Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 16 - SSTGB 15 : HAPPY PILL

Chapter 16 - SSTGB 15 : HAPPY PILL

CHARMAGNE'S POV

Hindi ko napigilang matawa nang makita si Ara na nakaupo sa gilid ng gate ng village habang nakatulala. Siguro kung may lata sa harapan niya kanina pa iyon nalagyan ng barya. Kawawang Kilatra.

"Ba't ang tagal mo?" iyan agad ang tanong niya nang makita ako, pero hindi man lang siya tumayo. Bet na bet ang pag-upo niya riyan. "Sabi mo pa hintayin kita sa may gate, tapos ako pala 'tong pinag-hintay mo," pagrereklamo pa niya. Siya na nga itong humihingi ng tulong, siya pa ang may maraming kuda. My God!

"Baka inutusan mo pa 'kong bumili ng sandamakmak na fries!" sagot ko naman at naupo na rin ako sa tabi niya. Sasabay na ako sa trip niya kahit mukha kaming tanga rito—oops, tanga na pala iyong katabi ko, matagal na. "Oh, ano? Crayola na," pagbibiro ko pa, pero ang Kilatra ngumiti lang. Ganito pala siya kapag brokenhearted mas nagiging tanga.

"Tapos na 'kong umiyak," ay, napataas naman ang kilay ko. Noong wala pala ako, umiyak na siya. So, anong role ko ngayon? Akala ko kanina need niya ng taga-comfort, pero mukhang okay na naman siya. "Umiyak ako kanina sa taxi," muling usal niya. Ang taxi driver pala ang nag-comfort sa Kilatra! Ibang klase ito.

"Mabuti naman at hindi narindi 'yong driver," natatawang sabi ko at natawa rin siya, it means narindi iyong driver. Sino bang hindi? Eh, kung umiyak ito parang sanggol na nauuhaw, pero pinakain ng Nanay kaya mas lalong ngumawa. Oo, ganiyan si Ara. Trivia rin iyan.

"Muntik na nga akong pababain, pero sabi ko, sige, Manong, kapag pinababa mo 'ko ay sa gitna ako ng daan iiyak, kaya ayon hinayaan na lang ako baka raw kasi masagasaan pa ako sa kagagahang naisip ko. Akalain mo 'yon may concern pa rin pala sa akin sa mundong ito," aniya and I was like, anong nakain nito at ang drama ng sinasabi? But then, I remembered her heart is bleeding kasi. . .never mind, you guys knew it already.

"Meron naman talaga. Sasamahan ba kita kung wala?" nakakunot ang noo niya nang lingunin ako. Don't tell me hindi niya gets? Diyos ko! Bigyan pa po ninyo ako ng mahabang pasensya.

"Concern ka sa'kin?" itinuro niya pa iyong sarili niya at napailing na lang ako. "Totoo?" konti na lang masasabunutan ko na ito.

"Oo nga! We're friends, and therefore, I care for you. Gets na, Kilatra? Ang hina ng understanding nito," asar ko pang sabi at ang baliw nakangiti akong pinalo sa braso. Anong drama? Shonga rin.

"Care daw, kanina pa nga ako kinakagat ng lamok, eh. Ba't ba kasi nandito tayo sa labas?" ay, hindi ko man lang napansin kanina pa siya napapakamot sa braso niya baka akalain nito hindi ako gentlegay.

Tumayo ako at ganoon din ang kaniyang ginawa. "Hinintay lang naman kasi kitang tumayo kaya lang ay bet mong maupo riyan, ewan ko ba sa trip mo," pagrereklamo ko na naman at ang Ara ay pangiti-ngiti lang, akala mo hindi sugatan ang puso. Plastik din.

"Good evening, Ma'am," bati pa ni Manong Tido, guard dito sa village.

"Ma'am?"

"Oh, aangal?" umiling naman agad si Ara. Mabuti naman para walang maiiwan sa labas.

"Ang gaganda ng bahay rito," wala siyang ibang bukambibig kung hindi iyan habang naglalakad kami papunta sa bahay ko. Actually, malayo-layo pa talaga ang lalakarin namin at meron naman akong kotseng nakapark doon banda sa may guard house, pero mas ginusto kong maglakad kami para mapagod si Ara, para balance. Pagod ang emotional aspect, pagod na rin ang physical. Cheka lang, ang bruhilda ko na. Gusto ko lang talagang aliwin muna si Ara dahil paniguradong madadrama siya mamaya.

"Pagod na pagod?" tanong ko nang hinihingal talaga siya nang makarating kami. Paano ba naman kasi ay may nakasalubong kaming aso at hindi ko naman alam na may phobia pala siya dahil kinagat na siya ng aso noon. Kaya pala todo takbo ang Ate ninyo kahit hindi naman siya hinabol ng aso, tumahol lang talaga dahil hindi siya kilala. Kaya ayan, kakatakbo niya ay lumampas na siya sa bahay ko. Ang ending, pagod na pagod.

"Hindi na ako babalik rito," sabi pa niya saka niya tuluyang ibinagsak ang sarili sa sofa habang lafang pa rin nang lafang ng bitbit niyang fries. Hindi man lang nag-aya, siya na iyong nag-utos tapos hindi pa nagbayad tapos siya lang iyong nakinabang. Great, Ara, the great stupi—cheka lang! Lab-lab ko iyan si Ara.

"Inom ka muna," nilagok niya naman agad ang ibinigay kong tubig. "So, ano na? Any words to say nang maibsan 'yang nararamdaman mo," ako na iyong nag-initiate na pag-usapan iyan para makapagpahinga na siya. Masyado siyang napagod ngayon.

"Ba't 'di mo sinabi sa'kin agad na niloloko lang ako ni Marcus?" sa totoo lang, medyo na shock ang Ate ninyo sa tanong niya. Akala ko kasi sasabihin niya, 'bwesit na Marcus, ginawa niya akong tanga! Ang kapal ng mukha akala mo kung sinong gwapo, eh talaga namang gwapo siya', ganern, pero iba pala, ako pala ang ideya sa opening statement!

"To tell you honestly, I've been planning to tell you about it, pero inisip ko kasi na it's Marcus's responsibility to tell you na he really doesn't like you and he's just doing it for the slot. Tama naman ang naisip ko, 'di ba? Kasi para sa'kin oo," sagot ko naman.

"Tama ka naman," aba ay may pagsang-ayon! Magaling. "Pero, kasi, ang tagal kong nalaman, eh. One month, Charmagne, isang buwan akong naloko! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng iba? Parents ko, mga kuya ko, best friends ko? Na ang tanga ko, gano'n?"

"Diyos ko naman, Ara, kailan ka ba hindi naging tanga? Kung hindi ka lang naman ipinanganak na maganda, eh wala ka ng maipagmamalaki," ang sama ng tingin niya sa akin kaya agad akong bumawi. Hinaplos ko iyong buhok niya habang pilit akong ngumiti. "Cheka lang, Kilatra. Wit (huwag) mo ng isipin ang say ng iba, ang importante, eh, hindi ka na tanga, 'di ba?" ayan, bawi tayo agad!

Bahagya niyang pinalo iyong kamay ko kaya napatigil ako kakahaplos ng buhok niya. In fairness, ang shiny, shimmery, splendy—ay wala pa lang ganoon. Pero, seryoso, blessed siya sa buhok, hindi nga lang sa pag-ibig, so ano pang kweta ng buhay niya, hindi ba? Cheka lang!! Napakaimportante ng buhay ni Ara, sobra!

"Pero, 'di ba sabi mo gusto mo siya? Alam ba niya?" sinasabi ko na nga ba, itatanong niya iyan.

"Hindi 'yon totoo. Sinabi ko lang 'yon para kapag hinaharot ko si Marcus ay bibigyan mo ng ibang meaning, tapos magagalit ka sa kaniya, tapos iiwan mo na siya. Hindi ka na masasaktan nang sobra. Kaya lang masyado mo siyang mahal, ang malas mo, kaya ayan, brokenhearted ka," napayuko naman siya agad. Nako, baka iiyak na naman ito, eh. Super duper kawawa na talaga.

"Ang malas ko talaga, pero last na 'yon, tapos. . ." bumuntong-hininga siya at tumingin sa kung saan.

"Tapos ano? Last pa isa?" nakataas ang isang kilay ko nang itanong iyan. Kasi naman, Diyos ko, bakit ba ganito siya? Tsk! Pakibuksan nga iyong utak at puso nito mukhang puro si Marcus ang laman!

". . .hindi na ako iibig," napanganga ang Ate ninyo sa sinabi niya. Magpapaparty na ba ako?

"Talaga lang, ha. Si Ara hindi na kailanman magiging marupok? Sus, sinong niloko mo, sarili mo?"

"Hindi pa kasi ako tapos. Hindi na ako iibig. . .ng lalaki."

"Ano? Babae na?" nakangiting umiling ang Kilatra kaya agad ko siyang itinulak. "Hoy, lumayas ka ngayon na!" nandidiri kong sabi, pero tawa lang siya nang tawa. Shuta na des!

"Shonga, Juding!" natatawa pang sigaw niya sa akin. Sabunutan ko kaya ito? Hmm. "Exempted ka naman," aaminin ko, nakahinga ako nang maluwag. Shuta! "Pero, kung gusto mo, okay lang naman sa akin—"

"SUSHMITA SEN! UMALIS KANG BRUHA KA! NANDIDIRI AKO SA'YO!" mas lalo kong inilayo ang sarili ko kay Ara. Diyos ko! Patigilin niyo siya sa pangtitrip sa akin dahil hindi na ako natutuwa! Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya!

"HAHAHAHA! MUKHA MO! HINDI AKO AALIS SA BAHAY MO!" sigaw rin niya habang tawang-tawa talaga. Uupakan ko na ito! Isa na lang!

"Buhay ko?" pasensya, nabingi ng konti, eh. Hindi ko masyadong narinig kakatawa niya.

"Bahay kasi 'yon, feeler. Bet na bet manatili ako sa 'buhay' niya," at may pag diin ang loka! Tinatanong ko lang naman, feeler din! "Pero, Juding, seryoso," napaayos pa siya ng upo saka niya ako seryosong tiningnan. "Kapag nahulog ako sa'yo, saluhin mo naman ako—aray!" mahina ko lang namang hinila iyong buhok niya. Kung ano-anong kabwesitan ang lumalabas sa bibig niya!! "Binibiro ka lang naman! Mapanakit ka, ha," pagrereklamo pa niya.

"Eh, kasi, you and those nonsense sh*ts coming out through your mouth are curses," sinamaan ko pa siya ng tingin habang sinasabi iyon.

"So, sinasabi mong isa akong sumpa? Sumpalin kaya kita."

"Ha-ha, walley!"

"Tche! At least, maganda."

"Tanga naman."

"Pero, nagising na at natuto na."

Napatigil ako at hindi ko namalayang napangiti na lang ako bigla. Ngayon ko lang napagtanto na instead of crying to death over the heartache Marcus gave, ito si Ara at nakikipagharutan sa akin, not the harot with feelings, pero iyong harutang magkaibigan and I think this is better.

"Tulala? Gandang-ganda sa akin?" malaki talaga ang ngiti sa mukha niya nang itanong iyan.

"Alam naman nating lahat na mas maganda ako, Ara," sagot ko naman at tawa lang iyong sinukli niya.

Habang tumatakbo ang oras ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magchikahan, mag-asaran, magpalamangan at lahat ng mag. But one thing I'm really grateful for tonight is that. . .Ara's happiness is genuine despite of being so down inside.

"Daddy!" sabay kaming natahimik ni Ara nang may batang babae ang sumigaw sa labas.

Dali-dali na naman akong tumayo at nandito na nga si Ynna, my happy pill, kasama ang yaya niya.

"Bakit late ka ng umuwi?" tanong ko at agad naman siyang nagpakarga. Diyos ko! Ang bigat-bigat na niya, pero keri lang, tiis ganda.

"I'd strolled in the mall for the meantime!" sagot naman niya.

"Trip mo lang?" tanong ko ulit at sampung tango ang ginawa niya. Cheka lang!

"Yes, Daddy!"

"D-Daddy?" nilingon ko si Ara na talagang nagtataka sa nasilayan niya. "T-Tatay ka na?" muli niyang tanong at ngumiti lang ako.

My secret is no longer a secret. May iba na namang nakaalam.