Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 10 - SSTGB 9 : OWNED BY NO ONE

Chapter 10 - SSTGB 9 : OWNED BY NO ONE

Lumipas ang napakaraming araw at...sh*t! Oo, mapapamura ka na lang talaga. Hindi ko alam kung paanong naging super close, as'in dikit na dikit, itong si Marcus at Charmagne. Grabe talaga! Isang buong Linggo na wala akong ibang naririnig na hot issue sa school kung hindi sila!

Minsan naaasar ako, minsan nawiwirdohan at madalas nasasaktan. Bwesit! Bakit ang hirap mag move on?!

"Arabells!" bahagya akong siniko ni Anika at agad ko naman siyang pinansin. Kanina niya pa kasi ako tinatawag, pero trip ko lang mag bingi-bingihan.

"Bakit?" tanong ko nang hindi man lang inaalis ang tingin sa dalawang taong masayang nagkikwentuhan. I've never seen Marcus laughs so hard, ngayon lang. Halata ring wala siyang pake na pinagtitinginan sila ng halos lahat ng tao rito sa gymnasium at kung anu-anong kash*tan ang pinagsasabi.

"Selos na selos?" muling tanong ni Anika at napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko sinagot si Anika dahil alam kong alam niya na na oo ang sagot ko. Nanatili akong lihim na nakatitig sa dalawa at ilang sandali lang ay pilit pinapatayo ni Charmagne si Marcus, pero lagi siyang umaayaw. Napatingin sa akin si Charmagne at saka ito napailing.

"Mukhang gusto ni Charmagne na magkaayos kayo, ha," daldal ni Anika. Chares! Hayaan na, minsan na nga lang ito dumaldal sa tao, eh, madalas kasi libro ang kausap niya. "Hala! Baka maging bridge niyo siya at ang ending, kayong dalawa 'yong magkatuluyan-"

Napatigil siya nang namimilog talaga iyong mga mata ko nang tiningnan ko siya. "Mas gugustuhin ko na lang na tahimik ka, Anika, kaysa dumada ka tapos wala namang kwenta! Nakakadiri ang imahenasyon mo!" may halong inis kong sabi at tinarayan niya lang ako. Sa dinami-rami ba naman kasi ng dapat niyang i-imagine ay iyan pa!

Sorry not sorry, pero gusto ko iyong mga Juding dahil nakakatawa sila, pero iyong magustuhan in a romantic way, never! Hindi sa nandidiri ako, pero ganoon na nga. Charot! Pero, siguro hindi ako iyong babae na na-a-attract sa bakla. Nagagwapohan ako sa iba, pero hanggang appreciation lang talaga. The end!

"Hi!" sabay namin siyang nilingon ni Anika at ang laki talaga ng ngiti niya. Tsk! Super ganda niya talaga. Kung hindi mo lang maririnig iyong boses niyang mahinhin, pero pilit naman ay hindi mo masasabing bakla siya. "Kamusta na, Kilatra?" naupo siya sa tabi ko at bahagya akong umusog. Ayoko ngang magkadikit kami. Trip ko lang.

"Okay lang. Pilit na nagmo-move on," wala ako sa sarili nang sabihin ang huling linyang binitawan ko. Paano ba naman kasi ay nakikita ko lang naman ang tikling na Alex na ang laki ng ngisi habang papalapit sa pwesto namin.

"Kaya mo 'yan, Ara," usal pa ni Juding, pero hindi ko na siya kinibo at agad akong napatayo nang huminto sa may gilid namin si Alex.

"Hi, Ara!" halata talaga sa boses niya na may kabwesitan na naman siyang gagawin. Oo, thankful ako na sinabi niya sa akin ang tungkol kay Marcus, pero hindi ibig sabihin na hindi na kukulo ang dugo ko sa kaniya. Ewan ko ba, bakit may ganito talaga, ano? Iyong may tao talagang kahit walang ginagawa sa iyo ay kumukulo pa rin iyong dugo mo at gusto mo na lang talaga siyang sapakin. Tsk.

"Hoy, ikaw na ting-ting ka, shuta ka talaga, eh, no?" napatingin kami kay Charmagne nang sabihin iyan habang ang kaliwa niyang kilay ay malapit nang pumantay sa hair line niya. Charot, OA lang. "Akala mo forgotten ko na na may atraso ka? Never! So, the who ang nagsabi sa'yo na ichika sa Kilatrang ito na beki ang Marcus?" aniya at si Alex naman ay mas lalo lang ngumiti.

"Wala. Gusto ko lang sabihin. Bakit? Totoo naman, ha," mataray niyang sagot. Napasinghal si Charmagne na animo'y siya iyong nasasaktan at galit na galit sa ginawa ni Alex.

"Oo nga, pero dapat hinintay mo si Marcus na siya 'yong mag chika kay Ara tungkol sa kung ano siya. Hindi mo ba noselift ang salitang 'privacy', Madame? Ako'y naloloka sa'yo!" napahawak pa si Charmagne sa noo niya at ito namang si Alex ay todo irap lang.

"Tama si Charmagne, pero tama rin si Alex-"

"Ano ba talaga?" sabay pa na tanong ng tatlo. Wow, sinong mag-aakala na pareho ang takbo ng utak nila? Isn't it amazing? Hindi naman sila friends, pero may unity na nangyari!

"Pareho silang tama," muling usal ko. "At pareho rin silang mali. Tama si Alex na sabihin iyon sa akin, kaya lang mali siya dahil hindi man lang siya humingi ng permiso kay Marcus na sabihin 'yon. Tama naman si Charmagne na dapat 'di 'yon sinabi sa akin agad ni Alex, pero mali rin siya dahil balak niyang patagalin pa ang pag-amin ni Marcus. The end, period, tapos ang usapan!" lahat sila napatango at ako naman ay parang bilib na bilib sa sarili ko na para bang ang laki ng achievement na nagawa ko. Sh*t, kailan pa ako naging timang? Tsk!

"Pero, Ara, curios lang ako," seryoso akong napatingin kay Alex. Kailan pa kaya siya hindi naging curious lalo na pagdating sa akin? Minsan naiisip ko na lang baka trip ako nito. Pwe! Kadiri! "How does it feel to love someone who has been keeping that he's gay?" aniya.

Tumikhim ako at kinuha iyong kanang kamay niya saka ko iyon itinaas at ginawang mikropono. "Thank you for your wonderful question, Ma'am. First of all, I would like to extend my utmost gratitude to all my loved ones who have been so supportive in everything I do," nakakunot ang noo ni Alex. Si Chamagne ay kanina pa humahagikgik at si Anika naman ay mukhang inoobserbahan ang grammar ko. Tss! "Let's go back to your question. Knowing that Marcus is gay makes me feel betrayed. I've loved him from the bottom of my heart. My feelings were sincere, but what did he do? He lied-" napatigil ako sa pagsasalita nang agawin niya iyong kamay niya. Bastos, tsk! Hindi man lang ako pianatapos sa explanation ko.

"So? Still love him?" muli niyang tanong.

"Bakit ba curious ka? May gusto ka ba kay Marcus o kay Ara?" biglang tanong ni Charmagne kaya lahat kami nanlaki talaga iyong mga mata. Sh*t! Paano niya iyon natanong nang dire-diretso?!

"None of the above," sagot naman ni Alex at pinasidahan ako ng tingin. Sh*t! Kinilabutan ako. Kainis! "Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ba ang level of katangahan ni Ara," dagdag niya at muling tinaasan ng kilay si Charmagne. Tinaasan ko rin siya ng kilay, syempre, ang kapal ng mukhang sabihin ako ng tanga. Eh, sa aming dalawa mas tanga siya dahil pumatol siya kay Marcus. Tss!

"Tapos? Anong klaseng kasiyahan ba ang maidudulot sa'yo ng sagot ni Ara?" mataray ring tanong ni Charmagne. Hooh! Dito ako pupusta, panalo ito! Paraan pa lang ng pagtatanong malutong na.

"Bakit ba dada ka nang dada? Spokesperson ka ba ni Ara?" sinagot ng tanong ang tanong. The best, Alex! Tsk.

"Bakit hindi mo kayang sagutin 'yong tanong ko?"

"Ano ba 'yong tanong mo?"

"Boplaks! May gusto ka ba kay Ara?"

"Sandali," pumagitna muna ako, "hindi naman 'yan 'yong tanong mo, ha," sabi ko. Syempre, hindi ko gusto iyong bago niyang tanong. Hindi ako komportable roon.

"Nagbago na, Kilatra," aniya at muling binaling kay Alex iyong atensyon niya. Ako naman ay bahagya na lamang napailing. Ano ba kasing basehan niya kung bakit niya tinatanong ng ganiyan si Alex? Nakakaewan!! "Hoy, gusto mo ba si Ara?" muli niyang tanong.

"Gusto mo ba si Ara?" hala, ibinalik iyong tanong. Mukhang nagkakasiraan na ng bait ang mga ito.

Tiningnan ako ng Juding at saka napangiwi. Bwesit! Akala mo kung sinong gwapo kapag lalaki siya. Tss. Oo na, gwapo nga siya. "Pareho kaming babae. Kilabutan ka nga, living ting-ting," maarte niya pang sinapol ang noo niya.

"Tumigil na nga kayo," medyo asar kong sabi. "Ako na ang maghahatol sa walang-kwentang tanungan niyo," napatingin sila sa akin na halatang hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Kayo 'yong may gusto sa isa't isa-"

"SHUTA!" / "WHAT THE HELL?" sabay na sabi ni Charmagne at Alex. Si Anika ay parang mamamatay na kakatawa.

"Gusto kita, Ara!" nanlaki iyong mga mata ko nang sabihin iyan ni Alex. Freaking sh*t! Anong kash*tan ang sinasabi niya?! Kaya ba noong sinabihan niya ako ng bitch nang komrpontahin niya ako sa break-up nila ni Marcus ay kinagabihan todo sorry siya? Hala! Nabaliw na talaga ang babaeng ito.

"Gusto ko rin si Ara," napalingon ako agad sa kaniya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi baka pinagtiripan niya lang ako.

"Marcus," seryoso siyang tinawag ni Charmagne, pero nasa akin pa rin iyong atensyon niya. "Are you out of your mind?" muli niyang usal, pero parang walang pake sa kaniya si Marcus.

"So, stay away from her, Alex, she's mine," kung hindi lang ako nakahawak kay Anika ngayon baka natumba na ako. Nanlambot talaga ang tuhod ko sa sinabing iyon ni Marcus. Ang hirap paniwaalan at ayoko ring paniwalaan. Ano ito, magpapakatanga ako ulit? Hell, never!!

Pero, ano itong ginagawa ko?! Bakit ko inaabot iyong kamay niyang nakalahad sa harapan ko?!

"No. She's owned by no one," at ang nagwagi-ang Juding na si Charmagne. Inilayo niya ako roon habang hawak ang kamay ko. Sh*t, hindi ko inaakala na ganito na pala ako kaganda. Tsk! Ang gulo na tuloy ng buhay ko!