Kasalukuyan kaming nasa mall. Si Clara at Chandra ay busy sa paghahanap ng boylet-diyos ko! Si Anika, syempre andoon, nakaupo habang kaharap ang libro niya. Ewan ko talaga kay Anika, ano? Masyadong book magnet, baka mamaya magkapalit na silang itsura o baka pakasalan niya na iyong mga libro niya. Tsk, hindi yata malabong mangyari iyan.
"Miss, gusto ko ito, ito, ito, iyan, tsaka 'yang isa pa, tsaka ito na rin," actually, kung anu-ano lang iyong itinuro ko. Feel ko lang magturo kahit hindi ko trip iyong itinuro ko. May pera na kasi akong naitabi for shopping kaya uubusin ko na muna ito.
"Meron pa po ba, Ma'am?" tanong sa akin noong Saleslady matapos niyang kunin ang mga itinuro ko.
"Gusto ko rin ito," itinuro ko iyong long gown na kulay peach na kapag isinuot ko ay talagang pormado sa katawan ko at hindi ko iyon bet. Sadyang iyon lang iyong una kong nakita nang muli kong inikot ang mga mata ko.
"At gusto ka na rin ng taong gusto mo."
"FREAKING-" napatigil ako nang makita ang taong bigla na ngang sumulpot, eh, nanggugulat pa! "Ba't ka andito?" tanong ko habang wala na sa kaniya iyong paningin ko.
"Shopping," diretsong sagot niya. Ow, idiot, Ara! Bakit ko siya tinanong ng ganoon? Malamang mag shashopping siya dahil nasa mall siya! My Gosh, ang tanga-tanga talaga! "So, kamusta ang pusong cheesecake nang malaman na gusto ka ng taong gusto mo?" muli ko siyang hinarap at busy na pala siya kakatingin sa mga long gowns dito.
"Masaya na hindi," sagot ko. Naghanap na rin ako ng bet kong gowns kahit kailanman ay hindi ko talaga bet ang gowns. Oh, hindi ba ang hirap kong intindihin?
"Ang hirap mong intindihin, Kilatra," bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang mind reader ang Juding! "Masaya na hindi? At bakit?" ay, oo nga. Ang hirap ngang intindihin ng sinabi ko. Akala ko mind reader siya sadyang naguluhan lang talaga siya sa sagot ko.
"Eh, kasi. . .gusto kong maniwala, pero a part of me doesn't want to," malungkot kong sambit. Bahagya niya namang tinapik ang likuran ko. Pakiramdam ko tuloy nararamdaman din niya ang ka-OA'han ko, charot! Nararamdaman din niya ang nararamdaman kong hindi ko rin maipaliwanag.
"That was so unexpected din naman kasi," aniya at napatango naman ako. "The last time I checked, beki naman ang Marcus, tapos ngayon biglang lumihis ng landas. Bet na ang pechay!" napailing siya matapos sabihin iyon habang ako ay hindi ko na napigilang mapangiti. See? Gusto ko naman pala na gusto ako ni Marcus, ang dami ko pang hanash, eh. Tss.
Hindi na kami muling nag-usap ni Charmagne dahil napadpad na siya sa ibang area nitong clothes shop. Ngayon ay bitbit ko na ang mga pinamili ko at syempre, hirap na hirap ang Ara! Hindi ko mabilang kung ilang paper bags ba ito. Tsaka ang layo ko pa sa tatlo! I tried contacting them, but dedma ang mga Angels! Lagot talaga sila sa akin. Hindi ko sila ililibre, makikita nila!
"Let me help you," kinuha niya ang ilang paper bags na bitbit ko, "sana binili mo na lang lahat ng andoon sa shop, nahiya ka pa, Kilatra," natatawa niyang sabi kaya agad ko siyang inismaran.
"Sa 'yan lang trip kong bilhin, eh," sagot ko habang nag-uumpisa na kaming maglakad. Bahagya akong nakaramdam ng inggit-as'in slight lang talaga-nang halos lahat ng nadaanan namin ni Charmagne ay sa kaniya nakatingin. Paano ba naman kasi para akong personal assistant ng isang sikat na artista ngayon. Si Charmagne, super sexy at ang pretty! Naka casual dress at naka makeup kahit nasa mall lang tapos ako simpleng T-shirt at jeans tapos bumawi lang sa mamahaling sapatos, swak na! Oh, hindi ba, spot the difference!
"ARABELLS!" kumakaway pa ang tatlo nang makita kami at saka nila kami nilapitan.
"Woah! Iyan lang pinamili mo, Arabells? Ang konti lang, ha," kunyari ay seryoso pang sabi ni Chandra. Ito talaga ang una kong hindi ililibre! Mamamatay mga alaga niya sa tiyan mamaya tapos papayat talaga siya, mas payat pa kay Alex-eh, edi bangkay na si Chandra kung ganoon? Tsk! Ililibre ko na lang siya. Pero, speaking of Alex, hindi pa kami nag-uusap simula noong inamin niyang-tsk, alam niyo na!
"Oy, Hi, Cha!" bati naman sa kaniya ni Clara.
"Hi! Ready for tomorrow's event?" tanong ni Charmagne. Siguro iyong foundation day's pageant ang tinutukoy niya. Remember, si Clara ang representative.
"Syempre! Ang dami ko kayang natutunan sa'yo. Thank you ulit!" napataas bahagya ang kilay ko. Wala akong alam diyan, ha. Kaya pala minsan missing in action si Clara kahit wala naman silang practice, may iba pala siyang trainer!
"Buti pa iyong iba tinatanong niya, eh 'yong sariling kapatid 'di man lang kinamusta," pagpaparinig pa ni Chandra kaya ayon nakatanggap ng hampas galing sa Kuya niya.
"Huwag kang OA. Hindi man kita kinakamusta, eh malaki pa rin ang bilib ko sa'yo na mananalo ka," aw, that was sweet! Tsaka halata naman sa itsura ni Chandra na natuwa siya sa sinabi ni Charmagne. "Cheka lang! Lagi ka ngang talo-oh, joke lang!" sayang, may makakatanggap sana ng palo mula sa sampung kilong kamay.
Kung anu-ano lang ang ginawa namin sa mall. Kumain, naglaro, nag-ikot-ikot, nag boy hunting, nagharutan at marami pang iba. Indeed, I can say that this is one of the best moment I've ever experienced! Masaya ako dati na kasama ko ang tatlo, pero mas naging masaya kasi nakasama rin namin si Charmagne. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa.
***
Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama habang nagkalat sa sahig ang mga paper bag. Mamaya ko na iyan aayosin dahil pagod na pagod na talaga ako, pero nagawa ko pa ring buksan ang Facebook ko. Syempre, una kong tiningnan ang messages, minsan wala na akong pake sa friend requests at notifications, wala rin namang kulay pula na agad makakakuha ng atensyon ko-in short zero balance ang friend request at notification.
Syempre, super ingay ng group chat naming mag best friends. What's new? Kakakita lang namin kanina, pero ayan, ang dami na nilang napag-usapan na para bang isang dekada kaming hindi nakapag-usap. Sunod kong binuksan ay kay Charmagne, nagpa-like lang naman siya ng profile picture. Charot! Uso pa rin ba iyan ngayon? Lol. Sabi pala ni Charmagne. . .
'Kilatra! Nagkapalit 'yong binili natin!'
Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at hinanap iyong binili niya kaya mas lalong nagkalat iyong mga pinamili ko. Ilang minuto ang lumipas saka ko iyon nakita. Isang T-shirt na panglalaki! OMG? M-May boyfriend siya? Charot! Wagas kung makatalon into conclusion. Pero, para kanino kaya ito? Gusto ko sanang itanong, pero parang ang tsismosa ko naman, pero sa huli ginawa ko pa rin.
Habang hinihintay ko iyong sagot niya ay binuksan ko naman iyong message ni Alex. Aniya. . .
'Ara, can we talk, please?'
Umu-o na lang ako at sinabing mag-uusap kami bukas, lunch break.
At, ang panghuli, kay Marcus! Kinakabahan ako nang pindutin iyong pangalan niya and at the same time, na-i-excite din.
"Ay, hala, ang haba pala ng sinabi niya," wala sa sariling usal ko nang makita ang mensahe niya. Sabi niya. . .
'Ara, I would like to apologize if ever I made you confused about what I did. Pero, hindi ko napigilan 'yong sarili ko. I know that you knew already about me being gay, but I really like you. Actually, I took my all courage just to say those words at alam kong ang hirap para sa'yo na paniwalaan 'yon, but I just want to be true to you. Okay lang sa'kin na hindi mo na ako gusto, basta hayaan mo lang ako na gustuhin ka.'
"AHHHHHHH!!" talon dito, talon diyan, "OMG! OMG! OMG!" sabunot dito, sabunot diyan. Sorry, sobrang kinikilig lang ako! Grabe, hindi ko alam na ganito ang epekto sa akin ni Marcus! Para akong mababaliw at ang puso ko, Diyos ko, legit na ang lakas at ang bilis ng pintig.
ANG SAYA-SAYA KO!!!
Sinubukan kong tawagan si Marcus dahil online naman siya kaya lang hindi niya sinasagot. Medyo nalungkot ako, pero ano ba, think positive! Baka may ginagawa lang siya, naghuhugas siguro siya ng pinggan, nagwawalis, o baka nagluluto.
At dahil sobrang saya ko, nagkaroon ako ng energy para ayosin iyong mga pinamili ko. Nakangiti lang ako habang ginagawa iyon at kahit katiting na pagod ay hindi ko naramdaman.
CHARMAGNE'S POV
Kanina pa busy si Marcus sa cellphone niya. Mukhang may kachat siya ngayon at seryoso ang usapan nila kaya bet ko tuloy mang-asar. Hihi!
"Oy," kinalabit ko siya at hindi man lang niya ako tiningnan nang mag 'oy' siya pabalik. Sino kayang kachat ng loko ngayon? Hmm. "Sino ba 'yan, ha? Bagong biktima? Hoy, Marcus, noselift na ng all na beki ka, wala ka nang mabibiktimang pechay. . .o baka naman otoko 'yan?" tanong ko pa at shuta, wapakels ang Marcus! Hindi man lang sumagot kahit isang salita lang!
Kinuha ko iyong cellphone niya at agad binasa ang convo nila ng ka-chat niya. "Ano ba, Charles?" inis niyang sabi, pero siya naman iyong dinedma ko.
Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang huli nilang pinag-usapan.
Marcus: Sabay tayong mag lunch?
Ara: Are you asking me to go on a date with you? HAHAHAHA!
Tiningnan ko si Marcus nang masama at saka ako lumabas ng classroom na bitbit pa rin ang cellphone niya.
"CHARLES!" hinahabol niya pa rin ako habang patuloy akong naghahanap ng tagong lugar. "CHARLES!" muli niya akong tinawag at seryoso ko siyang nilingon. "Ano bang trip mo?" asar niya talagang tanong.
"Ikaw? Anong trip mo?" nakangiti kong tanong, pero hindi niya ako sinagot. Ayan, bingi-bingihan na! Tss! "Itigil mo itong ginagawa mo, Marcus," it seems like I am giving him a warning, pero umiling lang siya. "Sige, ako na ang magsasabi kay Ara kung bakit mo 'to ginaga-"
"Huwag!" sigaw niya pa kaya hindi ko napigilang mapasinghal. Holy gosh naman, Marcus, this is super wrong! "Gusto mo bang malaman ni Ara ang totoo? Paano kung magalit siya? Paano kung sugurin niya si Alex? Edi masisira ang imahe niya at mawawala ang bagay na matagal niya nang gustong makuha, Charles!" aniya at napamura na lang ako sa isip ko. Naiintindihan ko iyong punto niya, pero mali talaga, eh.
"Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya 'tong ginagawa mo?" tanong ko at napapikit na lang si Marcus. "Ang dami pang paraan, Marcus, para mapasakanya pa rin 'yong slot. Ara may sometimes be foolish, pero alam kong she'll think twice of her action kapag nalaman niya iyong alam mo," muli kong usal.
"You're wrong," aniya kaya agad kumunot ang noo ko. "Hindi mo kilala si Ara, pero ako, kilala ko na siya. So, you can't do anything to stop me from doing this. Ito lang 'yong nakikita kong paraan para hindi maagaw ni Alex sa kaniya ang slot. I need to let Alex stay away from her!"
Shuta!! Ang dami naman kasing way! Bwesit, matalino nga, bobo naman!! Major turn off!!
"Sige, continue playing the game you started," nakangiti kong sabi. "But, don't ever interfere in the decision I'll make," dagdag ko at halata naman ang pagtataka sa itsura niya.
"Anong ibig mong sabihin?" hindi ko na sinagot ang tanong niyang iyan at ibinigay ko na sa kaniya ang kaniyang cellphone saka ako nag walkout.
I know Marcus's plan is a big failure kaya habang maaga pa mas mabuting umamin na siya kay Ara. Kung hindi ko siya mapapaamin nang ganoon kadali, then I'm willing to make an effort just to let him confess the truth.
If he'll continue playing with her, then I'll start playing with him. Beki versus Beki, pero ang mas magandang beki ang mag-uuwi ng korona! Wala ng iba, kung hindi si Charmagne Fuentes lang.