Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 5 - SSTGB 4 : STUPIDITY BECAUSE OF LOVE

Chapter 5 - SSTGB 4 : STUPIDITY BECAUSE OF LOVE

Sikat na sikat ang pangalang Charles Fuentes sa eskwelahan ngayon. Kaliwa't kanan ay siya ang usapan ng lahat. Paano ba naman kasi ay hindi nila alam na isa siyang bakla. Ang alam nila ay isa siyang napakagwapong nilalang dahil alam ng lahat na gwapo talaga ang mga Fuentes. Pero, tingnan na lang natin kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo niyang pagkatao. Dito na kasi siya mag-aaral dahil hindi ko alam. Hindi ko pa naitatanong kay Chandra dahil wala pa siya.

"Para kang tanga, Arabells, kanina ka pa nakangisi," inirapan pa ako ni Clara matapos sabihin 'yan. Hindi ko na lang siya sinagot at ipinagpatuloy ang pagbabantay ng pagdating ni Marcus. Nasa labas kami ngayon ng classroom, nakatambay. Maaga kasi kaming pumasok dahil akala namin may klase kami ng 7 AM, 'yon pala 9 AM pa first subject namin. Hindi naman kasi kami na inform na nag change sched pala. Hindi rin kami nagbasa ng updates sa fb page ng school kaya ayan, muntanga kami rito.

"Hoy, umiyak ka ba?" napatingin ako agad kay Chandra na kakarating lang, pero pinalo na ang braso ni Anika na kanina pa mukhang bangkay dahil hindi kumikibo. Sus, broken hearted kasi.

"Hindi, singkit lang ako," sagot naman ni Anika. Nakakainis kapag 'yong mga taong ayaw sa joke ay nagjojoke kasi para silang tanga kapag ginagawa 'yon. Iyon bang imbis matawa ka ay mapapairap ka na lang.

"Huwag mo nga akong binobobo, Anika. Ba't ka umiyak?" muling tanong ni Chandra. Kami naman ni Clara ay tahimik lang. Wala rin siyang alam, pero dahil hindi siya tsismosa ngayon ay hindi siya nagtatanong.

"Si Greg..." agad siyang napatingin sa itaas para hindi tumulo 'yong mga luha niya. Sayang naman, gusto ko pa naman siyang makitang umiyak dahil sa isang lalaki. Dati kasi iiyak lang siya kapag may isa siyang mali sa exams or quizes, "...magpapari na siya," muling usal niya na nananatiling nasa itaas 'yong tingin.

Naalala ko na lang bigla 'yong pag-uusap namin ni Charles—este Charmagne, 'yan daw 'yong ginagamit niyang pangalan. Basta, naalala ko sabi niya kagabi na ikinikwento raw ako ni Greg sa kaniya at wala akong ninakaw. Thank, God! Iyon na nga, no'ng nagmomove on pala itong si Greg ay si Charmagne 'yong nakakausap niya kaya nakilala ako ni Bakla. Ang sabi pa niya kagabi...

"Kaya naman pala crayola to the highest level ang Greg kasi shutiful ka naman pala."

(Trans: Crayola - umiyak; shutiful - maganda.)

...oh, 'di ba, sinong hindi matutuwa riyan? Charot! Pero, ang point ko ay nakakakonsensya pala. Pakiramdam ko sumikip 'yong dibdib ko nang malaman na nasaktan ko pala talaga si Greg.

"Okay lang 'yan," nagbalik ako sa katotohanan nang magsalita si Chandra, "nagulat nga kami nang malaman namin kagabi, eh. Pero, gusto niya talagang magpari. Suportahan mo na lang siya, Niks, then move on," napatango naman kaming dalawa ni Clara.

"Palibhasa hindi ikaw 'yong may gusto sa kaniya!" sigaw pa niya na nangingilid na talaga 'yong luha.

"Iw, incest naman kung ako 'yong may gusto sa kaniya," sagot ni Chandra kaya bahagya akong natawa. May utak din pala 'to.

"Sabagay," ngumiti nang pilit si Anika saka napabuntong-hininga,­ "longtime crush no more, hello moving on," usal niya. Lumapit na lang kami sa kaniya at saka namin siya niyakap. Nakakaapekto rin pala sa emotional aspect kahit crush-crush lang, 'no? Lalo na kapag OA ka. Charot! Oy, no hard feelings!

"Kuya!" kumalas kami sa yakapan namin nang magsalita si Chandra. Kinawayan niya ang kuya niyang mas maganda pa sa kaniya. Suot niya ang isang pink dress na talagang fit na fit sa pormado niyang katawan. Nakalugay na naman ang mahaba niyang kulot na buhok at naglagay rin siya ng light makeup, pero sh*t lang dahil natural na talaga 'yong ganda niya. Pasalamat siya dahil pwedeng ganiyan 'yong ayos niya rito. Okay lang naman kasi sa school namin ang magcross dress kaya minsan mas maganda pa sa'min ang mga bakla at mas pogi pa sa mga heartthrobs kuno rito ang mga tomboy.

Pero, sana naging bakla na lang din ako baka sakaling ganiyan din ako kaganda gaya niya. Baka sakaling habulin na rin ako ni Marcus.

"Sisteret!" nakangiti rin siya nang kumaway sa kapatid niya saka ito lumapit sa'min. Mas lalong umingay ang mga estudyanteng kanina pa nag-aabang sa kaniya. Halatang nadismaya sila nang makita si Charles Fuentes. Condolence, Girls. "Hindi ko mahanap ang room ko, sa'n ba 'to?" tanong niya at ipinakita sa'min ang kaniyang form kung saan nakalagay ang kaniyang room number.

Room 219, Engineering building. Ibig sabihin magkaklase sila ni Marcus. And speaking of him, papalapit na siya rito bitbit ang isang bouquet of red roses. Nagningning ang mga mata ko nang nakangiti niya 'yong ibinigay sa'kin.

"Pahawak muna, Ara, ha. Ayusin ko lang 'yong buhok ko," pakiramdam ko gusto kong maiyak nang sabihin niya 'yon. Ang tatlo naman ay agad napailing at nang magtama 'yong mga mata namin ni Charmagne ay parang nalulungkot din siya kahit wala naman siyang alam sa nararamdaman ko para kay Marcus. "Thank you, Ara," muli niyang kinuha 'yong bulaklak at naglakad papalapit kay Eunice, siya pala 'yong third year na nililigawan niya. Maganda siya, mabait, matalino, at kahanga-hangang President ng Student Council. So, anong laban ko? Isa lang naman akong Ara Cee Concepcion, maganda, maganda, mayaman, mayaman, maganda, at mayaman lang.

Ang kaninang mga kababaihan na pinagtsitsismisan si Charmagne ay napunta na ang atensyon kina Marcus at Eunice. Hawak ni Marcus ang kamay nito at hindi naman maipagkakailang kininilig si Eunice. Si Marcus lang naman kasi ang number one sa listahan ng mga heartthrobs sa school. Syempre gwapo siya, laging MVP sa soccer, magaling sumayaw at kumanta, matalino rin siya, kaya lang ay may isang kulang sa kaniya para maging totally perfect na siya-ako. Ako 'yong kulang.

"Durog na naman?" nakataas ang kilay ni Anika nang itanong 'yan sa'kin, pero hindi ako sumagot, nanatili akong nakasimangot.

"You chose that guy over Greg?" nilingon namin si Charmagne nang magsalita siya. "He's the guy that Greg said you like since then. The guy who never acknowledge your feelings. You picked the stone and throw the diamond," hindi ako nakasagot dahil alam kung tama siya. But, that stone is so damn special for me, "Girl, are you literally blind or you've been blinded by the thought that soon, he'll see your worth?" pati siya ay nakataas din ang kilay sa'kin, "I'm telling you, Ara, stop being a fool. That kind of guy doesn't deserve you and will never deserve you. I'm an expert, so believe in me. Forget your feelings for him kung gusto mong makita 'yong taong karapdapat sa'yo," tinapik niya 'yong balikat ko at saka siya pakembot-kembot na umalis at hindi pa rin ako nakapagsalita. Pakiramdam ko naubos ang mga salitang alam ko. Umuurong 'yong dila ko at gusto kong umiyak. Tsk, ka-oa'han level 101, Ara!

"Sana naintindihan mo 'yong sinabi ni Charmagne," biglang usal ni Clara kaya naagaw niya 'yong atensyon ko. "Hindi ka naman bobo sa English gaya ni Chandra, 'di ba?" tanong niya kaya hindi ko naiwasang matawa. G*ga 'to!

"Inaamin ko na 50% sa sinabi ng Kuya ay 'di ko gets, pero alam kung maganda 'yong punto niya," taas-noong sabi naman ni Chandra.

"50% talaga? Baka naman mas mababa pa riyan," sagot ko kaya agad siyang napairap.

"Kidding aside," nagulat naman kami sa seryosong boses ni Anika, "sana nagising ka, Ara. Widen your eyes, you don't deserve to be hurt like this. I know that behind your smile, your heart is weeping," dagdag pa niya kaya agad kong iniwas 'yong paningin ko. She really knows me, she is really my best friend.

"Tama na english, please," natawa na lang ako kay Chandra habang maluha-luha 'yong mga mata.

Isa na lang. Isang beses na masaktan ako ulit dahil kay Marcus magmamadre na ako. Charot! Susubukan ko nang kalimutan 'yong undying feelings ko para sa kaniya. Kung ganito na pala ang level ng katangahan ko, edi isasagad ko muna. Charot ulit! Basta, susubukan ko. Hindi kaya gano'n kadali na kalimutan ang isang Marcus Natividad, my Knight in Shining Armor, who is now becoming the person making me a stupid sh*t.