Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 20 - SSTGB 19 : FIRST REAL LOVE

Chapter 20 - SSTGB 19 : FIRST REAL LOVE

ARA'S POV

Kaliwa't kanan ay puro mga gwapo at magaganda ang nakikita ko at ito talaga iyong isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto ko kapag may event ang mga Fuentes at imbitado kami kasi mabubusog talaga iyong mga mata ko.

Kagaya nitong si Kuyang may tuxedong maroon. Mahaba ang kulot niyang buhok, hanggang sa may balikat niya, pero ang sexy niyang tingnan dahil sa long hair niyang iyan. Ang tangos ng ilong, pinagpala sa pilik-mata, strong ang kilay, pero choks na! Gwapo talaga! Mamaya ay kukunin ko number niyan. Joke, malantod!

Ay, ito, ito si Ateng nakasuot ng evening blue gown. Mga mid 20's pa yata ito at sobrang ganda mga, Mare! Iyong mga gestures niyang babaeng-babae—ay, nakakainggit! Alam ko, major turn on iyan sa mga boys. Sana lahat nakakaturn on!

"Ma'am, gusto niyo po?" inabot ko naman agad ang ibinigay ni Kuyang inumin at saka ko iyon nilagok at—ang init sa tiyan!! "May halong vodka po 'yon," nagdilim talaga iyong paningin ko sa sinabi niya. Eh, kasi bakit hindi niya sinabi agad?! Sa lahat kasi ng ayaw ko ay inuming alkohol! Umiinom lang ako kapag masyadong na akong OA kapag nasasaktan.

"Sa susunod ay i-inform mo naman ako, Kuya, akala ko purong juice, eh," iyan na lang iyong sinabi ko dahil pogi naman ang waiter na ito kaya medyo humapo iyong inis ko sa kaniya.

"Pasensya na po," aniya at tumango na lang ako. Ayoko nang makipagchikahan sa kaniya dahil baka mahulog pa ako, ano. Alam niyo na, maharot kapag nasaktan iiyak-iyak naman. Tss!

"Anyare? Bakit kunot na kunot 'yang noo mo?" tanong ni Anikka matapos niyang makabalik galing sa paghahanap ng boylet. Charot, loyal si Anikka kay soon-to-be Father Greg. Ewan ko ba sa kaniya, kung makapagsabi sa akin ng tanga, wagas, eh kita niyo siya, nagpapakatanga rin naman. Haynako, Anikka!

"Nakainom lang ng hindi maganda," sagot ko, pero mas lalo lang siyang nagtaka. "Huwag ka ng magtanong pa. So, nakita mo?" iniba ko na iyong topic at nag-iba rin ang istura niya. Sumimangot siya bigla.

"Hindi, eh. Hindi yata siya umuwi," malungkot niyang sambit. Kawawa naman ito.

"Pero, ang sabi ni Charmagne ay uuwi si Greg sa birthday niya. Birthday niya na ngayon, 'di ba? So, ibig sabihin nandito siya," sabi ko at halata namang nabuhayan siya. Wow! In love na in love? Mabuti pa ako, walang hassle sa mundo.

"Sana naman makita ko siya kahit napakaraming tao ngayon," napabuntong-hininga si Anikka kaya dinamayan ko na lang siya kahit noon ay mas pinapagalitan nila ako imbis na damayan kapag may bagong kalandian si Marcus. Hehehe, past is past nga pala.

"Ara?"

Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita at—oy, ang laki ng ngisi ni Anikka! Aysus! Ara po iyong sinambit na pangalan. HAHAHA!

"Hi, Greg," bati ko sa kaniya at ngumiti naman siya agad. Mas lalong gumwapo si Greg, halatang mahal na mahal niya iyong ginagawa niya ngayon sa semenaryo. Kawawang Anikka talaga.

"Hi, Anikka," at ayan na nga, ang hinihintay ni Anikka, ang muling masambit ni Greg ang kaniyang napakagandang pangalan.

"H-Hi," oy, nauutal! Kinakabahan ba siya? O masayang-masaya lang talaga?

"Kamusta ka naman?" hindi naman ako ang tinanong ni Greg, pero ngiting-ngiti ako. Masaya lang ako para kay Anikka kasi pangarap niya talagang magkaroon sila ng convo ni Greg na sobrang taas talaga. Iyon bang kahit nonsense na ang usapan basta ba ay nag-uusap pa rin sila, ganoon. Ayiieee!!

At dahil nga nag-uusap na sila at mukhang nagiging komportable na si Anikka ay pasimple na akong umexit. Naglakad-lakad lang ako, hanap ng makakausap dahil si Chandra ay nowhere to be found, mukhang busy kaka-entertain sa mga bisita nila.

"Excuse me, young lady," iisipin ko na sanang hindi ako ang tinawag ng Daddy nina Chandra at Charmagne, pero kasi sa akin siya kumaway. Diyos ko! Kinabahan ako bigla. Kasama niya ngayon ang mga taong high profiled!

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay mas lalong bumigat ang bawat hakbang ko. Pakiramdam ko pati stiletto ko ay nararamdam ang kaba ko kaya bumigat na rin siya.

God, help!! Nakaupo na ako ngayon kasama sila!!

"Good evening, young lady, you're the daughter of Anastasia and Cedric Concepcion, right?" tanong ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay ito si Mrs. Geneva, isa sa mga investors ng business ng family namin.

"O-Opo," medyo nahihiya kong sagot. Hindi naman sa ikinakahiya kong anak nila ako, nahihiya ako kasi puro talaga mga taong mataas ang antas ang kaharap ko ngayon!

"You've grown up so beautiful," nakangiting sabi niya.

Hehehe, hindi naman po masyado.

"Salamat po," sagot ko naman. Tapos na nila akong i-compliment baka naman pwede na nila akong palayasin? Hindi na ako nakakahinga nang maayos!!

"Do you have a boyfriend?" tanong naman ng isang babaeng hindi ko kilala, pero halatang sosyal talaga siya. Sabagay, mayaman naman ito.

Pero, nako, Madame, masyadong personal!

"Wala po," pagsabi ko naman ng katotohanan.

"Oh, I want you to know that I am one of your company's shareholders. Your parents know me well, so I guess you should get to know with my son, too," muling usal ni Madame. Pero, sandali!! Mukhang masama ang binabalak niya, ha. Iyan yata ang dahilan kung bakit pinapunta nila ako rito. Gusto nila akong iset-up sa anak niya o sa kahit sinong anak nila na lalaki. Aba ay magaling!

"Ano pong pangalan ng anak ni'yo?" aayaw pa ba ako sa plano nila? Mukhang maganda naman ang lahi ni Madame, eh. Joke, gusto ko lang talagang malaman ang pangalan niya, wala naman mali roon.

"He's John Jervin Chua, I think you have the same age and you will surely enjoy each other's company," ang laki talaga ng ngiti ni Madame pati na rin ang iba pa. Bet na bet talaga nilang iset-up kami.

Para saan ba ito? Project nila?

O baka naman may naluluging kompanya at plano nilang ipakasal kami para magmerge iyong company namin?

O trip lang talaga nila ito?

O baka naman sila si kupido?

Wow, ang lawak ng imahinasyon!

"Good evening, people!" lahat yata kami ay nilingon siya. Oy, grabe, bumagsak ang self confidence ko nang makita si Charmagne. Ang ganda mga, Par. Ang sakit-sakit! Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang purple-colored na long gown na talagang fit na fit sa katawan niyang maganda ang kurbahan, pero halatang sa bra kumakapit ang kaniyang dibdib kuno. "Can I borrow this woman for the meantime? Saglit lang po talaga tsaka kainan na po, kumain na po kayo," puno ng paggalang ang Juding! Sana lagi. Tss.

"Sure, go on," sabi ni Madame at tumango lang iyong iba. "But, Miss Concepcion, I hope you can find time to meet my son," muling usal niya.

"S-Sige po," after ko po siyang i-stalk sa Facebook po, sige po. Hehe. "Oy, sa'n tayo? Kainan na, 'di ba?" tanong ko kay Charmagne habang hila-hila niya ako papunta sa—ewan ko kung saan. Basta, medyo lumalayo kami sa mataong lugar. "Happy Birthday nga pala," binati ko na naman siya, pang fifteen na iyan, at tumango lang siya.

Hindi man lang mag effort sa pagsabi ng thank you! Tss. Matapilok sana siya. Joke! Ang taas kasi ng takong ng kaniyang stiletto.

Nasa may dulo na kami at kukonti na lang iyong mga nandito, pero nakikita ko pa rin naman sina Greg at Anikka na todo na kung magsihalakhakan. Gustong-gusto iyan ni Anikka.

"Maupo ka," utos niya pa. Hindi man lang gentlegay, hinayaan niya lang akong hilahin iyong upuan para makaupo ako. Sinenyasan niya na rin iyong waiter at nagpadala ng pagkain para sa mesa namin. "Never meet that John Jervin Chua," seryosong aniya.

"Bakit?" kyuryos kong tanong. Kung makapagsabi naman kasi ng ng never meet mukhang kilalang-kilala niya na iyong taong iyon.

"He's 100 times as Casanova as Marcus, Ara," sagot niya at natahimik naman ako. Wala akong ma-isagot! "Hindi ko alam kung anong nakita ng Nanay niya para ikaw 'yong mapansin niya ngayon, siguro she thought you have the capacity to change his son," dagdag niya. "She has been doing that, Ara. Naghahanap siya ng babaeng magiging katapat ng anak niya, pero anong ginagawa ni Jervin? Sinasaktan niya lang 'yong mga babaeng siniset-up ng Mommy niya. Nakakashuta, 'di ba?" napahawak pa siya sa noo niya na animo'y na-stress talaga siya sa sinabi niya.

Pero, sa totoo lang, natatakot na akong makita iyong anak ni Mrs. Chua kasi paano kung saktan niya lang ako? Oh, edi double killed si Ara. Hindi pa nga totally nawawala ang sakit na ibinigay ni Marcus, tapos iba na naman ang mananakit sa akin? Hoy, isang malutong na sh*t, anong akala nila sa akin walang nararamdaman?

Okay. Tama na. Kakalma na muna ako.

"Salamat, ha, ininform mo 'ko agad," nakangiting sabi ko sabay sumubo na rin ang Ate ninyo dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Mabuti na lang talaga at nabusog na kanina ang mga mata ko kaya tiyan naman muna ngayon. Hehe.

"Gusto ko kasing huwag ka munang maging tanga ulit," hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar sa kaniya dahil kung makatingin siya sa akin ay para bang ako ang pinakatangang tao three months ago, pero imbis na sumagot ay kumain na lang ako.

"Oy, date?" lilitaw na nga lang itong si Chandra ay iyan pa ang  pangbungad niya. Inirapan ko na lang siya na siya ring ginawa niya pabalik. Bakit ba ang tataray naming magkakaibigian?

"Akin ka lang, Mars, 'di ba?" umakbay pa si Clara sa kaniya at ang Juding ay tumango lang. Sa totoo lang, pakiramdam ko mas close silang dalawa, nagsimula iyan nang maging trainer ni Clara si Charmagne sa pageant sa school at nasundan pa nang nasundan kaya kapag niloloko siya ni Clara ay nakiki-ride na rin ang Juding. "Paano ba 'yan, Arabells, talo kita," at iyan naman ang kinaiinisan ko sa kaniya, sinasali niya ako sa kalokohan niya!

"Mukha mo, mas maganda ka lang ng konti sa'kin," sagot ko at tinawanan nila ako sabay napapatango. Great!!

"Talo na nga kita sa ganda, talo pa kita sa puso ni Charmagne," para talagang sira itong si Clara. Ewan ko ba kung saan niya nakukuha iyang mga pinagsasabi niya!

"Pero, Mars, paano ba 'yan mas talo naman kita sa ganda," nakangising sabi ni Charmagne at nagsitawanan naman kami. Sad truth para sa aming lahat! Kaiyak.

Nagkwentuhan pa kami, naghalakhakan, nagsiraan, nag-asaran at suki talaga ako riyan sa pang-aasar nila. Konti na lang ay ma-i-immune na ako at sa susunod ay hindi na talaga ako maaasar. Sana lang talaga!

"Charles," natahimik kaming lahat nang dumating ang isang taong hindi ko inaasahan na nandirito ngayon.

"Jake?" gulat talagang tanong ni Charmagne. Well, lahat yata kami ay nagulat ngayon. "As'in Jake Dave Chua?" muling tanong niya at nakangiting tumango iyong lalaking nakasama ko sa City Mall na friend ni Clara at sinabi niya na JD ang pangalan niya, siguro dahil Jake Dave ang buo niyang pangalan.

Hmm. Ibig sabihin ang taong binilhan namin ng regalo ay iisa? Bakit kaya wala man lang siyang reaksyon nang sabihin kong si Charmagne ang may birthday kung gayong kilala niya ito? Isang malaking palaisipan!

"B-Ba't ka nandito?" hindi ko maintindihan ang kinang sa mga mata ni Charmagne at ang kakaibang ngiti sa labi niya. Weird talaga.

"Of course, it's your day," nakangiti namang sagot niya. "I'm sorry if I didn't attend in all your birthdays before, Charles, ngayong buwan lang din kasi ako nakabalik ng Pinas," aniya. Wait, so, matagal na silang close?

"Okay lang, masaya akong nakita kita ulit," sobrang weird talaga. Parang kakaiba ang nakaraang meron sila. Kakaibang Charmagne ang nakikita ko ngayon. Tila ba parang ang saya-saya niya. Ngayon ko lang nasilayan ang ngiti niyang ganiyan kaganda habang kaharap si JD.

"Hi, Clara," nang makita niya si Clara ay binati niya ito dahilan para magtaka naman ang Juding. "She's my special friend, Charles," aniya at alam kong pilit ang tango ni Charmagne.

Kakaiba na talaga ang nararamdaman ko. Hindi ako tsismosa, pero parang gusto kong maging tsismosa ngayon lang!

Nang makita niya ako ay bahagya siyang yumuko at ganoon na lang din ang ginawa ko. Korean kami kaya ganoon kami kung bumati. Charot, feeler. "It's nice to see you again, Ara," nakangiting sabi niya.

"I-It's nice to see you again," nagdalawang-isip talaga ako kung sasabihin ko ba iyon dahil nakataas ang kilay ni Charmagne nang magkatinginan kami!

"Tara, Jake, puntahan natin si Mommy, miss ka na no'n," hindi man lang nagpaalam sa amin si Charmagne at agad niya ng hinila si JD.

"As if si Mommy," bulong ni Chandra, pero narinig naman namin.

Hala, anong meron??

"I don't know what kind of past Charmagne and JD have. All I know is that they're good friends, but I find them so strange tonight," usal naman ni Clara.

"First real love siya ni Kuya," lieral na nanlaki ang mga mata namin Clara. Nakakagulat naman kasi kahit alam ko namang may posibilidad na ganoon ang nangyari sa nakaraan nila. "Kaya lang, nang malaman niyang may feelings si Kuya sa kaniya ay ayon, nawala na lang bigla," mukhang hindi yata gusto ni Chandra si JD dahil inis na inis ang itsura niya. Pero, base naman sa sinabi niya ay sinong kapatid ang magiging masaya na iniwan ang Kuya niya, hindi ba?

Natahimik na lang kami ni Clara habang pinagmamasdan sila kasama ang parents ni Charmagne.

Saka ako napailing na lang bigla. Naalala ko iyong unang beses kong nakita ang litrato niya sa wallet ni Chandra ay gwapong-gwapo talaga ako sa kaniya. Pero, nang makita ko siya personally saka ko nasabi na, wala na, bakla na talaga ito hanggang dulo at lalo na ngayon na nalaman kung lalaki ang first love niya. Wala na talagang pag-asa na mahulog siya sa babae.

Sayang ka Charles 'Charmagne' Fuentes. Sayang ang lahi mo. Charot!