"KILATRAAA!"
Nagising ako nang may lumundag sa kama ko at talagang sumigaw pa—wait. . .
. . .bwesit! Anong ginagawa ng Juding na ito sa kwarto ko?!
"AHHHH!" napasigaw na rin ako. "BA'T KA NANDITO?!" kinuha ko iyong kumot ko at ibinalot sa katawan ko, "KUNG MAY PINAPLANO KANG MASAMA, PWES SINASABI KO SA'YO SA IMPYERNO KA MAPUPUNTA!" muli kong sigaw sa kaniya. Bahala siya mabingi riyan, basta ilalabas ko itong pagkagulat ko.
"Shuta, ang ingay!" pagrereklamo pa niya saka siya umalis sa pagkakaupo sa kama ko. "Huwag mo nang takpan 'yang katawan mo dahil nasilayan ko na," literal na nanlaki ang mga mata ko at saka ko sinilip iyong katawan kong natatabunan ng kumot at. . .MANIPIS ANG SUOT KONG PANTULOG!! "Pinagpala ka rin pala," nakangising sabi niya!!
"MANYAK KA, JUDING!!" inis ko talagang sigaw na agad niyang tinawanan. Bwesit na iyan!!!
"Compliment 'yon, so you're welcome," natatawa pa ring sabi niya! "Bumangon ka na. Ano bang ginawa mo kagabi at alas diyes na ay sleeping beauty ka pa rin?" kakaiba ang tingin niya sa akin kaya pinalo ko siya agad sa braso.
"Huwag mo nga akong pinag-iisipan nang masama," asar kong sabi. Akala siguro nito ay gumawa ako ng himala. Diyos ko! Ginagaya ako sa kaniya. Tss! "May ka-late night talk lang ako," gandang-ganda sabi ko.
"Mukha mo. Mas maniniwala pa ako 'pag sinabi mong nag-aral ka ng Filipino 1 kagabi," grabe, ang sama-sama ng nilalang na ito!
"Ba't ka nga ba nandito? Nagtrespass ka pa sa kwarto ko," kapal ng mukha nito, gawin ko rin kaya sa kaniya? Ano kayang itsura ng kwarto ni Charmagne? Barbie themed? Hello Kitty? Princess? O baka naman nakahubad na mga lalaki? Ay, hindi malabong tama ako. "At alam mo bang pwede kitang kasuhan, ha?" mataray kong tanong.
"Kasuhan mo na ako kapag nanakaw ko na ang puso mo," kumindat pa siya sa akin! Sh*t!!
"Nakakadiri!" sigaw ko.
"Talagang nakakadiri!" sigaw rin niya pabalik. Ayaw talagang magpatalo. "Tsaka, hoy, pinapunta ako ng Mommy mo at nagbake kami ng cookies. Gustong-gusto ko naman dahil maaga kong nakita ang mga Kuya mo."
"Ang harot mo."
"Aminado!"
Hindi man lang nagpaligoy-ligoy muna, umamin agad! Maharot nga.
"Pero, bakit ikaw ang gumising sa akin? Baka ako talaga ang gusto mong makita," pagbibiro ko pa at umakto naman siyang diring-diri! Ang kapal talaga!!!
"Sa araw-araw ba naman kitang nakikita at nakakasama sa eskwelahan, Ara, ay masasabi ko talaga na konti nalang, magsasawa na ako sa'yo. Tapos ngayon, sinasabi mong gusto kitang makita? Hoy, Kilatra, tulog ka pa ba?"
"CHE! ANG DAMI MONG KUDA PARA PINAGBIBIRO KA LANG. UMALIS KA NA NGA AT MALILIGO NA AKO!" Diyos ko, nahahigblood ako sa Juding na ito!
"Tumayo ka na," aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya namang manipis ang suot ko tapos patatayuin niya na ako?! "Nakita ko na 'yan," at bago ko pa siya masapak ay mabili siyang tumakbo palabas ng kwarto ko.
Diyos ko! Kaybakla-bakla ang manyak!! Humanda sa akin ang Juding na iyon! Gaganti ako! Dapat makita ko rin iyong kaniya. Joke!
Pumasok na ako sabanyo at napahinto ako nang makita ang sarili kong repleksyon sa salamin. Three months had passed since Marcus left, aminado naman ako na nakakamiss iyong presensya niya, pero ngayon ay masasabi ko na talagang I have moved on. Nagpapasalamat ako kasi hindi lang ang pamilya ko ang tumulong sa akin, but my angels helped me, too, as well as si Charmagne.
Ang Juding na iyon, kailanman ay hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit na lagi niya akong ino-okray, masaya pa rin ako na kasama ko siya. Pinapanindigan niya talaga iyong pangako niya na ang huling iyak ko kay Marcus ay ang pinakahuling iyak na makikita niya dahil sa katangahan ko. At oo, nagpapasalamat ako na sinabi niya iyan.
Sus! Kung naririnig lang ni Charmagne ang iniisip ko baka kanina pa iyon ngisi nang ngisi! Tuwang-tuwa kasi iyon kapag sinasabihan ko siya ng maganda. Tss!
Ay, maliligo na muna ako nang makapagpalit na ako ng damit at hindi na ako magsusuot ng manipis na damit lalo na at mukhang mapapadalas siyang pupunta rito!
Ewan, gustong-gusto kasi siya ni Mommy. Hindi raw kasi siya killjoy at napapatawa niya si Mommy pati na rin si Daddy, and yes, even my Brothers! Minsan mas nagmumukha pa nilang anak si Charmagne kaysa sa akin. Tss! Palibhasa matagal na nilang. hinahangad na magkaroon ng isa pang anak na babae.
Kakompetensya ko na tuloy ang Juding na iyon. Kainis!!
JD'S POV
I feel so exhausted strolling around this big city mall, but still found nothing to buy for her birthday. Naupo muna ako rito sa malawak nilang food court to have a rest for just a minute. Inikot ko iyong mga mata ko, hoping to see someone I knew to ask for some suggestion kung ano iyong bibilhin kong regalo that she will surely like.
And, I found no one. I guess I'll just come back tomorrow with my cousin para may tutulong talaga sa akin. I stood up, but I heard a familiar voice just behind my back.
"You've gotten closer to him, ba't 'di mo man lang alam ang hilig niya?" she asked and I just smiled unconsciously. Dalawang taon na rin pala nang huli kaming magkita nito, nakakamiss din pala siya.
"Clara," I've uttered her name and she looked at me with knitted brows and after realizing what she'd just seen, she also does smile so wide.
"JD? OMG! Humihinga ka pa pala," pagbibiro niya pa. Clara didn't change. She's still that clever, gorgeous woman every man will get attracted to.
"Oo and since I'm still breathing, can I request for a favor then?" pagkakataon ko na it para tuluyan na akong makahanap ng bibilhing regalo.
"What is it again this time, JD? Another pretentious act?" tanong naman niya. Oh, I just remembered she used to be my acting girlfriend whenever my Mom set me up on a blind date starting from the age of 14! At sino ang binablind date niya sa akin? Of course, mga anak ng ka-business partner nila ni Daddy. Tss.
"No, I'm gonna ask for your help to buy a gift for someone," sagot ko and it surprised me after hearing her sighed.
"Magsama nga kayo, Arabells, tutal pareho kayo ng problema," aniya sabay tulak papalapit sa akin ng babaeng kasama niya. This woman looks so precious. I mean hindi naman dahil halatang mayaman siya, pero parang siya iyong tipo ng babae na dapat iniingatan? I don't know why I suddenly come up with that assumption after seeing her for the first time. I just feel like she's so soft on the inside.
"Wala kaming mahahanap kapag nagsama kami," pagmamaktol niya na naman saka naupong muli.
"Why you guys are so problematic in looking for a present? Just give something with a heart, it's no important if it's expensive or cheap!" ayan na, Clara and her words of wisdom, her another key point in capturing man's heart.
"Eh, kung puso ko na lang?" nakangiti namang tanong ni. . .Arabells? Weird, but it is somehow a unique name. Meanwhile, Clara is just raising her eyebrow at her. "Joke lang, 'di ka naman mabiro, Mafrend!" hinampas niya pa sa braso si Clara at saka ito malambing na humalik sa pisngi nito. "Iyong-iyo na 'yong Juding na 'yon," aniya at saka siya kumapit sa braso ko at hinila ako sa kung saan. "Magsanib pwersa tayo sa paghahanap ng regalo," muling usal niya habang hila-hila ako. Medyo may kahigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko iyon makuha mula sa kaniya. Baka kapag ginawa ko iyon ay mauntog lang siya sa akin.
"Hmm, Miss?" tinawag ko siya habang may hinahanap siyang stuff toy.
"Ara, Ara Cee Concepcion, 18, naloko dahil tanga, pero ngayon ay natuto na kaya single muna," inilahad niya ang kamay niya, pero nasa mga stuff toy pa rin ang paningin niya. But then, I chuckled after hearing her introduction.
"I'm JD," simpleng pagpapakilala ko at tinanggap iyong kamay niya. Ako na iyong unang bumitaw dahil nakalimutan niya yatang ilang segundo rin naming hawak ang kamay ng isa't isa dahil nanatiling nasa iba ang atensyon niya. "Sinong magbibirthday?" tanong ko habang inumpisahan na rin ang paghahanap muli ng regalo.
"Si Charmagne," sagot niya.
Charmagne?
"Ahh. Mapili rin ba siya?" tanong ko.
"Hindi ako sure, eh. Pero, mayaman kasi ang hirap bilhan ng regalo."
"Mayaman ka rin, so mahirap ka ring bilhan ng regalo?" of all the question I should ask, I asked a nonsense one. Like, why the hell I'd asked such a question?
"Hindi naman, pero tapos na kasi 'yong birthday ko. Kaya kung plano mo 'kong bigyan ng regalo, next year na lang, April 20," this time ay natawa na talaga ako sa kaniya. This woman doesn't have shyness inside of her. Ngayon lang naman kami nagkita at nagkakilala, pero mukhang parehong magaan ang loob namin sa isa't isa. "Ikaw, sinong bibilhan mo ng regalo?" tanong niya sa akin.
"A friend," sagot ko naman. "Oh, I found the best gift for her," nakangiti kong sabi at saka ko siya nilingon na bitbit din ang isang. . .unicorn. But, the unicorn she's holding got a rainbow-colored hair, while I've got a simple pink-colored hair unicorn.
"P-Parehas tayo?" wala sa sariling tanong niya. "'Di bale na, magkaiba naman tayo ng bibigyan," nakangiting sabi niya at saka sabay na rin kaming nagtungo sa may cashier counter. "Ba't nga ba unicorn ang napili mo?" tanong niya habang nasa pila kami.
"I just remembered she likes unicorn so much. Thank you for bringing me in the stuff toy area, hindi ko kasi naisip na magpunta ro'n kanina," sabi ko. Halos nilibot ko na itong mall kanina, pero hindi talaga ako napadpad doon.
"No problem," aniya.
"Ikaw, bakit unicorn?"
"Kasi rainbow 'yong buhok, eh, bakla kasi si Charmagne," binayaran niya na iyong kaniya at ako naman ang sumunod, "kaya ikaw, huwag kang magpapakita kay Charmagne dahil baka jowain ka no'n," dagdag niya pa habang nag-uumpisa na kaming maglakad.
"Is she pretty?" tanong ko.
"Sobra! Prettier than me, minsan nakakaselos nga, eh. Kung sino pa 'yong hindi tunay na babae ay sila pa 'yong nabibiyaan ng ganda," nakasimangot pang aniya.
I pat her back and said, "cheer up, at least you're real."
"Real woman nga, pero mas maganda pa rin siya. Saddest truth ever!" natawa na lang ako sa kaniya. I just realized that the whole time I'm with her, I've never had a boring moment, lagi akong napapangiti at napapatawa. Masarap maging kaibigan si Ara.
"Wait, asan si Clara?" akala ko talaga kanina ay susunod siya, but I see no sign of her.
"Umuwi na 'yon," sagot niya.
"Ha?" hindi man lang nagpaalam. Clara really doesn't know how to say a word before leaving, as usual!
"Kanina niya pa kasi ako hinahanapan ng makakasama, eh. Actually, napilitan lang 'yon na sumama sa akin. What a great best friend I have," she sighed, "ayaw niya talaga akong samahan dahil ang tamad-tamad ng babaeng 'yon," napailing pa siya matapos sabihin iyon. "Kaibigan mo rin ba siya?" muling usal niya.
"Oo, nagkakilala kami kasi both our parents are good friends," tumango naman siya agad. Kung anu-ano pang napag-usapan namin ni Ara hanggang sa narating namin ang parking lot.
Agad niyang nakita ang sasakyan niya at mukhang may tao sa loob, Driver niya yata. "JD, thank you for today. Nag-enjoy ako, ang dami kong nadaldal sa'yo," natatawang sabi niya.
"Thank you also, Ara. I'm hoping to have another chitchat with you, a longer one," I said, sincerely.
Sumakay na siya sa sasakyan at bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam pa siyang muli sa akin. Nagpunta na rin ako sa sasakyan ko at napasandal ako sa upuan.
I smiled once again when I remembered how energetic and genuine Ara is.
'Ara, Ara Cee Concepcion, 18, naloko dahil tanga, pero ngayon ay natuto na kaya single muna.'
I am wondering what happened in her past life. Did she get fooled? By whom? A guy? Oh, shame on him. Kahit ngayon ko lang nakilala si Ara, I know she isn't just a common type of woman, there is something special with her. And honestly, I really am wanting to get to know her more and it will surely happen beacuse. . .
'I know I'll see her again.'