I think this is good, two weeks from we no longer can see each other, mapapabilis ang pag mo-move on namin.

"Hindi mo na kailangang malaman pa, basta maganda ang rason ko kung bakit ko sinakripisyo 'yong slot," ngumiti ako nang totoo kay Marcus at saka ko siya tinapik sa braso niya, ang nakasanayan kong gawin sa kaniya, "congrats, Marcus, pakasaya kayo ni Alex doon at mag-aral kayong mabuti," tumayo na ako at saka ako naglakad paalis.

"Ara!" napatigil ako at muli siyang hinarap. Hindi ko alam kung bakit napapikit ako nang yakapin ako ni Marcus. Masarap sa pakiramdam, pero ang bigat-bigat pa rin. "I'm sorry again," bulong niya at siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa akin at saka siya nag walkout.

Naunahan ako! Asar!

CHARMAGNE'S POV

"Popcorn pa, oh," inabot naman ni Clara ang bitbit nga niyang popcorn.

"Sisiguraduhin natin na last iyak na 'yan ni Kilatra," sabi ko naman sabay lafang ng popcorn. Para lang talaga kaming nanunuod ng tragic love story ditey. Cool din naman pala.

"Pakalalaki ka na kasi," sabat naman ni Sisteret.

"Konek, mahal kong kapatid?" nakataas pa ang isang kilay ko niyan, ha.

"Tapos ibigin mo si Arabells, Mamsh," sabi naman ni Clara kaya maarte kong pinalo ang kamay niyang bitbit-bitbit ang supot ng popcorn kaya ayon, may natapon na isa. Pinulot ko, sayang, wala pa namang five minutes, eh.

"Oh, kainin mo 'to nang mahimasmasan ka," akmang isusubo ko kay Clara iyong nahulog na popcorn, pero kinabig niya iyong kamay ko at muling nahulog ang tanga sa maling tao—cheka lang! Iyong popcorn ang nahulog! Pinulot ko ulit, tapos ako na iyong kumain kaysa ireject na naman ng iba, masakit kaya.

Pero, hoy, walang seryosohan, ha. Hindi ko kinain iyon, aakalain pa ng iba na wala akong perang pambili ng popcorn.

"But seriously, Charmagne," napaseryoso ako nang magsalita si Anikka. Ewan ko ba ditey sa pechay na ito at sinalo ang lahat ng kaseryosohan sa mundo, "is there a chance for you to fall in love with a woman?" ang hirap ng tanong, pang one million ito, Mars, pero hindi ko na kailangan pang pag-isipan iyan nang mabuti dahil alam ko na agad ang sagot.

"Wala, final answer," sagot ko naman sabay hawi ng mahaba kong buhok.

"Hindi mo ba pagbibigyan si Ara?" seryoso ba itong si Anikka sa mga tanong niya? Pereng shera! "I mean. . .why not you guys try to get more close? I can see the chemistry between the two of you," dagdag pa niya. Diyos ko! Pwedeng masuka, saglit lang talaga.

Napatingin ako kay Ara at Marcus na ngayon ay magkayap na. Tiningnan ko si Marcus, tapos si Ara, si Marcus ulit, tapos si Ara.

Shuta! Mas bumibilis ang daloy ng dugo ko kapag kay Marcus ako nakatigin!

"Bakla ako mga, Mars, kaya 'yang chemistry na nakikita niyo, iwan niya na 'yan sa klase at 'wag niyo nang dalhin sa labas," sabi ko, pero mukhang hindi naniniwala ang mga pechay! Ano bang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko? Na bakla ako? Hindi pa ba halata? Diyos ko!

"But, I just want to remind you," muling nakuha ni Anikka ang atensyon namin, "love comes in an unexpected time and in an unexpected person. No matter what kind of sexuality or gender preference that person has, when love hits you both, wala kayong kawala," tumayo siya at inaya na ang dalawa niyang kaibigan, "tara na, puntahan na natin si Ara," aniya at saka nila akong tuluyang iniwang tulaley!

Natakot ako sa sinabi niya!! Sana hindi ako mahuhulog sa babae. Shuta! Ayoko nga! Lalo na kay Ara. Shuta, sakit talaga sa ulo ang mga babae, eh, kahit gusto ko silang maging ka-uri.

Ay, ano ba iyan! Umi-echo pa rin sa tenga ko iyong sinabi ni Anikka! Shuta, baka hindi ako agad makatulog nito kakaisip ng sinabi niya.

AHHHH!! WALA AKONG NARINIG!

Tama na, Charmagne, humayo ka na at umawra. . .sa mga chopopong OTOKO! (Gwapong LALAKI!)